Author

Topic: Buggy Poloniex (Read 358 times)

sr. member
Activity: 1036
Merit: 279
August 06, 2017, 08:41:55 AM
#13
Sigh, checked it now again. Nandun pa rin. Baka naman abutan pa to ng Aug 14 kung kailan daw nila ike-credit yung BCH para dun sa mga naiwan nating BTC dun. Haist, perwisyo talaga.

Any idea kung anong sell price yung gagamitin oras na ma-complete na yung order? Parang feeling ko malulugi pa ako dito.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 279
August 05, 2017, 09:30:30 AM
#12
Checked again last night kung naduling lang ako. Mukhang nandun pa rin nga siya sa Orders. Checked again tonight, still in freakin Orders! Anong mangyayari dito, paano yung exchange rate nito, yun bang rate noong nag-place ng order or kung kailan siya matapos? Binili ko kasi to around 0.00013, then sold at 0.00017. Down to 0.00015 siya, baka naman maconfirm to kung kailan mas mababa na sa buy price ko, hindi ba lugi naman ako nun...
hero member
Activity: 1764
Merit: 584
August 05, 2017, 07:28:25 AM
#11
Go check if it's in the orders. Minsan naiipit dyan.
newbie
Activity: 13
Merit: 0
August 05, 2017, 01:10:07 AM
#10
Mayroon din akong problema sa Poloniex ko. Although hindi ko siya nagagamit, may mag e-email sa akin na may successful log in sa account ko. Ang gamit pang IP ay galing sa ibang bansa (US, GB). Mga tatlong beses na siguro iyon. Buti na lang wala akong balance doon.
sr. member
Activity: 392
Merit: 254
August 05, 2017, 12:45:01 AM
#9
baka naka sell order lng kaya di agad dumating sa acount mo minsan kasi ganun nanyari sa akin kasi minsan mabilis magdump at magpump kaya minsan inaabot ng sell order, pero nakakatakot narin talaga sa mga trading exchange baka nga maging scam, kaya nga yun invest ko ay yun kaya ko lng maipatalo para di masakit sa feelings  pagnakataon na maging scam
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
August 04, 2017, 10:25:45 PM
#8
Sa ngayon sir hindi na ganun mairerekomenda ang Poloniex dahil sa dami ng reklamo sa kanila. Tignan mo nalang, halimbawa, sa subsection ng Scam Accusations at Exchanges nitong forum, makikita mo po diyan ang napakaraming report against Poloniex. Kahit ako din po nakaranas na ng delay sa withdrawal diyan dati, na halos inabot na ng dalawang linggo bago dumating sa akin yung winithdraw ko kaya ang ginawa ko inalis ko na po lahat ng coins ko sa kanila baka kasi totoo nga yung mga sabi-sabi na malapit na silang maging scam.

Kaya ang maipapayo ko lang sa'yo sir, lumipat ka nalang ng ibang exchange, e.g., CEX, Bitstamp, itBit, SimpleFX. Pwede mo ding subukan ang Bittrex, pero mayroon na din kasing mga reklamo sa exchange na yan kaya ikaw na po ang bahalang magpasya kung susubukan mo sila o hindi.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
August 04, 2017, 08:20:50 PM
#7
buggy talaga poloniex tapos marami pa nagrereklamo jan, Na bug din yun sakin nung kinancel ko yung pag sell ng LTC sa market tapos hindi na bumalik sa balance ng LTC ko, Buti ni relogin ko bumalik sa balance ng LTC ko, nakakatakot talaga sa poloniex.
full member
Activity: 798
Merit: 104
August 04, 2017, 07:40:41 PM
#6
Pareho tayo OP ganyan din nangyari sa isang altcoin ko akala ko naisell kuna nung pala hindi at bug nga sya, nag open nadin ako sa support ticket about sa problem ko pero hanggang ngayon wala padin sila sagot about sa issue na ito. Sa daming user na nagtratrade sa polo dumadami tuloy ang bugs and error nito sana lang magawan nila ito agad ng aksyon mas mabuti siguro kung lumipat muna tayo sa ibang trading site.
jr. member
Activity: 168
Merit: 9
August 04, 2017, 06:57:10 PM
#5
bug yan, may ganyan issue din ako, kinain ung FCT ko. hindi ko maalala kung nag lagay ako ng sell order o nagcancel ako ng low sell nung nagppump ung FCT 1st week ng june. Cinompare ko ung total buy ko sa total sell, kulang talaga tapos 0 remaining sa balance. Pati may ETC deposit ko wala pa rin. Di man nagrereply sa support ticket kahit i follow up mo. Lipat ka nalang din sa bittrex.
sr. member
Activity: 644
Merit: 256
HiringPinas
August 04, 2017, 11:33:32 AM
#4
Tingin ko di bug yan..baka naka open sell p ung LBC mo...di nmn kagad kc pagpindot mo ng sell eh sold n agad..pag di pa nabibili ung coin mo asa open sell pa un
hero member
Activity: 1106
Merit: 501
August 04, 2017, 11:11:41 AM
#3
Sobrang dami nang nagrereklamo regarding diyan sa poloniex, nagkakaroon sila ng madaming technical issues and di talaga magandang idea ang paggamit siguro lumipat ka muna ng ibang trading site para narin sa kasiguraduhan na di na mauulit yang nangyari sayo. Halos lahat ata ng nagamit ng poloniex nakaranas na ng problema so wala talagang kasiguraduhan kung patuloy na gagamitin yung site nila, may site naman na halos kaparehas ng polo like bittrex kaya mas secure kung lilipat muna ng ibang site habang may problema pa ang poloniex.
hero member
Activity: 806
Merit: 503
August 04, 2017, 11:03:38 AM
#2
Madami na nga nag rereklamo sa Poloniex dahil sa mga bugs at lagi nlng na DDos, kaya di nako gaano nag ttrade jan sa poloniex. More on bittrex and liqui muna ko not unless talaga na wala yung coin sa both exchanges. More on long trade nlng ako sa polo. Siguro wag muna mag trade sa polo sa halip na mag profit ka eh nalugi pa. Try to submit ticket nlng po and hopefully ma recover ung nawala syo.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 279
August 04, 2017, 10:19:16 AM
#1
Hi guys, meron din ba sa inyo na nagkakaroon ng problems sa Polo? Bale nagsesell sana ako ng LBC kagabi noong 0.00017 yung price nya. So nagclick ako ng apppropriate amount and then sell. Hindi nadadagdag sa btc balance ko, so inisip ko may delay lang.

Nung nagcheck ako ngayon nagulat ako na yung laman na btc lang eh yung galing sa Waves campaign ko na kakapadala lang (inilabas ko na lahat nung ibang btc before Aug 1 at naiwan lang yung mga alts).

Then dun ko nalaman na hindi ata nagsell yung LBC. Kapag tiningnan dun sa Deposits and Withdrawals, nandun pa rin yung LBC na akala ko naibenta na. Pero kung ioopen ko naman yung Exchange, nakalagay na I have 0 LBC daw. 0.00015 na lang yung palitan ngayon, nakakainis.   Angry
Jump to: