Hirap rin mablame ang tao lalo na mga matatanda at hindi na updated sa internet. Kahit nga mga medyo bata ay marami pa rin ang wala masyadong alam or hint sa mga scams. Dito sa probinsya daming professionals ang nabiktima ng mga scams, pulis at mga mismong titsers pa talaga. Madale pa rin sila sa mga too good to be true lalo na pagdating sa pera pero dahil na rin sa kakulangan ng financial knowledge. Mga successful scammers rin ay magaling talaga sila magsalita at very convincing pa.
In the end, ang pangit ng ating education system. May pa K-12 pang nalalaman, mas lalong di makapagtapos mga mahihirap sa kolehiyo. Di ko nga maalala na tinuruan kami sa mga rates ng bangko at ibang forms of investments para meron backround ang bawat student at maging basic idea na lang ang mga too good to be true scams.
- At dahil madaming mga tao ang gusto ng easy at instant money ay ito naman ang ginagawang ground reason ng mga scammers para mang-scam sila ng mga kababayan natin,
isipin mo sa halip na yung ibang scammers mag-iisip kung pano sila makapagscam ay mismong yung mga target victim pa ang gumagawa ng way para sa mga scammers, diba?
Kasi pinapakita din ng ibang mga kababayan natin kung pano sila bibiktimahin ng mga scammers na hindi sila aware sa ginagawa nila, na kung tutuusin alam naman ng karamihan na walang easy money kahit noon pa until now. Pinipilit lang kasi nila na meron pero ang totoo wala talaga.