Author

Topic: [Blockchain Game] Crypto Sword and Magic (Read 300 times)

copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 26, 2019, 08:06:01 PM
#30
Malaking tulong ang mercenary sa pag clear ng world lalo na kapag di mo kaya mag isa habang tumataas ang level
Oo, mas maige na laging full ang party mo.
Take note mo na lang na kapag ang level mo o ng ka-party mo ay lagpas na ng 5 levels sa level ng world dungeon ay bababa ang bigay na exp.
Kaya hangga't maaari piliin din ang isasama para maging efficient ang run.

may nabasa ako sa discord na pwede mag change ng class at level 40
Oo, legit yan.
May 2 class kang pagpipilian pagdating mo ng level 40.

kapag may nakuha kang new items na may mataas na stats sa current items mo, ipalit mo para lumakas kahit papano
Pwede rin yan sabagay di pa naman ganun karaming equipments ang kailangan para mai-max ang level ng low-rarity equipments.

always check kung may active sa training skill and item echanting, para mas mapabilis at mapalakas ang power
wag din kalimutan na lagyan ng skills ang lahat na available slots
Yung enchantment tap may red dot na lumalabas na parang notice kapag tapos na yung time ng enchantment.
Yung sa  training skill yung problema kasi walang notification kaya kailangan bantayan.
Oo, kailangan bantayan din ang levels para may mailagay agad yung na-unlock na skill slot.

iniipon ko na muna ang mga crystals
Yan importante yan.
Pero pwede mo rin gamiting kapag mag-grind ka for at least 1 hour. (x2 speed= 1 crystal)
hero member
Activity: 2618
Merit: 612
October 26, 2019, 03:34:40 AM
#29
Nung nasa rural area ako, di ko pa ito malaro kasi laging bad network connection kapag magseselect na ako ng hero kahit stable naman ang network connection ko kaya naumpisahan ko lang itong laruin nung wednesday dito sa city. Actually, wala akong alam sa EOS kaya nalaman ko lang na paid account pala sila nung umpisahan kung itry itong game. Woombat pala pinili kong android wallet.

Malaking tulong ang mercenary sa pag clear ng world lalo na kapag di mo kaya mag isa habang tumataas ang level

may nabasa ako sa discord na pwede mag change ng class at level 40

kapag may nakuha kang new items na may mataas na stats sa current items mo, ipalit mo para lumakas kahit papano

always check kung may active sa training skill and item echanting, para mas mapabilis at mapalakas ang power
wag din kalimutan na lagyan ng skills ang lahat na available slots

iniipon ko na muna ang mga crystals
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 23, 2019, 07:54:42 AM
#28
~snip
Sobrang cool nga tignan e kasi nag eenjoy ka and kumikita at the same time, kadalasan kasisa ibang bagay nila inuubos yung leisure time nila. I haven't try it but i'm looking forward particularly now na marami sa inyo ang nakasubok na nito at base sa experience ng iba sa inyo masasabi ko na worth it naman. Mas maganda kasi kung sa kababayan natin mismo manggagaling yung feedback at reviews about dito kasi mas maiintindihan ng madami sa atin, ano yung mga tips niyo para sa baguhan sa larong ito? interesado kasi ako, gusto ko din malaman yung opinyon niyo.
Maganda siguro alamin mo na kung anong character at build ang gusto mo.
Para tuloy tuloy ang progress hanggang makarating ng end game.
1 character lang kasi pwedeng gawin, di rin pwede delete.
Kapag nasa in-game ka na, laruin mo lang muna parang normal na mga rpg idle game na nasa playstore.
Wag mo na lang muna siguro galawin yung free crystals, mahal kasi mag top-up ng crystals 100pcs = 1EOS.
Pero kung grind mode ka, pwede ka gumamit ng crystal para maging x2 yung speed ng run.
Saka lagi mag log-in araw araw, may attendance kasi sila na magbibigay ng free items / crystals / pet.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
October 23, 2019, 06:45:09 AM
#27
Mukhang ayos to ha, dagdag na laro para kumita ng crypto ung mga mahilig sa mga games malamang kahit papano madidivert yung attention nila instead na magsayang ng oras sa mga current gamings na ginagamit nila, medyo magkakaroon ng pagkakataon an lumipat at sumubok ng bagong mga laro na may pagkakataon na kumita habang nag eenjoy, salamat kabayan sa pagshare sana madaming magkainterest at mag share ng mga updates nila dito.
Sobrang cool nga tignan e kasi nag eenjoy ka and kumikita at the same time, kadalasan kasisa ibang bagay nila inuubos yung leisure time nila. I haven't try it but i'm looking forward particularly now na marami sa inyo ang nakasubok na nito at base sa experience ng iba sa inyo masasabi ko na worth it naman. Mas maganda kasi kung sa kababayan natin mismo manggagaling yung feedback at reviews about dito kasi mas maiintindihan ng madami sa atin, ano yung mga tips niyo para sa baguhan sa larong ito? interesado kasi ako, gusto ko din malaman yung opinyon niyo.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 23, 2019, 06:39:06 AM
#26
patulong po ako kung pano ko magagamit ung wombat account ko kasi pag mag login ako sa Crypto Sword and Magic SCATTER lang ung nakalitaw
Baka naman sa PC ka naglalaro kaya SCATTER lang ang log in option mo?
Ang wombat sa mobile phone lang pwede.
newbie
Activity: 81
Merit: 0
October 23, 2019, 06:29:57 AM
#25
patulong po ako kung pano ko magagamit ung wombat account ko kasi pag mag login ako sa Crypto Sword and Magic SCATTER lang ung nakalitaw
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
October 23, 2019, 04:28:07 AM
#24


