Author

Topic: Bitcoin's price, at ang ating seguridad (Read 299 times)

sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
April 27, 2021, 10:47:26 AM
#25
Okay din itong nagawa mong post from last year and making it a throwback post.

Magnda yang post na yan or rather specifically inforamation para sa mga baguhan o noob palang pag dating sa trading or maghawak ng bitcoin.

Bakit ko nasabi?

kasi my nakita akong isang post sa ibang forum (Baguhan pa lang siya) na halos sinugal na niya yung passion niya  for music sa pag invest sa bitcoin kumuha siya ng part time job binenta niya yung guitara niya para lang mainvest sa bitcoin pinasok niya yung kinita niyang pera sa bitcoin.

And ayun bumagsak ata ang bitcoin nung panahon na yun na stress o depress niya ang ginawa niya binura niya lahat ng app na connected sa bitcoin.

Ngayon naman at malaking pagsisi niya dahil sa alam naman natin na tumaas ang bitcoin ngayon taon hinanap niya yung private key niya kung my naisulat man siya sa papel pero wala na bigo siya at dahil dun back to zero siya.

Saklap ng ganyan kabayan.

Pera na naging luha pa. Ayan talaga yung pinaka-disadvantage ng isang tao kapag hindi niya alam yung bagay na pinasok niya, basta na lamang niyang pinasok dahil kumikita yung iba. Well, wala namang mali sa ginawa nya, which is nag invest sa Bitcoin. Ang mali niya lang eh nilahat nya, kaya wala siyang pinambili ng popcorn  habang naghihintay sa pagtaas ng Bitcoin kaya kung anu-ano agad ginawa niya na ang ending eh nawala talaga lahat.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 273
April 24, 2021, 12:56:08 AM
#24
Okay din itong nagawa mong post from last year and making it a throwback post.

Magnda yang post na yan or rather specifically inforamation para sa mga baguhan o noob palang pag dating sa trading or maghawak ng bitcoin.

Bakit ko nasabi?

kasi my nakita akong isang post sa ibang forum (Baguhan pa lang siya) na halos sinugal na niya yung passion niya  for music sa pag invest sa bitcoin kumuha siya ng part time job binenta niya yung guitara niya para lang mainvest sa bitcoin pinasok niya yung kinita niyang pera sa bitcoin.

And ayun bumagsak ata ang bitcoin nung panahon na yun na stress o depress niya ang ginawa niya binura niya lahat ng app na connected sa bitcoin.

Ngayon naman at malaking pagsisi niya dahil sa alam naman natin na tumaas ang bitcoin ngayon taon hinanap niya yung private key niya kung my naisulat man siya sa papel pero wala na bigo siya at dahil dun back to zero siya.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 13, 2021, 06:46:39 AM
#23
BTC lang talaga ang coin na hindi ka bibiguin. Hinihintay ko na mag mura ulit para makapag invest ako nasayang ang two years na nag mura siya sayang madami sana ako na hodl.

Maghohold na lang ng coin dapat dun na sa sigurado. Medjo risky naman kapag mag short term trading ako.
Actually makikita naman natin ngayon ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng Bitcoin indikasyon namaganda itong gamitin pang short term or even daytrading .

Bumababa sa 40k level pero Umaangat sa 50k ulit in few days .

kung sanay Malakas lang loob natin? siguro dito na tayo maglalaro lage.
Actually, kung gusto mo ng secured funds para sa investment mo sa tingin ko Bitcoin, Ethereum at ibang pang malalaking crypto ang pwede mong i-hold at hindi ka nito bibiguin in the long run. Pero if you want ng daytrading, much better kung pipili ka ng ibang crypto to invest on dahil hindi katulad ni BTC, ETH at other major crypto, sila yung mas volatile yung market at mas malikot yung paggalaw ng price and high na kumita ng mabilisan.
Tulad nga ng sabi mo kaylangan lang na malakas ang loob mo lalo't na hindi stable ang pagtratradingan mo at kaylangan mong bantayan upang hindi ka malugi at hindi ka mahuli sa mga chances ng buy time at sell time.
actually kasama noon sa list ang ripple Bago mangyari ang filing ng case though hindi naman totally nalampaso ang presyo kasi until now nasa 40+ cents pa din.

Pero tama ka kailangan lang naman natin mamili kung short term trading or Holding para mas makapag decide tayo ng coins na gagamitin.
full member
Activity: 422
Merit: 103
Futurov
March 11, 2021, 06:51:09 PM
#22
Sa aking palagay walang dapat na ikabahala ang mga tao pag dating sa security and transparency ng bitcoin dahil sobrang ganda ng kanila sistema pag dating dito. Ayon sa mga experts walang sino man ang may kayang pasukin at nakawin ang mga resources na meron ang bitcoin dahil sa one of a kind na security system nito.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
March 10, 2021, 07:01:44 PM
#21
Nakakatawa lang kasi parang distribution phase na yun noong nakaraang March at parang sinabayan lang ng fakeout dahil sa COVID-19 kaya parang whales din nag drive sa fakeout na yun. Anyways, nangyari na ang nangyari at hindi na maibabalik kaya talagang congratulations nalang talaga sa mga hodler Ryan na malalakas at nagbunga na nga ito sa ngayon. In regards to security, talagang dapat tayong mag-ingat at pag-ingatan yung mga assets natin kasi isang iglap lang pwede yang mawala not necessarily sa holdap pero sa mga hacking, phishing at iba pang pwedeng mangyari online or offline lalo na sa wallets mo kung saan nakalagay bitcoin or other altcoins mo.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Be nice!
March 09, 2021, 11:43:01 AM
#20
BTC lang talaga ang coin na hindi ka bibiguin. Hinihintay ko na mag mura ulit para makapag invest ako nasayang ang two years na nag mura siya sayang madami sana ako na hodl.

Maghohold na lang ng coin dapat dun na sa sigurado. Medjo risky naman kapag mag short term trading ako.
Actually makikita naman natin ngayon ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng Bitcoin indikasyon namaganda itong gamitin pang short term or even daytrading .

Bumababa sa 40k level pero Umaangat sa 50k ulit in few days .

kung sanay Malakas lang loob natin? siguro dito na tayo maglalaro lage.
Actually, kung gusto mo ng secured funds para sa investment mo sa tingin ko Bitcoin, Ethereum at ibang pang malalaking crypto ang pwede mong i-hold at hindi ka nito bibiguin in the long run. Pero if you want ng daytrading, much better kung pipili ka ng ibang crypto to invest on dahil hindi katulad ni BTC, ETH at other major crypto, sila yung mas volatile yung market at mas malikot yung paggalaw ng price and high na kumita ng mabilisan.
Tulad nga ng sabi mo kaylangan lang na malakas ang loob mo lalo't na hindi stable ang pagtratradingan mo at kaylangan mong bantayan upang hindi ka malugi at hindi ka mahuli sa mga chances ng buy time at sell time.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
March 09, 2021, 08:40:48 AM
#19
Napakabilis nga nang panahon pero yan din yung mga time na bullish yung price nang BTC kahit na tinamaan ang mundo nang pandemya. Nakakatuwa lang talaga na maganda ang nagiging takbo nang cryptocurrency ngayon.
Hindi talaga maganda ang sabihin na madali ang kumita nang pera sa cryptocurrency kasi maaring matrigger yung mga makakausap natin na pasukin ang cryptocurrency tapos masyado sila mag-expect nang malaking return. Yun din nang yari sa pinsan ko na pumasok sa crypto kaya lubos ko syang pinaalalahanan na maging maingat at huwag agad magexpect nang mabilis na kita. Yung iba naman kapag nalalaman lang nila about sa crypto dun ko lang sila tinuturuan at hindi ako bukas sa iba lalo na kapag hindi ko sila kakilala.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 09, 2021, 06:03:39 AM
#18
BTC lang talaga ang coin na hindi ka bibiguin. Hinihintay ko na mag mura ulit para makapag invest ako nasayang ang two years na nag mura siya sayang madami sana ako na hodl.

Maghohold na lang ng coin dapat dun na sa sigurado. Medjo risky naman kapag mag short term trading ako.
Actually makikita naman natin ngayon ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng Bitcoin indikasyon namaganda itong gamitin pang short term or even daytrading .

Bumababa sa 40k level pero Umaangat sa 50k ulit in few days .

kung sanay Malakas lang loob natin? siguro dito na tayo maglalaro lage.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
March 08, 2021, 10:44:36 AM
#17
Congrats sa lahat ng mga matiisin at nalagpasan ang ilang beses na bear market at hindi nainip sa paghihintay.

Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats. Wink
Eto talaga ang isa sa dapat na tandaan ng lahat. Huwag masyadong showy sa social media, hindi natin alam kung ano ang intention o magiging pakiramdam ng mga nakakakita ng mga post natin lalo na kung parang medyo boasting at bragging. Mas ok na maging lowkey lang at syempre enjoy lang din sa profits silently.
Ito yung kadalasang ginagawa ng mga biglang yaman na ibang crypto enthusiasts lalo na yung mga baguhan lang na swerte na nakapag-invest sa isang crypto asset at naging milyunaryo. Pinopost sa social media kung anong narating sa buhay at to be honest isa itong napakarisky na move dahil yung mga abangers na masasamang loob ay nandyan lang nagmamasid at sinusubaybayan ang next nilang victim. Swerte nga nung mga nakabili nung nasa price range ng $3k pa lang si BTC at naghodl hanggang sa ito ay umabot ng $50k tibatiba na yung ibang mga kabayan natin iba talaga kapag may pampuhunan. Congratulations na lang sa kanila at sana all. 😁
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Be nice!
February 27, 2021, 12:47:33 PM
#16
Another reason why we don't have to tell everyone that we earn a lot on cryptocurrency is that pwede silang out of nowhere invest in it, tapos biglang nagdip yung price at magconclude agad sila na niloloko lang natin sila. Better to tell your earnings sa mga cryptocurrency friends mo na sobrang kilala mo na talaga for safety na rin. Don't post your earnings in social media, kasi maraming sniper (you know what I mean).

At mas mabuting turuan natin ng mas mabuti yung mga interesado talagang mag bitcoin para naman hindi sila magugulat sa pabago-bagong presyo nito.
I don't think naman na may mali tayo dun kung sakaling malugi sila kung sakaling mag-invest sila sa crypto or bitcoin. For me, sasabihan ko lang sila na it's a learning curve eventhough na nalugi sila. Lesson learned na nila yung na hindi nila inaral ang art of trading and holding. Pero, I think it's best to just say na we are earning on cryptocurrency instead na may "a lot" pa. Other than na nagmumukha tayong mayabang, there's a risk na pwede na tayong makwento at matarget ng kung sino sino, mas better kung discreet tayo sa ganung bagay. Tsaka, it's not always naman na malaki yung kita sa crypto or even trading, there are times na mababa or almost talo at balik puhanan lang.

We also must be careful kung magsasabi tayo and mas better kung matuturo natin ng maayos sa kanila para kahit papaano may idea sila sa pros and cons at maari nilang maencounter. Anyway, yung mga naturuan ko magbitcoin dati at nasabihan ko about crypto ay malalaki na ng kinikita at investment sa bitcoin at happy ako sa kanila.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
February 27, 2021, 08:58:20 AM
#15
Another reason why we don't have to tell everyone that we earn a lot on cryptocurrency is that pwede silang out of nowhere invest in it, tapos biglang nagdip yung price at magconclude agad sila na niloloko lang natin sila. Better to tell your earnings sa mga cryptocurrency friends mo na sobrang kilala mo na talaga for safety na rin. Don't post your earnings in social media, kasi maraming sniper (you know what I mean).

At mas mabuting turuan natin ng mas mabuti yung mga interesado talagang mag bitcoin para naman hindi sila magugulat sa pabago-bagong presyo nito.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
February 26, 2021, 02:38:11 PM
#14
BTC lang talaga ang coin na hindi ka bibiguin. Hinihintay ko na mag mura ulit para makapag invest ako nasayang ang two years na nag mura siya sayang madami sana ako na hodl.
Maghohold na lang ng coin dapat dun na sa sigurado. Medjo risky naman kapag mag short term trading ako.
Hindi ka naman nag iisa sa mga nanghihinayang sa mga panahon na yan, kahit ako aminado akong isa ako dyan sa mga yan lalo na sa mga panahon na yun eh hamak lang akong service crew at ang pera ko ay halos pang kain ko lang, kaya walang wala akong pera para sa ibang bagay lalo na pagdating sa mga investments.
Naalala ko pa nga yung mga nag iinvite sa UNO dati, na naakit din ako pero buti na lang talaga at wala talaga silang mahuhuthot sakin kahit singko.
kaya ngayon although may pang invest na ko pero ang masakit eh masyado ng mataas ang presyo ni BTC, pero wala na tayo magagawa dyan, siguro kung makapag pasok man tayo eh talagang mananalangin tayo sa posibilidad na umabot ng 100k para yung profit eh siguradong TIBA TIBA.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
February 26, 2021, 09:55:38 AM
#13
BTC lang talaga ang coin na hindi ka bibiguin. Hinihintay ko na mag mura ulit para makapag invest ako nasayang ang two years na nag mura siya sayang madami sana ako na hodl.

Maghohold na lang ng coin dapat dun na sa sigurado. Medjo risky naman kapag mag short term trading ako.

Isa rin yan sa mga pinanghihinayangan ko. Maraming pagkakataon noon para bumili ng BTC sa mahabang halaga ang pinalampas ko. Nagluluksa ako noon tuwing dip without realizing na dapat ko palang itake advantage ito. Isa rin ako sa naghihintay ng dip para makapag invest hanggang sa tumaas ulit ang Bitcoin at kumita din ulit ng maganda. Pag bumaba ang BTC dapat matuto na talaga tayong magimbak.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
February 24, 2021, 08:56:48 AM
#12
Parang kailan lang na sobrang affordable ng Bitcoin at wala halos pumapansin noong kababaan palang ng presyo.

I don't brag my Bitcoin or crypto earnings sa mga social media sites at baka utangan lang ako ng mga kamag-anak ko lol, walang pinagkaiba ang crypto sa pera at hindi ideal na ipagkalandakan ang kinikita natin dito lalo na baka targetin tayo ng mga masasamang loob at manganib buhay natin or mga kapamilya natin. Hindi magtatagal magiging ugat ang Bitcoin at crypto ng mga sari-saring krimen sa ating komunidad kaya maganda pag-ibayuhin ang pag-iingat.
Nakakapanghinayang naman talaga kung iisipin mo ang bitcoin na bigla lamang lomolobo ang presyo. Sayang ang mga perang naubos lang kung saan mga gasto na walang kabuluhan, at ngayun sa mataas na presyo ay nais na nating bumaba ulit para makabili. Pero, ganyan nga ang buhay minsan kung sino yung mataas ang pasensya siya talaga ang magtatagumpay. Siguro ang siguridan neto bago umabot ng $100k per btc dapat ay makabili ka sa oras na ito ay babalik sa $6k or $7k bawat isa.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
February 24, 2021, 07:54:58 AM
#11
Parang kailan lang na sobrang affordable ng Bitcoin at wala halos pumapansin noong kababaan palang ng presyo.

I don't brag my Bitcoin or crypto earnings sa mga social media sites at baka utangan lang ako ng mga kamag-anak ko lol, walang pinagkaiba ang crypto sa pera at hindi ideal na ipagkalandakan ang kinikita natin dito lalo na baka targetin tayo ng mga masasamang loob at manganib buhay natin or mga kapamilya natin. Hindi magtatagal magiging ugat ang Bitcoin at crypto ng mga sari-saring krimen sa ating komunidad kaya maganda pag-ibayuhin ang pag-iingat.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
February 24, 2021, 04:34:54 AM
#10
Ako naman sa dummy account ko lang ako kadalasan nagshill ng mga tungkol sa btc at crypto mahirap tlaga kapag sa personal account ka mismo magpost at baka ma ispatan ng masasamang loob baka akalain andaming bitcoin na hawak hehe siguro mga nasa 2-3 friends ko lang nakakalam na nagbibitcoin ako.   

Hindi ko lubos akalain sobrang bilis gumalaw ng btc nakakagulat talaga kaya in just 2 months this year naka ilang ATH na si BTC kaya naman expected ko na to na magkakaroon ng correction just like the previous bull market wala man ako masyado hawak na btc kasi mostly altcoins ako nakaimbak e masaya pa rin at sumusunod ang altcoins sa btc, congrats sa mga maraming hodl na btc at alts umpisa palang to for sure.               
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
February 24, 2021, 01:38:36 AM
#9
Unpredicted talaga ang galaw ng bitcoin. Last year lang nasa bearish market tayo at nakaka depress lalo na kung nakabili ka nung time na mataas ang price, yung ibang kakilala ko nagbenta kahit lugi. Tapos ngayon bullrun na, ang kailangan talaga natin ay patience at trust kasi kung meron tayo nyan hindi tayo matetempt na mag panic sell at patuloy lang sa pag hold.

Anyways blessing talaga ang bullrun ngayong taon, malaki na rin ang kinita ko pero mas pinili ko na lang na manahimik at wag ng mag post sa social media (lalo na sa fb marami ako kamag-anak baka mangutang haha charot). Tama si op stay humble lang tayo at wag mayabang lalo na kung aware tayo na yung iba ay hindi pinalad katulad natin.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
February 21, 2021, 03:57:51 AM
#8
Muling paalala lang, na wag sana nating ikalat sa karamihan ng mga kakilala natin at sa social media na meron tayong bitcoin/crypto at malaki ang kinita natin.

Bakit? May makalaman lang na isang masamang tao na meron tayong crypto holdings na may malaking halaga, e may posibilidad na may makidnap saatin o sa mga mahal natin sa buhay para dun sa crypto holdings natin.

Yes, alam ko, sobrang baba lang siguro ng chansang may mangyaring ganito(kasi in the first place marami ngang may di alam kung ano ang crypto), pero is it worth risking? Isusugal natin ang seguridad natin at ng pamilya natin para lang maipagmalaki natin ang holdings natin? Big no. Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats. Wink

Documented Physical Attacks: https://github.com/jlopp/physical-bitcoin-attacks/blob/master/README.md
Topic: ❗ [Security] Iwasang Gumamit ng Custodial Wallets, at iba pang Security Tips https://bitcointalksearch.org/topic/security-iwasang-gumamit-ng-custodial-wallets-at-iba-pang-security-tips-5215182
The $5 Wrench Attack: https://cryptosec.info/wrench-attack/

Base sa link, ang mga bitcoin related crimes na naitala ay mga progresibong bansa, marami sa mga tao doon ay may sapat na knowledge tungkol sa bitcoin. Habang ang karamihan sa mga kababayan natin ay hindi pa din fully aware kung pano ba ito gamitin kaya wala pa talagang naitatala na krimen tungkol dito.

At kahit hindi crypto, hindi maganda na ipost or iflex ang malaking halaga ng pera sa social media.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
February 18, 2021, 11:20:55 PM
#7
Masaya lang talaga na nagawa kong maghold pa din ng kaunting btc dahil na achieve ulit ang panibagong ATH. Kung kaya ko pang maghold hanggang doon sana sa speculation ng ilan na aabutin ito ng $100k to $160k. Napakalaking tulong na nun sa akin at sa ilan na nakapag long term hold.

Last year nga pala tong post na ito. At anlaking improvement ng btc price. 2018 ako simulang mag accumulate at mag invest ng bitcoin. Since ang beliefs ko talaga ay magandang opporunity ito para mag long term noong 2018, hindi nga ako nagkamali. Kahit madaming temptations ay talagang nag sticked ako sa original plan na long term hold.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
February 18, 2021, 10:47:43 AM
#6
Tumataas na naman ang bitcoin at dumadami na naman sa mga kakilala ko ang nagtatanong sakin kung marami pa rin ba akong bitcoin o wala na. Mayroon pa naman akong naitabi para sa aking future, pero sinasabi ko na lang kunwari sa mga kakilala ko na matagal na akong nalugi at tinigilan ko na ito dahil karamihan sa mga nagtatanong ay nanghihingi ng balato na akala mo'y malaki ang naging ambag sa pag-appreciate ng value ng bitcoin Cheesy Kaya sa mga kababayan natin dyan, huwag masyado ipamalita na mayroon kayong naitatabing bitcoin o nag-iinvest kayo, dahil panigurado'y dudumugin kayo ng mga taong hingi ng balato pero ayaw matuto, to the point na igui-guilt trip ka pa para lang makapanlibre. Ilang buwan din akong pikit matang bumibili nung mga time na iyan, at buti na lamang ay nagkaroon ng isang malaking miracle sa pamamagitan ng Square Inc. na siyang nagboost ng lahat lahat sa crypto space sa span ng isang taon.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
February 18, 2021, 04:03:45 AM
#5
Congrats sa lahat ng mga matiisin at nalagpasan ang ilang beses na bear market at hindi nainip sa paghihintay.

Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats. Wink
Eto talaga ang isa sa dapat na tandaan ng lahat. Huwag masyadong showy sa social media, hindi natin alam kung ano ang intention o magiging pakiramdam ng mga nakakakita ng mga post natin lalo na kung parang medyo boasting at bragging. Mas ok na maging lowkey lang at syempre enjoy lang din sa profits silently.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
February 17, 2021, 02:36:25 AM
#4
Nasubaybayan ko rin yang topic mo about dun at talagang napakalaki ng binaba ni BTC nun kaya halos marami talaga lumuha sa pangyayaring iyon. Pero kung nagtiis sila sa kapit nila kay BTC ay siguradong ang laki ng profit nila ngayon.

Tungkol naman sa siguridad natin ay kailangan natin mag-ingat sa pagsshare ng mga holdings natin lalo na kung ito ay bilyones , mas maganda na lang talaga mag-ipon ng tahimik para yumayaman ka na walang iisiping kapahamakan. Sabi nga ni kabayan maging humble lang at wag na ipangalandakan pa sa mga tao ang yaman na meron tayo malaki man o maliit.
jr. member
Activity: 93
Merit: 1
https://t.me/shipchainunofficial
February 17, 2021, 12:03:53 AM
#3
BTC lang talaga ang coin na hindi ka bibiguin. Hinihintay ko na mag mura ulit para makapag invest ako nasayang ang two years na nag mura siya sayang madami sana ako na hodl.

Maghohold na lang ng coin dapat dun na sa sigurado. Medjo risky naman kapag mag short term trading ako.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
February 16, 2021, 01:38:56 PM
#2
Sarap tingnan nung price ng i hit ang $50k, kaya lang pagtapos eh parang hindi natin na sustain. Pero para sa kin ok lang yun, siguro marami talaga sell order sa presyo na yan kaya pag tapos eh biglang dip sa $48k na naman.

Yes, dapat mas maingat na tayo sa ngayon, although siyempre hindi natin maiwasan na mapa-wento dyan sa labas dahil gusto natin i-promote ang bitcoin at crypto pero wag naman masyado lalo na sa hindi natin kakilala. Kaya nga nabanggit ko sa isang post na hindi ako sang ayon dun sa mga nag titiktok para ipag malaki lang ang milyones na kinita daw nila sa bitcoin.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
February 16, 2021, 11:59:55 AM
#1
Throwback sa post(https://bitcointalksearch.org/topic/bitcoins-price-at-ang-ating-mental-health-5232576) ko last year, nung nasa kababaan pa ang price ng bitcoin:




Nakakatawa ano? March last year lang yang nagpost ako tungkol sa pagbaba ng price ng Bitcoin(approximately $4000-$4500 ang BTC at that time) dahil pansin ko angdaming nagpapanic sa mga replies sa mga topics dito sa Pinas section.

At ngayong naghit nanaman tayo ng all time high($50,000) at karamihan saatin ay siguradong sobrang saya, eto nanaman ang panibagong thread naman. Bull market edition naman. Tongue

Muling paalala lang, na wag sana nating ikalat sa karamihan ng mga kakilala natin at sa social media na meron tayong bitcoin/crypto at malaki ang kinita natin.

Bakit? May makalaman lang na isang masamang tao na meron tayong crypto holdings na may malaking halaga, e may posibilidad na may makidnap saatin o sa mga mahal natin sa buhay para dun sa crypto holdings natin.

Yes, alam ko, sobrang baba lang siguro ng chansang may mangyaring ganito(kasi in the first place marami ngang may di alam kung ano ang crypto), pero is it worth risking? Isusugal natin ang seguridad natin at ng pamilya natin para lang maipagmalaki natin ang holdings natin? Big no. Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats. Wink

Documented Physical Attacks: https://github.com/jlopp/physical-bitcoin-attacks/blob/master/README.md
Topic: ❗ [Security] Iwasang Gumamit ng Custodial Wallets, at iba pang Security Tips https://bitcointalksearch.org/topic/security-iwasang-gumamit-ng-custodial-wallets-at-iba-pang-security-tips-5215182
The $5 Wrench Attack: https://cryptosec.info/wrench-attack/

Congrats sa mga naghold at nagtiis after ng multi-year bear market.
Jump to: