Author

Topic: Bitcoin Transaction without Internet. (Read 1076 times)

newbie
Activity: 12
Merit: 1
January 01, 2022, 11:13:49 PM
#37
Malaking tulong ito kapag naimplement nga, lalo na dito sa Pilipinas na minsan nawawalan ng internet connection. Pero dahil nga online digital currency ang bitcoin sigurado ay mahihirapan silang gawan ito ng paraan. Pero ganunpaman, napakainteresado ng topic na to.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
December 03, 2021, 06:06:49 PM
#36
Possible ito pero napaka hassle dahil madami pang kumplekadong bagay na gagawin bago mo maggawa at napaka limited. Sa totoo lang ang purpose ng Bitcoin ay makapag transact p2p kahit na magkalayo at marecord ito sa blockchain which is through Internet. Even ma implement ito, At some point ay need pa din kumonnect sa Internet para ma update ang node.

Ginawa ang Internet para mawala yung long distance transaction barrier kaya bakit natin mas gugustuhin na ibalik sa offline transaction which is opposite sa future technology advancement.
Tama. Ang internet ay maituturing na din basic needs ng mga tao. Imagine na lang natin na one day mag shutdown ang internet sa buong mundo ang magiging epekto nito ay napakalaki at babalik tayong lahat sa dating panahon. Ang internet ay nag eevolve mas lalo etong denedevelop sa totoo nga nyan ay papunta na tayo sa web3 na kung saan ang internet ay magiging decentralized sa pamamagitan ng blockchain ibig sabihin wala ng power ang government na kontrolin eto. So ang bitcoin or cryptocurrency pa din in general ang may high possibility na gagamitin na currencies sa future dahil gumagamit eto ng blockchain technology. Sa aking opinyon ang bitcoin ay denesenyo para sa online transactions dahil kailangan everify ang transaction para sa mabilis, tama, at safe na transaction. Kung gagawin etong offline mawawala yung verification process ng isang transaksyon at hindi na eto trusted.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 16, 2021, 12:39:45 AM
#35
Possible ito pero napaka hassle dahil madami pang kumplekadong bagay na gagawin bago mo maggawa at napaka limited. Sa totoo lang ang purpose ng Bitcoin ay makapag transact p2p kahit na magkalayo at marecord ito sa blockchain which is through Internet. Even ma implement ito, At some point ay need pa din kumonnect sa Internet para ma update ang node.

Ginawa ang Internet para mawala yung long distance transaction barrier kaya bakit natin mas gugustuhin na ibalik sa offline transaction which is opposite sa future technology advancement.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
October 29, 2021, 09:45:29 AM
#34
If ever mawala saglit internet,mainam na gawin,save lahat ng information lalo,about sa bitcoin transaction save ang files,atleast may records those someone using,gagamitan ng papers/pen balik sa dating nung wala pang internet,basta may nakasave na files..madali n lang hand to hand transaction,without internet still can work to bitcoin
I wonder what is the use of your wallet if there's no internet kase kahit isulat mo yan sa papel Bitcoin wont work without the connection so until now, there's no beset solution yet with regards to this one.

Though of course, we can still expect some project that will aims to offer this kind of service pero sa ngayon, mahirap gamitin ang Bitcoin ng walang internet, this is too impossible as of the moment.
newbie
Activity: 98
Merit: 0
October 26, 2021, 05:04:43 AM
#33
if what i now about now when starting this bitcoin if needed about Internet connect most Specifically when the time u trading transaction and without Internet i can emagine how boaring they are,, soo thats why hopefully the Internet is for long time because we need all bitcoin in our life bitcoin i mean is our goal that's all thanks
jr. member
Activity: 119
Merit: 1
October 05, 2021, 02:25:47 PM
#32
If ever mawala saglit internet,mainam na gawin,save lahat ng information lalo,about sa bitcoin transaction save ang files,atleast may records those someone using,gagamitan ng papers/pen balik sa dating nung wala pang internet,basta may nakasave na files..madali n lang hand to hand transaction,without internet still can work to bitcoin
full member
Activity: 1344
Merit: 103
September 30, 2021, 12:39:22 PM
#31
Kung magkaroon man Ng offline transaction sa paggamit ng bitcoin ay mas maraming matutulungan ito , pero gaya nga ng sabi ni awtor at ng iba ito ay limitado lamang at ito ay nakakabahala lalo na Kung kakailanganin mo na agad. Pero kung mapapataas pa nila ang teknolohiya na gagamitin sa offline transaction ay siguradong malaking tulong naman ito lalong-lalo na sa mga lugar na hindi inaabot ng signal ng network connection.Nakakahanga rin talaga na may mga ganito palang paraan na pwedeng mangyari at dahil sa mga ganitong teknolohiya ay mas maraming matutulungan. Saludo ako sa mga taong marunong magbahagi ng kaalaman ,tuloy tuloy lang tayo mga kabayan.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
September 29, 2021, 07:31:57 AM
#30
... ang kailangan mo lang ay connection between  two telephone lines, yes yung mga lumang copper wire cable na ginagamit natin for more than 100 years. Kaya ba na itap ng isang simpleng telephone line ang transfer ng transaction between two distant machines at magkaroon ng transfer of value?

