Author

Topic: [Blockchain Game] 0xUniverse (Read 303 times)

newbie
Activity: 7
Merit: 0
February 18, 2020, 04:05:47 AM
#29
Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.


Sa katunayan, ang ideya ng laro ay kawili-wili at ang paksa ng mga sasakyang pangalangaang at pananaliksik ay nakakaakit ng marami. Ngunit ang isang ideya ay hindi sapat at ang tamang pagpapatupad ng ideya ng proyekto ay napakahalaga. Sa personal, hindi ko pa nasubukan ang larong ito, ngunit nalilito ako sa mababang rating ng laro sa https://revain.org/blockchain-games/0xuniverse. Ang laro ba ay maraming mga pagkukulang? Dapat ko bang simulan ang paglalaro at pag-aaksaya ng aking oras o mas mahusay na pumili ng isa pang laro?


legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 31, 2019, 01:25:39 PM
#28
Makes sense.

Downloading it now. Nakita ko sa mga reviews sa play store, ang daming mga negative reviews about this. They don't understand that this is a blockchain game and you need to spend money for you to profit. Lol. Itatry ko nga to. Iwiwithdraw ko yung pay from yobit to here.

Welcome to 0xUniverse then,  I hope na makakita ka ng mga planets na may magandang population at minerals growth.  Siya nga pla if you still don't know, each spaceship have different resources na kailangang para paliparin ang spaceship.
sr. member
Activity: 840
Merit: 268
October 31, 2019, 01:19:42 PM
#27
Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.


Huwag ka sana mawalan ng gana.
Karamihan ng DApps sa Ethereum Blockchain ay naglalagay ng payment options tulad ng paypal, visa, mastercard.
Para yan sa mga players na hindi alam gamitin ang blockchain.
Swerte nga nateng mga marunong gumamit ng blockchain kasi sobrang tipid ang pagbili kapag crypto ang pambabayad.
Subukan mo sa market tumingin, makikita mo, mas mura nang di hamak kaysa kapag card ang pambibili mo.



Lahat ng nasa market ay sa ETH mo mabibili.  Smiley
Makes sense.

Downloading it now. Nakita ko sa mga reviews sa play store, ang daming mga negative reviews about this. They don't understand that this is a blockchain game and you need to spend money for you to profit. Lol. Itatry ko nga to. Iwiwithdraw ko yung pay from yobit to here.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
October 31, 2019, 06:09:09 AM
#26
Share ko lang mga paps yung pinaka bagong na-invent kong ship na Rank 6.
At dahil may Rank 6 na ako, may chance na akong makakuha ng kasunod na Rank sa susunod na pag-invent ko.  Smiley



Tyagaan lang, makakakuha rin ng pambihirang Legendary Planet.
wow,rank 6 kana pala agad at congrats sa bago mong na invent,medyo nalilito pa ako sa game setting kaya di kopa maharap or sadyang hindi lang ako familiar sa mga ganitong klase ng game play .kasi mas prefer ko ang mga games na Kotse or something related
Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.


but the game is still good mate.you should try it first before ka mag decide kung hindi ka magtutuloy
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 30, 2019, 11:17:02 PM
#25
Snipped


Huwag ka sana mawalan ng gana.
Karamihan ng DApps sa Ethereum Blockchain ay naglalagay ng payment options tulad ng paypal, visa, mastercard.
Para yan sa mga players na hindi alam gamitin ang blockchain.
Swerte nga nateng mga marunong gumamit ng blockchain kasi sobrang tipid ang pagbili kapag crypto ang pambabayad.
Subukan mo sa market tumingin, makikita mo, mas mura nang di hamak kaysa kapag card ang pambibili mo.



Lahat ng nasa market ay sa ETH mo mabibili.  Smiley

Indeed, mas mura kung sa ingame ka bibili, mas maraming planeta kang mabibili compared dyan sa package nila.  the transaction eh at most 0.015 lang ang matitipid mo given 0.001 ang kada lipat at ang ang iba pa ngang transaction ay nasa 0.0002x ETH lang.  It is not worth to buy the package, rumekta ka na agad sa planet market kasi mas maraming popupation mas mabilis ang space invention.  In short ignore the package offer  Cheesy.  

In addition common planet can be bought as low as  0.001ETH with gas fee of 1 gwei, around 0.0004xx or less, ang rare planet may nagbebenta ng 0.002ETH -0.003 ETH  at epic planet around 0.008-0.01 ETH.  Kapag nakajackpot ka ang population nyan ay pwedeng nasa 2k to 5k plus.  May filter naman kaya madaling maghanap ng planet na prefer mo.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 30, 2019, 07:43:31 PM
#24
~snip

Grats sa rank 6 na ship ako rank 4 pa lang pinakamataas kong ship, 9 days cool down ang ship invention.  Ang problema lang minsan ang taas ng fluctuation ng gas fee.  Umaabot ng 1usd ang minimum kaya sa halip na magpapalipad ako ng ship eh itutulog ko na lang hehe.  Nga pala currently nasa 80 plus planet na ang nakokolekta ko.  Buying kasi ako ng planet with more than 50 people per day ang increase na may pinakamababang presyo.  Ok lang common planet kasi population for invention purpose lang naman para sa high rank ship.



Sana makahit ka ng legendary planet dyan sa Rank 6 ship mo. good luck sa pagpapalipad!
Sana nga kahit makaisa lang.
Di ko rin naman bebenta kung sakali.
Solohin ko lang yung "story" nung planeta.  Cheesy
Oo, huwag dapat pilitin na magpalipad kapag mataas ang gas fee.
Sayang din kasi kapag nag-fail ang lipad.
Dati nga 0.5 GWEI lang ginagawa ko, kaso ngayon nai-stuck lang sa mempool kaya ginawa ko nang 1 GWEI.
Tama rin yang mga murang planeta pero maraming populasyon ang unang bilin.
Yung mga rare pataas kunin na lang sa paglipad para may thrill.



Mukhang matatagalan pa ako makapagpalipad ng mga low rank ships ko, ang laking resources na kinakailangan.
Saka yung pag-invent 1 buwan mahigit pa.  Cheesy



Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.


Huwag ka sana mawalan ng gana.
Karamihan ng DApps sa Ethereum Blockchain ay naglalagay ng payment options tulad ng paypal, visa, mastercard.
Para yan sa mga players na hindi alam gamitin ang blockchain.
Swerte nga nateng mga marunong gumamit ng blockchain kasi sobrang tipid ang pagbili kapag crypto ang pambabayad.
Subukan mo sa market tumingin, makikita mo, mas mura nang di hamak kaysa kapag card ang pambibili mo.



Lahat ng nasa market ay sa ETH mo mabibili.  Smiley
sr. member
Activity: 840
Merit: 268
October 30, 2019, 12:42:46 PM
#23
Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.

legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 30, 2019, 11:17:09 AM
#22
Share ko lang mga paps yung pinaka bagong na-invent kong ship na Rank 6.
At dahil may Rank 6 na ako, may chance na akong makakuha ng kasunod na Rank sa susunod na pag-invent ko.  Smiley



Tyagaan lang, makakakuha rin ng pambihirang Legendary Planet.

Grats sa rank 6 na ship ako rank 4 pa lang pinakamataas kong ship, 9 days cool down ang ship invention.  Ang problema lang minsan ang taas ng fluctuation ng gas fee.  Umaabot ng 1usd ang minimum kaya sa halip na magpapalipad ako ng ship eh itutulog ko na lang hehe.  Nga pala currently nasa 80 plus planet na ang nakokolekta ko.  Buying kasi ako ng planet with more than 50 people per day ang increase na may pinakamababang presyo.  Ok lang common planet kasi population for invention purpose lang naman para sa high rank ship.



Sana makahit ka ng legendary planet dyan sa Rank 6 ship mo. good luck sa pagpapalipad!
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 29, 2019, 08:11:53 AM
#21
Share ko lang mga paps yung pinaka bagong na-invent kong ship na Rank 6.
At dahil may Rank 6 na ako, may chance na akong makakuha ng kasunod na Rank sa susunod na pag-invent ko.  Smiley



Tyagaan lang, makakakuha rin ng pambihirang Legendary Planet.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 23, 2019, 10:34:51 AM
#20

Wow nice.
Ang bilis 10 na agad ships mo.
Parang nung isang araw lang nagsisimula pa lang.  Cheesy
Sana may makahanap saten ng legendary class na planeta.


Oo nga, siguro kapag nakahanap tayo ng legendary class na planeta eh mapapatalon tayo sa tuwa, nakikita ko bentahan nyan minimum 5 ETH.  Magkano rin yun..

About sa ship, dumedepende pala siya sa population, kapag mataas ang population ng planet mas mabilis maggenerate ng research, kaya naginvest ako sa mga planet na may mataas na bilang ng population then later on yung mga produce per day na hinahanap ko, more likely 50 plus population per day ang target ko bilhin, then common na muna para mura nasa 0.001 ETH lang ang presyohan nila.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 23, 2019, 09:15:12 AM
#19

                 ~snip~
~snip

Hehe, pwede naman kasing pagsabayin since ang isa ay idle game, heto ay economic simlulation katulad ng Prospectors, hindi sila makain ng oras at attention, matagalan nga lang talaga at kailangang magtiyaga.  Anyway, naginvest muna ako ngayon sa population para mas mabilis ang research ng mga spaceship.

Currently may 78 planets ako at 10 ships, heto ang stats :

~img
Wow nice.
Ang bilis 10 na agad ships mo.
Parang nung isang araw lang nagsisimula pa lang.  Cheesy
Sana may makahanap saten ng legendary class na planeta.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 23, 2019, 08:36:08 AM
#18

                 ~snip~
salamat sa paglilinaw Paps at mukhang tama ka nga kasi maging c @lionheart78 na author ng thread na nilink ko ay nagsisimula na din laruin etong ethereum based game hahaha   and since na may holdings ako na eth compared sa eos,siguro eto nalang ang susubukan kong laruin .basa basa lang muna ako sa mga progress ng aro nila habang inaaral ko ang game settings at mga possible na strategies since mga gamers naman tayo kaya madali tayo magkakapasahan ng ideas

Hehe, pwede naman kasing pagsabayin since ang isa ay idle game, heto ay economic simlulation katulad ng Prospectors, hindi sila makain ng oras at attention, matagalan nga lang talaga at kailangang magtiyaga.  Anyway, naginvest muna ako ngayon sa population para mas mabilis ang research ng mga spaceship.

Currently may 78 planets ako at 10 ships, heto ang stats :

copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 23, 2019, 12:42:30 AM
#17

                 ~snip~
salamat sa paglilinaw Paps at mukhang tama ka nga kasi maging c @lionheart78 na author ng thread na nilink ko ay nagsisimula na din laruin etong ethereum based game hahaha   and since na may holdings ako na eth compared sa eos,siguro eto nalang ang susubukan kong laruin .basa basa lang muna ako sa mga progress ng aro nila habang inaaral ko ang game settings at mga possible na strategies since mga gamers naman tayo kaya madali tayo magkakapasahan ng ideas
Salamat din paps.
Medyo boring naman talaga yun game na 'to.
Nagkataon lang na gusto ko ang mga "space themed" games.
Minsan nga lumilipas lang oras ko kakatingin ng planeta ko habang nag-rorotate sila.
Ang weird diba?  Cheesy
Saka maraming blockchain games ang available, makikita mo rin yung makakapukaw ng interest mo.
Mag-iinvest ka nga lang talaga sa umpisa, pero kung hilig mo talaga at alam mo yung diskarte, siguradong bawi rin agad yung lumabas sayo.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
October 22, 2019, 10:21:06 AM
#16

                 ~snip~
salamat sa paglilinaw Paps at mukhang tama ka nga kasi maging c @lionheart78 na author ng thread na nilink ko ay nagsisimula na din laruin etong ethereum based game hahaha   and since na may holdings ako na eth compared sa eos,siguro eto nalang ang susubukan kong laruin .basa basa lang muna ako sa mga progress ng aro nila habang inaaral ko ang game settings at mga possible na strategies since mga gamers naman tayo kaya madali tayo magkakapasahan ng ideas
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 09:35:53 PM
#15
~snip

