Author

Topic: [Courses] Online class (Read 447 times)

hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 25, 2020, 02:08:48 PM
#13
~snip

Good thing you brought this one up. This is true in every sense and naka-encounter ako (actually, yung kaibigan ko) na hindi siya na-hire nung employer ko kasi nalaman na wala siyang college degree na nakuha. Take note ah, pasado na siya sa interview and lahat ng skills niya eh pasok sa requirements pero nung na-background check siya ng company at nalaman na walang diploma, ayun, they stopped the application process and didn't give him the spot.
Code: (UDEMY COURSE THAT TAKING RIGHT NOW)
https://www.udemy.com/course/practical-ethical-hacking/

Medyo nakakabahala din na may mga tao na uma-abot pa sa job interview na ang maipapakita lang nila is certificate ng completion ng isang online course, obviously they both have wasted their time both the employers as well as the interviewee ay nawalan ng oras dahil sa kapapabayaan ng kaibigan mo. Alam ko na madami ka talagang matututunan sa online courses baka nga mas madami pa kumpara sa professor mo but the thing is ang mga kumpanya ngayon outside of the BPO industry and minimum requirement nila is undergraduate diploma na related dun sa industriya ng kumpanya, I know naman na makikita yan under "Job requirements" sa ilalim ng mga trabaho na ina-applyan mo dapat man lang binasa ng kaibigan mo yung college diploma requirement para malaman niya na hindi sya pasok para dito.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
April 25, 2020, 06:47:36 AM
#12
May I add something as well?

Marami na rin mga online courses ngayon, and if you haven't read about this, HARVARD is offering online courses for FREE. I am yet to try this pero base sa post you can enroll yourself naman for free at your own pace. So, sa mga wala gaano ginagawa diyan and naghahanap ng something productive might as well explore na rin mga free online courses.

The idea came from this tweet na nakita ko sa isang fb post na shinare ng mga kaibigan ko.



Here's the link for the online course: Click here
Here's the link from fb post: Click here

If you don't want to visit the site you can use an application naman. Application name is edX: Online Courses by Harvard, Imperial, MIT, IBM. You can download it from playstore so you don't need to worry na.



You can download lessons, and videos here. In addition you can pay na rin for a verified certificates. Different certificates varies different prices.

Here's the sample photo I get from fb post. It is from Berkeley University from the application I mentioned 'yong edX.


Lastly, since may kamahalan ang mga verified certificates you can apply naman for financial assisstance so that you'll get a 90% off discount. Here's the photo I get from fb post rin.




Sample courses doon sa Harvard Online Course na related sa tech:
  • CS50 Introduction to Game Development
  • CS50 Web Programming with Python and Javascript
  • CS50 Mobile App Development with React Native
All are free and 12-13 weeks long.

Disclaimer: I am not advertising/promoting anything I just wanna share as well something beneficial for learning sa inyo mga kabayan. Please allow me OP para iisang post na lang rin hehe. If not gawa na lang ako different thread? Pero parang redundant na kasi.

P.S. The first link I provide is 'yong Harvard Online Course. And 'yong application is pwede mo rin magamit to access Harvard Online courses mas better siya since you can access wide variety of different Universities offering an online courses as well. Take note worldwide.

Stay safe and be productive na mga kabayan.


member
Activity: 127
Merit: 28
April 25, 2020, 06:33:58 AM
#11
Nice, maganda yan kapatid, mas mabuting inilalaan natin ang aying oras ngayong quarantine sa mga makakabuluhang bagay gaya na lang ng pag-aaral, hindi dapat matapos o mahinto ang ating pagaaral ng dahil lang sa pandemic virus na ito, madami tayong kayang gawin bukod sa pag spend ng ating oras sa ubang bagay. Ang pag-aaral ngayon ay isang malaking tulong sa iyo ngayon at sa magiging future mo, pagpatuloy mo lang iyan kapatid naniniwala akong magiging makabuluhan iyang ginagawa mo.
member
Activity: 350
Merit: 47
April 25, 2020, 04:08:08 AM
#10
Share ko lang habang nag bbrowse ako sa fb may nag share ng iba pang mga free online training at certifications ngayong ecq.Karagdagang listahan pa mga kabayan, sa mga interesado:

1. Microsoft Azure - Azure 900 fundamentals for education
Ang Microsoft Azure ay isang cloud computing platform, ang cloud computing ay yung pag gamit sa mga computing services gaya ng servers, storage, networking, software sa Internet o “the cloud” mula sa mga provider gaya ng Azure. Halimbawa ang pag save sa cloud ng mga documents ay considered as cloud computing.