eh, diba, dati ang internet is by dial-up, at meron pa naman mga BBS. So pwedeng pwede. Kaso kailangan mo makahanap ng ma connect. Between two people, you can send the transaction, but it still has to end up in the internet to get on the bitcoin network.
Mahihirapan kang gamitin ang Bitcoin without using internet because this is an online money and to cash out your bitcoin, you really need internet to confirm the transactions so super hassle lang kung itratry mo gamitin ang without using the internet. Siguro ay makahanap ka ng third party para dito, pero until now wala paren akong nababalitaan about Bitcoin transactions offline, mukang malabong mangyare ito.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
September 29, 2021, 06:48:51 AM
#29
... ang kailangan mo lang ay connection between  two telephone lines, yes yung mga lumang copper wire cable na ginagamit natin for more than 100 years. Kaya ba na itap ng isang simpleng telephone line ang transfer ng transaction between two distant machines at magkaroon ng transfer of value?

eh, diba, dati ang internet is by dial-up, at meron pa naman mga BBS. So pwedeng pwede. Kaso kailangan mo makahanap ng ma connect. Between two people, you can send the transaction, but it still has to end up in the internet to get on the bitcoin network.
jr. member
Activity: 238
Merit: 2
September 28, 2021, 07:55:19 PM
#28
Hindi ko alam kung magiging effective yung ganitong platform na pag transact ng bitcoin even without internet. Sa bagong era ng henerasyon ngayon halos lahat ng tao gumagamit na ng internet and they still upgrading it, now we are in 5G era of  internet. By the use of internet we can transact crypto currency globaly hindi lang sa isang lugar o dito lang sa ating bansa. In my opinion lang hindi magiging effective ang pag gamit ng crypto currency offline maraming magiging issue for sure.
hero member
Activity: 2282
Merit: 659
Looking for gigs
September 27, 2021, 07:53:54 AM
#27
I remember sometime 1 to 2 years ago, I came across an article or news na may possibility na pala mag transact Bitcoin kahit offline. Correct me if I’m wrong, pero parang may na mention sila na satellite or something like that. Pero napaka interesting talaga ito, at gusto ko masubukan ang transactions offline not just sa Bitcoin, but other cryptocurrencies too (kahit NFTs lol).
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
September 26, 2021, 05:32:28 PM
#26
Tutal nasa discussion tayo ng technology nito may mga tanong lang ako na sana makakitaan ko ng kasagutan. Alam naman nating lahat na kailangan ng Internet para makapag transact sa cryptocurrency at sa blockchain. Kailangan natin ng internet para maisend ang mga transaction na yan. Ang tanong ko lang, may narinig na ba kayo na teknolohiya sa cryptocurrency na ang kailangan mo lang ay connection between  two telephone lines, yes yung mga lumang copper wire cable na ginagamit natin for more than 100 years. Kaya ba na itap ng isang simpleng telephone line ang transfer ng transaction between two distant machines at magkaroon ng transfer of value?
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
August 05, 2021, 11:22:57 AM
#25
Ang tanong, is meron bang lugar sa Pilipinas na walang signal o walang mobile data? Halos lahat na meron, so ... covered na.

If you are still in a spot na walang internet or mobile data, wait or move to another spot na meron signal o meron wifi.

As for businesses or branches and locations, they can always use point to point wireless backhauls, pero kung meron kuryente, for sure, meron yan internet or mobile data sa location na yun.
full member
Activity: 257
Merit: 102
August 05, 2021, 10:43:31 AM
#24
We can't transact bitcpin without an internet that is one of its limitation but if that LORAWAN really got improved and implememented, it was very helpfull and a great innovation. As for its improvement, there's no reason that it will not happen because we all know technology evolves and people can invent many useful things everyday and many people are already working on how to fix it to be more useful.
An offline transaction is really helpful and removes hassles on any transactions though it was really hard because there are amny things to consider lik the data traffic, timely updates, etc. but I hope whats best.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
June 19, 2020, 05:19:04 PM
#23
Kaya ikaw, sa tingin mo ba na posible ang Offline transaction in the future?

Being realisting on our currenty situation in the Philippines I doubt they would prefer this solutions, kung hindi parang magiging alternative nalang talag sya kung walang internet access for Bitcoin transactions. We aren't that technologically inclined and our country is also pushing for internet availability lalong lalo na nagkaroon tayo ng 3rd telco which will be operating in 2021. Dito palang alam mo na parang ma-oovershadow ng internet access ang other alternatives. Also @OP gaano ka-dali maka-access sa isang LoRaWAN network? If it is more complicated then connecting to a WIFI access or turning on a mobile data baka maging unappealing sa mga tao kung may added steps pa sya.
Ngayon ko lang nakita 'to.

It seems na ganon na nga yung mangyayari, the idea is just for alternative incase na mawalan nga tayo ng internet like magkaroon ng disconnection ng towers or sa submarine cables.

Hindi naman siya ganon ka-complex kasi we can integrate smart apps on this or application sa computer na mas mapapadali ang paggamit, similar sa mga 3rd party apps na user-friendly at madaling intindihin.
Maganda naman ang naiisip nilang alternatives in case  mawalan nga ng internet connection dahil sa anumang technical problems.

Sa tingin ko di rin naman magiging kumplikado since gamay naman na natin ang smart phone applications at kahit nga mga bata ay kaya na tong gamitin. So mabilis lang natin ito maiintegrate kung sakali.
Pero syempre di naman to madaling gawin. Lalo na sa panahon ngayon na pati nga transactions sa bangko at ibang bills payment ay gumagamit na ng internet connection sa transactions.

Siguro posible na magkaroon ng offline transactions pero hindi totally offline. Pwedeng gumamit ng mga data basta may internet connection kasi halos lahat naman ng mga tao ngayon may mga smartphones na.
Exactly, some people thought na mas magiging mahirap daw pero and actual na gagawin talaga dito is magkakaroon ng 3rd party programs like apps na pwedeng mag-hahandle nung transaction. Parang katulad lang din sa mga projects ng IoT or internet of things, na controlled ng isang device and wireless siya. And yes, hindi nga madaling gawin but the idea is very interesting, especially kapag nawalan nga talaga ng internet, it is something that we can rely if we still have BTC.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
June 15, 2020, 10:27:37 AM
#22
Kaya ikaw, sa tingin mo ba na posible ang Offline transaction in the future?

Being realisting on our currenty situation in the Philippines I doubt they would prefer this solutions, kung hindi parang magiging alternative nalang talag sya kung walang internet access for Bitcoin transactions. We aren't that technologically inclined and our country is also pushing for internet availability lalong lalo na nagkaroon tayo ng 3rd telco which will be operating in 2021. Dito palang alam mo na parang ma-oovershadow ng internet access ang other alternatives. Also @OP gaano ka-dali maka-access sa isang LoRaWAN network? If it is more complicated then connecting to a WIFI access or turning on a mobile data baka maging unappealing sa mga tao kung may added steps pa sya.
Ngayon ko lang nakita 'to.

It seems na ganon na nga yung mangyayari, the idea is just for alternative incase na mawalan nga tayo ng internet like magkaroon ng disconnection ng towers or sa submarine cables.

Hindi naman siya ganon ka-complex kasi we can integrate smart apps on this or application sa computer na mas mapapadali ang paggamit, similar sa mga 3rd party apps na user-friendly at madaling intindihin.
Maganda naman ang naiisip nilang alternatives in case  mawalan nga ng internet connection dahil sa anumang technical problems.

Sa tingin ko di rin naman magiging kumplikado since gamay naman na natin ang smart phone applications at kahit nga mga bata ay kaya na tong gamitin. So mabilis lang natin ito maiintegrate kung sakali.
Pero syempre di naman to madaling gawin. Lalo na sa panahon ngayon na pati nga transactions sa bangko at ibang bills payment ay gumagamit na ng internet connection sa transactions.

Siguro posible na magkaroon ng offline transactions pero hindi totally offline. Pwedeng gumamit ng mga data basta may internet connection kasi halos lahat naman ng mga tao ngayon may mga smartphones na.

hero member
Activity: 2114
Merit: 562
June 14, 2020, 08:23:08 AM
#21
Napaka interesting nitong topic mo paps, marami tayong matututunan dito. Gutso ko pang malaman ang iba pang information para dito, pwede at posible pala na magtransfer ng btc kahit walang internet, ang cool nito! May panibago na namang mapagaaralan.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Kaya ikaw, sa tingin mo ba na posible ang Offline transaction in the future?

Being realisting on our currenty situation in the Philippines I doubt they would prefer this solutions, kung hindi parang magiging alternative nalang talag sya kung walang internet access for Bitcoin transactions. We aren't that technologically inclined and our country is also pushing for internet availability lalong lalo na nagkaroon tayo ng 3rd telco which will be operating in 2021. Dito palang alam mo na parang ma-oovershadow ng internet access ang other alternatives. Also @OP gaano ka-dali maka-access sa isang LoRaWAN network? If it is more complicated then connecting to a WIFI access or turning on a mobile data baka maging unappealing sa mga tao kung may added steps pa sya.
Ngayon ko lang nakita 'to.

It seems na ganon na nga yung mangyayari, the idea is just for alternative incase na mawalan nga tayo ng internet like magkaroon ng disconnection ng towers or sa submarine cables.

