Author

Topic: Complete Guide to Using ForkDelta/EtherDelta (Tagalog) (Read 263 times)

hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Grabe ang paghanga ko sa effort na inilaan mo dito, pare. Alam kong maraming nahihirapan na mga baguhan pagdating dito. Napakalaking tulong na nito sa mga nalilito kung paano gamitin ang ForkDelta/EtherDelta. Ako man ay nahirapan din noong una kong ginamit ang Etherdelta.



Ang tanong ko lang, safe pa rin bang gamitin ang Etherdelta hanggang ngayon? Maraming safety at security issues kasi noon.

Dapat lang talaga pag laanan ng Oras tol dahil kailangan din ito matutunan ng ating mga kababayan nung nagsisimula palang ako marami akong nasayang na ETH sa trial at error na ginawa ko noon. tungkol naman sa tanong mo base sahuling trade ko nung araw, ok pa rin naman nakukuha ko parin yung mga withdrawal ko.

Parang full details na yung binigay mo perp thumbs up sayo kabayan dahil isa ka sa mga halimbawa na may malasakit sa ating mga kababayang Filipino. Kung gagamitin man sila ng forkdelta or etherdelta ivivisit lang nila itong thread na ito at magegets na nila kaagad dahil may guidr sila na ginawa mo kaya malaking tulong ito para sa lahat ng nais gumamit niyan.

Ganon na nga yung naisipan ko nung ginagawa ko pa itong thread na ito, para kahit baguhan palang sila, madali nila itong masusundan dahil may screenshot naman tsaka yung lenguahe ay tagalog pa.

Maganda nga ang mga detalye na naipakita mo at talagang makakatulong ito sa marami nating mga kababayan lalo na sa mga paraan kung paano gamitin ang mga Ethereum exchanges na yan na sadyang pinaganda sa pagdating mga exchanges na ito.


Kahit sa paraan lang na katulad nito, maipapakita natin sa ating mga kababayan na kahit anong pagkakaiba natin ay meron parin tayong malasakit sa kanila. alam ko kasi yung pakiramdam na wala kang mahanap na tutorials o kahit meron man hindi mo naman ito maintindihan kasi bagohan ka pa nga lang. nang dahil don naisip ko nalang na gumawa ng ganito.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Maganda nga ang mga detalye na naipakita mo at talagang makakatulong ito sa marami nating mga kababayan lalo na sa mga paraan kung paano gamitin ang mga Ethereum exchanges na yan na sadyang pinaganda sa pagdating mga exchanges na ito.
hero member
Activity: 1274
Merit: 513
Parang full details na yung binigay mo perp thumbs up sayo kabayan dahil isa ka sa mga halimbawa na may malasakit sa ating mga kababayang Filipino. Kung gagamitin man sila ng forkdelta or etherdelta ivivisit lang nila itong thread na ito at magegets na nila kaagad dahil may guidr sila na ginawa mo kaya malaking tulong ito para sa lahat ng nais gumamit niyan.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
Grabe ang paghanga ko sa effort na inilaan mo dito, pare. Alam kong maraming nahihirapan na mga baguhan pagdating dito. Napakalaking tulong na nito sa mga nalilito kung paano gamitin ang ForkDelta/EtherDelta. Ako man ay nahirapan din noong una kong ginamit ang Etherdelta.



Ang tanong ko lang, safe pa rin bang gamitin ang Etherdelta hanggang ngayon? Maraming safety at security issues kasi noon.
copper member
Activity: 9
Merit: 0
What is good for you, is good for Us!
Maraming salamat sa OP sa napakahalagang natutunan ko dito sa tagal ng panahon nakatuon lang ang pansin ko sa mga Top coins ngayon lang ako nag umpisang I-explore kung paano magamit agad ang mga ERC20 token for transactions ang akala ko kasi kailangan muna mai-listed sa TOP exchange bago ka pwede gumawa ng Transactions magagamit ko na rin ang MEW ko.

Tanong ko mga masters kung magsesend sa akin ng tokens yung address ba ng MEW ko ang ibibigay?....Pareho lang ba yung Wallet address ng MEW saka Metamask?...Maraming salamat sa mga sasagot.

sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Kalimitang ginagamit pa din ang forkdelta ng mga traders since maraming mabibili dito na murang token. Yung iba nga ay hindi alam ng dev na listed na sa forkdelta kung kaya't maaaring makabili ng mas mababang presyo sa ICO price. Gayunpaman, iniiwasan ko gumamit ng forkdelta dahil sa nangyari sa etherdelta last 2017. Pero, maganda ang ginawa mo OP. Ito ay malaking gabay sa mga baguhan at wala pang karanasan sa forkdelta.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Laking tulong to sa mga bounty hunters, karaniwan kase talaga ay sa mga DEX lang nabebenta yung mga tokens na nakuha nila sa airdrops and bounty, bukod aa etherdelta at forkdelta meron ding tokenjar, switcheo, idex at iba pa, halos same procedure lang den sila lahat.

Yung dalawa lang ang inilagay ko, kasi kadalasan yang dalawa lang naman ang sikat na maraming nakalisted na tokens.

Dahil sa nangyaring hacking noon sa etherdelta, hindi na advisable sa tingin ko ang pag-import ng wallet sa pamamagitang ng private key.
Mas mainam at mas secure para sa akin ang paggamit ng Metamask para i-konekta ang wallet sa FD/ED. Madali lang naman din siya gawin.

Parang ganun na nga, pero about dun sa hacking hindi rin naman yun nasundan  dahil na rin yata sa pinaigting na seguridad ng EtherDelta. ngunit kung meron ka namang Metamask wallet, mas makakabuti na rin yon atleast alam mo na ikaw lang ang nakakaalam ng Private Key mo.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Dahil sa nangyaring hacking noon sa etherdelta, hindi na advisable sa tingin ko ang pag-import ng wallet sa pamamagitang ng private key.
Mas mainam at mas secure para sa akin ang paggamit ng Metamask para i-konekta ang wallet sa FD/ED. Madali lang naman din siya gawin.
member
Activity: 576
Merit: 39
Laking tulong to sa mga bounty hunters, karaniwan kase talaga ay sa mga DEX lang nabebenta yung mga tokens na nakuha nila sa airdrops and bounty, bukod aa etherdelta at forkdelta meron ding tokenjar, switcheo, idex at iba pa, halos same procedure lang den sila lahat.
full member
Activity: 280
Merit: 102
Malaking tulong ito lalo na sa mga baguhan.  kalimitan din dito agad nalilist yung mga bagong token na akala natin walang value pero pagdating sa Etherdelta at Forkdelta ay may volume pala, kaya karamihan sa bagong release na token dyan agad ang list sa kadahilanang  walang fees na binabayaran dito sa pagpapalist ng token sa kanila. Kaya kung may token kayo na akala nyo walang value, maaari kayong tumingin sa exchange site na ito na marahil may volume pala at pwede kayo magtrade dito pero Ethereum lang ang Pair na pwede nyo pagtrade-an dito.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Pagdating sa pag trade ng ETH at ERC20 tokens, ang ForkDelta ay isa sa mga popular na decentralized exchanges ngayon. Gayunpaman, para sa mga baguhan mahirap itong intindihin lalo na yung mga nagsisimula palang. kaya narito ang Gabay upang malaman kung paano gamitin ang ForkDelta/EtherDelta.

Bago tayo pumunta sa Guide, meron munang mahalagang pagpapaliwanag tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng ForkDelta at EtherDelta dahil maaari itong makalilito sa mga hindi pamilyar sa kanila.

Ang ForkDelta ay isang open source fork ng EtherDelta na gumagamit pa rin ng parehong smart contract ngunit iba't ibang frontend interface. Pero ang backend nila ay pareho (at hindi lamang isang duplicate, ito ay literal ang parehong smart contract) habang ang site ay may konting pagkakaiba.

Ang ForkDelta/EtherDelta ay isang desentralisadong exchange na nagbibigay-daan upang i-trade ETH at iba pang mga ERC20 tokens. Bagama't hindi mataas ang trading volume nito, ang katanyagan nito ay mula sa pagiging ang unang listing ng ERC tokens post-ICO. ang resulta, ang ForkDelta na marahil ang may pinakamataas na bilang ng ERC20 tokens listed; higit sa 200.

Mag Import ng account sa ForkDelta/EtherDelta, Pag import gamit ang PrivateKey

Official Site ng Forkdelta at Etherdelta

Step 1



Step 2



Note: wag na wag mo itong ibibigay sa iba, ang Private key makukuha mo ito sa MyEtherWallet mo. sa view-wallet-info tapos i click mu yung Eye na icon lalabas ang private key mo tapos i copy mo lang:




Mag Trade ng Token sa ForkDelta/EtherDelta

Step 1
Pumunta ka sa https://ethplorer.io/address/0xc2c384240366b209c75ef9b730fe136ce1789f6f at palitaan ang ETH address na yan ng gamit mong ETH address sa MyEtherWallet:




Step 2
Piliin ang Token na nais mong ibenta at pagkatapos i open in newtab mo ito:



Step 3
Pumunta ka sa ForkDelta or EtherDelta dipende kung saan nakalista ang token mo at hanapin ito, kung wala sa listahan i scroll mo lang hanggang mapunta ka sa Other na nasa pinakaibaba:



Step 4
Kung nasa listahan ay mag proceed ka na sa Step 5, kung wala i click mo yung other tapos pumunta ka sa na newtab mong token kanina sa step 2. Makikita mo dito sa box na merong (Address,Name,Decimals). sundan mo lang ang gabay sa larawan 1 2 3.








Step 5
tapos makikita mo dito ang tokens balance mo sa MyetherWallet No.1 at Forkdelta Balance mo sa No.2



I adjust mo muna ang Gas Price para hindi mataas ang babayaran mo sa transaction fee. tignan mo ang Tamang Gas Price sa https://ethgasstation.info/ sundan mo lang ang makikita mo sa larawan.







Step 6
Bago mo ito maibenta kailangan mo muna i deposit ito sa Forkdelta, halimbawa: ang balance ng token na gusto kong ibenta ay 10,000,000 BTCC (BitcoinCrown), ito ang ilalagay ko sa deposit box.



tapos click mo lang ang deposit tapos maghintay ng sandali hanggang may lumabas na confirmation at i ok mo lang.



tapos maghihintay muli ng ilang minuto hanggang mapunta yung balance mo sa Forkdelta or pwede rin i reload mo ang page:



Step 7
Yung mga nakikita nyong numero sa may kanan yan yung mga Volumes ng token Kung gusto mong bumili i click mo yung pula, kung magbebenta ka naman i click mo yung green. since magbebenta tayo green ang i pipiliin ko. ang piliin natin yung nasa pinakamataas na green ang nasa taas yung ang may mataas na offer o mataas ang presyo.



Step 8
Ngayon ipapakita ko lang sa inyo kung halimbawa meron kang 10,000,000 BTCC ang kabuuang benta nito ay makikita sa larawan 1.410 convert to PHP = 13,023 Pesos. tapos kung ok kana dun i click mo lang yung ok.



Step 9
Pagka click mo ng OK may lalabas ulit na Transaction Confirmation Pag successful ang pag benta mo, maghintay ka lamang ng ilang minuto, hintayin mo mapunta ang ETH sa Forkdelta Balance mo.



Step 10
Kung nakita mo na napunta na ang balance mo sa ForkDelta maari mo na itong i withdraw sa MyEtherWallet mo. paano mag withdraw? sundan lang ang instruction sa image:

Una i click mo ang Withdraw:



Tapos ilagay mo sa box ang 1.410 na makikita sa larawan tapos i click mo ang Withdraw maghintay ka lamang ng ilang minuto, hintayin mo mapunta ang ETH sa MyEtherWallet mo:



Step 11
Kung napunta na ang ETH balance mo sa MyEtherWallet mo tulad ng makikita sa larawan 0.007 + 1.410 = 1.417 pwede mo ng i close ang ForkDelta/EtherDelta at pumunta ka na sa MyEtherWallet Mag log in ka muna tapos i send mo na rin ito sa Coins.ph.




Pag Send ng ETH Galing sa MyEtherWallet papuntang Coins.ph.

Step 1
Buksan ang iyong MyEtherWallet i click ang Send Ether & Tokens



Step 2
Ilagay ang amount na i sesend mo sa Coins.ph magtira ka ng pang gas fee mo. Like for example meron kang 1.417, 1.410 lang ang i send mo para may pang gas fee ka sa susunod na mga transaction mo.
at tsaka wag mong kalimutan i adjust ang Gas price: tignan mo ang Tamang Gas Price sa https://ethgasstation.info/



Ilagay mo ang ETH address ng coins.ph mo tapos ilagay mo rin ang amount na i sesend mo 1.410. tapos i click mo lang ang send transaction tapos i click mo naman ang Yes! I am Sure to make this transaction.





Pagnagawa mo yan ng tama, pagkatapos ng ilang minuto mapupunta na yan sa Coins.ph balance mo.




Ang mga ito ay pawang halimbawa lamang kung paano ang paraan ng paggamit sa ForkDelta/EtherDelta. at siguraduhin mo muna bago mo gawin ito siguraduhin mo na nakalist na ang iyong tokens sa ForkDelta/EtherDelta dahil kung wala pa ito roon hindi mo pa ito mabebenta ang gabay na ito ay para lang sa mga tokens na nakalista doon. kung may katanungan at may mga hindi naintindihan i post nyo lang sasagutin yan ng mga kababayan natin at ako na rin.


Soure:
https://www.coingecko.com/buzz/complete-guide-to-using-forkdelta?locale=en
Jump to: