Author

Topic: Bounty hunting - Paraan sa ligtas at tamang pagpili ng lalahukan. (Read 811 times)

newbie
Activity: 34
Merit: 0
ang pagsali sa bounty campaign ay kinakailangang may tyaga ka sa pag babasa nang bawat proyekto. mahalaga ang temang ito para sa mga nagsisimula pa lamang sa mundo nang bounty, ngunit gusto ko din sana malaman, kung may mga group sa telegram, o group sa facebook, o anomang resources, na nagpapaalala, o nag bibigay nang gabay sa mga susunod na campaign, mahirap din kasi, sa tulad kong nagsisimula pa lamang, ang humanap nang naturang resources. Nawala na rin kasi ang dating messenger group na nagbibigay impormasyon para sa ganitong campaign. salamat na rin sa sasagot!
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
Anyways yung kababayan natin na si julerz idagdag mo sa list ng mga reputable BM, he is ecrowing the tokens allocated in bounties which is great.
Yes I suggest that, isa si Julerz sa mga reputable bounty managers sa forum. Lagi kong nakikita sa mga campaigns nya na lagging naka-escrow yung mga token which is maganda dahil madaming mga projects ngayon ang tinatakbo ang tokens. Madami na akong narinig na hinanaing sa mga bounties na hindi daw nagbabayad ang koponan ng mga proyekto na panget na imahe sa mga ICO.
jr. member
Activity: 294
Merit: 1
Agree po ako sa lahat ng sinabi mo, pero dun sa isang Campaign manager, dami ko na nasalihan na hawak niya. Pero minsan yung proyekto na hawak niya ay nasususpinde o di kaya scam. Si btcltcdigger po ang tinutukoy ko, pasensya na po pero yun talaga napapansin ko.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 283
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Sobrang napakahirap na talaga humanap na matitino na bounty campaign ngayon kasi ang dami naman din mga scam na bounty. Kaya nga tayo na sasali dapat talaga mag ingat sa ating sasalihan na bounty campaign para naman hindi sayang yung mga effort natin.
full member
Activity: 1344
Merit: 102
dapat lang na ikaw mag research sa isang ICO na gusto mong sumali sa isang bounty campaign kasi yung ibang bounty manager hindi yan mag reresearch kung ito ba ay legit na ICO o scam, tulad sa tokensuite group na ilang beses na magpatakbo ng scam campaign kasi hindi nila ni research ang ICO.. ayan tuloy nagka redtag sila.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255

Ito ang mga ilang bounty managers na aking kilala na masasabing subok na at may pakielam sa mga bounty hunters

Amazix
Tokensuite
needmoney
Arteezy.rtx (pinaka approachable para sa akin)
Wapinter
yahoo62278
HOTACHY
btcldigger


(kung may idadagdag kayo, maari lamang na mag comment kayo para ma iupdate ko pa itong post ko at madami pa tayong matulungan na mga hunters.)


Dagdag mo na rin si Blockeye at Sylon, Sila ay makakapagkatiwalaan bounty manager at marami na ring successful na campaign. Magandan din ang kanilang mga trust rating sa BTCT kaya siguradong hindi scam at maraming tumatangkilik sa kanilang mga hawak na campaign.

sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
Amazix

If you don't mind, I just want to warn everyone that Amazix has a lot of scam accusation.
https://bitcointalksearch.org/topic/amazix-scam-4905927
https://steemit.com/amazix/@catalogico.com/attention-bounty-hunters-amazix-is-scam
Tokensuite

Additionally, may mga nasalihan din akong bounty sa tokensuite but unfortunately it turns out to be scam. Actually it's my fault kasi hindi talaga ako nag research totally sa project or the ICO.
Arteezy.rtx (pinaka approachable para sa akin)

Yep, he is a good bounty manager, but remember that not all of his bounties are good are paying.
btcldigger

So far may mga scam din na mga ICO's ang nahandle niya iilan lang din yung successful.
(kung may idadagdag kayo, maari lamang na mag comment kayo para ma iupdate ko pa itong post ko at madami pa tayong matulungan na mga hunters.)

Actually not all of them guarantees successful projects, most of them handles a failed ICO's. Secondly, hindi din tama na isisi sa kanila kapag na scam tayo, we voluntarily join their project that why we should not blame them if the projects turns out to be a scam, all of us are in the same boat. Educate yourselves in finding good ICO's to manage the risks to be scammed.

Anyways yung kababayan natin na si julerz idagdag mo sa list ng mga reputable BM, he is ecrowing the tokens allocated in bounties which is great.
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
Para sakin pinakaactive na bounty manager dyan ay si HOTACHY, sobrang luwag nya sa mga campaign nya kaya madaming sumasaling mga bounty hunters. Kaya nga lang andaming failed projects ang hawak ni Hotachy ngayon. Tsaka ang liit ng allocation at sa sobrang daming sumasali napakonti na ng nakukuha ng mga hunters katulad dun sa FTEC ang dami nagreklamo.
member
Activity: 145
Merit: 10
Malaking tulong ang iyong mga post tungkol sa mga reliable names ng mga bounty projects.Lalong lalo na sa mga katulad kong baguhan sa ganitong uri ng mga forum.Upang sa ganun ay mabawasan ang mga bounty hunters na nakakaranas ma scam or kung di naman ay mawalan ng saysay ang mga pinag tiyagaan na trabahuhin ang mga bounty projects na sinalihan.
Salamat at nawa patuloy na maging reliable source ka pa ng mga upcoming bounty projects na patuloy na nagbibigay ng mga extra income sa ating mga kababayan.
sr. member
Activity: 841
Merit: 251
Dadag ko Lang sa pangatlo, Ang larawan at Ang biography Ang taong nakikita sa mga proyekto ay hinda sapat na dahilan upang matawag na real team. Mas mabuti na maghanap ka NG mga real videos or much better Kung may mga conference silang pinupuntahan. So masasabi na tin na tunay Ang mga taong NASA ligod nito
full member
Activity: 476
Merit: 100
Maraming salamat po niyo na dagdagan naman yong kaalaman ko kong paano sumali sa mga bounty campaign na safety at di tayo maloloko, Ipagpatuloy mo lang yan kasi may natutulongan kang tao lalong lalo na kababayan mo kaya nagpapasalamat ako sa inyo kasi minsan lang mga pilipino tumutulong sa kapwa nila pilipino
hero member
Activity: 1652
Merit: 518
OrangeFren.com
At payo ko lang sa mga baguhan dahil hindi nabanggit ni op iwasan nio ang mga bounty manager na newbie/copper member ska Jr accounts yan ang kadalasan na pwde maging scam ang bounty pero hindi naman siguro lahat mas risky lang talaga masasayang lang effort niyo jan kahit sobrang laki ng reward piliin niyo yung mga trusted na tlaga from Full mem - Legendary although may mga instances na kahit high ranks nagloloko den pero mas bihira ito e.g atriz dati ok na ok to kasu biglang naligaw ng landas hehe pero sa experience ko sa bounty mula 2016 kahit anong trusted ng manager at kahit gaano ka legit yung team at very promising platform pag yung team/developers e greedy at may attitude problems sira ang effort natin kaya nasa team pa rin tlaga nakasalalay or else naka escrow ang reward sbi nga ni @Julerz mas ok pag ganun. 
Kadalasan talaga mga low rank ang nagdadala ng bounty campaign kasi naman di siguro sila takot na ma banned or ma report man lang kasi yung rank nila sobrang mababa pa. Masbuti talaga sumali doon sa mga nag handle ng bounty campaign yung mga high rank kasi alam na nila ang kanilang ginagawa at may experience na rin.
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
Sa sobrang dami na ng mga scam at failed projects hindi na maiiwasan ang magkamali sa pagpili ng bounties. Ang kailangan lang natin gawin para sa akin ay damihan natin ang ating mga bounty at magsipag para mas malaking tyansa ng pagkapanalo at palaging tumingin sa scam accusation thread para malaman ang mga scam na bounties at itigil at iwasan ang mga ito.
full member
Activity: 476
Merit: 105
Halos ilang months n ako wla sinasalihan na bounty khit signature.nakakatamad kasi n naghirap ka tapos wla nman bayad or mag bayad pero wla nman value.subrang tumal na ngayon hindi kagaya last year na kahit social media campaign ang salihan kikita ka tlga kahit papno
Siguro karamihan dyan e nadelay lang kung hindi scam yung project kahit din sa iba kong nasalihan dapat lageng updated sa mga announcement sa telegram at thread tungkol sa distribution at exchange release halos karamihan hirap magraise ng funds ngayong tao sa dame na din ng mga ICO's at hindi maganda at takbo ng price sa market ngayon yan lage dahilan nila.
full member
Activity: 1148
Merit: 158
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Natatawa talaga ako sa ibang kaibigan ko na nakakita lang sila ng maraming token sabi nila malaki daw sahod, And hindi nila ang na maliit lang pala presyo nun. Sa bounty campaign kasi kailangan talaga natin tumingin sa bounty allocation nila at tsaka sa ICO price doon talaga natin makikita kung malaki ba ang bounty rewards. Hindi lang sa marami ang token nila malaki na ang reward.

Oo yung iba billion yung token na sahod pero di nila alam shitcoin pala yun. Mas ok na yung komti pero $1 naman ico price and kung mag dump man yun hindi ganon kabagsak.
Hindi na talaga ganon kaganda yung bounty and we live no choice. Sali parin dahil malay natin ok pala yung nasalihan natin.
Nakakamiss lang yung dati na after ng campaign after a month sahod na so hindi ka talaga mawawalan.
full member
Activity: 408
Merit: 100
www.bitpaction.com
Halos ilang months n ako wla sinasalihan na bounty khit signature.nakakatamad kasi n naghirap ka tapos wla nman bayad or mag bayad pero wla nman value.subrang tumal na ngayon hindi kagaya last year na kahit social media campaign ang salihan kikita ka tlga kahit papno
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
para sa akin ang pag hahanap ng lalahukan ng campaign sa forum na ito ay swertehan lang. kasi meron mga campaign na inaakala mo mag success sya dahil sa maganda ang project nya yun pala hindi mag success. meron din naman na hindi mo inaakala na mag success dahil sa hindi maganda yung project yun pala mag success sya. para lang sa akin sali lang ng sali sa mga campaign kung hindi man mag success yung isang campaign marami pa namang iba dyan na pwede mag success. pero kailangan mo parin ng malawak ng kaalaman sa crypto currency para maka pili ka ng magandang campaign na sasalihan. dahil mas nakakalamang yung may malawak na kaalaman sa forum nato kaysa sa mga baguhan palang tulad namin.
Nagturo na nga si OP kung pano ang tamang pagpili ng bounty na lalahukan, ang  sinasabi mo naman ay dapat sali lang ng sali sa mga campaign at mag base na lang sa swerte ay parang maling pagpapayo dahil tandaan mo din na kapag nakasali ka sa mga campaign ng scam ICO's ay kasama ka na din sa mga nang iiscam dahil pinopromote mo sila. Kayat mahalaga na suriin muna ng mabuti ang isang campaign bago sumali para malaman kung eto ay isang scam na proyekto o lehitimo.
newbie
Activity: 64
Merit: 0
para sa akin ang pag hahanap ng lalahukan ng campaign sa forum na ito ay swertehan lang. kasi meron mga campaign na inaakala mo mag success sya dahil sa maganda ang project nya yun pala hindi mag success. meron din naman na hindi mo inaakala na mag success dahil sa hindi maganda yung project yun pala mag success sya. para lang sa akin sali lang ng sali sa mga campaign kung hindi man mag success yung isang campaign marami pa namang iba dyan na pwede mag success. pero kailangan mo parin ng malawak ng kaalaman sa crypto currency para maka pili ka ng magandang campaign na sasalihan. dahil mas nakakalamang yung may malawak na kaalaman sa forum nato kaysa sa mga baguhan palang tulad namin.
member
Activity: 476
Merit: 10
Tokenauite or needmoney ay hindi masyadong rekomendable na salihan marami silang Scam ICO na ipinapapromote lalo na ngayong taon na ito. Patunay lang yan na Hindi nila nirereview ang mga bounty nila.
member
Activity: 588
Merit: 10
..maraming salamat sa sulatin mong ito kabayan,,malaking tulong ito sa karamihan lalo na sa mga newbie palang sa forum na to..sa tingin ko lahat naman ng myembro sa forum na ito alam na ang mga dapat at hindi dapat gawin,,lalo na sa pagpili ng mga lalahukang bounty..sadya lang talaga na marami ang mga bounting nagsusulputan,,nasa iyo na yan kung ano talaga ang mas magandang bounty na sasalihan mo..
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
At payo ko lang sa mga baguhan dahil hindi nabanggit ni op iwasan nio ang mga bounty manager na newbie/copper member ska Jr accounts yan ang kadalasan na pwde maging scam ang bounty pero hindi naman siguro lahat mas risky lang talaga masasayang lang effort niyo jan kahit sobrang laki ng reward piliin niyo yung mga trusted na tlaga from Full mem - Legendary although may mga instances na kahit high ranks nagloloko den pero mas bihira ito e.g atriz dati ok na ok to kasu biglang naligaw ng landas hehe pero sa experience ko sa bounty mula 2016 kahit anong trusted ng manager at kahit gaano ka legit yung team at very promising platform pag yung team/developers e greedy at may attitude problems sira ang effort natin kaya nasa team pa rin tlaga nakasalalay or else naka escrow ang reward sbi nga ni @Julerz mas ok pag ganun. 
hero member
Activity: 1652
Merit: 518
OrangeFren.com
Natatawa talaga ako sa ibang kaibigan ko na nakakita lang sila ng maraming token sabi nila malaki daw sahod, And hindi nila ang na maliit lang pala presyo nun. Sa bounty campaign kasi kailangan talaga natin tumingin sa bounty allocation nila at tsaka sa ICO price doon talaga natin makikita kung malaki ba ang bounty rewards. Hindi lang sa marami ang token nila malaki na ang reward.
full member
Activity: 244
Merit: 101
Malaking tulong talaga yung mga ganitong thread, kumbaga syempre kahit may alam na tayo sa pagpili ng mga sasalihan nating bounty campaign eh kelan man hindi ito magiging sapat, lahat ng paraan kailangan nating gawin upang sigurado tayo na hindi scam ang sasalihan natin para di rin masayang yung pinaghirapan natin. The best way din talaga para malaman kung legit ba ang isang project eh ang tignan ang team sa likod nito. Mahirap din magtiwala sa isang project na walang larawan ng mga miyembro nito. Research at kaalaman ang solusyon para lahat tayo ay makaiwas sa scam. Lamang ang may alam.
full member
Activity: 1344
Merit: 110
SOL.BIOKRIPT.COM
Anu't ano pa man ay dapat din nating pagtuunan ng pansin ang sarili nating mga post. Para din naman sa ikabubuti ito ng ating mga accounts. Pero sa nakikita ko ang nga pinoy eh walang pake sa uri ng projects na kanilang sasalihan, at isang rason ay mga mangers, pag sikat at walang kaso eh sasali sila. Isa pa ay ang bayad kung malaki ito at kung gaano pa kabigat ang mga trabahong ibibigay sa kanila. Sa nakikita ko walang limitasyon ang karamihan sa atin basta bounty sasali agad at di na iniisip kung magbabayad man ba o hinde, ika nga eh kapit sa patalim.
full member
Activity: 868
Merit: 108
Sa mahigit kumulang isang taon ko dito sa forum sa palagay ko ang pinaka mabisa talagang paraan para makaiwas sa mga scam na ico ay tingnan mo mismo yung project, tingnan mo kong totoo ba yung mga tao sa likod ng team tas makatotohanan ba yung nakasaad sa whitepaper nila, sa ganung paraan ikaw mismo ang huhusga sa ico project na yun kung worth it ba paglaanan ng oras at panahon, kasi pag naging scam or naging failed sayang na sayang lang talaga yung efforts na ibinigay mo, tingnan mo ang iyong sarili bilang investor din, kasi sa totoo nyan nag invest ka hindi nga lang sa pera pero sa pamamagitan ng oras.

Tama ka dyan kabayan iyan ang maganda nating gawin dahil kong tayo mismo ang makakaalam kong fake ba o hindi ang isang project ay maiiiwasan natin na makasalai sa mga scam na ICO upang hindi masayang ang ating oras.
full member
Activity: 210
Merit: 100
Idagdag pa natin si Blockeye na napaka approachable and attached sa project. Sa dinami dami ng bounty a sinalihan ko na si blockeye ang manager napaka sulit, he's in communication with the team at saka, mabilis sya mag respond.
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
Medyo matagal na din ako sa larangang ito at marami na din akong nasalihan na bounty campaigns sa iba't ibang mga bounty manager. Oo, magandang batayan kung sino ang bounty manager ng isang proyekto pero mas maganda pa din kung ikaw mismo ang magaanalyze ng proyekto katulad ni Hotachy na kilalang bounty manager, karamihan sa mga nakaraaang bounty nya ay nagfailed katulad ng  Extrabit at iba pa.
full member
Activity: 504
Merit: 105
Malaking tulong ito kabayan sa mga baguhan pa sa bounty campaigns idagdag ko lamang sa bounty manager maganda din at subok na si irfanpak sa tatlong campaign na sinalihan ko mapa signature campaign o social media ay successful at on time dumating yung rewards tska malakihan din kuha ko pero sa ngayun hndi na sya gaano ka active at malaking tulong din sya sa mga bounty hunters tulad ko. Isa sa mga paraan ay maging patience everytime sumali sa mga bounty campaigns lalo na yung mga matagal matapos.
hero member
Activity: 1652
Merit: 518
OrangeFren.com
Marami talaga na bounty campaign na sobrang tagal matapos ang kanilang bounty tapos ang sahot mo nasa $50 lang pala sobrang naka pag hihinayang yung mga ganun na bounty camapaign. Pero maiiwasan naman natin yan if kung marunong lang tayo tumingin or mag calculate sa bounty nila kasi kailangan talaga natin ng mga ganyan ngayon.
staff
Activity: 1316
Merit: 1610
The Naija & BSFL Sherrif 📛
sa totoo lang mahirap mag hanap ng maayos na bounty Campaign lalo ng kung newbie ka sa furom na ito ohh sa mundo ng cryptocurrency at kung hindi sapat ang iyong kaalaman mataas ang chance mong maloko .alam nyo maski legendary naloloko dahil sa paunti ng paunti ang signature campaign na totoo. kung maroon naman 10% lang ang chance na makasali ka eh panu kung newbie ka ? sa bounty ka aasa at malaki ang chance n maloko ka pero wag ka mag alala lahat ata kame nakaranas niyan
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Noong una akong nainvolve sa bounty at nakita ko ang advantage ng may mataas na rank, naisip ko minsan na kumagat sa mga nagpPM sa akin na newbie na may ilalaunch na ICO project at okay din naman ang bigay (form of token) pero lately napag-isip ko na may mga kakilala akong nagkaroon ng negative trust dahil sa pagiging bounty manager nila, kaya di ko na talaga pinangahasan ito, okay na ako sa mga signature at social media campaign basta sigurado at naresearch ko din yung project.. Kaya ingat din sa mga sasali, oo nga wala kang inilabas na pera, pero yung panahon mo at effort ang ibinigay mo dito.. Totoo yung sabi ni TS na nakakasilaw minsan ang number, but the reality is magakano ba ang value ng coin/token na ito.. Kaya thumb's up ako sa thread na ito! Wala na akong merit eh nabatuhan sana kita.. Smiley
full member
Activity: 476
Merit: 100
Salamat po dito sa post mo may kaalaman na ako kong paano mag hanap ng magandang campaign na akong sasalihan kahit full member na ako di ko alam kong maganda ba itong proyekto na sinalihan ko ang akin lang kasi sumasabay sa mga kaibigan ko sa facebook gc kaya go lang ng go pero dahil sa post mo may alam na ako para makahanap pa ako na mas maganda pang campaign at eh share ko sa kanila. salamat po kabayan
legendary
Activity: 2576
Merit: 1183
Telegram: @julerz12
Using Google Image Search is a simple way to find out kung yung taong nasa team behind the project is legit or fake. Simply download the image and search it using google image search tool.  Wink

Escrow - If gusto mo talaga na siguradong mababayaran ka when the campaign ends, join bitcoin paying campaigns.
Most of those campaigns ay may escrow that holds the bounty funds para sigurado 'yung payment ng mga bounty participants.
Examples: BookiePro Signature Campaign & GexCrypto Signature Campaign
Most of those campaigns can be found here.
Meron din namang mga altcoin/token bounty campaigns that has escrows pero iilan lang at madalang lang.  Grin Minsan kasi, mahirap e convice yung mismong team behind the project to use escrow for the bounty pool.
Examples: Vega AI bounty Campaign & KaliCoin Bounty Campaign
member
Activity: 280
Merit: 60
Hit or miss talaga or talagang tyempuhan lang ang pag sali sa mga bounty campaign. Hindi mo masasabi sa huli ko talagang kikita ka or nga-nga kahit gaano pa ka taas ang rank ng BM or galing sa kilalang bounty firm eh wala talagang kasiguraduhan na hindi ka ma iiscam sa huli. Magandang example ay ang tokensuite. Sa sobrang sira nila sa forum tignan nyo nag bypass sa btctalk at gumawa ng bounty website.

Hindi nila ginusto na maging scam ang mga proyekto nito dahil sila ay binabayaran para lang sa marketing. I dagdag pa natin yung mga ico rating websites sa totoo lang pang dagdag lang ng hype yan sa proyekto at alam nyo naman na hindi ganon ka ganda ang mga proyekto na galing sa hype.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Malaking tulong yan para makaiwas yung mga bagong papasok sa bounty sa abala o pagaaksaya ng oras, dahil kapag di mahusay ang BM mo walang mangyayari sa campaign.
sr. member
Activity: 812
Merit: 260

Mahalaga talaga na alam mo ang team sa bawat sa bawat sinasalihan mo, importante na kahit papaano ay hindi scam ang sinasalihan mo , hindi yong nakakita lang tayo ng maraming participants or community sa telegram ay dun na tayo kaya dapat lang po na gawin natin ang mga bagay na para sa ikauunlad natin, sa aking experience chinecheck ko ang team background, dapat active sila sa linkedIN at matagal na din sa mundo ng blockchain.
copper member
Activity: 266
Merit: 0
Maraming salamat dito kabayan. Bihira nalang sa mga Philippine forum ang may paki sa kababayan nila. Malamang ang dahilan dito ay hindi naman nabibigyan pansin ang kanilang hirap sa paggawa ng isang sulatin. Sana kahit ganon ay ipagpatuloy mo parin yan at sana dumami pa ang katulad mo !

Huwag kang mag alala ako ay handang magbahagi ng kaalaman dahil ang aking kaalaman ay nanggling lamang din sa forum na ito.
full member
Activity: 680
Merit: 103
Sa mahigit kumulang isang taon ko dito sa forum sa palagay ko ang pinaka mabisa talagang paraan para makaiwas sa mga scam na ico ay tingnan mo mismo yung project, tingnan mo kong totoo ba yung mga tao sa likod ng team tas makatotohanan ba yung nakasaad sa whitepaper nila, sa ganung paraan ikaw mismo ang huhusga sa ico project na yun kung worth it ba paglaanan ng oras at panahon, kasi pag naging scam or naging failed sayang na sayang lang talaga yung efforts na ibinigay mo, tingnan mo ang iyong sarili bilang investor din, kasi sa totoo nyan nag invest ka hindi nga lang sa pera pero sa pamamagitan ng oras.
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355


Ang pagsali sa mga bounty opportunities dito sa forum na to ay maituturing mainamn na paraan para kahit paano ay kumikita ng pera sa mundo ng cryptocurrency. Sa ngayon maraming mga proyekto na di natin alam bigala na lang mawawala o kung di naman nawala eh wala namang halaga kasi nakarating sa mga exchanges o kung nakarating man ay katingting lang naman ang halaga. Pero may mga exceptional projects din naman kahit papaano na kung saan pwede tayong makabawi. Ang isang nakita ko sa pag-bounty ay swertehan din...kasi mahirap matantya kung alin ba talaga ang magtagumpay sa huli.
member
Activity: 335
Merit: 10
Lahat ng nabanggit mo na bounty manager ay dikalidad kabayan dahil ilang beses na din akong sumali sa kanila at kumita din naman talaga ako kaya kung may bago silang bounty ay salihan na agad at wag palampasin
full member
Activity: 434
Merit: 100
Maraming salamat dito kabayan. Bihira nalang sa mga Philippine forum ang may paki sa kababayan nila. Malamang ang dahilan dito ay hindi naman nabibigyan pansin ang kanilang hirap sa paggawa ng isang sulatin. Sana kahit ganon ay ipagpatuloy mo parin yan at sana dumami pa ang katulad mo !

Kaya naman kasi di to masyadong pinagtutuunan ng pansin ay kasi marami na ditong taong hindi na nagbibigay ng magandang dulot para sa iba kasi puro nalang mema nalang ang ginagawa nila na parang katulad sa ibang section na parang basura nalang halos lahat ng post at thread nila.
newbie
Activity: 182
Merit: 0
Maraming salamat dito kabayan. Bihira nalang sa mga Philippine forum ang may paki sa kababayan nila. Malamang ang dahilan dito ay hindi naman nabibigyan pansin ang kanilang hirap sa paggawa ng isang sulatin. Sana kahit ganon ay ipagpatuloy mo parin yan at sana dumami pa ang katulad mo !
copper member
Activity: 266
Merit: 0
Disclaimer: Hindi binuo itong aking sulatin upang i-promote lamang ang pagsali sa mga bounty campaigns, ako ay isa sa mga naniniwala na hindi lang dapat pera ang ipinunta mo sa forum na ito kung hindi pati na rin dapat ang mga kaalaman sa mundo ng crypto.

Hindi maikakailang marami ang sumali sa atin dito sa forum na ito  sapagkat nakita natin sa internet o nasabihan ng kaibigan na maaaring kumita at magkaroon ng pera rito.Okay lang naman kung gusto mong kumita sa forum na ito, ngunit , isinagawa ang forum na ito upang mas madami pa tayong malaman at tayo ay matuto sa mundo ng cryptocurrency. Habang gusto nating kumita ng pera, kailangan matuto din tayo para makatulong sa iba pang mga kababayan o mga lahi na rin na makapagbigay ng kaalaman.

Isa sa mga paraan para kumita sa forum na ito ay ang pagsali sa mga bounty campaigns. Dito, ating pinopromote ang proyekto ng isang management at kapalit nito ay maaaring bitcoin, ethereum o kadalasan, kung ano ang kanilang sariling coin. Ngunit sa panahon ngayon, karamihan sa mga proyekto ay mga scam at ang iba ay nagbibigay lamang ng mga shitcoins at mayroon ding mga ico na hindi binibigay ang  pinagaguran ng mga bounty hunter pagkatapos nilang pakinabangan. Kung magbabayad man, ang iba ay kulang o halos mas mababa pa sa 10$ . Hindi maiiwasan ito sa forum na ito ngunit eto ang mga ilang tips kung paano mo masisiguro na ligtas at kikita ka kahit papano:

Una, magresearch ng maigi patungkol sa proyekto. Wag sali ng sali at lahok ng lahok sa mga proyekto. Siguraduhin na ang proyekto ay SMART.

Specific - dapat makikita mo rito kung ano ang iyong ipopromote at kung ano ang proyekto ng management. May isa ba silang goal o madaming goal? Ano ba ang mga magiging resulta pag natapos ang proyektong ito? Para dito, kailangan mong basahin ang kanilang whitepaper o i-visit ang kanilang website upang makasigurado na specific at may patutunguhan ang proyekto.
Measurable - dapat makikita mo kung gaano katagal ang gugugulin ng proyekto at nag uupdate ng progress ang sinalihan mong proyekto.
Attainable - dapat ang proyekto ay kapani-paniwala na kanilang makakamit ito. Gamitin ang iyong "common sense". Kung alam mo naman na hindi nila kayang gawin ang proyekto, wag ka nang sumali. Sapagkat maaaring hindi nila maabot ang kanilang goal at masayang lang ang iyong trabaho.
Relevant - ano ba ang kahalagan pag nabuo ang proyektong ito? Ano ang magiging impact at matutulong nito sa crypto world. Magiging kapaki-pakinabang ba ito? Kung oo, maari kang sumali dito ngunit tandaan kung Attainable ba ang proyekto.
Time-bound - dapat alam mo kung sinasabi ng proyekto kung kelan matatapos ang kanilang layunin. Kung sinasabi nilang sa loob ng isang buwan tapos na nila ang napakahirap na proyekto, huwag ka nang sumali dahil malamang, ito ay isa nanaman sa mga shitcoins o di kaya maaaring ma extend din ang iyong trabaho.


Pangalawa, hindi basta nakakita ka ng 10,000,000 coins in reward ay malaki na ang reward ng campaign. Maaaring 10,000,000 na ito ay katumbas lamang ng 10000 dollars lamang at paghahati-hatian niyo pa ito ng mga lumahok sa bounty campaign. Tignan din kung makatotohanan ang reward. Halimbawa, sinasabi nilang magrereeard sila ng 50,000,000 tokens at ang kanilang hardcap ay 100,000,000, hindi ka na dapat sumali dito dahil imposibleng ang 50% ng kanilang pagkakakitaan ay mapupunta sa mga bounty hunters dahil magiging mahina ang pundasyon ng kanilang proyekto.

PangatloPangatlo, tignan ang team or management ng proyekto. Kung nakikita mo na walang mga larawan ng mga CEO at ibang mga tauhan, magiging kataka-taka ito. Kung talagang desidido sila at naniniwala sila sa kanilang proyekto, bakit nila itatago ang kanilang mga katauhan?

Pang-apat ang mga bounty managers ay mayroon ding malaking gampanin kung paano mo malalaman kung ang ito ay great ICO . Ang mga ICO na gusto talagang ipromote ang kanilang proyekto ay pipili ng kilalang bounty manager (hero , legendary rank ). Itong mga bounty manager din na ito ay hindi nag mamanage ng scam na bounty dahil ang kanilang pangalan ang masisira dito.

Ito ang mga ilang bounty managers na aking kilala na masasabing subok na at may pakielam sa mga bounty hunters

Amazix
Tokensuite
needmoney
Arteezy.rtx (pinaka approachable para sa akin)
Wapinter
yahoo62278
HOTACHY
btcldigger


(kung may idadagdag kayo, maari lamang na mag comment kayo para ma iupdate ko pa itong post ko at madami pa tayong matulungan na mga hunters.)

Sa forum na ito, kailangan mong mag tiyaga. Kumalap ng kaalaman,dahil doon palang panalo ka na. Kung hindi ma narewardan ng isang scam na proyekto, huwag agad susuko, ang mahalaga natututo tayo.

Jump to: