Author

Topic: Bitcoin Searches Patuloy na Tumataas Sa Kabila ng Pagbaba ng Presyo Nito (Read 155 times)

sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Sa graph na ipinapakita ng trends google, makikita na sa nakaraang 30 days, patuloy ang pagtaas ng bilang ng bitcoin searches sa buong mundo. Direct Link


Nangunguna sa listahan ng mga madalas mag search sa terminong bitcoin ay ang mga bansang:

Code:
RANK COUNTRY
1.      Nigeria
2.      Austria
3.      Switzerland
4.      Ghana
5.      Slovenia
6.      Germany
7.      Netherlands
8.      South Africa
9.      El Salvador
10.     Ireland

At ang ilan pang related na queries:
Code:
RANK QUERIES
1.      bitcoin doubler licensed
2.      bitcoin win moon bitcoin live
3.      dow jones
4.      cac 40
5.      book of ra bitcoin video
6.      dow futures
7.      s&p 500
8.      bitcoin coronavirus
9.      stock market
10.     Ireland

Kapansin pansin na pangwalo lamang sa mga searches ay may kinalaman sa bitcoin at coronavirus na sa aking palagay, marami paring mga tao ang hindi masyadong kinocorelate ang concern ngayon sa nasabing virus sa pag baba ng market price ng bitcoin. Sumunod sa bitcoin corona virus na searches ay ang stock market, marahil pinatutunayan nito na karamihan sa mga taong gumagamit ng bitcoin ay concern din sa kondisyon ng stock market sa panahon ngayon.


Sa kabuuan,
para sa akin, ang patuloy na pag taas ng searches ng bitcoin ay walang direktang relasyon sa pag taas ng market price ng bitcoin batid ng pagdami ng taong gumagamit nito. Mahihinuha sa statistics na sa kabila ng pagbagsak ng bitcoin, patuloy padin ang pagdami ng searches na may kinalaman sa bitcoin at nangangahulugan na hindi ibig sabihin madami ang taong curious sa bitcoin, tataas na ang price nito. Marahil lagi nating iniisip na ang dami ng taong curious sa bitcoin ay directly proportional sa dami ng demand ng tao dito na nagtutulak sa price ng bitcoin pataas.

Walang itong kasiguraduhan dahil malamang sa malamang, may mga taong nag sesearch patungkol sa bitcoin at hindi naman talaga interisadong bumili nito at gusto lamang malaman kung ano nga ba ito.

Dahil jan, masasabi kong mainam padin na kung tayo ay manghihikayat sa mga tao na alamin kung ano nga ba ang bitcoin, dapat at hikayatin din natin silang bumili nito kahit na sa kaunting volume lamang. Tandaan, ang tunay na pagkatuto sa paggamit ng bitcoin ay hindi mararanasan kung wala ka nito at pawang kaalaman lamang ang mayroon ka.

Kaya ano pang hinihintay mo? manghikayat kana na bumili ng bitcoin dahil ang pagdami ng mga taong mayroon nito ang tunay na mag papataas ng market price nito nang sa gayon, lahat tayo ay mag gagain ng income in the future.
Jump to: