Ngayon, kung hindi po ako nagkakamali, kapag gagawa ka po ng beneficiary authorization form, lalo na kung ang pinag-uusapan ay property transfer tulad halimbawa ng pera, kailangan diyan ng power of attorney at witness/ess. Sa tingin ko po kung gagawa man ang mga Bitcoin wallet provider, halimbawa, ang Coins.ph, ng ganyan ay gagawin nilang requirement for validation ang sulat mula sa attorney bago makuha nung malapit sa taong namatay yung laman ng wallet nito. Medyo hassle at magastos po iyon pagnagkataon.
Parang yung nga problem dun, may verification pa naman yung coins.ph, eventually manghihingi yung ng validation para malaman kung yung registered user nga yung gumagamit nung wallet. Pero most other wallets, palagay ko wala nang problema. Kung naipamana mo yung mga wallets mo, gagawa na lang yung heir ng sarili nyang coin.ph wallet para makapag-cash out. Kung may naiwan ka dun sa coins.ph mo, eh di i-send na lang nila dun sa bagong wallet nila.