Ang kinalamangan ng mga ganitong klaseng laro keysa sa playstore ay;
1) Walang mga pesteng advertisements kung saan pinagkakakitaan tayo ng mga publishers ng wala nateng pahintulot.

sa buong detalye na inilahad mo mate.eto ang lubos kong nagustuhan at nakaakit sakin yong walang Pesteng advertisements na sadyang nakakabuwisit na sa tuwing mag rank up or mag next level at minsan kahit walang update kusang lumalabas ang mga adds na nakakairita talaga.

silipin ko now baka magustuhan at mapagkakitaan na tin
sr. member
Activity: 1078
Merit: 262
October 23, 2019, 04:08:01 AM
#23
mga boss, anong estimate niyo kung naglalaro ka ng free mga ilang buwan ka kaya aabotin para makabuo ng 1 EOS sa laro nito?
Depende yan kung grinder ka at maswerte ka.
Yung kaibigan ko isang buwan nang naglalaro ng libre.
Pero wala pa syang nakukuhang gamit na makakaabot ng 1 EOS.
Di rin sya makakapasok sa raid kasi konti lang nakukuha yang entry ticket.
Pero yung character nya maganda na ang stats.
Hindi ko alam kung gaano sya katagal maglaro eh.
Ako kasi medyo mahaba ang oras ko, mas hahaba pa kung magpupuyat ako.  Smiley

Agreed na depende din talaga sa swerte, kasi sa case ko simula nung naglaro ako dito 1 item palang nabenta ko worth 0.005EOS, tingin ko worth it maglaro nito lalo na kapag high level at high floor na naaabot mo pwede ka na magbenta halos lahat ng loots na makukuha mo sa market
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 23, 2019, 12:20:08 AM
#22
bakit ayaw ma install sa xiaomi note4x ko, meron pa naman akong 12gb free space
Anong error ang lumalabas?
Saka anong apk ba yung ini-install mo?
Pakidagdagan ang detalye at baka may ibang makatulong sa'yo.  Smiley
newbie
Activity: 81
Merit: 0
October 22, 2019, 10:24:49 PM
#21
bakit ayaw ma install sa xiaomi note4x ko, meron pa naman akong 12gb free space
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 06:54:36 AM
#20
mga boss, anong estimate niyo kung naglalaro ka ng free mga ilang buwan ka kaya aabotin para makabuo ng 1 EOS sa laro nito?
Depende yan kung grinder ka at maswerte ka.
Yung kaibigan ko isang buwan nang naglalaro ng libre.
Pero wala pa syang nakukuhang gamit na makakaabot ng 1 EOS.
Di rin sya makakapasok sa raid kasi konti lang nakukuha yang entry ticket.
Pero yung character nya maganda na ang stats.
Hindi ko alam kung gaano sya katagal maglaro eh.
Ako kasi medyo mahaba ang oras ko, mas hahaba pa kung magpupuyat ako.  Smiley
sr. member
Activity: 1377
Merit: 268
October 21, 2019, 06:45:12 AM
#19
mga boss, anong estimate niyo kung naglalaro ka ng free mga ilang buwan ka kaya aabotin para makabuo ng 1 EOS sa laro nito?
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 04:30:04 AM
#18
~snip

Ang android version ng wombat pwede mo bayaran ang apps para makuha ang private key, around Php97 kung hindi ako nagkakamali.  Nakalock kasi yung private key detail kapag free user ka lang, but once na magsend ka ng payment (sa akin through globe prepaid sim) maaunlock yung private key.  Hindi lang ako sure dun sa pc version nila.
Oo, yan yung inaalala ko.
Kasi kung sila ang nagpondo para maactivate ang EOS account, maaaring nakita na nila ang private key nun.
Sa normal na pag-gawa ng EOS account, gagawa ka muna ng private key.
Pagkatapos ipapaactivate mo sa isang "creator" yung wallet mo.
Medyo mabusisi pero sigurado kang hindi na-leak ang private keys mo.

Kung wala pa namang negative review against sa kanila, pwede na rin siguro.
Pero mas maige pa rin yung sigurado.
Opinyon ko lang.  Smiley

Tama ka dyan for safety precaution, possible ngang nakita nila ang private key ng account, meaning parang centralized platform sila, parang coins.ph lang ang kaibahan ay may option na makuha natin ang privatekey.  Kaya mas maganda pa rin gamitin ang scatter or ibang wallet.  then para sa paggawa ng account pwedeng gamitin ang site na ito :  https://www.eosx.io/tools/account/create?by=other&name=  then magbayad ng EOS from exchange. 
full member
Activity: 1358
Merit: 100
October 21, 2019, 02:50:21 AM
#17
Wow ibang klase meron nanaman games na magkaka earn tayo ng EOS, at maganda yung graphics ah. Dami pala mga games na ganito na pwede kumita ng EOS, may nakita akong games na pwede ka din kumita ng TRON, nakalimutan ko na kung ano yun basta madami din sila.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 02:50:15 AM
#16
~snip

Ang android version ng wombat pwede mo bayaran ang apps para makuha ang private key, around Php97 kung hindi ako nagkakamali.  Nakalock kasi yung private key detail kapag free user ka lang, but once na magsend ka ng payment (sa akin through globe prepaid sim) maaunlock yung private key.  Hindi lang ako sure dun sa pc version nila.
Oo, yan yung inaalala ko.
Kasi kung sila ang nagpondo para maactivate ang EOS account, maaaring nakita na nila ang private key nun.
Sa normal na pag-gawa ng EOS account, gagawa ka muna ng private key.
Pagkatapos ipapaactivate mo sa isang "creator" yung wallet mo.
Medyo mabusisi pero sigurado kang hindi na-leak ang private keys mo.

Kung wala pa namang negative review against sa kanila, pwede na rin siguro.
Pero mas maige pa rin yung sigurado.
Opinyon ko lang.  Smiley
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 02:39:42 AM
#15
Laging maging maingat kahit saan.

Ang marerecommend kong wallet ay, Nova Wallet at Meet One.
Pwede mo ring subukan yung Wombat, free EOS account kaso di ka makasisiguro kung hindi nila kukunin laman ng account mo.
"not your keys, not your coins"

Ang android version ng wombat pwede mo bayaran ang apps para makuha ang private key, around Php97 kung hindi ako nagkakamali.  Nakalock kasi yung private key detail kapag free user ka lang, but once na magsend ka ng payment (sa akin through globe prepaid sim) maaunlock yung private key.  Hindi lang ako sure dun sa pc version nila.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 02:31:42 AM
#14
Naghahanap talaga ako ng mga online/mobile games na kung saan kikita ng pera habang naglalaro kaya susubukan ko talaga ito. Salamat sa pag share nyo, try ko rin yung ibang games na nabanggit nyo rito. Meron din kaya itong referral system? Anyway, baka ito na ipalit ko sa mga games that I currently playing...

Wala pa ito sa playstore? Pero safe naman ito noh?
Sa android ko lalaruin, ano mairerecommend nyong wallet?
Available sya sa playstore pero lumang version yun kaya kinakailangan mo pa ring i-download yung latest sa kanila na mismo.
Ligtas yan basta i-check mo lang maige.
Laging maging maingat kahit saan.

Ang marerecommend kong wallet ay, Nova Wallet at Meet One.
Pwede mo ring subukan yung Wombat, free EOS account kaso di ka makasisiguro kung hindi nila kukunin laman ng account mo.
"not your keys, not your coins"
sr. member
Activity: 1456
Merit: 267
Buy $BGL before it's too late!
October 21, 2019, 02:08:00 AM
#13
Mukhang ayos to ha, dagdag na laro para kumita ng crypto ung mga mahilig sa mga games malamang kahit papano madidivert yung attention nila instead na magsayang ng oras sa mga current gamings na ginagamit nila, medyo magkakaroon ng pagkakataon an lumipat at sumubok ng bagong mga laro na may pagkakataon na kumita habang nag eenjoy, salamat kabayan sa pagshare sana madaming magkainterest at mag share ng mga updates nila dito.
hero member
Activity: 2618
Merit: 612
October 21, 2019, 01:34:56 AM
#12
Naghahanap talaga ako ng mga online/mobile games na kung saan kikita ng pera habang naglalaro kaya susubukan ko talaga ito. Salamat sa pag share nyo, try ko rin yung ibang games na nabanggit nyo rito. Meron din kaya itong referral system? Anyway, baka ito na ipalit ko sa mga games that I currently playing...

Wala pa ito sa playstore? Pero safe naman ito noh?
Sa android ko lalaruin, ano mairerecommend nyong wallet?
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 01:30:20 AM
#11
Saken natagalan ako kasi wala akong oras at maayos na unit para pang grind.
Nakaraang buwan inaya ko kaibigan ko na maglaro, gusto nya yung ganitong klaseng laro.
Ayun 50+ na level nya.
Siguro walang 2 months aabot na sa level cap na 80.
May kadalian rin kasi mag grind dahil sa mercenary system.
Pwede ka magpabuhat sa kanila.  Smiley

Ganyan nga ang ginagawa ko ngayon, advance lang ng advance then party up with mercs.  Then later na ako magiipon ng mga items para hindi palit ng palit.  Currently at lvl 12 tingnan natin kung anong magiging level ko next week  Smiley  Salamat sa info.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 01:20:24 AM
#10
Saken natagalan ako kasi wala akong oras at maayos na unit para pang grind.
Nakaraang buwan inaya ko kaibigan ko na maglaro, gusto nya yung ganitong klaseng laro.
Ayun 50+ na level nya.
Siguro walang 2 months aabot na sa level cap na 80.
May kadalian rin kasi mag grind dahil sa mercenary system.
Pwede ka magpabuhat sa kanila.  Smiley
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 21, 2019, 01:00:06 AM
#9
Kung ganun na may rewards na matatanggap, sana bitcoin or ethereum man lang para makakatulong naman sa circulation ng cryptocurrency sa bansa. Kung meron nang kumikita dahil lang sa paglalaro ng online based games, hindi na mawawalang saysay ang reputasyon ng mga online gamers. Karamihan kasi ang pananaw nila sa naglalaro ay adik na, gayung di naman totoo. Sana ay may makukuha na rewards kahit kunti, regardless kung mananalo o hindi.

Bro, Eos Blockchain ang game kaya EOS ang reward sa larong ito.  Pero pwede mo naman ibenta sa exchange kung sakaling makaipon ka ng reward dito.  Sa ngayon ang 1 EOS ay nagkakahalaga ng nasa Php140+.  Di na masama kung kada linggo ay makaipon ng 7 EOS mula sa ranking tulad ng pinakita ni zenrol28.



Yes paps meron naman.


Resulta sa latest weekly raid.



Question lang bro, mga gaano katagal bago mag level 76?
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 21, 2019, 12:38:49 AM
#8
susubukan ko din itong laro na to. @zenrol personally meron ka na ba kinita sa laro na to? mas recommended ba to kesa sa EOS Knight? sabi mo kasi lamang na agad yung mga whales so baka kasi nakakatamad naman laruin kapag free player lang kasi sobrang hirap naman umangat hehe
Yes paps meron naman.


Resulta sa latest weekly raid.

Nice, mukhang mas maganda na ito at meron ng PVP meron ng interaction sa ibang players.
Hindi kaya magiging paid to win na ang sitwasyon pag ganito?

Try muna natin tol, pansamantala lang naman. malalaman din natin yan kung pay to win or play to win ang tema.
grabe ang dami na talagang ganitong mga games ang naglalabasan, marami na tayong pagpipilian. maganda sana katulad ng mga ibang blockchain games. kada laro mo, may rewards kang matatanggap.

Kung ganun na may rewards na matatanggap, sana bitcoin or ethereum man lang para makakatulong naman sa circulation ng cryptocurrency sa bansa. Kung meron nang kumikita dahil lang sa paglalaro ng online based games, hindi na mawawalang saysay ang reputasyon ng mga online gamers. Karamihan kasi ang pananaw nila sa naglalaro ay adik na, gayung di naman totoo. Sana ay may makukuha na rewards kahit kunti, regardless kung mananalo o hindi.
Ang kailangan lang ay awareness na maraming cryptocurrencies na available at may kanya kanya silang edge.
May katagalan na rin sa industriya ang mga blockchain games.
Marami ring blockchain games ang available sa Ethereum network.

Source: https://dappradar.com/rankings/protocol/eth/category/games
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
October 21, 2019, 12:21:17 AM
#7
Nice, mukhang mas maganda na ito at meron ng PVP meron ng interaction sa ibang players.
Hindi kaya magiging paid to win na ang sitwasyon pag ganito?

Try muna natin tol, pansamantala lang naman. malalaman din natin yan kung pay to win or play to win ang tema.
grabe ang dami na talagang ganitong mga games ang naglalabasan, marami na tayong pagpipilian. maganda sana katulad ng mga ibang blockchain games. kada laro mo, may rewards kang matatanggap.

Kung ganun na may rewards na matatanggap, sana bitcoin or ethereum man lang para makakatulong naman sa circulation ng cryptocurrency sa bansa. Kung meron nang kumikita dahil lang sa paglalaro ng online based games, hindi na mawawalang saysay ang reputasyon ng mga online gamers. Karamihan kasi ang pananaw nila sa naglalaro ay adik na, gayung di naman totoo. Sana ay may makukuha na rewards kahit kunti, regardless kung mananalo o hindi.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
October 20, 2019, 11:07:24 PM
#6
susubukan ko din itong laro na to. @zenrol personally meron ka na ba kinita sa laro na to? mas recommended ba to kesa sa EOS Knight? sabi mo kasi lamang na agad yung mga whales so baka kasi nakakatamad naman laruin kapag free player lang kasi sobrang hirap naman umangat hehe

Sa tingin ko pagdating sa economic growth ng isang  player mas ok and EOS Knight dahil mas active ang economy dun kesa dito.  Marami kasing package na nabibili dito sa crypto sword and magic kaya tinawag na pay to win, unlike sa EOS Knight hagilapan talaga ng item at crafting ng equipments.  In short nasa player ang takbo ng economy ng games, di tulad dito sa game na ito, daming packages available para bilhin at abundant ang drops ng mga items unlike sa EOS Knight na 3 items per rebirth.

But graphics wise, gameplay mas ok ang larong ito, iyon nga lang need mong antabayanan dahil hindi ito idle game tulad ng Eos Knight.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 262
October 20, 2019, 10:30:09 PM
#5
susubukan ko din itong laro na to. @zenrol personally meron ka na ba kinita sa laro na to? mas recommended ba to kesa sa EOS Knight? sabi mo kasi lamang na agad yung mga whales so baka kasi nakakatamad naman laruin kapag free player lang kasi sobrang hirap naman umangat hehe
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
October 20, 2019, 10:00:11 PM
#4
Nice, mukhang mas maganda na ito at meron ng PVP meron ng interaction sa ibang players.
Hindi kaya magiging paid to win na ang sitwasyon pag ganito?

Try muna natin tol, pansamantala lang naman. malalaman din natin yan kung pay to win or play to win ang tema.
grabe ang dami na talagang ganitong mga games ang naglalabasan, marami na tayong pagpipilian. maganda sana katulad ng mga ibang blockchain games. kada laro mo, may rewards kang matatanggap.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 20, 2019, 08:59:09 PM
#3
Nice, mukhang mas maganda na ito at meron ng PVP meron ng interaction sa ibang players.
Hindi kaya magiging paid to win na ang sitwasyon pag ganito?
Sa kasamaang palad nabibilang ang larong ito sa pay-to-win kung gusto mong mapunta sa mataas na rank.
Pero dahil sa mga whales na iyon, napapanatili ng devs ang laro at nagkakaroon ng magagandang updates.
Wag mag alala dahil tingin ko'y mas malaki pa rin ang nagastos ng mga whales kaysa sa nakukuha nila sa laro.
Hindi talaga naten matatapatan ang mga payers pero ang lamang nating mga free players ay walang lumabas na malaking halaga sa ating bulsa.  Cheesy
Merong attendance event ang larong ito kung saan may tsansang makakuha ng magandang gamit / pet / in-game perks.
Sa raid naman basta tama ang gears na suot kahit medium build ay may paglalagyan na magandang pwesto at makakahati sa prize pool.
Di na masama diba, kahit maliit pero meron at libre pa.
sr. member
Activity: 1377
Merit: 268
October 20, 2019, 08:41:46 PM
#2
Nice, mukhang mas maganda na ito at meron ng PVP meron ng interaction sa ibang players.
Hindi kaya magiging paid to win na ang sitwasyon pag ganito?
copper member
Activity: 896
Merit: 110
October 20, 2019, 07:03:24 PM
#1

Pinagmulan ng imahe: https://www.cryptoswordandmagic.com/img/[email protected]

Website: https://www.cryptoswordandmagic.com/
Twitter: https://twitter.com/sword_and_magic
Telegram: https://t.me/cryptosnm_comm_en
Medium: https://medium.com/crypto-sword-magic
Discord: https://discordapp.com/invite/x74V8Ph

Pinakabagong update v2.8 (PVP system): https://medium.com/crypto-sword-magic/major-update-v-2-8-f6a2d5d7f8f1
Stats guide ng bawat karakter: https://medium.com/crypto-sword-magic/hero-abilities-introduction-52e064c33b40

Laruin sa PC: http://game.cryptoswordandmagic.com/
Laruin sa Android: http://files.cryptoswordandmagic.com/apk/latest.apk
Laruin sa iOS: https://testflight.apple.com/join/Pub4yqdw

Blockchain: EOS

Wallet Apps:

(PC)
Scatter: https://get-scatter.com/
Guide: https://support.get-scatter.com/collection/14-getting-started

(Mobile)
Token Pocket: https://www.tokenpocket.pro/
Guide: https://help.mytokenpocket.vip/hc/en-001/categories/360001557752-User-Guide

Mykey: https://mykey.org/

Meet One: https://meet.one/
Guide: https://medium.com/@MEET.ONE/how-to-use-meet-one-5d1d6071eb8e

Nova: https://www.eosnova.io/
Guide: https://medium.com/eosnova/faq-how-to-create-eos-account-paid-version-2acf8fab7c55

Wombat: https://www.getwombat.io/ (libre ang account, magbabayad ka kapag kukunin mo ang private key nito)

Math Wallet: https://www.mathwallet.org/en/
Guide: http://blog.mathwallet.org/?p=283


Buod
Ang larong ito ay tulad ng mga tipikal na rpg idle game na makikita naten sa google playstore.
Sa simula ay pipili ka ng klase ng karakter na gusto mong laruin at palakasin.
Mag-ingat sa pagpili dahil isang karakter lang kada isang EOS account ang pwede kaya kung maisipan mong magpalit ng karakter,
kakailanganin mong gumawa ng panibagong EOS account.
Kikita ka ng EOS kapag;
1) nakakuha ng magandang gamit na pwedeng ilagay sa auction,
2) makasali at makakuha nang mataas na rank sa weekly raid, at
3) makakuha ng mataas na rank sa koloseyo sa kabuoang linggo (bagong update, hindi pa napapatupad).

Ang kinalamangan ng mga ganitong klaseng laro keysa sa playstore ay;
1) Walang mga pesteng advertisements kung saan pinagkakakitaan tayo ng mga publishers ng wala nateng pahintulot.
2) Kung tayo nama'y bibili ng mga packages / gachas sa loob ng laro ay tiyak na ang kita'y didiretso sa mga developers mismo.
3) Kapag bumili o nagbenta naman tayo ng gamit sa auction, ang maliit na porsyento nito ay sa mga devs din ang punta.

Kaya halina't subukan nyo na rin pumasok sa mundo ng blockchain games.
Baka nandito na ang hinahanap mong klase ng laro na mag eenjoy ka na, may income ka pa kahit konti.

Mga Imahe: (i-click para palakihin)





Ang mga blockchain games ay isang uri ng DAPP (Decentralized App).
Kung maghahanap pa kayo ng ibang games / dapps sa iba't ibang blockchain, maaari kayong maghanap sa mga site na ito;

https://dappradar.com/
https://www.stateofthedapps.com/
https://dapp.review/
https://www.dapp.com

Tandaan lang na mas mainam na puntahan mismo ang site ng laro / dapp na iyong maiinteresan.
Dahil yung ibang site ay nagbibigay ng hindi accurate na review upang i-promote ang isang dapp.
Jump to: