Napaka ironic dahil negative ang peception nyan ni Larry Fink dati sa Bitcoin at tinawag pa nyang “index of money laundering” ang Bitcoin noong wala palang silang ETF na pinapa approve. Madami na tayong nakitang tao kagaya ni Jamie Dimon na balimbing sa Bitcoin kapag may self interest lang sila. Pero maganda na din ito atleast nasa pro side na sila ngayon at malaki ang maiaambag nila sa Bitcoin lalo na sa liquidity dahil trusted sila ng mga tao ng hindi pa involved sa Bitcoin.
https://www.cnbc.com/2017/10/13/blackrock-ceo-larry-fink-calls-bitcoin-an-index-of-money-laundering.html
Kahit din naman is Michael Saylor nung umpisa, tinitira nya rin ang bitcoin,
https://twitter.com/saylor/status/413478389329428480
Kinumpara pa ang Bitcoin sa gambling, pero biglang liko nung nakita nya ang potential at ngayon isa na sa pinakamalaking whales. Kay Fink iba naman ang dahilan nya kung bakit ayaw nya nito, pero sa mga naririnig nya sa clients at sa customer feedback ng company, hindi nila pwedeng ipagkaila ang potential ng Bitcoin kaya nagkukumahug na mag apply ng ETF ngayon.
Competition din to sa kanila ah, kaya ang dami ring big institution na nag apply, so unahan na lang kung sino ang ma approved. Maaring sa mga bitcoin maximalist eh ayaw nila nito at baka manipulate ang presyo. Sa isang banta eh malaking pera ang ipapasok nito sa market. At sa tingin ko to maliban sa bitcoin halving, heto ang magiging catalyst sa susunod na bull run na mag push sa presyo ng $100k or higit pa.