Author

Topic: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning? (Read 11 times)

sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
I think yung iris scanning ay way lang para master attract yung mga na sumali dahil mukhang legit product at hindi kaduda duda dahil nagbabayad sila.

Pero ang nakakatakot dito ay maasring gamitin yung mga details nila pang KYC sa mga services lalo kapag involved ang money laundering or scam money tapos sa account nila iaaccount.

Sobrang daming scammer sa pinas lalo na sa gcash kaya tiyak na doon ang bagsak ng mga KYC nila.

Legit itong mga project kabayan, I mean kahit naman ngayon sobrang daming mga crypto projects airdrop pa rin naman ang naglalabasan and ibat ibang utility madalas ngayon more on AI airdrop pero itong world of coins bale parang KYC project talaga siya para malaman or maprove na human talaga ang information, siguro sa pagkakaintindi ko parang authenticator ito, like sa mga discord kelangan mo magverify kung ito nga naman ang gagamitin mo talagang maiidentify mo ang bot sa hindi.

Quote
Use your World ID to sign into mobile and online apps to prove you are a unique human.

So kapag nagsign in ka or nagpascan ka bale airdrop lang ang mangyayari bale makakakuha ka ng token nila, so legit naman talaga ang project, pero ang nakakatakot lang talaga dito is kapag nagleak ang mga information mo, in the future kung magkakaroon nga naman ng ganitong authenticator imaging if na leak ang iris mo ibig sabihin kahit saang mga platform maaaccess nila agad dahil may copy sila ng iris mo. For now siguro hindi pa naten makita dahil hindi pa naman gumagamit ng ganitong technology sa mga platform madalas ID lang or fingerprint, I mean kahit nga finger print medjo nakakatakot na ibigay, Imagine mo nalang kung nagleak ang fingerprint mo so lahat ng device na may fingerprint mo maaaccess din nila.
hero member
Activity: 2786
Merit: 705
Dimon69
I think yung iris scanning ay way lang para master attract yung mga na sumali dahil mukhang legit product at hindi kaduda duda dahil nagbabayad sila.

Pero ang nakakatakot dito ay maasring gamitin yung mga details nila pang KYC sa mga services lalo kapag involved ang money laundering or scam money tapos sa account nila iaaccount.

Sobrang daming scammer sa pinas lalo na sa gcash kaya tiyak na doon ang bagsak ng mga KYC nila.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
Hindi ako pamilyar sa context neto di ko alam kung kailan pa ito nagscam sabi kase sa mga naririnig ko dati pa daw ito, Pero dito sa video na nakita ko sa Facebook parang bago pa and nagaaya pa siya na sumali ang mga tao sa project na ito, worldofcoins nga pala yung project and ang pinaka issue dito ay binabayaran nila ang tao para magpascan ng Iris nila, kung titignan naten parang KYC lang din naman siya and marami namang mga platform nagnagbibigay ng bonus kapag nag KYC ka sa platform nila, pero parang ibang usapan itong Iris scan na mismo, kung titignan din naten ang mga comments madaming mga hindi agree dito, and personally agree ako sa kanila para saken hindi ito safe dahil kung privacy lang ang usapan kapag nagkaroon sila ng copy ng iris mo hindi naten masasabi pa sa ngayon pero in the future baka pagsisihan din nila ito.

Sa mga nababasa ko around 5k daw ang makukuha mo kapag nagpascan ka, airdrop ng worldofcoins so token ang makukuha mo din ang makukuha mo is around 5k pesos, Pero mukang madaming mga Pilipino ang pumipila dahil pera na ang usapan marami talagang mahihikayat lalo na sa hirap ng buhay ngayon, maraming mga kababyan naten na handang isakripisyo ang privacy nila para sa maliit na halaga.

Anong masasabi nyo dito agree ba kayo? magpapascan ba kayo para sa airdrop?  Cry





Ethical, Socioeconomic Issues Raised as Worldcoin Airdrop Activity Continues in Bulacan
Watch Video Here
Jump to: