Author

Topic: Coinbase User's ALERT (Read 174 times)

legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
Today at 06:19:51 PM
#14
Hindo ko na ginagamit yung Coinbase ko kasi para sakin di sya user friendly parang ang hassle nya gamitin tsaka isa sya sa OG exchange na hindi ko na din ginamit kasi even newly created account nun nag push na agad sila mag KYC even low amount palang capable ko nun.
Mahirap nga yan imagine large scale asset andyan para sakin di na sila trusted after ng data breach nilang issue or binenta nga ba talaga kaya wala ma din ako tiwala dyan need nila dumaan sa kaso nyan kasi large amount ang 2M dollars hindi biro kaya bilhin nun
hero member
Activity: 3136
Merit: 579
January 04, 2025, 12:28:43 AM
#13

as for dun sa nag post sa twitter, as far as I know, may chance sya na pwersahin ang coinbase na sabihin kung anong dahilan ng pagkakasara ng account nya trough legal action. 2 million dollars is a lot of money and closing an account with that amount of money in it without providing proper evidence is extremely concerning.

Wala pa akong nakikitang update sa case na ito, pero itong $2 million na na locked ay pwedeng mag cause ng panic sa community at meron itong bad repercussion sa status ng Coinbase, the soonest na ma solb nila ito mabuti sa platform, hindi ako gaano active sa Coinbase, pero kung makita ko ito mangyari sa isa mga CEX kung saan ako active at may funds aalis ko agad talaga.
Bawat restriction dapat kasamang paliwanag at dapat may mabilisang action.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
January 02, 2025, 07:34:10 PM
#12
Na rerember ko meron akong Coinbase account dati pa, pero hirap ko na ma recover or mahanap anong email ginamit ko sa account ko dati.

Anyway, comment ko dito ay ito ay normal na mga problema sa mga centralized exchange, hindi lang to sa coinbase nangyayari, medyo maingay lang to dahil napakalaki ng laman ng account. For sure, may dahilan ang coinbase bakit kinlose.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
January 02, 2025, 05:48:00 PM
#11
Pag hindi regulatd sa ating bansa medyo mahirap talaga yan, lalo na if plano mong mag reklamo. kaya dapat manage talaga ng risk, ako kahit Binance okay naman pero expect ko rin na balay araw baka biglang pagsarhan ng pinto at wala na akong magagawa kasi illegal.. punto ko is kahit legal basta hindi  regulated ng philippines, medyo mahirap yan, pero wala rin naman tayong choice kasi walang magandang trading platform sa pinas.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
December 20, 2024, 11:23:28 PM
#10
meron akong account pero more than 5 years ko na ata hindi ginagamit ever since na malaman ko yung coins.ph at ibang local exchange sites dito satin.

as for dun sa nag post sa twitter, as far as I know, may chance sya na pwersahin ang coinbase na sabihin kung anong dahilan ng pagkakasara ng account nya trough legal action. 2 million dollars is a lot of money and closing an account with that amount of money in it without providing proper evidence is extremely concerning.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
December 20, 2024, 06:20:02 PM
#9
https://finance.yahoo.com/news/coinbase-addresses-user-account-restrictions-135311726.html

Ang sabi sa article na ito, kaya daw nagkaroon ng mas maataas na record ng account restrictions ay dahil sa pagdami ng user activity pagkatapos ng US election at dinahilan pa ng kompanya na FUD daw yung mga reklamo? Dahil daw sa pagdami ng new accounts at reactivation ng users ay tumaas din ang bilang ng fraud attacks. So ginagawa pala nila itong sistemang ito para proteksyonan ang kanilang mga customers para makaiwas sa panloloko? Naniniwala ba kayo dun? At alam naman natin na ang mga fraudsters ay mga VPN user kaya kahit mga legitimate users nila ay damay dahil allowed naman sa kanila gumamit ng VPN.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
Notify wallet transaction @txnNotifierBot
December 20, 2024, 05:52:10 PM
#8
I don’t have that kind of amount katulad dun sa reference ni OP but there might be a reason behind it talaga why they froze his account.
But at least sana mag bigay ng explanation why they froze the account diba? Ang laking amount yan for a million USD holder, dapat at least mag bigay sila ng details, it's outright stealing.

Upon checking sa X thread mukhang ang dami nila from few months ago pa at iba years pa, at same na walang explanation at di mahagilap na customer service. I smell a legal case dito if ever na merong isa na gumawa, baka nga under pa ng civil case sa US ito, time consuming nga lang kaya yung iba pinapabayaan nalang.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
December 16, 2024, 10:28:16 AM
#7
So far, sa experience ko with Coinbase, okay naman. Nakakapagtrade ako normally and withdraw normally. No problems encountered. I have also used my Gunbot to trade there and no problems with the API din. So I have no problems with it and currently using pa din ako. I bought aero and support the base chain din kasi kaya I am using it. Plus may wallet pa sila na pinublish and I have been using it as well without problems.

I don’t have that kind of amount katulad dun sa reference ni OP but there might be a reason behind it talaga why they froze his account.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
December 16, 2024, 07:15:37 AM
#6
Tagal ko ng di ginagamit Coinbase pero bakit kasi ganyang halaga nasa exchange? Listed naman si Coinbase sa US stock market kaya hindi yan basta basta magloloko. Baka may ibang source tungkol dito sa issue na ito at para mabasa natin kung ano ba talaga ang puno't dulo ng pagka restricted ng account niya. Usually kapag ganyan, tatanungin lang yan ng dagdag na documents para makapagverify siya tapos good to go na ulit.

Nakita ko lang kasi yan sa twitter dude, at kung mababasa mo sa mga comment ng majority sa part na yan ay karamihan naman pala talaga ay naclosed ng coinbase ng wala manlang explanation ang ginawa na kung saan ang lalaki ng mga total value assets ng mga iba din na may reklamo sa platform na yan sang-ayon sa kanila.

Saka kahit before pa man ay diskumpyado na talaga ako dyan sa coinbase, nung mga time active user pa ako sa coinsph din nun, kasi nga medyo nagworry din ako na biglang nagsasara ng account ng walang valid reason. Tapos hanggang ngayon ay wala paring pagbabago sa ganyang istilo na ginagawa ng coinbase.
Aw, masaklap nga talaga yung ganun at malala pala talaga. Naalala ko yan noong parang bago bago pa ang coins.ph kasi parang Coinbase-inspired yung unang mga araw ng coins.ph na ginamit ko sila at meron pang mga task na i-connect yung coinbase account to coins.ph para magka points. Ang hirap talaga sa mga centralized exchanges, kaya huwag basta basta magiwan ng napakalaking halaga. Kahit pala na legally listed na sa US stocks, may mga ganyang issue pa rin pala sila.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
December 16, 2024, 03:48:28 AM
#5
Tagal ko ng di ginagamit Coinbase pero bakit kasi ganyang halaga nasa exchange? Listed naman si Coinbase sa US stock market kaya hindi yan basta basta magloloko. Baka may ibang source tungkol dito sa issue na ito at para mabasa natin kung ano ba talaga ang puno't dulo ng pagka restricted ng account niya. Usually kapag ganyan, tatanungin lang yan ng dagdag na documents para makapagverify siya tapos good to go na ulit.

Nakita ko lang kasi yan sa twitter dude, at kung mababasa mo sa mga comment ng majority sa part na yan ay karamihan naman pala talaga ay naclosed ng coinbase ng wala manlang explanation ang ginawa na kung saan ang lalaki ng mga total value assets ng mga iba din na may reklamo sa platform na yan sang-ayon sa kanila.

Saka kahit before pa man ay diskumpyado na talaga ako dyan sa coinbase, nung mga time active user pa ako sa coinsph din nun, kasi nga medyo nagworry din ako na biglang nagsasara ng account ng walang valid reason. Tapos hanggang ngayon ay wala paring pagbabago sa ganyang istilo na ginagawa ng coinbase.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
December 15, 2024, 05:32:55 PM
#4
Meron akong account pero hindi ganun ka active, mas active pa ako sa ibang exchange like Bybit or lately sa Bitget.

Mahirap talagang maglagay ng malalaking amount sa mga exchange. At kung naglagay ka tapos biglang makikita mo to, naku talagang maiinis ka lang. Pwede naman nyang kontakin ang Coinbase, yun nga lang hindi natin alam kung kailang ma lift up and restriction, baka buwan o taon ang bilangin.

Ang nakikita ko lang talaga sigurong issue rito is KYC para i hold or restrict ang account mo.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
December 15, 2024, 02:05:40 PM
#3
Tagal ko ng di ginagamit Coinbase pero bakit kasi ganyang halaga nasa exchange? Listed naman si Coinbase sa US stock market kaya hindi yan basta basta magloloko. Baka may ibang source tungkol dito sa issue na ito at para mabasa natin kung ano ba talaga ang puno't dulo ng pagka restricted ng account niya. Usually kapag ganyan, tatanungin lang yan ng dagdag na documents para makapagverify siya tapos good to go na ulit.
legendary
Activity: 3472
Merit: 3217
Happy New year 🤗
December 15, 2024, 10:25:50 AM
#2
May account ako sa Coinbase pero matagal ko nang hindi ginagamit yung Coinbase account ko dahil na rin kasi nag eenforce sila ng KYC kaya tinigil ko na ang pag gamit ng account ko dun kahit may laman pa yung mismong vault ko. Chaka hindi sakin naka pangalan yung Coinbase ko dun sa dati kong kaibigan payun kaya wala rin chance na iverify ko pa KYC.
Chaka dami ko rin mga naranasan na pangit jan sa Coinbase nag fofroze din ang account ko jan at yung dashboard nila napaka buggy kasi ilang besses akong nakaranas jan nahindi nakakareceiving ng coins kahit confirmed na sa blockchain. Pero kahit ganun paman nareresolved naman yung issue ko sa kanila.

Kawawa naman yung may ari bakit kasi nag hohold ng assets sa excahnge na alam naman natin wala tayong control sa mga asset na yun kasi anytime pwede nilang ifroze ang account mo kung gugustuhin nila tulad na lang sa nangyari dito.
I'm sire mareresolve lang to pagkatapos ng ilang buwan kung kailan pabagsak na presyo ng BTC at ibang mga assets. Kasi baka naattract sila sa laki ng assets ng users na ito.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
December 15, 2024, 07:34:12 AM
#1
Quote

Magandang gabi mga kabayan ko dito, meron ba sa inyo dito may mga account sa coinbase? dahil parang nagkakaroon ng problema ngayon sa
exchange na ito sa kasalukuyan dahil bigla nalang daw nagsasara ng mga account ng users nila ng wala manlang binibigay na reason kung bakit.

Kung makikita ninyo worth 2milyon dollars nasa coinbase na assets nya bigla siyang narestrict. Nakakapanlumo kaya yan, para kang ninakawan ng
harap-harapan na wala kang magawa. Kaya kung meron kayong assets dyan ay itransfer nio muna sa ibang mga platform exchange o wallet nasa bull run
pa naman tayo ngayon at magpapasko pa naman. 2 days ago ko lang ito nabasa. Parang ganito din yung ginagawa ng coinsph before ewan ko lang ngayon
kung ganun parin, sa tingin ko ganun parin lalo na kung makita nilang malaki pinasok mo na pera sa platform nila at ilalabas mo sa platform nila

Jump to: