nag try na po ba kayo na mag uninstall ng browser nyo then install ulit ng panibago?? kasi po kung hindi ito compatible dapat hindi na agad ito gagana. malabo naman po na mali ang pag install nyo kasi simple lang naman yun! gaano po kadalas nangyayari ang ganyan sa loptop nyo? kasi po parang duda ako na dahil sa browser lamang yan?
Tinry ko na kaso ganun pa rin eh nagbblack screen pa rin sya every 5 seconds.
Either screen or graphic board ang problem yata kapag ganyan or baka naman naghahang lang ang pc mo kaya may time na nagbblack then babalik sa normal. Gaano na ba katagal yang laptop mo? baka nabagal lang dahil sa dami ng mga nakainstall.
Hindi sya naghahang eh as in sudden black screen lang talaga okay pa naman yung mouse at keyboard. Mga limang buwan pa lang sakin tong laptop. Wala kaunti lang applications na naka install sa laptop ko hindi naman ako ganun madalas mag install ng applications.
Sa isang browser lang ba nangyayari? Kung OO anong browser yan? Kung sa lahat naman hardware problem yan. Ano specs ng lappy mo?
Tingin ko sa flash plugin yan since involved ang browser. Check mo kung updated ang flash mo. Tapos magrun ka rin ng driver scanner check mo kung updated ang graphics driver mo.
Feedback na lang later paps.
Oo sa isang browser lang sa google chrome lang nangyayari ito, sa microsoft edge hindi naman nag black screen. Specs ng laptop ko w10, i5 6200u, 8gb ram, nvidia 920m, 1tb hdd. Nag update na ako ng flash pati yung sa nvidia kanina kaso ganun pa rin yung nangyayari.