Siguro naman halos lahat tayo dito ay aware sa bagong trend sa Bitcoin Blockchain network. Maari na kasi gumawa ng NFT sa Bitcoin Blockchain dahil sa Ordinal. Wala pa akong nakikitang topic tungkol dito sa board natin kaya nais ko lang magshare kung paano gumawa ng sariling NFT sa Bitcoin Ordinal.Bago ang lahat ano nga ba ang Ordinal?Ang ordinal ay ang mga serial number na inimprinted sa isang satoshi (1sat) na pinakamababang unit ng Bitcoin. Dahil ordinal ay maari ng mtrack ang bawat isang satoshi dahil sa serial number na naka assign dito at pwede na din mag attach ng mga files kagaya ng mga pictures na karaniwang ginagamit sa NFT.
Maaring halimbawa dito ay ang mga barya natin o 1 peso coin. Walang mga serial number ang mga ito sa ngayon kaya hindi malalaman kung ang hawak mong barya ay pareho o iba na kapag nagcirculate na ito. Ngayon, Imagine nyo na mayroong nag assign sa bawat baryang ito ng serial number. Ito ang ang nangyayari ngayon sa Bitcoin dahil sa Ordinal implementation. May mga serial number na ang bawat isang sat at maari ng madetect kung saan napunta ang dati mong Bitcoin example serial number 07 coins kung sakali man na ipinasa mo ito sa iba. Maari mo itong mabawi kung sakali man na mahanap mo ang owner ng address na kasalukayang may hawak ng coin mo.
Ang pinakaunang satoshi ay may serial number na 1 at ang pinakahuling satoshi ay may serial number na 4,999,999,999.
Maari nyong itrack ang Ordinals data sa explorer na ginawa ni @ddmrddmr
https://dune.com/ddmrddmr/ordinals-dataAno ang Inscriptions?Ito ay ang proseso ng paglalagay ng assets sa sats or yung mga image para maging NFT gamit ang Ordinal protocol na naka depende sa Bitcoin core para sa pag manage ng private key at pagsign ng transaction. Ang kaibahan ng NFT sa ordinal sa normal na NFT ay direkta ito sa blockchain kumpara sa karaniwang NFT na gumagamit ng side chain or ibang token kagaya ng ERC721 para sa ERC20 token.
Paano nga ba gumawa ng Bitcoin NFT?
May dalawang paraan para gumawa ng Bitcoin NFT ito ay ang paggamit ng Sparrow Wallet at Ord Wallet.
Setup guide ng Sparrow Wallet:
https://docs.ordinals.com/guides/collecting/sparrow-wallet.html (Ginagamit lamang ito sa pagreceive ng Ordinals dahil may risk na mawalan ka ng control sa Ordinal mo kapag nagkamali ka)
Setup guide ng Ord Wallet:
https://docs.ordinals.com/guides/inscriptions.html (Ito ang pina officialna paraan na paggawa ng Ordinal pero kailangan mo na idownload ang Bitcoin core data na sobrang laki)
Pagkatapos nyo magsetup ng wallet ay parang normal NFT process nalang ito na kailangan nyong magattach ng files na gusto nyo ilagay sa sats nyo then set transaction fee at hintayin lang mamint yung Ordinal token nyo. Take note lang na sa Bitcoin Ordinals ay sa pamamagitan ng pagsend ng transaction lng nakakagawa ng NFT dahil nilalagyan lang naman ng files yung tokens naisesend or serial number.
Maari nyong makita ang ginawa nyong Ordinal sa
OrdinalViewer.
Saan pwede bumili at magbenta ng Ordinal?Madami ng mga marketplace na available sa internet pero sa palagay ko ay ang
https://ordinals.market/ at
https://magiceden.io/ordinals. Trade at your own risk syempre
Mga reference na ginamit ko: