Gusto ko na din mag open ng bank account kaya lang alangan din ako dun sa mga tanung-tanong. BDO sana trip ko kasi malapit lang SM samin. Puro 5 digits pa naman ang nilalabas ko sa remittance. Mas gusto ko sana sa bank para di na ko lumabas tsaka mas mura ang fee. Sa ngayon, ginagawa ko na lang, maglalabas ako tapos isasabay ko kila Mudra, dun muna sa account nila since sila may source of income sa bukid kaya walang problema. Medyo alangan na rin ako sa remittance center ngayon kasi last time 2 ID na hiningi tapos meron pa minsan tinanong ako kung san galing yung pera, di ko alam kung tinatanong is mula ba sa ibang bansa yung pera o yung source ng pera. Sinagot ko na lang, dito sa Pinas. Ilang beses na rin tinanong sakin yan. Galing pa naman sa crypto gambling yung pera.
Kung wala kang other source of income aside from crypto-related o kaya gambling, mukhang mas kailangan mong mamili ng medyo friendly na bangko. Ang BDO, explicitly ayaw nila ng crypto-related funds. I don't know kung sa lahat ng branches pinapatanong muna kapag nagbukas ng account kung crypto-related ba ang source ng pera o hindi, pero yun yung proseso na pinagdaanan recently ng kakilala ko nung nagbukas sya sa BDO. Tinanong nya kung bakit, anong problema kapag galing sa crypto ang pera, hindi alam nung nasa new accounts section. Siguro under instruction lang sila na itanong muna at posibleng i-reject kapag sinabing ang source ay galing sa crypto.
Anyway, hindi naman talaga recommended na sabihin mo yung term na Bitcoin or crypto kapag nagbukas ka ng account sa kahit anong bangko. Medyo malabo sa kanila yun. Pero kapag may other source of income ka naman o kaya employed ka, walang problema yun, mas madaling magbukas.
Sinubukan ko dati magbukas sa Eastwest, andaming cheche bureche kapag hindi ka employed. Tinanong ko kung paano kapag estudyante at pinapadalhan lang ng allowance ng magulang, ang sabi nung nasa new accounts, hihingi sila ng certification from your parents confirming your claim, and in addition hihingi pa sila ng proof of income galing naman sa parents. Thank you na lang, sobrang hassle.