Marahil sa kasalukuyang issue na kinakaharap ng Bitcoin network ay naririnig natin ang mga features na Bitcoin Ordinals at Ordinal Inscription na sinisisi dahil sa ginawa itong medium para iexploit ang Bitcoin network. Kung saan nagkaroon ng congestion at mataas na transaction fee na naging sakit ng ulo nating mga users. Alam nyo ba na naging possible ang dalawang ito dahil sa implementation ng Taproot?
Ano nga ba ang Taproot at para saan ba ito?
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang Taproot ay isang major upgrade ng Bitcoin na inactivate noong November 14, 2021
[1]. Ito ay nagbibigay ng karagdagang benefits sa Bitcoin tulad ng mga sumusunod:
Benepisyo na makukuha sa implementasyon ng Taproot- Karagdagang Privacy: Ang taproot dahil sa increase privacy ay nagbibigay ng higit na security para hindi malaman ang pagkakaiba ng transaction sa pagitan ng mga dumaan sa normal na pamamaraan at smart contract.
- Improved Scalability: Ang taproot ay nagbibigay ng improvement sa scalability dahil pinapaliit nito ang transaction size. Malaking tulong ito dahil pinapamura nito ang transaction fee
- Increased Programability: Binibigyan nito ng kakayanan ang Bitcoin na makapagcreate ng mga smart contracts within sa kanyang network
Ang taproot ay nagbigay daan para maimplement ang smart contract sa 1st layer ng Bitcoin network. Specifically inintroduce nito ang mga features tulad ng:
Mga bagong itinampok ng Taproot sa Bitcoin Network- Schnorr signatures[2]: ito ay higit ne effiecient at secure kaysa ECDSA[3]
- Merklized Abstract Syntax Trees (MAST)[4]: ang pinapayagan nito ang higit na kumplikadong transaction sa mas pinaliit na sukat.
- Tapscript[5]: Ang tapscript ay isang bagong scriptive language na higit na expressive kaysa sa kasalukuyang ginagamit na Bitcoin script language.
Dahil sa pagimplement ng Taproot, nagkaroon ng kakayanan ang Bitcoin network na maimplement ang tinatawag na Ordinal protocol
[6] Iyan ay ang mga major benefits na makukuha sa pagimplement ng taproot sa Bitcoin network.
Sa kabilang banda ang isang bagong tecknolohiya na inimplement ay maari ring magkaroon ng tinatawag na limitasyon o kahinaan na maaring iexploit ng mga ill-intended people:
- Increased Complexity o karagdagang kahirapan sa pag-unawa: dahil ang taproot ay nagiintroduce ng panibagong code structure sa Bitcoin network na kung saan pwedeng gumawa ng mga smart contracts sa 1st layer ng Bitcoin blockchain.
- Posibleng magkaroon ng mga security vulnerabilities: dahil sa mga introduced na bagong code sa network, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga vulnerabilities o kahinaan na maaring iexploit ng mga hacker.
Sa kasalukuyan maari nating isipin na ang Taproot implementation ay isang napakalaking development ng Bitcoin para mas lalong mapaigting nito ang kanyang serbisyo. Kung makikita natin ang mga benepisyo nito, talagang inihahanda ng Taproot ang Bitcoin para sa massive adoption na kung saan ang buong mundo ay kikilala at gagamitin ang Bitcoin network para sa kanilang mga transaction.
Sa kabilang banda hindi rin natin maiiwasan na dahil sa mga bagong features na nimplement nito sa Bitcoin blockchain, maaring gamitin ng mga gustong umatake sa Bitcoin network ang mga features na ito katulad ng kasalukuyan naranasan natin tungkol sa pagexploit ng BRC20 sa Bitcoin network na nagpataas ng congestion ng network na naging sanhi ng pagtaas ng dami ng mga hindi nakumpirmang transaction at pagtaas ng transaction fee na ikinabalisa ng mga Bitcoin users.
Sa tingin nyo, mas matimbang ba ang maiaambag ng Taproot sa development ng Bitcoin o magiging isa itong loop hole na maaring maging dahilan ng mga problema na mararanasan ng Bitcoin sa hinaharap?
[1]
https://academy.binance.com/en/articles/what-is-taproot-and-how-it-will-benefit-bitcoin[2]
https://en.wikipedia.org/wiki/Schnorr_signature[3]
https://en.wikipedia.org/wiki/Elliptic_Curve_Digital_Signature_Algorithm[4]
https://bitcointechtalk.com/what-is-a-bitcoin-merklized-abstract-syntax-tree-mast-33fdf2da5e2f[5]
https://bitcoinops.org/en/topics/tapscript/[6]
https://academy.binance.com/en/articles/what-are-ordinals-an-overview-of-bitcoin-nfts