2. AWS - Amazon Web Services
Gaya ng Azure isa ding cloud computing platform pero ang inooffer ni AWS ay di lang patungkol sa cloud computing, meron din silang Machine Learning kung familiar kayo dito, IoT Foundation: Telemetry, at sa mga gusto maging game dev katulad ko - AWS Game Tech, at marami pang iba.

3. Oracle University - Cloud Infra / Autonomous Database
More on Autonomous Database at Cloud Infrastructure as Speicialist, Associate, and Professional.

4. Cisco - Cyber Security
Hindi lang cybersecurity ang inooffer ni cisco meron din silang IoT, Entrepreneur, Programming Essentials in Python, at Linux Essentials.

5. QualysGuard - Vulnerability management
Ang QualysGuard ay isang web-based vulnerability management mula sa Qualys, Inc, ang pinakaunang kumpanya na nakapag bigay ng vulnerability management services bilang isang SaaS(Software as a service)-based web-service. Note na kailangan mag register para makapagregister sa klase.

6. SAN's - Cybersecurity
Ang SANS ay kilala din sa cyber security training. Tatlong module lang 'to Operating Systems(OS), Networking, at System Administration pero magagandang mapagaralan.

7. Pluralsight - April Trainings
April trainings kasi ngayong april lang libre ang mga video courses nila. May malaki itong library na umaabot sa 7k+ videos patungkol sa iba't ibang kurso kasama na ang Software dev, IT Ops, at Information & Cyber Security.

8. Sololearn - Programming
Parang online course ang datingan para sa ibat ibang language ng programming. Nag ooffer sila ng tutorials sa Python 3, C++, Java, JavaScript, C#, C, SQL, HTML, PHP, CSS, Ruby, jQuery, at Swift 4.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
April 25, 2020, 12:02:04 AM
#9

 Target ko kasing maging bug bounty hunter/security analyst.


Nais ko ding kunin ang ethical hacking sa sunod nag mga araw pag natapos ko na ang online course ko, kaso may bayad talaga pag dating sa ethical hacking hindi biro ang mga lesson kasi dito dahil malaking responsibilidad ang pag kakaroon ng kaalaman dito.

Sinubukan ko mag enroll sa free courses ng Tesda noong isang gabi, sinubukan ko yung alam ko, nakuha ko agad yung online certificates galing sa Tesda at mukhang legit yung binibigay nilang certificate.

Malaking tulong ang pag kakaroon ng online course kasi magagamit ito lalo na sa pag apply ng trabaho mas marami silang makikita tayo na wala sa iba dahil sa mga certificate na mayroon ka, isa din itong advantage dahil mas maalam ka.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
April 24, 2020, 09:27:22 AM
#8
Nakakaengganyo ito lalo na sa mga future software developers/engineers natin sa bansa. Dagdag ko narin syempre ang walang kamatayang Github, with this link: https://education.github.com/benefits. Base sa news na nakalap ko sa Programmers, Developers group sa Facebook ayon sa prof ko,

Quote
kapag naverify kayo na nag aaral pa magkakaroon kayo developer pack at free yun. May free domain name with SSL, web hosting sa AWS at Microsoft, Jetbrains IDEs, pati video course para sa coding meron. Sobrang daming perks! Libre lahat. Useful sa mga students at may thesis. - prof



Malaking tulong ito lalo na ngayon at naka quarantine tayo, may time para sa mga may internet na mag aral online at the same time, maging scholar at makatanggap ng napakadaming perks.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
April 23, 2020, 05:41:31 PM
#7
Pa-alala lang para sa lahat, ang online courses kahit makuha mo yung certificate after mo matapos yung klase hindi ito considered good as a college degree, yung certificate mismo binibigay lang yun as recognition for you finishing the class/course but this wouldn't be good enough for any employer, from what I know the best thing you can have is yung TESDA Online Program (TOP) ay may certification din pero if you want it to be recognized kailangan mo magkaroon ng face-to-face assessment with the TESDA. Ang online courses ay pwede lang para sa mga beginners na gusto matuto or para dun sa mga undergraduates tna kinukuha ito as a refresher course or training for their own subjects.

Good thing you brought this one up. This is true in every sense and naka-encounter ako (actually, yung kaibigan ko) na hindi siya na-hire nung employer ko kasi nalaman na wala siyang college degree na nakuha. Take note ah, pasado na siya sa interview and lahat ng skills niya eh pasok sa requirements pero nung na-background check siya ng company at nalaman na walang diploma, ayun, they stopped the application process and didn't give him the spot.

Right now, may course ako sa Udemy na kinukuha ngayon at sobrang ganda ng course na ito. Target ko kasing maging bug bounty hunter/security analyst. Eh magaganda yung review nitong course na ito and pasok na pasok sa pangangailangan ko. Sakto din na yung creator ng course na ito eh ginawang FREE ito for 1 day dahil sa COVID-19. So ayun, grab na kagad ako. My advice eh antayin niyo mag-drop yung price nung mga courses na may bayad or minsan, pag swerte (tulad ko), makukuha mo ito ng libre.  Wink

Code: (UDEMY COURSE THAT TAKING RIGHT NOW)
https://www.udemy.com/course/practical-ethical-hacking/
Awts sayang naman nung sinilip ko ung course my fee na $20 from $79.99 original price. Maganda kasi magkaroon ng pagkakaabalahan ngayong naka lockdown, salamat kay OP sa pagbukas ng thread na to makakatulong para mainform tayo kung saan pde humanap ng libreng courses online, and alternatives din kung talagang mabusisi ka, halungkatin mo din sa youtube meron din mga videos dun na pwede mong pag aralan.
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
April 23, 2020, 04:53:08 PM
#6
Pa-alala lang para sa lahat, ang online courses kahit makuha mo yung certificate after mo matapos yung klase hindi ito considered good as a college degree, yung certificate mismo binibigay lang yun as recognition for you finishing the class/course but this wouldn't be good enough for any employer, from what I know the best thing you can have is yung TESDA Online Program (TOP) ay may certification din pero if you want it to be recognized kailangan mo magkaroon ng face-to-face assessment with the TESDA. Ang online courses ay pwede lang para sa mga beginners na gusto matuto or para dun sa mga undergraduates tna kinukuha ito as a refresher course or training for their own subjects.

Good thing you brought this one up. This is true in every sense and naka-encounter ako (actually, yung kaibigan ko) na hindi siya na-hire nung employer ko kasi nalaman na wala siyang college degree na nakuha. Take note ah, pasado na siya sa interview and lahat ng skills niya eh pasok sa requirements pero nung na-background check siya ng company at nalaman na walang diploma, ayun, they stopped the application process and didn't give him the spot.

Right now, may course ako sa Udemy na kinukuha ngayon at sobrang ganda ng course na ito. Target ko kasing maging bug bounty hunter/security analyst. Eh magaganda yung review nitong course na ito and pasok na pasok sa pangangailangan ko. Sakto din na yung creator ng course na ito eh ginawang FREE ito for 1 day dahil sa COVID-19. So ayun, grab na kagad ako. My advice eh antayin niyo mag-drop yung price nung mga courses na may bayad or minsan, pag swerte (tulad ko), makukuha mo ito ng libre.  Wink

Code: (UDEMY COURSE THAT TAKING RIGHT NOW)
https://www.udemy.com/course/practical-ethical-hacking/
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 23, 2020, 03:38:24 PM
#5
Pa-alala lang para sa lahat, ang online courses kahit makuha mo yung certificate after mo matapos yung klase hindi ito considered good as a college degree, yung certificate mismo binibigay lang yun as recognition for you finishing the class/course but this wouldn't be good enough for any employer, from what I know the best thing you can have is yung TESDA Online Program (TOP) ay may certification din pero if you want it to be recognized kailangan mo magkaroon ng face-to-face assessment with the TESDA. Ang online courses ay pwede lang para sa mga beginners na gusto matuto or para dun sa mga undergraduates tna kinukuha ito as a refresher course or training for their own subjects.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
April 22, 2020, 03:52:58 PM
#4
May bayad ba?
Wala po libre po ito.
Base sa Tesda's faq page, lahat ng online programs are free so walang bayad.

Do I need to pay tuition in order to enroll?

The TESDA Online Program is available for FREE. There is no tuition fee required in accessing the courses.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
April 22, 2020, 03:26:12 PM
#3
<..>
Salamat sa karagdagang impormasyon kabayan.

Ngayon nag labas nadin ang TESDA mas kilala sa pag kakaroon ng Technical Vocational Courses
Course
21st Century
Agriculture
Automotive
Electrical and Electronics
Entrepreneurship
Heating, Ventilation, Air Conditioning, and Refrigeration
Human Health/ Health Care
Information and Communication Technology
Lifelong Learning Skills
Maritime
Social, Community Development and other services
Tourism
TVET
Processed Food and Beverages

May bayad ba?
Wala po libre po ito.
member
Activity: 350
Merit: 47
April 22, 2020, 10:05:48 AM
#2
Suggest ko lang din yung binigay ng prof namin na free online course mula sa Mnet-IT. May dalawang silang free training: Basic Linux at IP Addressing and Subnetting for CCNA.

Since sa Data Communications subject namin binigay yan, ang na try ko palang is yung Subnetting. Magandang free trial para sa mga interesado sa Networking (hindi yung pang open minded) o maging Network Engineer dahil magaling yung nag tuturo (hindi po ako bayad), hindi boring at parang tropa mo lang na nag tuturo sayo bago mag exam, enjoy kumbaga. Plus Tagalog pa yung language nung nag tuturo kaya hindi mahirap intindihin yung mga sinasabi ng lecturer.

Or kung mahilig naman kayo mag basa: May google drive din, compilation ng pdfs tungkol sa CCNA or mas simpleng pdf file para sa malulula sa dami ng files sa gdrive kanina.

Keep safe mga kabayan!  Grin
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
April 22, 2020, 12:04:59 AM
#1
Magandang araw mga kabayan, kayo ba ay wala masyadong ginagawa? at gusto nyo mag aral na related sa technology and business?, kahit kayo ay graduate na at may mga trabaho ay maari parin kayo mag hanap ng pag kakalibangan upang lumawak ang mga kaalaman. Ngayon nais ko ibahagi ang mga online learning course na pinapasukan ko upang matuto ngayong may lockdown.

Sparta
Ang sparta ay isang online school na nag susuporta para sa data science, analytics at supporta tungo sa magandang desisyon sa pag gawa ng e-governance.

Partners with
Development Academy of the Philippines
Department of Science and Technology
DOST - Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development
Analytics Association of the Philippines
Coursebank

Courses
Data Associate - Paano ginagamit ng maayos ang mga datos at mag bigay ng mga alternatibong paraan upang ma-solba ang problema sa isang organisasyon.
Data Steward - Pag aaral patungkol sa tamang pag hawak ng mga datos sa isang organisasyon.
Data Engineer - Paag aaral patungkol sa pag manage ng data flow.
Data Scientist - Pag aaral patungol sa makabagong paraan upang mas maging epektibo ang bawat impormasyon na makuha.
Data Analyst - Pag aaral sa pag solba ng mga maaring maging problema, at maka bagong paraan sa pag lutas ng mga problema.

Ano ang kailangang ipasa?
Kung ikaw ay graduated/shs graduate na kailangan mo lamang ipasa ang Picture ng Diploma
May bayad ba?
Wala po itong bayad. Libre

Ang aking kinukuha ko ngayon dito ay Data Scientist.

Codecademy
Ang codecademy ay isang online learning school na maari kang matuto sa pag aaral ng mga Programming Language tulad lang Java, Python, C# at C++ at suportado din nila ang mag aaral ng JavaScript at HTML at iba pa.

May bayad ba?
May Free courses sila pero limited lamang, kung gusto mo mag avail ay kailangan mo mag bayad ng $15 monthly.

Sa ngayon ang aking pokus ay ang programming language na C# sa pag gawa ng system.

Udemy
Ang udemy naman ay katulad lang din ng Codecademy ngunit ang pinag kaibahan ay suportado nila ang field ng Multimedia at Designs.
May bayad ba?
Naka depende ang bayad sa pipiliin mong kurso.

Sa ngayon ay kinukuha ko dito ay Adobe Photoshop, Illustrator at After Effects.

Ps. Hindi ako sponsored para i promote ang mga ito gusto ko lamang ibahagi ang mga online course na aking pinapasukan upang mag aral.
Jump to: