Dapat talaga ganun at dapat tuloy tuloy ang mga ganitong event hindi lamang sa isang lugar o sa mga school mas maganda magkaroon nito bawat city at probinsya pero wag naman sana mangyayari ito dahil sa mga may pinopromote na coin dapat talaga edukasyon para lamang sa Cryptocurrency may nakikita kasi ako na mga events na dinadaluhan ng mga kaibigan ko sa Social media na active sa Cryptocurrency pero sponsor ng mga project na hina hype nila.
Napapansin ko yung mga events palagi may mga sponsor na kung hindi NFT, exchange o mga bagong coins sana lang yung turo tungkol sa Bitcoin at wag yung mga organizers ay mag promote ng mga coins na nag sponsor sa kanila kasi pag yung mga coins na pinopromote nila biglang nawala at bumagsak sa market malamang madismaya yung mga dumalo at naniwala sa kanila.
Kailangan talaga ng sponsorship sa mga ganitong even lalo na kung hindi naman nila kayang ishoulder lahat ng expences lalo na sa prizes sa mga gimiks nila. Magandang way ito para maintroduce na talaga ang crypto sa bansa natin lalo na sa mga kabataan. Maswerte ang mga schools na nadadaanan ng ganitong caravan dahil mas marami ang nagiging aware sa importance ng crypto pero since kabataan ang target ng caravan na ito, mabuti pa rin na mamulat ang mga kabataan sa risks ng crypto investment.
Sana lang ay mas marami pang crypto users ang magvoluntary na gawin ito lalo na yung mga may kakayaran na magrun ng ganitong event dahil isa itong way para mapabilis din ang adoption ng crypto sa bansa natin. It will take time bago mangyari ang adoption pero mas mabuting step ito para mas mapalawak pa ang kaalaman ng maraming Pilipino.