Sa akin rank 3 pa lang ang pinakamataas na nagagawa ko six hours ang coolown ng research.  Astig yan rank 7 ship pero tingin ko random pa rin ang success, parang dice lang 50/50 chance.  So far nakaka 5 planets na akong nadiscover 10 ang binili ko kaya may total 15 planets na ako at 7 ships na ang pinakamataas ay rank 3.  Sana nga makapaginvent ng high rank ship, subukan kong tyagain munaat  magstay ng mga 3 weeks sa account na ito bago ako mag shapeshift.
Oo, pwede rin naman pahinga kapag parang malas yung lipad.
Ang maganda mag-set ka muna ng dami ng planeta sa unang account mo.
Tapos kapag mag-start ka na mag-shapeshift, i-gift mo na yung mga bagong planeta na makukuha mo papunta sa bagong account.
Nang sa ganon ma-maintain pa rin ng unang account yung pag-eexplorer.
Halimbawa;
May 20 planeta na yung unang account, yung mga kasunod na makukuha nun ay i-gift mo na sa bagong account.
Tapos kapag naka 20 na ulit yung pangalawa, i-gift naman sa bagong account ulit.
Di mo na mamamalayan ang oras kapag marami ka nang account.  Smiley
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 09:28:34 PM
#14
Yun nga lang medyo magastos din ang pagpapadala ng maraming planeta papuntang ibang account.
Saka habang dumarami ang ship na naiimbento, lumalaki ang tsansang makagawa ng ship na may mataas na rank.
Yung saken Rank 5 pa lang yung pinaka mataas, meron nagsabi may nakita silang rank 7 na ship.

Sa akin rank 3 pa lang ang pinakamataas na nagagawa ko six hours ang coolown ng research.  Astig yan rank 7 ship pero tingin ko random pa rin ang success, parang dice lang 50/50 chance.  So far nakaka 5 planets na akong nadiscover 10 ang binili ko kaya may total 15 planets na ako at 7 ships na ang pinakamataas ay rank 3.  Sana nga makapaginvent ng high rank ship, subukan kong tyagain munaat  magstay ng mga 3 weeks sa account na ito bago ako mag shapeshift.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 08:43:43 PM
#13
Pa try ng games na ito OP, sana nga merong mga Anime related games na katulad nito para naman kakaiba yung theme ng laro. pero Ok na rin na merong ganito para naman masubukan natin. loading pa lang ako, kakatry pa lang kase.

~img
Wala pang ganun sa ngayon. Pero merong upcoming TCG (Trading Card Game) sa Ethereum blockchain, at japanese ang mga lumikha nito.
Kaya expect naten na magaganda ang character designs nito.
Eto yung site baka gusto mo i-check.

"Contract Servant" title ng game.
https://playdapp.jp/cscg_lp?lang=en



Napansin ko lang habang tumatagal sa paggamit ng spaceship tumataas ang needed resources, ganun din sa paginvent nito.  Mukhang may exploit ito kung saan pwedeng gumawa ng bagong account at igift ang mga planet dun sa bagong account para mareset ang mga counter especially dun sa paginvent ng spaceship.  Parang di naman pinagbabawal ang multiple account sa game na ito, tama ba @zenrol28?
Oo, nagtataas ng 50% ang required resouces sa bawat paglipad kaya habang tumatagal ay lumalaki ang kinakailangang resources.
Tama din na legal ang pagkakaroon ng maraming accounts.
Tawag nila dun ay "shapeshifting".
Yun nga lang medyo magastos din ang pagpapadala ng maraming planeta papuntang ibang account.
Saka habang dumarami ang ship na naiimbento, lumalaki ang tsansang makagawa ng ship na may mataas na rank.
Yung saken Rank 5 pa lang yung pinaka mataas, meron nagsabi may nakita silang rank 7 na ship.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 07:52:40 PM
#12
Napansin ko lang habang tumatagal sa paggamit ng spaceship tumataas ang needed resources, ganun din sa paginvent nito.  Mukhang may exploit ito kung saan pwedeng gumawa ng bagong account at igift ang mga planet dun sa bagong account para mareset ang mga counter especially dun sa paginvent ng spaceship.  Parang di naman pinagbabawal ang multiple account sa game na ito, tama ba @zenrol28?
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
October 21, 2019, 07:38:42 PM
#11
Pa try ng games na ito OP, sana nga merong mga Anime related games na katulad nito para naman kakaiba yung theme ng laro. pero Ok na rin na merong ganito para naman masubukan natin. loading pa lang ako, kakatry pa lang kase.

copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 01:44:03 PM
#10
~snip

Ubos ang resources ko sa kakalaunch ng rank 2 space ship T_T.  Need pa 23 days para mareplenish ang resources. 

~img

Kaya hanggat maari i-set mo lang yung gas price sa 1 GWEI para tipid.

Kaya nga lagi ko siniset sa pinakamababang tx fee, hindi naman kasi ako nagmamadali.  Tanong lang, may kinalaman kaya ang tx fee sa possibility o percentage ng pagkakatuklas ng planet?

Wala naman siguro.
Dati kasi nakakuha ako ng epic grade na planeta sa rank 1 ship at 0.5 GWEI.
Kaso ngayon parang di na pumapasok yung 0.5 GWEI na gas price, naiistuck sa mempool.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 09:17:33 AM
#9
Oo, may araw na mahirap makahanap ng planeta.
Kaya hanggat maari i-set mo lang yung gas price sa 1 GWEI para tipid.

Ubos ang resources ko sa kakalaunch ng rank 2 space ship T_T.  Need pa 23 days para mareplenish ang resources. 



Kaya hanggat maari i-set mo lang yung gas price sa 1 GWEI para tipid.

Kaya nga lagi ko siniset sa pinakamababang tx fee, hindi naman kasi ako nagmamadali.  Tanong lang, may kinalaman kaya ang tx fee sa possibility o percentage ng pagkakatuklas ng planet?
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 09:11:31 AM
#8
~snip

Mukhang mas mura kapag ingame na lang bumili kesa sa bundle, ang $9 pwedeng makabili ng 4 na epic planet.  Nakabili na ako ng 3 epic planet, yung pinakamura na lang muna.  Habang tumatagal tumataas ang value dahil sa pagdagdag ng mga resources.  Pero icheck ko pa rin yang link na pinakita mo.  Salamat  ulit sa info.



Update:

Got me some planet, 3 unique,1 rare and 1 common for 0.04 ETH.  Nakagawa na rin ng ilang spaceship through research at nakalaunch na rin ng expedition to find new planet.  Ang Problema lang puro failed  mukhang pahirapan na ang paghahanap ng planet dito.

~img
Oo, may araw na mahirap makahanap ng planeta.
Kaya hanggat maari i-set mo lang yung gas price sa 1 GWEI para tipid.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 07:16:59 AM
#7
Pag benta at pag paparenta ng planeta lang ang nakikita kong paraan para makakuha ng ETH sa larong ito.
Pwede ka bumili sa "for sale" tab na makikita sa planet na icon sa bandang upper left hand corner.
Yung visa, master card payment ay para yan sa mga playstore users na hindi alam ang blockchain.
Kailangan kasi nila magpalawak ng audience kaya nilagay nila ang game nila sa playstore para mas dumami pa ang players.
Check this screenshot, lahat yan ETH ang price.



EDIT:
Mas maganda bumili ng bundled planets sa opensea.io
Ang opensea ay isang malaking marketplace ng ERC-721 tokens.

Mukhang mas mura kapag ingame na lang bumili kesa sa bundle, ang $9 pwedeng makabili ng 4 na epic planet.  Nakabili na ako ng 3 epic planet, yung pinakamura na lang muna.  Habang tumatagal tumataas ang value dahil sa pagdagdag ng mga resources.  Pero icheck ko pa rin yang link na pinakita mo.  Salamat  ulit sa info.



Update:

Got me some planet, 3 unique epic,1 rare and 1 common for 0.04 ETH.  Nakagawa na rin ng ilang spaceship through research at nakalaunch na rin ng expedition to find new planet.  Ang Problema lang puro failed  mukhang pahirapan na ang paghahanap ng planet dito.

copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 07:05:02 AM
#6
Mukhang interesante rin itong laro na ito, aside from selling planets, paano kikita ang player dito?  Pinapanood ko ang gameplay nya pero so far di ko pa nakikita ang other means of earning maliban sa pagbenta ng planet.



Para namang nakakaloko tong laro na ito, I tried to purchase the bundle, but then ito tumambad sa akin:

~img

medyo nadisappoint ako ng konte, kasi blockchain game siya, supposedly dapat payable yan ng cryptocurrency, kahit man lang sana nilagyan ng option na ganun.

Pag benta at pag paparenta ng planeta lang ang nakikita kong paraan para makakuha ng ETH sa larong ito.
Pwede ka bumili sa "for sale" tab na makikita sa planet na icon sa bandang upper left hand corner.
Yung visa, master card payment ay para yan sa mga playstore users na hindi alam ang blockchain.
Kailangan kasi nila magpalawak ng audience kaya nilagay nila ang game nila sa playstore para mas dumami pa ang players.
Check this screenshot, lahat yan ETH ang price.



EDIT:
Mas maganda bumili ng bundled planets sa opensea.io
Ang opensea ay isang malaking marketplace ng ERC-721 tokens.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 06:03:18 AM
#5
Mukhang interesante rin itong laro na ito, aside from selling planets, paano kikita ang player dito?  Pinapanood ko ang gameplay nya pero so far di ko pa nakikita ang other means of earning maliban sa pagbenta ng planet.



Para namang nakakaloko tong laro na ito, I tried to purchase the bundle, but then ito tumambad sa akin:



medyo nadisappoint ako ng konte, kasi blockchain game siya, supposedly dapat payable yan ng cryptocurrency, kahit man lang sana nilagyan ng option na ganun.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 02:15:12 AM
#4
~snip

Mukhang matagal pa ang kailangan ng oras upang ma tutunan and laro na ito, at sa dami ng naitala mo dito sa iyong topic parang sumakit yung ulo ko kakabasa. Mas mabuti nga talaga na sa site ko nalang tingnan ang buong detalye nito. Kailangan ko din itong e rekomenda sa ibang kaibigan ko na matagal nang nag lalaro nga mga mobile games. Laking tulong nito para maging interesado ang lahat sa atin tungkol sa blockchain games.
Pasensya na talaga, medyo nakakhilo basahin kapag tagalog.
Pero kapag nilaro mo na madali lang naman, ok naman ang UI saka may tutulong sa'yo na spacedog.  Smiley
Yung ibang details kasi na nilagay ko ay kung gusto mong makatipid sa gas fee.
Para sulit ang bawat lipad ng iyong spaceship.


                                        ~snip~
~snip
~snip


medyo matagal nga ang labanan para makinabang at medyo may gastusan din bagay na medyo disadvantage ng isang laro lalo nat ang main objective ay makalikom ng players at hind makaliom ng "pera mula sa players"

no hardfeelings pero bakit maglalaro ang isang player ng kailangan pa mag gas at matagal ang sistema ng kitaan kung meron namang medyo madali at walang kailangan ibayad na gas?
katulad nitong post ni @lionheart78 though IDLE game yet kikita ka ng EOS na oras lang ang puhunan mo?

https://bitcointalksearch.org/topic/games-eos-knight-an-idle-game-to-earn-eos-5194023

though hindi ko ginagawang comparison dahil sadyang magkaiba naman sila ng concept pero parehas silang naghahanap ng players
Wag kang mag alala paps, bukas para sa opinyon ang thread na ito.
Sa EOS blockchain kinakailangan mo munang mag-stake ng EOS para maging aktibo ang iyong account at upang makagamit ng mga DApps.
Sa ngayon, hindi na ganon kadaling makapag benta ng gamit sa EK (EOS Knights), nilalaro ko rin yan, medyo matagal na rin.
Nakita ko kung gaano kabagal ang development ng laro.
Ang market ay nagsilbing window na lang para sa mga may maraming accounts na naglilipat ng mga items.
Makikita mo lang na gumalaw ang market kapag may event sila, ngunit piling mga materials lang ang magiging mabili.
Yung iba sa alchemist o trash lang napupunta.
Hindi pwedeng ipa-convert sa alchemist yung mga legend grade pataas na nagdudulot ng pagdami ng supply ng mga materyales na iyon.
Saken medyo nakatambak na mga legend grade mats ko kasi hindi naman mabenta, sayang naman kapag binasura lang para sa konting mw (magic water)
Tanging mga Ancient materials / napakamurang mga gamit na lang ang siguradong mabebenta sa market.
May Ancient grade mat na rin na hindi na mabenta dahil oversupply na.

Pero hindi ko sinasabing panget ang EK dahil hanggang ngayon nilalaro ko yan.
Medyo challenging na kumita lalo na kung maguumpisa at hindi mo gagastusan kahit konti.

Dito naman sa 0xU, isipin mo na lang yung NBA Cards dati, makakatrade ka ba kung wala kang card?
Hindi syempre, pwera na lang kung may mabait kang kaibigan na mamigay o kaya ipagpalit nila ang card sa ibang bagay.
Maglalabas ka at maglalabas ka kahit papaano ng puhunan.
Walang libre, lahat may patas na kapalit. (Law of Equivalent Trade)

Wala akong pipilitin para maglaro nito, hindi ito para sa gustong yumaman.
Para ito sa gustong ma-enjoy ang kagandahan ng blockchain.  Smiley
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
October 21, 2019, 01:19:52 AM
#3

                                        ~snip~

Mukhang matagal pa ang kailangan ng oras upang ma tutunan and laro na ito, at sa dami ng naitala mo dito sa iyong topic parang sumakit yung ulo ko kakabasa. Mas mabuti nga talaga na sa site ko nalang tingnan ang buong detalye nito. Kailangan ko din itong e rekomenda sa ibang kaibigan ko na matagal nang nag lalaro nga mga mobile games. Laking tulong nito para maging interesado ang lahat sa atin tungkol sa blockchain games.
Kabayan sa susunod naman subukan nating gumamit ng "~snip~" pag nag quote tayo lalo na at ganito kahabang thread or post ang i quote natin para naman hindi mahilo ang mga susunod na mag babasa at mag popost"salamat kabayan"



medyo matagal nga ang labanan para makinabang at medyo may gastusan din bagay na medyo disadvantage ng isang laro lalo nat ang main objective ay makalikom ng players at hind makaliom ng "pera mula sa players"

no hardfeelings pero bakit maglalaro ang isang player ng kailangan pa mag gas at matagal ang sistema ng kitaan kung meron namang medyo madali at walang kailangan ibayad na gas?
katulad nitong post ni @lionheart78 though IDLE game yet kikita ka ng EOS na oras lang ang puhunan mo?

https://bitcointalksearch.org/topic/games-eos-knight-an-idle-game-to-earn-eos-5194023

though hindi ko ginagawang comparison dahil sadyang magkaiba naman sila ng concept pero parehas silang naghahanap ng players
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
October 21, 2019, 01:00:54 AM
#2
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 12:24:52 AM
#1

Pinagmulan ng imahe: https://www.dropbox.com/sh/kp3at437uowc6ba/AACiKCYzS8GRAAbgEL8Ies_wa/0xUniverse/Art?dl=0&preview=0xUniverse_banner_01_1920.png&subfolder_nav_tracking=1

Website: https://0xuniverse.com/
ANN: https://bitcointalksearch.org/topic/0xuniverse-revolutionary-blockchain-based-space-game-version-44-4436242
Twitter: https://twitter.com/0xUniverse
Facebook: https://www.facebook.com/0xUniverse
Telegram: https://t.me/OxUniverse
Discord: https://discord.gg/R8fwEPC
Reddit: https://www.reddit.com/r/0xUniverse

Pinakabagong update v3.0.3: https://bitcointalksearch.org/topic/0xuniverse-revolutionary-blockchain-based-space-game-version-44-4436242.msg52716831#msg52716831
Paano Laruin: https://0xuniverse.com/how-to-play/
FAQ: https://0xuniverse.com/faq
Roadmap: https://0xuniverse.com/#roadmap

Laruin sa PC: https://play.0xuniverse.com/
Laruin sa Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.oxgames.oxuniverse
o direktang i-download: https://play.0xuniverse.com/mobile/0xUniverse_ARMv7.apk
Laruin sa iOS: https://apps.apple.com/app/id1442193139

Blockchain: Ethereum

Wallet Apps:

(PC)
Metamask: https://metamask.io/
Guide: https://youtu.be/ZIGUC9JAAw8

(PC and Mobile)
Arkane Wallet: https://arkane.network/


Buod
Maging isang space explorer, gumawa at magpalipad ng spaceship upang makahanap ng bagong planeta.
Sa simula ay kakailanganin mong magkaroon ng planeta
Pwedeng bumili sa market o kaya naman ay galing sa iyong kaibigan.
Kailangan mo mamuhunan depende na sayo kung gaano kalaki dahil kailangan mo ng ETH pang gas sa spaceship mo.
Hindi naman ganon kalaki ang ETH na kailangan, at least 0.001 ETH ang halaga kada lipad ng spaceship.
Pero hindi naman aabot ng ganyan kalaki dahil sa bagong update.
Mga 15% - 60% lang magagamit bilang GAS fee.
Tandaan lamang na hindi sa lahat ng oras ay makakahanap ng bagong planeta ang iyong spaceship.
Habang tumatagal ay makakagawa ka pa ng karagdagang spaceships at may level din ang mga ito.
Ang mataas na level ng spaceship ay may mas magandang tsansang makakuha ng planeta na may rare resources.
Maaari mong pa-rentahan ang iyong planeta o kaya naman ay ibenta.
Dito ka na magsisimulang makaipon at kumita paunti-unti.
Tsagaan din ang labanan dito, pero may mga diskarte tulad ng pag gawa ng maraming account upang mas mapabilis ang pag-iipon ng planeta.
Syempre mas magastos yun at kakaen din ng oras.

Mga tulong para sa isang produktibong pag-eexplore: (salamat sa lumikha ng mga artikulo)
https://medium.com/@BWKearns/playing-0xuniverse-on-a-shoestring-budget-d3b371e7ff99
https://medium.com/@BWKearns/shapeshifting-in-0xuniverse-7281c6fd74c2


Mga Imahe: (i-click para palakihin)


Pinagmulan ng mga imahe: https://www.dropbox.com/sh/kp3at437uowc6ba/AAB1TzjRpLyTIeFcNFn4bsh1a/0xUniverse/Screenshots?dl=0&subfolder_nav_tracking=1


Nagsimula ako ng aking paglalakbay noong bandang Abril taong kasalakuyan.
Masasabi kong nag enjoy ako dahil hilig ko talaga mangolekta (pwera sa karelasyon).
Sa panahon ngayon, parang mahirap mangolekta ng mga bagay dahil talamak ang peke.
Ngunit sa blockchain hindi ako mag-aalala na baka may mameke ng kokolektahin ko,
dahil ito'y permanenteng nakatala at hindi maaring magkaroon ng duplicate.
At kung umabot ka ng pagbabasa rito ay maraming salamat sa oras mo.
Halina't gumawa na ng iyong account, i-sumite ang iyong nickname sa laro
at sagot ko na ang unang planeta mo.
Hanggang sampung aktibong miyembro lang siguro ang kaya kong mapadalhan, pasensya na.
Maraming Salamat

Ang mga blockchain games ay isang uri ng DAPP (Decentralized App).
Kung maghahanap pa kayo ng ibang games / dapps sa iba't ibang blockchain, maaari kayong maghanap sa mga site na ito;

https://dappradar.com/
https://www.stateofthedapps.com/
https://dapp.review/
https://www.dapp.com

Tandaan lang na mas mainam na puntahan mismo ang site ng laro / dapp na iyong maiinteresan.
Dahil yung ibang site ay nagbibigay ng hindi accurate na review upang i-promote ang isang dapp.

Jump to: