Author

Topic: Bitsails Exchange (Read 126 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
September 16, 2020, 06:00:10 PM
#5
Anyway, ito ung official ANN thread nila na dapat ni link din ni OP, EXCHANGE] 🔵 #BITSAILS Exchange is NOW OPEN in #Alpha stage ✅.

Hindi ako konektado sa kanila, pero kulang sa marketing sa Pilipinas board, at mukhang translated lang yung post ni OP.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
September 13, 2020, 06:04:43 PM
#4
@OP I understand na isa kalang sa mga marketing team ng Bitsails but you have to understand why the first posts in your thread are all about suspicion on Bitsails. Tama ang sinabi nila na kulang ang informasyon na binibigay ninyo tungkol sa Bitsails, na para sa isang bagong cryptoexchange ay talagang nakakaduda. Even sa about page ng website ninyo ay nag-fail magbigay ng company information tungkol sa Bitsails na kahit buong pangalan ng CEO at CTO ninyo ay hindi binibigay. Sa kakulangan ng informasyon sa inyong cryptoexchange wag na kayo magtaka kung bakit konti lang ang inyong maa-aatract na tao.


hero member
Activity: 2898
Merit: 567
September 12, 2020, 01:11:04 PM
#3
Walang security certificate ang website nakakatakot gumawa ng account dito dapat sana fully secured at encrypted ito dahil exchange ito dapat lagyan nila ng mataas na security, parang masyadong madalian ang pag gawa ng exchange na ito ang gusto lang ay maka pag launch agad
manmanan muna natin yung mga unang buwan ng exchange na ito baka maging fly by night exchange lang ito.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
September 12, 2020, 05:17:34 AM
#2
Maganda sana kung mas maglalatag ka pa ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa Bitsails Exchange nyo... parang ang kulang ng laman, wala masyadong panuporta sa mga sinasabi nyo.

5. Pinakamababang Bayad
Ang lahat ng transaksyon ay may minimum na komisyon, mas mababa kumpara sa ibang mga inprastraktura. Ang bawat merkado ay may sariling skedyul ng pagbabayad. Ang pagdeposito at paglabas ng pondo ay libre, depende sa Currency network na gagamitin.

Tulad nito, ilagay mo na rin kung magkano ba yung mga fee/commisions na sinasabi mo para mas okay, since gumawa ka naman na ng thread para sa exchange na yan, bat di mo pa kumpletuhin yung dapat na malaman ng market niyo.
newbie
Activity: 64
Merit: 0
September 10, 2020, 07:25:59 AM
#1
#BITSAILS Exchange ay bukas na ngayon sa #Alpha stage.

https://www.bitsails.com/

Discord: https://discord.gg/EdhSTR6

Twitter: https://twitter.com/BitSails

Telegram: https://t.me/bitsails


BitSails ay isang uri p2p exchange platform hub kung saan madali na para sa lahat na makipagpalitan ng ibat-ibang uri ng cryptocurrencies na may katapat na maayos at ligtas na transaksyon.


Kinakailangan namin ng mga susubok at mga mamumuno sa komunidad, tagasita at mga taong malalim ang kaalaman sa Crypto na magiging parte ng aming malaking samahan. Simulan na ang iyong lakbay kasama kami at magsumite ng iyong pagiging interesado dito [email protected].
Pagsumite ng CV ay mabuti, ngunit ang kasanayan ang mas mahalaga.

1. Napakabilis na Trading Engine
Ang aming pasadyang gawa na trading engine na pinangalanang “Ocean” ang hahawak sa bigat ng merkado at paglilimita ng mga transaksyo ng maayos at mabilis na magbibigay ng pinakamagandang karanasan sa pakikipagkalakaran.

2. Nakabase sa EU
Ito ay nakabase sa European Union, at nangangako kaming magbibigay ng isang ligtas at maasahang imprastraktura lalo na sa mamamayan ng Europa at sa mga gagamit sa buong mundo. Ang inyong impormasyon ay gagamitin ng naayon sa batas ng GDPR. Walang pangamba na maikalat ang inyong mga personal na impormasyon sa mga nakakahamak na programa.

3. Maaasahang Inprastraktura
Ibibigay namin sa inyo ang aming kaalaman mula sa pinagkumpol na 35-taong karanasan kasama ng aking mga kasamahan, ang BitSails network ay isang ligtas, mabilis at maasahang inprastraktura. Regular kaming kumukuha ng mga pentesters upang mapanatili ang kaligtasan ng aming sistema at laging napapanahon sa pinakabagong uri ng pangseguridad laban sa mga ibat ibang uri ng pag atake. Ang BitSails ang pinakamahusay at pinaka bukas sa publikong palitan ng Cryptocurrencies sa merkado.

4. Una ang Seguridad
Ang seguridad ang prioridad. Two-factor Authentication (sa email o authenticator apps) ay kailangan para sa buong pondo ng mga operasyon. Ang aming mga Website ay gumagamit ng SSL encrypted connection kasama ng inyong browser. Protektado kami laban sa DDOS sa pamamagitan ng mga panlaban sa pisikal at mga programa.

5. Pinakamababang Bayad
Ang lahat ng transaksyon ay may minimum na komisyon, mas mababa kumpara sa ibang mga inprastraktura. Ang bawat merkado ay may sariling skedyul ng pagbabayad. Ang pagdeposito at paglabas ng pondo ay libre, depende sa Currency network na gagamitin.

6. API
Dinisenyo ang aming APIs para sa high frequency na pakikipagkalakaran at mining pools na gagawin sa aming platform. Nagbibigay kami ng suporta sa paglabas ng pondo na kasing dali ng pagdeposito, at sa pakikipagkalakaran.
Jump to: