Ok lang yung ganyang ideya na meron siya kung ano ang crypto at tingin ko maganda naman hangarin niya. Yun nga lang, need pa niya mag research para mas lalo pa siyang magkaroon ng background kahit sa pinakasimple lang pagdating sa crypto.
Kasi mami-mislead niya ang mga tao kaya hindi rin maganda na kapag konti palang knowledge mo tapos magmumukhang expert at tingin mo alam mo na lahat, lalo na public figure siya at senador pa.
Kabayan di para mag-komento ng ano-ano yan si Sen. Win ng di alam ang sinasabi niya. Di ako panatiko niya o isang supporter pero isa yan sa mga matatalinong Senador. Di yan para magbigay lang ng haka-haka sa isang official na panayam.
Tama naman sya, bakit papasok sa crypto ang isang tao di naiintindihan ang pinapasok niya? In general naman most tokens ay crap. Di naman sya nagsalita ng negative about Bitcoin specifically. Mas maganda ng ganyan ang sabihin niya kasi kung seryoso ang tao na pasukin ang crypto, malalaman din nila thru proper research kung ano talaga ang puwede nilang iexpect sa pag-invest sa crypto.
Nakakasira sa crypto iyong statement niya? Para niyo na rin sinabi na walang sariling pag-iisip ang mga tao. Teka, ilan beses na ba nagkaroon ng negative image ang crypto dito sa bansa? Ang dami na diba pero nag grow pa rin ang crypto adoption dito sa atin. Tama lang na ang makiinvolve lang dito sa crypto eh iyong naiintindihan ang pinapasok nila.
Sa last statement niya, malinaw ang sabi niya na wag papasok kung di naiintidihan ang mga bagay-bagay. Wala siyang sinabing wag mag-invest sa crypto in general na tipong hate niya ang crypto to the point na aggressive sya na iconsider ang crypto.
Si OP naman kasi patola. Dapat ang title ng topic is, Sen. Gatchalian nagbabala sa pagpasok ng pera sa crypto or something na malapit dyan. Di naman highlight ng statement niya iyong crypto as a type of casino. Lawakan ang isip.