Hindi naman siya ganon ka-complex kasi we can integrate smart apps on this or application sa computer na mas mapapadali ang paggamit, similar sa mga 3rd party apps na user-friendly at madaling intindihin.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 09, 2020, 08:44:53 AM
#19
Kaya ikaw, sa tingin mo ba na posible ang Offline transaction in the future?

Being realistic on our current situation in the Philippines I doubt they would prefer this solutions, kung hindi parang magiging alternative nalang talag sya kung walang internet access for Bitcoin transactions. We aren't that technologically inclined and our country is also pushing for internet availability lalong lalo na nagkaroon tayo ng 3rd telco which will be operating in 2021. Dito palang alam mo na parang ma-oovershadow ng internet access ang other alternatives. Also @OP gaano ka-dali maka-access sa isang LoRaWAN network? If it is more complicated then connecting to a WIFI access or turning on a mobile data baka maging unappealing sa mga tao kung may added steps pa sya.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
April 09, 2020, 03:46:26 AM
#18
mukhang maganda nga ito pag nagtuloy tuloy kasi parang yung purpose nito is pang emergency fund na pag na trap ka sa lugar na may mahihinang internet connection at wala kang cash ei pwede kanang mka transaction sa ganitong paraan. ang tanong ko lang ay paano naman kung via abroad? kasi mukhang pang local transaction lang ito..
Possible but sobrang gastos. Like what @peter0425 said, since short range siya sa application ng bitcoin, magkakaroon ng maraming nodes and networks para lang makatawid sa ibang bansa. Maybe gagamit na ng fiber optics cable for that katulad nalang ng submarine cable na ginamit din sa Internet.

Pero to be specific sa topic, if may isang area na walang internet, probably pwedeng i-apply yung mesh networks and hanggang sa makarating sa area na may internet na. Same concept lang talaga.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
April 08, 2020, 11:24:41 PM
#17
mukhang maganda nga ito pag nagtuloy tuloy kasi parang yung purpose nito is pang emergency fund na pag na trap ka sa lugar na may mahihinang internet connection at wala kang cash ei pwede kanang mka transaction sa ganitong paraan. ang tanong ko lang ay paano naman kung via abroad? kasi mukhang pang local transaction lang ito..
sa pagkakaunawa ko eh pang short range palang yata ang transaction na pwede ma sustain(but i maybe wrong) pero inaabangan ko din ang magiging kalalabasan ng topic na ito dahil malaking bagay to lalo na sating mga Pinoy na marami pa ding deadspot areas ng internet so with this matutulungan tayo na kahit walang net eh makapag send ng safer.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
April 08, 2020, 08:22:04 PM
#16
mukhang maganda nga ito pag nagtuloy tuloy kasi parang yung purpose nito is pang emergency fund na pag na trap ka sa lugar na may mahihinang internet connection at wala kang cash ei pwede kanang mka transaction sa ganitong paraan. ang tanong ko lang ay paano naman kung via abroad? kasi mukhang pang local transaction lang ito..
legendary
Activity: 2380
Merit: 17063
Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23
April 08, 2020, 03:39:48 PM
#15
Hello, kamusta @filippone! I appreciate your effort to compose your post in Tagalog.

Nice, we've come upon the same idea. I've learned this idea of networking technology in my undergrad course and I ended up in LoraWAN after brainstorming. This is the most possible solution for now if the implementation of bitcoin without the internet will occur. Salamat sa pagbisita sa aking thread!

Oo sa halip ay naisip ko ang tungkol sa thread na ito habang tinatalakay ang senaryo ng dystopian sa chat sa Italya bitcoin sa Telegram at tinatalakay sa Valerio Vaccaro (Twitter @ tulip81), na isa sa mga pinaka inaasahan sa Bitcoin at LoRaWAN sa Italya. Sigurado ako na maaari kang makipag-ugnay sa kanya kung mayroon kang anumang pagdududa na kailangan ng tulong. Siya ay napaka mapagkukunan at kapaki-pakinabang!
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
April 08, 2020, 03:12:04 PM
#14
Kumusta, nais kong magsulat ng isang artikulo sa Off ng Mga Transaksyon ng Grid, LoRaWan at goTenna. Habang nakikipag-usap kay Valerio Vaccaro sa Telegram, binigyan niya ako ng parehong link na ginamit mo sa OP. Kaya, ang pagsasaliksik para sa materyal na napagtanto kong nagsulat ka ng isang artikulo na halos kapareho sa minahan. Inaasahan kong pareho tayong maaaring matuto ng bago. Nai-link ko rin ang iyong artikulo sa aking thread.

Narito ang link:
[Total privacy Bitcoin]: off grid Transactions LoRaWan/goTenna
Hello, kamusta @filippone! I appreciate your effort to compose your post in Tagalog.

Nice, we've come upon the same idea. I've learned this idea of networking technology in my undergrad course and I ended up in LoraWAN after brainstorming. This is the most possible solution for now if the implementation of bitcoin without the internet will occur. Salamat sa pagbisita sa aking thread!
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
March 15, 2020, 10:37:49 PM
#13
Meron palang ganitong method, mukhang interesado ito, mapag aralan nga after nitong quaranteen, nalock kasi kami dito sa batangas eh.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
March 04, 2020, 12:00:37 PM
#12
Ang naisip ko tuloy is mga offline transaction, kasi yun talaga walang internet kailangan. This only works if the wallets or devices are trusted, so kung paper wallet, dapat ma sweep mo ka agad, or else baka kunin ng iba.

Kung something like Opendime, then no one else but whoever holds the device has access to the private keys, so it's as close to a physical bitcoin as possible.
legendary
Activity: 2380
Merit: 17063
Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23
March 03, 2020, 07:54:22 PM
#11
Kumusta, nais kong magsulat ng isang artikulo sa Off ng Mga Transaksyon ng Grid, LoRaWan at goTenna. Habang nakikipag-usap kay Valerio Vaccaro sa Telegram, binigyan niya ako ng parehong link na ginamit mo sa OP. Kaya, ang pagsasaliksik para sa materyal na napagtanto kong nagsulat ka ng isang artikulo na halos kapareho sa minahan. Inaasahan kong pareho tayong maaaring matuto ng bago. Nai-link ko rin ang iyong artikulo sa aking thread.

Narito ang link:
[Total privacy Bitcoin]: off grid Transactions LoRaWan/goTenna
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
February 27, 2020, 10:42:28 PM
#10
Ang ganda ng topic na to, iniisip ko padin kung maipapatupad man tong transaction without internet using LoRaWan, kailangan padin na kumonek atleast isang node para mag broadcast ng transction sa worldwide network. Basically, mapapatupad to sa madaming lugar kung mag kakaroon ng peer to peer connection by node atleast every 5 km gaya ng kung anong meron kami sa mga health centers dito sa lugar namin, nakaconnect lahat yun sa iisang network gamit peer to peer.

Pero kung maipapatupad man yun at magiging posible, malamang sa malamang na malaking gastos talaga yun dahil halos gagawa na tayo ng network na kagaya ng internet just for transactions ng bitcoin at cryptocurrency. Why not use the existing na internet kung saan diretso broadcast agad yung transaction natin.

Though, for emergency purposes na wala tayong internet, malaking tulong talaga to kung magagawan ng development sa future.
sr. member
Activity: 700
Merit: 254
February 27, 2020, 06:54:03 PM
#9
Ang alam ko there is an article published na possible na ang offline transaction sa Bitcoin with the use of Txtenna devices.  Siguro pwedeng maenhance iyang Lora network if they looked into the process kung paano gumagana ang Txtenna or possible baka same system din sila.

I still think the major problem kapag nagkaroon ng offline transaction is the possible double-spending if the owner of the said wallet eh may malicious intent doon sa transaction.
Kung magkakaroon pa ng mas malalim na pag-aaral patungkol dito, malaki ang tsansa na ito ay maisakatuparan. Maraming bansang ayaw tanggapin ang bitcoin dahil kinakailangan nito ng internet para maisagawa ang transaction. Kung ito may maisasakatuparan, posibleng itong mga bansang ayaw tanggapin ang bitcoin ay magbago ang isip at maging handa na tanggapin ang bitcoin. Mas malawak na community, mas malaki ang tsansa ng pag taas ng value nito.
Tama ka dyan dahil maraming bansa na limitado lang ang Internet hindi lahat NG Lugar ay nakaka gamit NG Internet kaya mahihirapan sila kaya ang ibang bansa ay ayaw tanggapin ang bitcoin. Pero pag ito ay nangyari sa palagay ko lahat NG bansa ay gagamit na NG bitcoin pag ito ay nayari. Magiging World crypto na lahat NG bansa at d na mahihirapan ang iba.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
February 27, 2020, 07:04:40 AM
#8
So kung ang LORA e para sa isang specific area posible nga na maintegrate ang ganitong technology in the future yun nga lang pano kung international transaction naman? Kung gagastos ang isang technology company para sa isang proyekto malamang isasaalangalang den dito ang mga disadvantages paano if kilangan magtransfer ng btc sa ibang bansa na di kaya ng LORA network? Sa tingin ko kung wala na talagang internet ang idedevelop ng tech companies na alternative dito e yung pwede sa local at international para mas mapakinabangan at hindi masayang ang research kasi sa tingin ko although hindi ako masyadong pamilyar sa LORA bago lang sa pandinig ko ito limited lang ang kayang ma reach ng ganitong protocol mas nakikita ko ang sms/4g/5g sabi nga ni crwth, kase walang border ito basta may signal cp mo.
newbie
Activity: 6
Merit: 1
February 27, 2020, 06:04:58 AM
#7
Ang alam ko there is an article published na possible na ang offline transaction sa Bitcoin with the use of Txtenna devices.  Siguro pwedeng maenhance iyang Lora network if they looked into the process kung paano gumagana ang Txtenna or possible baka same system din sila.

I still think the major problem kapag nagkaroon ng offline transaction is the possible double-spending if the owner of the said wallet eh may malicious intent doon sa transaction.
Kung magkakaroon pa ng mas malalim na pag-aaral patungkol dito, malaki ang tsansa na ito ay maisakatuparan. Maraming bansang ayaw tanggapin ang bitcoin dahil kinakailangan nito ng internet para maisagawa ang transaction. Kung ito may maisasakatuparan, posibleng itong mga bansang ayaw tanggapin ang bitcoin ay magbago ang isip at maging handa na tanggapin ang bitcoin. Mas malawak na community, mas malaki ang tsansa ng pag taas ng value nito.
sr. member
Activity: 1120
Merit: 272
First 100% Liquid Stablecoin Backed by Gold
February 26, 2020, 11:34:47 AM
#6
It's a nice read and a nice video to watch on the reference that you made.

https://www.youtube.com/watch?v=l2iv2MiGaYI (the part of LoRaWAN is around 7:55:50 of the video)
I watched the video and I'm amazed na almost similar yung indicated facts about LoRa sa natutunan ko.

The idea behind this thread of mine is from our topic in our university and I just connected it to BTC since may mga nabasa rin ako na "what if" nagkaroon ng integration ang BTC and LoRa network or iba pang network kaya shinare ko yung idea agad dito bago pa mag-fade sa utak ko.
Anyways, I'm curious and I don't completely understand (in a technical aspect) why use the LPWAN when something could be utilized like the 3G, 4G or 5G network and make something secure to that. Ang alam ko lang is the downside with the cellular network is that it requires higher consumption, so why not focus the research on that part? I'm not against it ha, I'm just being practical din. Nodes have to be ran by users so madami din dapat mag support and I don't think it's possible right now kasi limited pa lang, especially sa Philippines, hindi pa ganun ka dami ang mga nag susuporta sa Bitcoin.
Mentioned dun sa video na na-share mo na Low Power and Low cost means all of us can have private nodes and gateways and proven ko na since I have my own LoRa module for Arduino and can make nodes on my Raspberry Pi, both of this is low cost and pwedeng self-made. Due to that, I can easily implement my own network like mesh network with multiple nodes. Also, Both microcontrollers have the ability to use python which is karamihan ng existing chain ay gawa don. If ever ma-develop and magkaroon ng integration, mas tipid.

tho, naisip ko rin yung 5g network, pero narealize ko dahil sayo (thanks sir @crwth) na wala palang naka-indicate sa thread ko kung ano yung criteria for the best kasi nagfocus lang ako sa naisip kong idea na natutunan ko from our seminar. For effectiveness, obviously wala namang tatalo sa 5g network, but very expensive and dito sa Pilipinas parang imposible masyado kahit na implemented na "daw" ang 5g network sa globe and smart. Also, hindi ba madedefeat yung purpose ng offline transaction, kung magrerely naman tayo 5g network ng ISPs?, correct me if I'm wrong.

Right now, it's not yet completely practical but it is possible when you are only working on a small scale, like testing the actual LoRaWAN protocol and making sure it works. Since future ang pinaguusapan natin, magiging posible yan for sure. Always forward naman ang tao eh, lalo na sa mga inventions and technology.
Yes, always looking forward tayo sa mga ganitong bagay. This is what will bring us to the top tier of living.
Thanks for giving me the idea of 5G, gonna read more to that.  Cheesy

Masyadong komplikado kung babasahin pano naman yung mga baguhan sa ganitong topic.

Pwede naman tayong magpaliwanag sa mababaw na salita, mahirao makipagtransact ng bitcoin kapag walang internet. Totoo naman yun, dahil lahat na ng teknolohiya ngayon o devices ay nagrerequire ng internet para makaaccess sa kanilang account. Ang mga account ay online dahil kailangan nitong magupdate palagi. Sapat na ang 3G o 4G, pero ang 5G? Masyado na atang mahal yon para sa mga solid fan ng bitcoin sa pakikipagtransact sa ibang tao. Ngunit if maiimplement and offline transaction with bitcoin tulad ng bluetooth o pagloload tulad ng text, maaaring mangyare pero mas hassle kasi alam naman natin na mas malaki ang magagastos kapag nagpaload ka at malaking MB din ang kakailanganin dito.
newbie
Activity: 3
Merit: 0
February 23, 2020, 06:51:08 PM
#5
Kapag implemented na ang 5g dito sa pilipinas, mag aadapt na rin tayo sa pagbuo ng IOT network. Hindi lang Lorawan ang posibleng gamitin sa bitcoin transaction, pwede rin ang Sigfox na halos the same ang principle. Sa tingin ko, kung kaya iintegrate sa fiber network ang mga technology na ito. Lalo na’t ang IOT ay isang decentralized network kagaya ng crypto, Posible ka ring makabuo ng blockchain na hiwalay sa existing IT infra ng mundo. Pero sa tingin ko kailangan pa rin ng internet connection para makapag transact ka. Napakalaking data ang dumadaan sa blockchain. Kung walang internet, gagamit ka ng mas mataas na frequency para mataas din ang bandwidth na syang magbibitbit ng data na iyon para makabuo ng transaction mapa local man o overseas. Prone sa interference ang wireless transmission at maaaring maging unintelligible ang information na isasakay mo sa ganitong frequency. Ang lorawan at sigfox iba pang teknolohiyang kagaya nito ay hindi kayang magdala ng napakalaking amount ng data at limitado ang bandwidth. Hindi sasapat para maaccomodate ang dami ng users ng blockchain.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
February 17, 2020, 07:50:15 AM
#4
It's a nice read and a nice video to watch on the reference that you made.

https://www.youtube.com/watch?v=l2iv2MiGaYI (the part of LoRaWAN is around 7:55:50 of the video)
I watched the video and I'm amazed na almost similar yung indicated facts about LoRa sa natutunan ko.

The idea behind this thread of mine is from our topic in our university and I just connected it to BTC since may mga nabasa rin ako na "what if" nagkaroon ng integration ang BTC and LoRa network or iba pang network kaya shinare ko yung idea agad dito bago pa mag-fade sa utak ko.
Anyways, I'm curious and I don't completely understand (in a technical aspect) why use the LPWAN when something could be utilized like the 3G, 4G or 5G network and make something secure to that. Ang alam ko lang is the downside with the cellular network is that it requires higher consumption, so why not focus the research on that part? I'm not against it ha, I'm just being practical din. Nodes have to be ran by users so madami din dapat mag support and I don't think it's possible right now kasi limited pa lang, especially sa Philippines, hindi pa ganun ka dami ang mga nag susuporta sa Bitcoin.
Mentioned dun sa video na na-share mo na Low Power and Low cost means all of us can have private nodes and gateways and proven ko na since I have my own LoRa module for Arduino and can make nodes on my Raspberry Pi, both of this is low cost and pwedeng self-made. Due to that, I can easily implement my own network like mesh network with multiple nodes. Also, Both microcontrollers have the ability to use python which is karamihan ng existing chain ay gawa don. If ever ma-develop and magkaroon ng integration, mas tipid.

tho, naisip ko rin yung 5g network, pero narealize ko dahil sayo (thanks sir @crwth) na wala palang naka-indicate sa thread ko kung ano yung criteria for the best kasi nagfocus lang ako sa naisip kong idea na natutunan ko from our seminar. For effectiveness, obviously wala namang tatalo sa 5g network, but very expensive and dito sa Pilipinas parang imposible masyado kahit na implemented na "daw" ang 5g network sa globe and smart. Also, hindi ba madedefeat yung purpose ng offline transaction, kung magrerely naman tayo 5g network ng ISPs?, correct me if I'm wrong.

Right now, it's not yet completely practical but it is possible when you are only working on a small scale, like testing the actual LoRaWAN protocol and making sure it works. Since future ang pinaguusapan natin, magiging posible yan for sure. Always forward naman ang tao eh, lalo na sa mga inventions and technology.
Yes, always looking forward tayo sa mga ganitong bagay. This is what will bring us to the top tier of living.
Thanks for giving me the idea of 5G, gonna read more to that.  Cheesy
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
February 16, 2020, 10:17:39 AM
#3
It's a nice read and a nice video to watch on the reference that you made.

https://www.youtube.com/watch?v=l2iv2MiGaYI (the part of LoRaWAN is around 7:55:50 of the video)

Anyways, I'm curious and I don't completely understand (in a technical aspect) why use the LPWAN when something could be utilized like the 3G, 4G or 5G network and make something secure to that. Ang alam ko lang is the downside with the cellular network is that it requires higher consumption, so why not focus the research on that part? I'm not against it ha, I'm just being practical din. Nodes have to be ran by users so madami din dapat mag support and I don't think it's possible right now kasi limited pa lang, especially sa Philippines, hindi pa ganun ka dami ang mga nag susuporta sa Bitcoin.

Right now, it's not yet completely practical but it is possible when you are only working on a small scale, like testing the actual LoRaWAN protocol and making sure it works. Since future ang pinaguusapan natin, magiging posible yan for sure. Always forward naman ang tao eh, lalo na sa mga inventions and technology.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 16, 2020, 08:33:10 AM
#2
Ang alam ko there is an article published na possible na ang offline transaction sa Bitcoin with the use of Txtenna devices.  Siguro pwedeng maenhance iyang Lora network if they looked into the process kung paano gumagana ang Txtenna or possible baka same system din sila.

I still think the major problem kapag nagkaroon ng offline transaction is the possible double-spending if the owner of the said wallet eh may malicious intent doon sa transaction.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
February 15, 2020, 12:05:39 PM
#1
Good day! Gonna share this topic that I've studied recently. Ito yung topic na posible mangyari in the future once maisagawa pa ang pagdedevelop ng networking technology.
Nabasa ko 'tong article nito which caught my idea at nai-relate ko agad siya sa aking knowledge sa networking technology. So gusto kong i-share yung idea na Paano kung wala ng Internet? Unang papasok sa aking isipin ay, paano na ang Bitcoin? Posible pa magkaroon ng transaction without internet or offline?

Una kong naisip 'tong LoRaWAN na tinatawag na ang ibig sabihin ay Long Range Wide Area Network.

Ano ba ang LoRaWAN?

Quote
LoRa (Long Range) is a low-power wide-area network (LPWAN) technology. It is based on spread spectrum modulation techniques derived from chirp spread spectrum (CSS) technology.[1][2] It was developed by Cycleo of Grenoble, France and acquired by Semtech the founding member of the LoRa Alliance.
So basically, using a small piece of chip pwede ka na gumawa ng sarili mong network even a Raspberry Pi, pwede mong gawing node ng LoRa network mo. Ang nagpapatakbo ngayon sa bitcoin transactions ay chain network in the internet, which is mas madali dahil globally ang pag-transact basta may access ka sa internet.

Ang LoRaWAN ay isa ring WAN/MAN (Wide Area Network/Metropolitan Area Network) na ibig sabihin ay pwede kang gumawa ng network mo sa isang specific na area. Halimbawa nalang ay, may network sa buong metro manila at pwede kayong mag-connect connect through it.

So posible nga ba magamit ang LoRa network sa pag-implement ng Bitcoin?

  • Hindi, dahil sa WANetwork, minimal na data transfer lang ang pwede so it means na baka hindi kayanin ang size ng blocks.
  • Once implemented, magiging congested lang lalo ang LoRaWAN dahil minimal lang ang data transferring at limited lang ang pwedeng maka-connect sa gateways
  • Limited area lang.

So bakit ko pa sinabi ang LoRaWAN as possible solution for offline transaction kung di rin naman magagamit at puro disadvantages?

Nasa first phasing palang naman ang LoRa technology so there's still a possibilities na ma-develop 'to as soon as possible.

I wise man said, "It has become appallingly obvious that our technology has exceeded our humanity." So possible for development ang lahat ng bagay at kapag mas lalong nabigyan ng pansin ang LoRa technology, definitely ito na ang solution for offline private transactions.

Possible na lahat ng payments ng connected branches ay mata-transact through LoRa Network, once kaya ng mag-receive and transmit ng data na malaki ang technology na ito.


Halimbawa.

Here's a map, para mas klaro ang explanation.

Kung makikita niyo sa image, ang Main Branch na located sa Manila ay connected sa Internet which is very obvious dahil malakas ang connection ng Internet within Metro Manila. The Sub Branch na located below ay walang signal or out of coverage sa internet.

The possible solution here is LoRa Technology. Kayang magpadala ng payment ang Sub branch to Main branch basta within in the path (straight line) merong nodes ng LoRa technology na magtatransfer ng data na dapat ma-transfer sa Main Branch without using the Internet.

Kung iniisip niyo naman na parang katulad lang 'to ng Money Transfer, hindi po siya katulad don.

Ano nga ba ang technology behind sa Money Transfer?
EFT yon or ang tinatawag na Electronic fund transfer na kung saan Online Transaction pa rin 'yon so not qualified as Offline Transaction ang mga money transfer like Western Union and many more. It still uses online service providers para gumana yung money transfer.

Wala na bang ibang paraan for LoRa para mas maging posible ito?

Actually meron din, diba alam naman natin na ang Electrum ay maliit na data lang ang ginagamit kada-transaction? So pwedeng magkaroon ng integration between Electrum and LoRaWAN para mas maging posible ang minimal data transfer sa network.

May existing nodes/gateways ba ang LoRa ngayon sa Pilipinas?

Actually, may mga gateways na existing ngayon na ginagamit sa IoT technology at pwede mo ring gamitin for your own private transaction once nagkaroon ka na ng access sa mga gateways na yon. May 6 gateways na existing ngayon dito sa Pilipinas at 3 ay nasa Metro Manila. Pwede ka rin namang gumawa ng sarili mong node and gateways para sa iyong offline private transaction.



LoRa technology is still a new technology na kaka-implement lang so possible gamitin itong technology for Bitcoin-use someday. So looking forward pa ako sa mga ibang networking technology na pwedeng magamit ng bitcoin and di na malayong mangyari sa current status ng technology na still going up ang development. Like what I've said in my recent threads, prioritizing technology really make changes in our society so it must be funded and should be given a lot of attention dahil ito ang mag-aangat satin.

Kaya ikaw, sa tingin mo ba na posible ang Offline transaction in the future?

Jump to: