Author

Topic: BOUNTY COMPLAINANTS (Read 146 times)

full member
Activity: 658
Merit: 126
August 10, 2018, 08:50:44 AM
#3
Wala e ganun talaga, aminin man natin o hindi, isa sa pinaka malaking problema na ikinakaharap ng filipino ay disiplina sa sarili. Base dyan sa imahe na ipinakita mo, nagpapakita ng pagkawalang respeto at masyadong mapaghangad ng isang filipino. Hindi makuntento sa kung anong natatanggap nila in fact kasalanan naman nila at the first place so bakit pa maninisi ng iba.
member
Activity: 98
Merit: 16
August 10, 2018, 08:43:39 AM
#2
Sa totoo lang, isa rin ako sa mga sumasali sa mga bounty campaigns dito sa forum. Isa rin ako sa mga umaasang kikita dito kahit papaano, pero alam ko namang hindi dapat ganiyan ang ugali rito.

Commended tong post na to, para macallout din ang mga ganiyang ugali. Naiintindihan ko naman yang si sir, sadyang nakakadismaya nga kapag matagal mong pinaghirapan ang isang bagay tapos hindi sulit ang kapalit, pero hinay hinay kasi sa mga salitang gagamitin.

Tama ang pagkakapaliwanag mo dito. Kung marami kayong participants ng campaign, wag kang magrereklamo na ang equivalent ng stakes na makukuha mo maliit. Tyaga tyaga na lamang tayo dito sa forum--pag hindi kaya, maaari namang wag ituloy.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
August 09, 2018, 08:56:53 PM
#1
Please give your opinion tungkol sa attached photos;

I checked the spreadsheet at sa signature campaign, wala namang nakakuwa ng 41 Tokens, So i assumed na sa Social Media campaign nakakuwa 'to ng tokens dahil malaki ang chance na doon nga.

Gaining huge profit sa social media campaigns ay sobrang liit ang chance. Bakit? Sa dinami dami niyong bounty hunters na nagspaspam sa social media accounts, mageexpect ka pa ng malaking kita kung ang participants nga Social Media ay libo-libo?

That's why it is called stakes, hindi din naman indicated na 1$ per post sa isang bounty, kaya maghahati hati kayo depende sa stakes na nakuwa mo. Gets? Sumali sa overrated campaign na may maraming participants at unting allocation for the bounties tapos magrereklamo?  Huh Basic computation na nga lang para malaman mo kung magiging profitable ba ang pagsali mo, hindi mo pa kaya.

Una sa lahat, bakit tayo nagiging ganito? Although mahirap naman talaga kumita ng pera at nakakapanghinayang kapag scam or trash yung tokens pero diba from the start ang bounties ay isang alternative way of income lang naman? Just accept if ever na scam or hindi masyadong profitable. Pero hindi na ako lalayo sa point na bakit ang bilis nating magcomplain sa mga bagay bagay pero any contributions sa local wala tayong maibigay?

Ang worst part pa ay kung titignan mo yung mga recent posts nung mga typical bounty hunters, mga one-liner or non-sense replies lang naman. Hindi ko na babanggitin pa, karamihan naman is hindi pa din nagiimprove ng posts, always shitposting. There are threads na pwede niyong basahin for improvement, yung iba spoonfeeding para lang gumanda ang community, kaso wala pa din.

At higit sa lahat, asan ang manners niyo? Although hindi nakakaintindi ng tagalog ang iba pang participants ng isang particular project, bakit ka magmumura? Hindi ko alam kung normal pa ba 'to or hindi. I just hate when people rant na parang pinagkaitan sila ng mundo, samantalang marami ngang tao na hindi nakaka-gain ng profit na nakukuwa natin dito. Be thankful nalang kasi meron.
Jump to: