Palagi ko nalang nakikita sa group ng
Bitcoin Philippines ang issue about sa BNL na scam daw. After doing my research about the investment program, it's really obvious na pinagloloko lang nila ang mga kapwa pinoy nila na nag-invest ng pera sa kanila.
Ano nga ba ang HYIP?Ang hyip or high-yield investment program ay isang klase ng ponzi scheme na kung saan papangakuan ka ng isang malaking profit after mong mag-invest ng pera pero in reality, itatakbo lang nila ang mga pera na-invest sa kanilang platform.
Ngayon mas dumadami na ang mga scam projects dahil ganon na ang way nila upang makalikom ng pera. Kung dati hindi pa nageexist ang cryptocurrency ay nakakagawa na sila ng investment scam, what more kapag dinamay na nila ang crypto just to earn huge profit from investors.
Ano nga ba ang ponzi scheme?Ito naman yung way na papaniwalain ka nila na yung profit na nakukuwa mo ay galing sa sales ng project or platform nila pero galing ito sa mga early investors.
Issues about BNLimited
Hindi daw makawithdraw ang mga participants.Nabulabog nalang din ako sa issue kasi paulit ulit nalang sa news feed ko about sa platform na 'to. Well, sobrang obvious naman kasi ng sistema nila na scam sila. Kung magtatayo ka ng isang project/platform, the team should have atleast community support.
Kung maraming hindi maka-withdraw sa platform nila, bakit walang support? There are many filipinos who invested to that investment program tapos wala man lang service support? Doon palang magtataka ka na dapat, ikaw na investard ano bang naiisip mo sa team nila? mga normal na tao na magagaling dahil gumawa sila ng ganyang project? It's a corpo!!! Hindi man lang sila formal sa mga ginagawa nila.
Take note ah, tuwing monday lang daw pwedeng mag-withdraw? Anong klaseng sistema yun, edi nagkaroon ng traffic sa dashboard niyo, depende nalang kung existing ba talaga yung dashboard at legit na gumagana. Only the part of the team can have an INSTANT access to the site at nakakakuha sila ng pera.
Tsaka wala pong difference ang oras ng ibang bansa kung equivalent lang din nito ay ph timezone, huwag gawing escape route ang timezone dahil kung hindi talaga makawithdraw sa site, hindi talaga.
Reliable Internet speedNabasa ko lang din ito sa posts sa mga group, mas accessible daw at mabilis maka-withdraw if you have atleast more than 10 (Nakalimutan ko na yung specific mbps). I just want to say na hindi affected ang dashboard niyo kahit mababa pa ang mbps niyo. Maybe it's a factor pero hindi ito maapektuhan ang buo, dahil lang sa internet speed, hindi ka na makakawithdraw ng pera?
I'm only using 3mbps pero yung transaction ko sa blockchain ng btc sobrang bilis, instant withdraw. And another 3mbps for using ether transaction ano pang pwedeng idahilan? Baka naman another excuse yan?
They're creating ICO now!They released a video na akala mo sobrang nakaka-hype pero nominated sa pagiging scam. Ayaw ko ng umabot pa 'to sa ICO kasi hindi niya pa naaayos yung mga issue niya sa mga investors. Hindi ako naninira ng isang project pero yung mga ganitong pamamaraan ay sobrang laos na, yung mga shtty excuses na sobrang sakit sa tenga.
"I think para sa bnl members lang ang coin natin!! bery bery nice"
Anong bang naiisip mo? once nakarating ka sa ICO stage, magiging essential na yung BNL coin? nope, nagkakamali ka sir. Even sa term of use ng ICO baka nga kung ano ano pa ilagay niyo don lalo na sa whitepaper which is madali lang gayahin at kopyahin sa mga sandamakmak na ICO and I can easily differentiate kung gawa gawa ba or not. Then the roadmap, baka hindi din masunod yun, kung ang monday withdrawal hindi nangyayari what more sa mga ilalagay sa roadmap.
Ginawa lang nilang btc yung transaction para kapag sinilip, madami silang pwedeng i-reason out at makakasalusot talaga sila. Maniwala ka sakin, hindi basta basta makukulong yang mga mastermind ng HYIP dahil ang dami nilang pwedeng gawing excuses like sisihin nila yung blockchain mismo dahil sa sobrang traffic at hindi na makapag-transact.
Hindi yan sila titigil hanggat di nila nakukuha ang gusto nila, so I'm hoping that this post might serve as an awareness to my fellow filipino citizens. Kung ICO nga from other countries hindi kinakaya, ano pa kaya sa local ICO? let's be practical here kasi profit ang pinaguusapan.
If i'm wrong please state any information na legit ang BNL para naman ma-vouch sila as legit trading corp,. I just stated facts about a decent and formal platform kaya don't get me wrong.