Parang wala pa naman akong nabalitaan na pwede na ang crypto card sa mga local ATM natin, may mga sariling terminal na tinayo, pero yung mismong mag check ka sa mga BDO, BPI at kung ano pang mga local bank natin e wala pa namang napapabalita.
Sana nga i-adopt na nila yan dahil marami-rami na rin ang traders na nagiimbak ng pera sa kani-kanilang mga wallet at sana kung mangyayari man ito, wag nilang tagain sa fee ang mga may ganitong card.
Nasa table na tiyak ang mga to , ang mga bangko eh naghahanap ng pagkakakitaan syempre at since nakikita na nilang putok ang crypto sa pinas kaya baqkit nila palalagpasin ang chance na to, kaso ang problema eh may mga issues sa SEC and sa mga regulations ng gobyerno .
pero sana nga eh magkaron na tayo ng common use of crypto and banking.
Sana nga magdilang anghel ka kabayan, para naman hindi tayong mga crypto community ang lutang sa ganitong mga sitwasyon, Tayo kasi ang maiipit dito sa totoo lang pagdating ng panahon na maghigpit ng husto ang mga ahensya ng gobyerno natin na may authority sa ganitong field na ating ginagalawan.
Ang mga advantage ng paggamit ng crypto card ay kadalasan ay ang convenience at accessibility.
Speaking to this, gaano ba ka convenient kung yung sikat sa atin na G-CASH at PAYMAYA?
All of them merong ATM na magagamit mo all the time since they supported cryptocurrency napakadali lang mag convert to our currency na pwedi mo rin magamit direct to your bank account or bank transfer.
Mas convenient nga yata sina GCash at PayMaya dahil local sila at sakali meron issues ay mas mabilis na maresolba. Tsaka mga ATMs ng bansa natin mataas ang fees sa mga cards na galing abroad like 200 pesos yung nakita ko noon. Ang downside lang talaga sa mga yan si yung high spreads at high fees.
Pwede naman sa mga top crypto exchanges na lang thru P2P mag convert para competitive ang rates. Libre lang din naman at ilang minuto lang ay nasa bangko mo na. Ang daming pagpipilian rin sa p2p, pwedeng doon sa GCash, Paymaya, tradisyonal na bangko at online banks.
sa ngayon itong gcash at paymaya ang medyo magiging last option nating mga crypto enthusiast, na kahit ayaw ng iba ay mapipilitan silang gamitin ang dalawang apps wallet na ito
sa aking palagay at opinyon ko lang naman.