~
1. Personal mo na bang nasubukan ang mga nasabing platforms OP or meron ba ditong nakasubok na? Kamusta naman ang experience ninyo?
2. Paano ang protection ng mga freelancers mula sa mapang-abusong employers? Kagaya ng guaranteed ba ng platform ang bayad kapag natapos na ang contract? O pano nahahandle ang mga disputes? Marami kasing mga employers sa ibang platform na natatakasan ang mga freelancers lalo na kapag hindi nadaan sa platform ang bayad.
1. Yes, I've been hired on both platforms at smooth naman yung payment kasi automatic ng pasok sa account mo after ma-verify ni employer. Sa Latium, nasubukan ko na din mag-hire ng mga empleyado (mostly referral sign ups pinagawa ko).
2. Hindi ko pa nasubukan maka-encounter ng abusadong employers pero tignan natin sa FAQ nila kung paano ang pag-handle ng ganitong disputes
Latium -
https://latiumsupport.zendesk.com/hc/en-us/articles/360034067471-What-if-I-am-Not-Paid-for-a-Completed-Project-Never knew that Latium is already an established freelancing platform now noong una nakikita ko lang ito sa mga signatures at sa Announcement and Bounty section so far talagang lumago sila. ~
No problem. Yes, isa sa mga projects na nakapag-produce ng usable product. Dati, native token lang ang payment nila pero ngayon nakapag-expand na to major cryptocurrencies which is great.
Maraming salamat sa pagshare mo sa amin nito tol. Tanong ko lang malaki din ba ang bayad nila sa atin? or medyo lang?
gusto ko sanang i try pero dapat ko munang malaman if maganda yung kita gaya ng mga ibang extra income platform.
Depende yan sa trabaho at sa client bro. Ang maganda sa parehong platform, pwede ka talaga mamili at nakalagay na agad dun yung payment rate. Explore mo lang muna yung mga website para mas may ideya ka.
~ Madami kasi ngayon walang trabaho at malay natin kung madaming ganitong platform sa online makabawas ito ng porsyento ng pilipinong walang mga trabaho.
Kailangan take advantage ang mga ganitong platforms para makatulong. Actually, may referral system din sila so kung gusto mo i-share sa mga kakilala mo na gusto kumita, gawa ka muna account at share mo ref link sa kanila. Win-win sa inyo.
Mas maganda pa sana kung naka-ayos lahat ng ganitong pagkakakitaan sa iisang thread para kung may maghanap pipili nalang sila sa thread na ito. At huli sa lahat sana din may mga feedback na, na paying lahat ng malalagay dito.
I plan on updating this thread kapag may mga bago pa akong nakita.
Sa feedback naman, you can read my reply kay jakelyson at yung comment ni rhomelmabini