Author

Topic: Bitcoin Wallets (Tagalog) (Read 448 times)

jr. member
Activity: 140
Merit: 1
August 09, 2018, 09:41:00 PM
#18

I really like those decentralized wallets for easier access and no extra fees. When it comes to the fact that when the government is in charge of these, extra fees or worst may increase tax on each TX.
full member
Activity: 312
Merit: 109
arcs-chain.com
August 08, 2018, 06:01:50 PM
#16
There are some wallets na hindi ko pa masyadong alam so i think na it's very helpful.

Gustong gusto ko talaga yung mga decentralized wallet para mas madali ang access and walang masyadong dagdag fee. Pagdating kasi satin, kapag nasakop na ng government yung mga ganito, dagdag fee or worst baka madagdagan pa ng tax on each TX.

Kung ang mga wallets pa nga lang dito sa PH na decentralized hindi maayos ang mga fee at sobrang taas, what more sa iba diba?
newbie
Activity: 65
Merit: 0
August 08, 2018, 10:29:15 AM
#15
sir safe ba yung myetherwallet kasi yung ginagamit ko? ano puba maganda wallet na gamitin? pwede puba humingi ng suggest kung ano maganda gamitin? gamit ko kasi ngayon myetherwallet
sr. member
Activity: 602
Merit: 327
Politeness: 1227: - 0 / +1
August 03, 2018, 04:46:41 AM
#14
Mga sir ano po ang ma-isa sugest nio sa beginner na wallet para mag hold ng matagal ng bitcoin ang gusto ko kasi mag store sa safe keep sa ngayon ang naiisip kong gamitin ay Ledger Nano S.
Hi buddy, since you're a newbie I want you to learn more about what is Bitcoin wallets. After reading the thread I'm sure you will learn a lot. Well, for your question, if you want to use an Application Bitcoin wallet, I may suggest you to use either which one of these as I already used them and they are really Newbie friendly.
  • Coins.ph - Since you're a Filipino and I'm sure you're here in the Philippines, am I right? Then you can use this wallet. It is so convenient and can easily cash out-cash in money easily through Cebuana, Mlhuilier etc..
  • Green Address - I also suggest this wallet. I recently used this because it is segwit enabled wallet and is also convenient. But not like coins.ph, you cannot cash out/in your balance easily as it doesn't support it.
  • Mycelium - is a best choice too.
  • Electrum - I also just used this because its segwit enabled. But it's for advanced users

Overall, I really recommend coins.ph  Wink

If you're planning for Ledger Nano S well it's a good choice. But it will surely costs lot of money.
jr. member
Activity: 83
Merit: 3
August 03, 2018, 12:37:32 AM
#13
Mga sir ano po ang ma-isa sugest nio sa beginner na wallet para mag hold ng matagal ng bitcoin ang gusto ko kasi mag store sa safe keep sa ngayon ang naiisip kong gamitin ay Ledger Nano S.
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
July 27, 2018, 10:10:48 AM
#12
Mga sir, okay din ba yung MEW? Yun lang kasi ginagamit ko bukod sa coins.ph. Pero coins.ph talaga the best. Alam kong secured ako sa coins.ph at very convenient gamitin. Nagagamit ko minsan sa emergency lalo na kapag kinakailangan ko ng load. Sobrang convenient.
okay na okay yung Myetherwallet dahil ikaw yung nag control sa private key hindi ko alam sa coins.ph kung ikaw ba nag control kasi pwede ma hack sila. kung mahahack ka tas myetherwallet ang gamit mo iyong fault nayan hindi ang website, provider lang ang myetherwallet.
newbie
Activity: 50
Merit: 0
July 26, 2018, 08:08:11 PM
#11
Ang bitcoin wallet ay m.aaring gamitin para maka cashout ng pera ng bitcoin.ako ang gamit ko ay ang coin.ph.
full member
Activity: 1176
Merit: 162
July 25, 2018, 10:18:45 PM
#10
Mga sir, okay din ba yung MEW? Yun lang kasi ginagamit ko bukod sa coins.ph. Pero coins.ph talaga the best. Alam kong secured ako sa coins.ph at very convenient gamitin. Nagagamit ko minsan sa emergency lalo na kapag kinakailangan ko ng load. Sobrang convenient.
Parang bitcoin wallets lang ata ang topic ni OP dito pero bigay ko nalang opinion ko the best para sakin ang mew marami ka magagawa dito pwede ka mag cancel or overwrite ng pending transaction sa ibang wallet di mo magagawa yan error na. Ang kalaban niya lang yung mga phishing pero di kanaman ma phish kung tinitingnan mo naman URL everyime at mag install ka phishing protection like metacert. Advise ko login mo lang sa metamask yung MEW pk mo tapos balik sa MEW login with Metamask, Ganun lang para safe.
newbie
Activity: 41
Merit: 0
July 25, 2018, 08:30:03 PM
#9
Mga sir, okay din ba yung MEW? Yun lang kasi ginagamit ko bukod sa coins.ph. Pero coins.ph talaga the best. Alam kong secured ako sa coins.ph at very convenient gamitin. Nagagamit ko minsan sa emergency lalo na kapag kinakailangan ko ng load. Sobrang convenient.
jr. member
Activity: 560
Merit: 6
July 24, 2018, 07:04:02 AM
#8
mas mainan parin po para sakin ang coinsph since nasa pinas po ako malaking tulong ito para sa maraming pilipino.dahil karamihan ng mga uri ng wallet ay hindi gaya ng coinsph n pwede ka mag padala ng pera sa mga remittances kaya para sakin mas mainan parin po ito maraming salamat po.
newbie
Activity: 50
Merit: 0
July 24, 2018, 01:00:08 AM
#7
Ang bitcoin wallets ay isang transaksyon na naililipat sa halaga ng Bitcoin wallets na nakukuha sa block chain.Ang bitcoin wallets ay nag tatago ng sikreto tungkol sa datos patungkol sa privadong key o seed na kung saan nagagamit ito upang gawing transaksyon.
member
Activity: 350
Merit: 47
July 21, 2018, 12:23:23 PM
#6
~

~

Mga Sir, Kung usapang web wallet lang naman, alam niyo po ba yung exchange site/ wallet na remitano.ph?
Gaano po ba ka secure ito keysa sa coins.ph? and base sa usang private key anu po ba yung less hassle na mas secure? yung naka private key or 2fA authenticaton code para mabuksan ang wallet?

Di ba rebit.ph tinutukoy mo? Balita ko goodshit din yung rebit eh. Kaso dati daw di need ng authentication pero ngayon need na din daw, di ko na try pero yun mga naririnig ko.
member
Activity: 486
Merit: 27
HIRE ME FOR SMALL TASK
July 21, 2018, 09:45:19 AM
#5
~

~

Mga Sir, Kung usapang web wallet lang naman, alam niyo po ba yung exchange site/ wallet na remitano.ph?
Gaano po ba ka secure ito keysa sa coins.ph? and base sa usapang private key anu po ba yung less hassle na mas secure? yung naka private key or 2fA authenticaton code para mabuksan ang wallet?
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
July 21, 2018, 07:27:19 AM
#4
May mga nabibibili din po bang trezor wallet dito sa pilipinas.? Na mababyaran through coins.ph? Or depende lang po yun sa negotiation?  Tiyaka kahit secondhand na trezor wallet okay lang po bang gamitin?  Tanung lang po (: thanks din sa info marami pagpipilian.  
Hypothetically, you can secure a trezor wallet by resetting and creating another seed phrase to be safe. Sa mga facebook group ata may nagbebenta ng hardware wallet but I did not try it nor recommending it. Sometimes it depends upon the person who is selling it or kung ano yung napagusapan ninyo.

About the OP, I am really surprised to myself that I have so many things to learn about the varieties of cryptocurrency wallet. I thought that I was stucked in using coins.ph, mycelium, blockchain.info and Exodus. But sadly, I cant give merits because I have nothing left in my purse, this deserves a merit. Thank you
sr. member
Activity: 602
Merit: 327
Politeness: 1227: - 0 / +1
July 21, 2018, 07:20:44 AM
#3
May mga nabibibili din po bang trezor wallet dito sa pilipinas.? Na mababyaran through coins.ph? Or depende lang po yun sa negotiation?  Tiyaka kahit secondhand na trezor wallet okay lang po bang gamitin?  Tanung lang po (: thanks din sa info marami pagpipilian. 
As far as I know Trezor can also be purchased here in Philippines. I just searched about Trezor and even Ledger Nano S in Lazada and found some available products. It costs about Php6.000 to Php12.000 but I don't know if it's the original product of Trezor (but I guess it is). The problem is I don't know if Lazada is already accepting payment through Coins.ph.

About the second hand, I do not really recommend buying second hand Trezor unless it's from a person you know and you trust. I'm afraid that you might just end up buying a defective or broken Trezor.
Buying a new Trezor is way much better than second hand, it will just only costs a lot of money.
member
Activity: 486
Merit: 27
HIRE ME FOR SMALL TASK
July 21, 2018, 04:50:43 AM
#2
May mga nabibibili din po bang trezor wallet dito sa pilipinas.? Na mababyaran through coins.ph? Or depende lang po yun sa negotiation?  Tiyaka kahit secondhand na trezor wallet okay lang po bang gamitin?  Tanung lang po (: thanks din sa info marami pagpipilian. 
sr. member
Activity: 602
Merit: 327
Politeness: 1227: - 0 / +1
July 18, 2018, 06:02:46 AM
#1

Magandang araw sa inyong lahat. Gusto ko lang mag share sa inyo nang kunting kaalaman tungkol sa mga "Bitcoin Wallets". Alam kong madami na sa inyo ang nakaka alam nang ibat ibang uri nang mga wallet pero sigurado ako na may ibang member pa dito sa local board naten ang kailangan malaman ang mga bagay na ito. Sana basahin niyo ito dahil ito na ang pagkakataon niyong magpasya at pumili nang inyong gagamiting Bitcoin Wallet.
Madami kayong matatagpuang mga impormasyon about sa mga wallet sa internet pero dito sa thread na ito, icocompile ko na silang lahat.

Nilalaman
-Mga pangunahing impormasyon tungkol sa Bitcoin Wallet.
-Uri nang mga Bitcoin Wallets.
-Halimbawa nang mga Bitcoin Wallets at ang kanilang kalamangan at kawalan (Pros and Cons).
-Download links, links at ang mga official site nang mga Bitcoin wallet (sinama ko ito para hindi na kayo maligaw pa sa internet sa paghanap sa Bitcoin wallet na gusto ninyo, upang maiwasan din ang Phishing. Lahat ito ay 100% na totoo.)

Magsimula na tayo, syempre magsisimula muna tayo sa mga basic o pangunahing dapat niyong malaman tungkol sa Bitcoin Wallet.

Ayon kay Investopedia, ang Bitcoin Wallet ay maaaring isang Hardware o Software kung saan pwede nating ilagay ang ating mga Bitcoins. Kung iisipin ang ang mga Bitcoin wallets ay parang pitaka naren kung saan naten nilalagay ang ating pera.


Ang Bitcoin wallet ay binubuo nang mga sumusunod:

1. Password o Private keys- ang password o private key ang dapat mong pangalagaan kasi napakahalaga nito. Kailangan ito para ma access mo ang iyong Bitcoin wallet. Kapag nalimutan, o naibigay sa ibang tao at pinalitan ang password nang wallet mo. Maaaring hindi mo na ma-access lahat nang Bitcoin niyo kaya ingatan itong mabuti.

2. Wallet Address- ang "Wallet address" naman ay ginagamit upang makapag send o maka receive ka nang Bitcoins. Ito ay binubuo nang 26 to 35 alphanumeric characters at nagsisimula sa "1" o kaya sa "3". Hindi tulad nang pasword, ang Wallet address naten ay maaari naten i-share sa public. Kung may kagsesend sayo nang Bitcoins, ibigay ko sa sender ang iyong Wallet address at kung ikaw naman ang magsesend, hingin mo yung Wallet address ang sesendan mo.

Halimbawa nang Wallet address na makikita sa Bitcoin Wallet ninyo: 3JxvYBTV3mFiWpQADUe3xUHJspYPr5ncDF


Types of Bitcoin Wallets.
Mayroong tatlong uri nang Bitcoin wallet at ito ay ang mga sumusunod.

1. Hardware Waller
2. Software Wallet
3. Paper Wallet


Hardware Wallet - ang hardware wallet ay isang electronic device kung saan maaari naten ilagay ang ating Bitcoins. Sabi nang ibang tao, ang hardware wallet daw ang best choice kasi mas secured ito pag dating sa security at napaka convenient niya. Pero syempre, dahil best choice ito may kunting kamahalan lang pag dating sa presyo. Ito ang mga uri nang Hardware wallet;


1. Ledger Nano S

Kalamangan (Pros)

-Kaya nitong mag store nang mga nangungunang cryptocurrency sa mundo gaya nang Bitcoin.
-Maaari mong i check ang iyong mga transaction dahil ito ay OLED display.
-Isa sa mga abot kayang halaga na OLED-based Hardware wallet.
-Kayang maglaman nang mas maraming uri nang Cryptocurrency kesa sa Trezor.

Kawalan (Cons)
-Hindi siya gaanong reputable tulad nang ilan sa mga nangungunang Hardware wallet gaya nang Trezor.
-Hindi Libre.

Buy Ledger Nano S here(official website): https://www.ledgerwallet.com/products/ledger-nano-s?gclid=EAIaIQobChMIu8PcrIXi2QIVGKrsCh2yBgX0EAAYAiAAEgLXZPD_BwE



2. TREZOR

Kalamangan (Pros)
-Limitado ang mga paraan na ma-access ang iyong Trezor at pinoprotektahan ito mula sa pag-hack.
-Kaya din nitong maglaman nang iba't-ibang uri nang Cryptocurrency at kaya nitong mag convert nang transactions amounts to and from fiat money.
-Mas madaling gamitin ang interface niya at pinapadali nang myTrezor browser plug-in na kompletuhin ang mga transakyon.

Kawalan (Cons)
-Kinakailangan ng mas mahabang oras upang i-set up ang plug-in, at dapat mong ipasok muli ang iyong PIN gamit ang isang obscured keypad tuwing mag-plug ka sa Trezor.
-Limitado ang pagkakataon sa transaksyon dahil sa ito ay Hardware wallet ang Trezor ay dapat na naka-plug sa isang computer upang gumawa ng mga transaksyon, hindi katulad ng mga Software wallet sa mobile at paper wallet na magagamit nang mabilisan.
-Hindi Libre.

Buy Trezor here: https://shop.trezor.io
Official website: https://trezor.io



3.Keepkey

Kalamangan (Pros)
-Dahil ito ay Top-notch security standards, ito ay halos imposible sa mga hacker o virus na manakaw ang inyong private key.
-Ito ay nag-aalok ng parehong mga tampok ng seguridad at higit pa, tulad ng TREZOR.
-Kaakit-akit at dahil professionally designed OLED display, mas madali itong gamitin kesa sa ibang hardware wallet.
-Nagbibigay ito nang access sa mga nangungunang cryptocurrency sa mundo.

Kawalan (Cons)
-Ang kakulangan ng web wallet ay nangangahulugan na ang mga user ay dapat magdagdag ng software tulad ng Electrum o MultiBit upang magamit ang mga application nito.
-Dahil mas malaki ang Keepkey, portable pero hindi siya komportableng ilagay sa bulsa.
-Hindi pwedeng mag save nang progress.
-Hindi Libre.


Buy keepkey here(Official website): https://www.keepkey.com

At dito nagtatapos ang Hardware wallet. Kahit na may kalamangan (Pros) ito, dapat pa din isa alang-alang ang mga kawalan (Cons) at tandaan, nagkakahalaga nang malaking pera ang isang Hardware wallet.


Ngayon, tuklasin naman naten ang "Software Wallets"

Software Wallet- ang "software wallet" ay maaaring isang application na pwede naten i-install sa ating computer at mobile devices gaya nang Android at Ios o maaari namang isang  Web Based Wallet. Halos lahat nang Software wallet ay nangangailangan nang Internet connection upang ma-access at syempre may kailangan din nito nang password o private key. Ito ang mga halimbawa nang software wallets;




1. Airbitz - ang Airbitz ay isang desentralisado, secured at backed up na Bitcoin wallet. Ang maaasahang paniwala tungkol dito ay hindi alinman sa Airbitz o anumang iba pang 3rd party na maaaring ma-access ang iyong Bitcoins, kaya ganap na ito ay independent. Ang ganda ng bagay tungkol sa Airbitz ay nagbibigay din ito sa iyo ng isang directory ng mga business na tumatanggap nang Bitcoin sa iyong paligid.

Kalamangan (Pros) [color]
-Madaling gamitin lalo na sa mga bahuhan.
-Decentrelized
-Ito ay Libre

Kawalan (Cons)
-Hindi ito Established brand at walang web interface.
-Sa mobile lamang.



2. Armory - ang Amory ay isang kilala at pinagkakatiwalaang brand pagdating sa seguridad ng Bitcoin, kahit na ang app ay kadalasang pinakamahusay para sa mas maraming mga advanced na users. Kung hinahanap mo ang isang app na nagbibigay-diin sa kaligtasan at seguridad, ang Armory ay gagawa ng maikling listahan ng iba't ibang mga pag-encrypt na pagpipilian. Ang Armory ay kabilang sa mga pinaka respetadong brand pagdating sa seguridad ng Bitcoin.

Kalamangan (Pros)
-Ito ay Lubos na may kakayahang umangkop at madaling ibagay sa halos anumang sitwasyon at nag-aalok ng mga nangungunang industriya na tampok sa seguridad.
-Ito ay Open Source.
-Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)
-Nangangailangan na may sapat na kaalaman ang gagamit nito at hindi ito masyadong user friendly.

Download Link (Official website): https://www.bitcoinarmory.com



3. Bitcoin Core - ito ay iminumungkahing Bitcoin wallet dito sa ating forum. Kung makikita ninyo sa kaliwang bahagi sa taas nang forun may link diyan ng Bitcoin Core. Nag-aalok ang Bitcoin Core ng maraming mga tampok sa seguridad at privacy, at sumusuporta sa kumpletong transparency. Ang Bitcoin Core ay mahusay at itinuturing para sa pagiging isang matatag na sistema, bagaman maaari itong gumamit ng maraming memorya at espasyo sa iyong computer. Gayunpaman, para sa mga modernong computer ang mga kinakailangan sa hardware ay mababa.

Kalamangan (Pros)
-Nagtatampok ng maraming mga tampok ng seguridad at privacy at nag-aalok din ito ng isang mataas na matatag na sistema.
-Open Source
-Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)
-Walang itong mobile app at walang web interface at Kinakailangan nang personal computer para magamit.
-Nangangailangan din ito ng malaking space sa memory nang computer upang ma store ang buong Blockchain.

Download Link(Official website): https://bitcoin.org/en/download



4. Bitcoin wallet- ang Bitcoin Wallet ay kilala sa pagiging mabilis at medyo madaling gamitin. Mataas ang transparency, kasama ang malakas at mga tampok sa seguridad na dahilan kaya ito isang napaka-secure na programa, lalo na para sa isang web-based wallet.

Kalamangan (Pros)
-Mahusay at kinikilala ang brand nito.
-Safe, mabilis, at secured.

Kawalan (Cons)
-Magagamit lamang online at nangangailangan ng isang Android o Blackberry device. (Hindi ko na inalam kung bakit kailangan nang Blackberry device)

Download Link: https://play.google.com/store/apps/details?id=de.schildbach.wallet



5. BitGo- ang BitGo ay kilala sa mataas na antas ng seguridad at ito ay isang multi-signature wallet. Nangangahulugang ito ay nangangailangan nang two-factor identification sa bawat transaksyon na isang magandang paraan sa pagprotekta sa iyong Bitcoin mula sa malware, hacker, at pag-atake ng server.

Kalamangan (Pros)
-Mataas ang ang antas nang seguridad.
-Mayroong two-factor identification.

Kawalan (Cons)
-Ang two-factor identification ay maaaring lumikha nang kaunting abala at umaasa ito sa central verification.

Link: https://www.bitgo.com



6. Blockchain.info- ito ang pinaka-popular na bitcoin wallet ngayon. Sa pamamagitan lamang ng iyong browser maaari kang magpadala at tumanggap ng bitcoin kaagad. Walang kinakailangang pag-install. Ito ay isang web based wallet na maaari nating ma-access gamit lamang ang browser mula sa computer o kahit mobile device.

Kalamangan (Pros)
-Isang matatag at pinagkakatiwalaang kumpanya sa komunidad ng Bitcoin, magandang interface, na magagamit para sa mobile at web.
-Libre sa lahat.

Kawalan (Cons)
-Kinakailangan nang 3rd party trust at mahirap maging anonymous ang mga payments/transactions.
-Hindi masyadong inirerekomenda sa pag store nang Bitcoin in long terms kung wala kang full control sa iyong mga private key.
-Ayon sa ibang users, madami pa din itong bugs.

Link: https://blockchain.info



7. BTC.com- ang BTC.com ay isang Block Explorer na pag-aari ng Bitmain. Nag-aalok ang site ng ilang mga tool tulad ng mga istatistika ng network, isang pool ng pagmimina at isang online wallet. Ito ay katulad sa Blockchain.info, isang hybrid na wallet na HD. Nangangahulugang na na-access mo ito sa pamamagitan ng web ngunit ang mga key sa wallet ay naka-imbak sa iyong machine, kaya walang access ang BTC.com sa mga ito.

Kalamangan (Pros)
-May Malawak na iba't ibang mga tampok at intuitive na interface
-Open source.
-Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)
- ito Kontrolado ng Bitmain na may isang nangangatog na reputasyon sa komunidad.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.blocktrail.mywallet
Ios: https://itunes.apple.com/us/app/blocktrail-bitcoin-wallet/id1019614423
Website wallet (Official Website): https://wallet.btc.com


 

8. Coinomi - ang Coinomi ay isang mahusay na mobile wallet na nagbibigay-daan sa iyo upang mag-store ng iba't ibang uri nang Cryptocurrency kasama ng Bitcoins. Mayroon itong napaka-intuitive na interface ng user at sumusunod sa magagaling na mga protocol ng seguridad upang panatilihing ligtas ang iyong Bitcoins.

Kalamangan (Pros)
-Higit pang mas secure kaysa sa mga web wallet
-Suportado ang iba't ibang mga cryptocurrency
-Maaaring mag convert ang isang crypto to another.
-Madaling gamitin para sa mga baguhan.
-Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)
-Magagamit lamang sa Android
-Ang ilang bahagi ng Codeomi app code ay pinananatiling pribado habang ang ilan ay magagamit sa GitHub.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.coinomi.wallet
Ios: https://ios-beta.coinomi.com/?token=HDEN57f3b8HTUTFANRawrJt4dyHot2Up
Official website: https://coinomi.com



9. Coins.Ph- ito ang ginagamit ko ngayon, dahil isa din aoong Pinoy at Pinoy ang developers nito.  Mapagkakatiwalaan, secured at maaasahan ang wallet na ito lalo na sa ating mga Pilipino. Maaari mong i-convert ang Bitcoin sa Peso nang mabilis. Parehong nagko-convert ng Peso sa bitcoin, bitcoin to peso at last update suportado na ang Ethereum. Mayroon itong maraming mga tampok at napaka-daling gamitin pagdating sa pag-cash out ang iyong pera. Coins.Ph ay isang bitcoin wallet na ginawa ng mga Pilipino.

Kalamangan (Pros)
-Mayroon itong door-to-door delivery kung saan maaaring mong ipadala sa inyong bahay ang na cash out mong pera via LBC.
-Secured.
-Madaling gamitin at pwedeng pwede sa mga baguhan.
-Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)
-Ito ay sumusonod sa alituntunin nang KYC (Know Your Customer) at kinakailangang mag verify gamit ang Government Id upang magamit ang ibang features.
-Ang kadalasan cash out places ay sa Pilipinas lamang matatagpuan.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=asia.coins.mobile
Ios: https://itunes.apple.com/us/app/coins-wallet/id972324049?mt=8
More download options for Windows and Linux Os (Official website): https://coins.ph



10. CoolWallet- ang CoolWallet ay isa pang pagtatangka sa paglikha ng portable na hardware ng Bitcoin wallet. Ang aparato mismo ay tulad ng isang credit card at may isang maliit na operation button dito. Kailangan ng device na malapit sa iyong mobile app kapag nagpapadala ng mga coins na nagdaragdag ng isa pang layer ng seguridad.

Kalamangan (Pros)
-Napaka portable at kayang-kasya sa bulsa

Kawalan (Cons)
-Medyo bago pa lamang ang kumpanya na may hawak nang produktong ito.
-Hindi Libre.

Buy here(Official Website): https://coolwallet.io



11. Copay - isa ito sa mga pinakamahusay na wallet ng Bitcoin, nilikha ito ng Bitpay. Ang Copay ay isang multisig wallet na nangangahulugan na ang isang solong wallet ay maaaring magkaroon ng maraming mga gumagamit o users. Ito ay maaaring maging perpekto para sa isang corporate account kung saan halimbawa, 2 ng 3 na pirma ay kinakailangan upang makumpirma ang isang transaksyon. Ang wallet ay mayroon ding desktop, mobile at web interface at ganap na independent at open source.

Kalamangan (Pros)
-Multisig wallet - nagbibigay-daan para sa pinabuting seguridad, mahusay na disenyo, sumusuporta sa maramihang mga aparato.
-Ito ay Libre.
-Open Source.

Kawalan (Cons)
-Walang itong suport.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bitpay.copay
Ios: https://itunes.apple.com/us/app/copay/id951330296
More Downloads options for Windows and Linux os (Official Website): https://copay.io



12. Electrum- kung mapapansin din naten, ang Electrum ay isa din sa minumungkahing wallet nang ating forum katulad nang Bitcoin Core. Ang mabilis at lightweight na desktop app na ito ay isang mahusay na mapagpipilian para sa isang tao na gumagamit ng mas matanda at mas malakas na mga computer para sa kanilang imbakan ng bitcoin. Ang pinaka-processor na masinsinang bahagi ng wallet ay hinahawakan ng mga remote server. Ang Electrum ay mahusay na itinuturing para sa mga advanced na tampok ng seguridad at privacy nito, at maaaring mabawi ng mga user ang kanilang wallet na may lihim na pass phrase, bagaman ang ilang mga tao ay mas gusto ang isang wallet na hindi umaasa sa mga remote server. Gumagamit din ako nang Segwit address nito at tested ko na secured ang Electrum.

Kalamangan (Pros)
-Habang ang karamihang apps ay processor intensive, ang Electrum ay kilala sa pagiging mabilis at lightweight.
-Open Source.
-Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)

-Hindi user friendly para sa mga newbies, at ang pag asa sa external server nito ay maaaring maging security threats.

Download Link: https://play.google.com/store/apps/details?id=org.electrum.electrum
Official website: https://electrum.org



13. Exodus - Kung nais mong i-store ang iyong Bitcoin sa iyong Desktop, ang Exodus ang pinakamahusay na pagpipilian para sa iyo. Ito ay inilunsad noong 2016 at nakakuha ng malaking katanyagan mula noon. Bukod sa pag-iimbak ng Bitcoins, ang Exodus ay nagpapahintulot sa iyo na makipagpalitan ng mga cryptocurrency gamit ang inbuilt Shapeshift.io. Ngunit tandaan, ang wallet na ito ay para sa mga computer lamang.

Kalamangan (Pros)
-Nagbibigay-kaalaman na UI
-Madali sa Exchange cryptocurrencies
-Ito ay Libre

Kawalan (Cons)
-Para lamang sa Mga Computer / Laptops

Download Link(official website): https://www.exodus.io/releases



14. Green Address - maaari mong ma-access ang iyong Bitcoins sa pamamagitan ng iba't ibang mga pamamaraan, kabilang ang online, sa pamamagitan ng isang mobile app, o sa pamamagitan ng isang desktop client. Ang Green Address ay mahusay na itinuturing na user-friendly at dahilan kung bakit ang Green Address ang isa sa mga pinaka flexible na wallet. Mayroon itong multi-sig at may malakas na mga tampok sa seguridad at privacy.

Kalamangan (Pros)
-Ito ay Lubos na may kakayahang umangkop at napakadaling gamitin, kaya ang Green Address ay isang nangungunang pagpipilian para sa mga newbies
- Ito ay Libre.

Kawalan (Cons)
-Kinakailangan ang paggamit ng isang remote app na na-load mula sa isa pang lokasyon, at nakabahaging kontrol sa iyong Bitcoins.

Donwload Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=it.greenaddress.cordova
Ios: https://itunes.apple.com/app/id1206035886
Official website: https://greenaddress.it



15. Jaxx Wallet - ayon sa ilan sa mga pagsusuri ng wallet ng Jaxx. Ang wallet na ito ay maraming pa ding bugs at may mga isyu.
Ang Jaxx ay isang Multi-Currency digital wallet na nagtatabi ng Bitcoins pati na rin ang Altcoins.

Hindi tulad ng Exodus at MyCelium, ang Jaxx ay magagamit para sa Mobile pati na rin sa Desktop. Ang UI ng Jaxx ay napaka-simple at madaling maunawaan para sa isang Newbie.

Kalamangan (Pros)
-supports multiple currencies
-Magagamit sa Mobile at Desktop
-Ito ay Libre

Kawalan (Cons)
-May 3-star rating sa Playstore (kung san mas mababa kumpara sa iba pang mga wallet)
-Medyo isang bagong kumpanya
-Hindi Open source.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kryptokit.jaxx
For more download options visit Jaxx Official website: https://jaxx.io




16. Mycelium
 - Sa totoo lang, ito ang pinaka una na Bitcoin wallet na ginamit ko. Subok ko na ito at talagang napakadami nang features, pwede itong I-connect sa Hardware wallets gaya nang Ledger Nano S, Trezor at Keepkey.
Ang MyCelium ay isang proyektong open-source at regular na na-upgrade sa teknolohiya sa pamamagitan ng isang aktibong komunidad ng mga developer.

Kalamangan (Pros)
-Mas mahusay kaysa sa Web Wallets
-Interactive UI
Ito ay Libre

Kawalan (Cons)
-Maaaring mahirapan sa pag gamit ang mga baguhan.
-Magagamit lamang sa Mobile.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mycelium.wallet
Official website: https://wallet.mycelium.com




17. Xapo- Ang Xapo ay isang web-based wallet system, ang kailanganan mo lang upang i-access ito ay isang web browser at Internet connection. Ang Xapo ay kilala sa pagkakaroon ng makatwirang mga advanced na tampok sa privacy at seguridad, lalo na para sa isang web-based wallet. Sinusuportahan ng kumpanya ang mga pagbabayad sa pamamagitan ng isang sistema ng debit card, na ginagawang mas madaling gastusin ang iyong mga Bitcoin. Ito ay user friendly din para sa mga newbies.

Kalamangan (Pros)
-Pinapayagan ka ng sistema ng debit card ng Xapo na gamitin ang mga Bitcoin ATM at gastusin sa mga merchant sa buong mundo.
-Ito ay Libre

Kawalan (Cons)
-Ang mga wallet na nakabatay sa Web ay nahaharap sa mga labis na pagbabanta sa seguridad, at hindi mo magagawang pamahalaan ang iyong mga Bitcoin nang walang koneksyon sa Internet.

Download Link
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.xapo
Ios: https://itunes.apple.com/app/id917692892
Official website: https://xapo.com



So ayun, eto yung mga halimbawa nang Software wallets, hindi ko masisiguro na lahat nang Bitcoin wallet ay naisama ko kaya feel free to comment additional Bitcoin Wallets. Pero nasisiguro ko na ang mga Wallet na ito ay top wallets at trusted na nang madaming users.

Tandaan, madaming fake wallets ang nagkalat sa internet kaya wag basta download lang. Maaaring magtanong o humingi muna nang payo sa mga senior users upang masiguro ang iyong seguridad.



Lastly, itong Paper wallets.

Paper wallets - ang mga Paper wallets ay mga dokumento na naglalaman ng lahat ng data na kinakailangan upang makabuo ng anumang bilang ng mga privaye key ng bitcoin. Ito ay karaniwang ginagamit para sa pag-iimbak ng bitcoins offline bilang isang pisikal na dokumento.

Hindi ako makapagbibigay ng ilang mga halimbawa ng Paper wallet kasi hindi ko pa din ito nattry, siguro i u-update ko lang tong thread once meron na o kaya naman feel free to comment kung may nalalamn kayo. Ang mga paper wallets ay mga dokumento lamang. Ngunit ito ay isang paraan pa rin ng pag-iimbak ng bitcoin. Astig diba? Tapos offline pa.



So ayun lang. Madami akong wallet na hindi naisama kasi gaya nga nang topic "Bitcoin wallets" lang muna. I'm planning to make a thread about Ethereum wallets soon.
Sana madami kayong natutunan sa pagbabasa nang thread na ito, medyo mahaba pero madami kayong matututunan.
By the way thanks for reading.

Kung may katanungan kayo just comment at sasagutin ko hanggat makakaya ko. Kung may nagawa akong mali paki sabi na lang saken.

This thread is "Self Moderated" to avoid unwanted replies Smiley
Good day and Godbless Pinoy.
Ciao.

~Silent26

Sources:
https://en.bitcoin.it/wiki/Address
https://coinscage.com/best-bitcoin-wallet/
https://www.investopedia.com/terms/b/bitcoin-wallet.asp
https://www.buybitcoinworldwide.com/wallets/
https://99bitcoins.com/best-bitcoin-wallet-comparison-review/?gclid=EAIaIQobChMIzc3NgZff2QIVHbbACh12eAIWEAAYAyAAEgIeWvD_BwE
https://www.finder.com/ledger-nano-s-wallet-review
https://www.finder.com/ph/trezor-bitcoin-wallet-review
https://www.finder.com/ph/keepkey-wallet-review
https://en.bitcoin.it/wiki/Paper_wallet
http://ecurrencyreview.com/2017/02/09/coins-ph-bitcoin-wallet-review/

My original thread: https://bitcointalksearch.org/topic/m.31919039


Do not re-post without my permission.
Do not plagiarised.
Do not quote the whole thread or it will be deleted
.




Jump to: