Kala ko nga titigil na yan nung napahiya at napatunayan na nagsisinungaling sya patungkol dun sa claims na siya si Satoshi pero ito parin sya at nanggugulo na naman sa mga taong sobrang busy sa kani kanilang investment at ginagawa sa industriyang ito.
Siguro mainam talaga na ignore nalang since alam na naman ng lahat na isa syang dakilang payaso.
Kahit ilang beses na siyang nabigo, parang hindi pa rin siya natututo. Para sa kanya, mas mahalaga ang atensyon kesa sa kredibilidad. Desperado na lang siya na makuha kahit konting pansin.
Ang maganda na lang siguro talaga ay ignore na lang siya ng mga tao. Ang mahalaga, alam ng community kung sino talaga ang mga lehitimong tao at grupo na may malaking ambag sa Bitcoin ecosystem. Panalo siya kung bigyan pa natin ng atensyon ang mga walang kwentang kaso niya. Focus na lang tayo sa mga tunay na importanteng bagay sa crypto world.
Hindi ko gets pano siya nakakapag isip ng matino, hindi ko din gets anu na purpose niya maging relevant eh, hindi ko din gets bakit may taong naniniwala parin sa kanya. Mga illogical lahat ng sinasabi niya at kini-claim niya, pano may naniniwala parin sa kanya, siguro parehas lang to sa mga taong naniniwala sa mga flat earth conspiracy at Tallano gold.
And lastly indi logical yung case niya this time as well as last time. Eh hindi nga siya si Satoshi as court appeals, lahat ng words na galing sa kanya regarding bitcoin should be considered false
Sa pagkakaalam ko dati kinasuhan nato eh ito o
https://www.wired.com/story/craig-wright-perjury-bitcoin-trial/ pero parang hindi ata tumalab tong counter action ng gobyerno sa kanya. Dahil andyan parin sya at patuloy na gumagawa ng kaguluhan. Siguro wala na talag to sa wisyo tong taong to at patuloy parin na kini claim na siya si Satoshi kahit na alam naman ng mga tao na hindi talaga siya ito at napatunayan na nag sisinungaling sya.
Kaya alam na talaga kung saan hahantong tong kalukuhan nya at another defeat naman to lalo na pag binasura ng tuluyan tong kasong pinanggugulo nya sa mga taong yun.
May topak na yan sa ulo niya. Kaya yung kaso na nanalo laban sa kaniya, gusto lang din makabawi at makabato lang kung kani kanino na feeling niya na against sa kaniya. Kalokohan pinaggagawa ng tao na yan at wala na sa ayos. Kung gusto niya talaga ng something na makakatulong sa kaniya, mas magandang manahimik nalang siya dahil mas makakatulong pa yun sa mental health niya at iwas sa stress. Hindi kung sino sino tinatarget niya sa community, may gusto kasi talagang patunayan kahit na out of topic na siya.
Dahil sa pinaggagawa nya naging sobrang disperado na nya talaga at parang gusto nya lang talaga mangugulo. Siguro ganyan na talaga ang role nya at wala na talagang aasahang matino sa kanya.