I liked to share this idea na kung
Bakit hindi na nga profitable ang mining sa Pilipinas? Marami kasi akong nakikita na tao na nagtatanong regarding sa bitcoin mining, not only in this section kundi sa buong site, gusto malaman if may good cause pa nga ba ang Bitcoin Mining. First of all, let's talk about in other countries, specifically China, as an introduction to this discussion. I saw a thread that talks about the Banning of mining in China, which is nakakabahala din dahil most of the bitcoin miners today ay galing sa kanila.
So una kong naisip,
Ano nga ba ang mangyayari kapag nawala na ang Bitcoin Mining sa China? I think 70% pataas ang nagmamay-ari ng bitcoin mining pool sa buong mundo, kaya ibig sabihin malaki ang epekto nito kapag ang China mismo ay na-ban na ang cryptocurrency sa kanilang bansa. Kaya tinuturing ang China as one of the important region sa ating community, dahil sa gawa ng ambag nila sa bitcoin. Isa sa mga pinakalamalking company na gumagawa ng hardwares for bitcoin mining ay ang Bitmain na nasa Beijing, China.
Halos karamihan sa mga ASICs mining rigs na ginagamit ngayon for bitcoin mining ay galing Bitmain at sila ang no. 1 na nagpapadala ng ASICs sa iba't ibang bansa.
So bakit nga ba lagi nalang China ang binabanggit ko? At bakit sila ang bida dito? (Kalma lang, dadating rin tayo sa Philippines)IMO, Ang China pagdating sa mga electronics hardware, kaya nilang mag-produce ng maraming hardware na low cost lang which is alam naman natin dahil halos lahat ng electronic devices na makikita natin ngayon sa paligid natin are
Made of China. I'll indicate some proofs na karamihan sa electronics company ay nagpapagawa sa China.
Kahit na puro negative news ito for China's hardware companies, it is still a proof na halos lahat ng company ay nagpapagawa ng hardware sa kanila
pero ngayon, hindi na. If curious kayo bakit hindi na nagpapagawa ang karamihan ng electronics company sa China dahil ito sa trade war sa US.
Isa pang dahilan kung bakit Okay magkaroon ng mining business sa China ay sa kadahilanan na ang source of energy nila ay hydroelectricty which is more cheaper at ang klima sa kanilang lugar ay fit para magtayo ng mining business. We all know that hardwares are prone to overheating kapag 24 hours naka-open, so kung dito ka mag-mimina, you need cooling apparatus para lang ma-maintain yung efficiency ng hardware mo.
Sunod na pumasok sa isip ko kung,
Okay pa ba ang Bitcoin Mining?Actually oo, pero sobrang daming naco-consider ngayon kung okay pa ba ang Bitcoin Mining. Isa sa kadahilanan kung bakit ayaw na ng China sa mga mining business at gusto na nila ito i-ban ay ang malaking energy consumption. Syempre as a business minded person, as long as may opportunity na makakakuha ka ng profit, sasamantalahin mo yung murang electricity bill.
Isa rin sa mga problema na hinaharap ng China ngayon ay pagdami ng kanilang
e-waste. Sa pagkakaalam ko sa isang statistics, sila ang nangunguna na may pinakamaraming e-waste sa buong mundo.
Ano nga ba ang E-waste? Obviously this is a kind of waste na mga electronics devices na hindi na ginagamit, specifically mga PCB, electronic components at iba pang mga parts na ginagamit sa electronics.
So back to the topic, ang mga mining rigs, hindi na yan pwede mabenta as second hand lalo na't ginamit na ito for mining. I remember those days na pwede pang gumamit ng GPUs sa bitcoin mining, hindi kami nabili ng mga second hand na ginamit na for bitcoin mining kasi na-reach na yung pinaka-peak ng GPU na yun yung capacity niya dahil gamit na gamit na. Most likely may mga parts don na malapit na masunog or kapag ginamit na siya, mababa ang FPS or frame per second kapag naglalaro, naghahang.
Imagine, 24/7 ginagamit yung GPU, sa tingin mo masusulit mo pa yun kapag binili mo ng second-hand?
Syempre hindi. Kaya karamihan sa mga GPU na ginagamit sa mining rigs ay rekta tapon na which is considered as e-waste na. Ang pagdami ng e-waste ay may malaking epekto sa ating kapaligiran.
So nalaman mo na ba ang sagot sa katanungan na
Bakit hindi na profitable ang Bitcoin Mining sa Pilipinas? (Kung binasa mo yung buong thread, feel ko alam mo na agad ang sagot.)- Una, ang electricity bill natin ay mahal especially sa Metro Manila, kaya instead of making a profit baka malugi ka lang dahil sa babayaran mong electricity bill. Take note that mining consumes a lot of energy.
- Pangalawa, Unlike China, our climate is not good for Mining Business. Most likely, bibili ka pa ng maraming aircoin to be the cooling apparatus for the hardwares na umiinit dahil 24/7 nakabukas. At yung aircoin na yon ay magca-cause din ng malaking energy consumption at dagdag ito sa babayaran mo.
- Last, Expensive Mining rigs, malaking investment at hindi 100% ay magkakaroon ka ng profit, in the end baka malugi ka pa. Also, wala namang available na ASICs dito so basically sa ibang bansa ka pa oorder, which costs shipping fee.
IMO, Bitcoin mining ay hindi para sa Pilipinas, kung ang ibang bansa ay nagkakaroon ng struggle sa ganitong business, ano pa sa atin. I'm not saying na hindi natin kaya, nagawa na natin ito so ibig sabihin kaya, sadyang unti or walang profit sa ganitong business. Maybe balang araw if nag-improve ang ating bansa, pwede nating ma-implement yung ganitong business sa Pilipinas at marami sa atin ang magbebenefit dahil malaki na yung percentage na ambag natin sa Bitcoin community.
Kung 75% sa China, maybe someday we can own at least 25%. Gusto ko rin magkaroon ng marami pang semiconductor company dito sa Pilipinas that leads to industry na kaya na rin gumawa ng hardwares. Sa panahon na yon, di na tayo aasa sa electronic devices ng ibang bansa kasi kaya na nating mag-produce ng sariling atin. So hindi lang sa bitcoin mining ang ambag natin kundi kaya na nating gumawa ng iba't ibang network or features for BTC transactions dahil advanced na yung technology natin, magiging malaki ang part ng Philippines pagdating sa mga technology. That's the thing I foresee if napripriotize lang ang technology sa ating bansa. If nakaabot ka sa dulong part na 'to, Congrats at maraming salamat! I hope na may natutunan ka sa simpleng thread na ito. More contents in the future!
References: