Magandang araw mga ka BCT!
Disclaimer: Admin, kung karapat-dapat po i-move itong post na ito. Maaari niyo po itong ilagay sa tamang section na dapat nitong karoonan.
Nais ko lang makatulong sa mga kapwa Coins.ph users na madalas mag-withdraw ng funds from their wallet to their bank account nang mabilisan. Alam naman natin hassle kung mag-aabang ka pa ng 1800 o'clock or 2300 o'clock the next day bago mo makuha ang ni-cashout mong pera.
Sa post kong ito, inilista ko ang mga bangko na may InstaPay option kapag magwi-withdraw ka from Coins.ph. Thru InstaPay, maaari mong i-transfer ang funds mo rekta sa bank account(limited sa mga bangkong nakalista sa baba) mo nang mabilisan ngunit tandaan mayroon itong transaction fee na
P10.00. Hindi na ito mabigat sa bulsa kung malakihan naman ang ilalabas mong pera.
Ang mga sumusunod ay ang mga bangko na may InstaPay option sa Coins.ph:
Asia United Bank
Bangko Mabuhay (A Rural Bank), Inc.
Bank of Commerce
CTBC Bank (Philippines) Corporation
China Bank Savings
China Banking Corporation
Development Bank of the Philippines
Dungganon Bank, Inc.
EastWest Bank
Equicom Savings Bank, Inc.
G-Xchange, Inc. (Gcash)
ISLA Bank (A Thrift Bank), Inc.
Land Bank of The Philippines
Malayan Bank Savings and Mortgage Bank, Inc.
Maybank Philippines, Inc.
Metropolitan Bank and Trust Company
Omnipay, Inc.
PNB Savings Bank
Partner Rural Bank (Cotabato), Inc.
PayMaya Philippines, Inc.
Philippine Bank of Communications
Philippine Business Bank, Inc., A Savings Bank
Philippine National Bank
Philippine Trust Company
Philippine Veterans Bank
Rizal Commercial Banking Corporation
Robinsons Bank Corporation
Security Bank Corporation
Sterling Bank of Asia, Inc., A Savings Bank
Sun Savings Bank, Inc.
Union Bank of the Philippines
United Coconut Planters Bank
Wealth Development Bank Corporation
Sa kabilang banda, mayroon ding isa pang mabilis na paraan ngunit kailangan mo ng isang third-party app which is Gcash upang mabilisan mo ring maipasa ang iyong funds patungo sa iyong bank account. Ito ang link:
https://bitcointalksearch.org/topic/tut-how-to-withdraw-your-bitcoins-in-1-minute-new-updates-via-coinsph-5165643Sana ako'y nakatulong sa munting paraang ito at kung may mga nais kayong idagdag ay maaari niyo pong i-comment sa thread na ito.
Salamat po.