Author

Topic: Bitcoin Transaction Fees (Read 266 times)

sr. member
Activity: 518
Merit: 278
June 21, 2017, 11:22:43 PM
#2
Sa pagkakaalam ko pinagdedebatehan pa rin po ito hanggang sa kasalukuyan, pero kung bubusisiin po natin ang tinatakbo ng debate ay masasabi po na mas marami ang sumusuporta sa Segwit + 2 MB (SegWitx2). Mas marami po ang sumusuporta dito mula sa hanay ng users at developers dahil ang magiging epekto po nito kapag nagkataon ay magreresulta po sa pagbaba ng transaction fees at pagdagdag sa transaction speeds. Kaya nga lang kapag nangyari ang activation ng SegWitx2, halimbawa, bababa naman ang kikitain ng mga miners kaya hindi sila pabor po diyan. Alam naman po siguro natin kung gaano kaimportante at kritikal ang ginagampanan nila sa Bitcoin kaya mahirap na isawalang bahala po sila sa desisyon tungkol sa SegWitx2.

Sa kabuuan po, hangga't sa hindi po sila nagkakasundo ay hindi po uusad ang SegWitx2. Kaya ang pinakamagandang gawin nalang po talaga natin ay mag-antay at tignan kung ano ang magiging solusyon nila sa problema sa blocksize. Heto po ang ilang article na tinatalakay po ang tungkol po sa usaping ito:

Bitcoin's Scaling Debate: The View From China's Miners by Paul Elliot-Ennis & Rachel-Rose O'Leary

Bitcoin Miners Unite Behind Scaling Proposal Segwit2x by Alyssa Hertig

A Bitcoin Scaling Upgrade: How It Could Finally Happen (And How It Could Fail) by Alyssa Hertig

Bitcoin Miners Are Signaling Support for the New York Agreement: Here’s What that Means by Aaron van Wirdum

Bitcoin Scaling Debate by Michael Dunworth

Segregated Witness Costs and Risks

Bitcoin's 'Segwit2x' Scaling Proposal: Core Developers Strike Critical Stance by Alyssa Hertig


hero member
Activity: 1232
Merit: 503
June 21, 2017, 09:01:37 PM
#1
ano po nang yari sa transaction fees pag activate nang segwit2x bumaba na po ba yung transaction fee o malaki pa yung transaction fee gaya nang dati di pa kasi ako nag send nang bitcoin transaction hangang ngayon
Jump to: