Author

Topic: Crypto Theft: Alam nyo ba kung magkano ang puhunan ng mga hackers? (Read 404 times)

sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Hindi sa pinapaboran ko ang ganitong gawain ng mga hackers pero kahit sobrang liit lamang ng halaga ang kinakailangan nila para makapang hack ng system ay ang pinakamahirap dito ay ang pag by pass o pag access nila sa mga security ng system nila at hindi biro ang pag-aaral nito dahil pag debug palang ng mga system o paghanap pa lang ng butas para pasukan ng mga hackers ang system ay hindi na ganon kadali, alam ko ito dahil isa akong IT hindi ganon kadali ang ginagawa nila.
Mahirap talaga maaaccess ang isang information lalo na ang mga system kaya naman oras din talaga ang binubuhos ng mga hacker para mahack ang system or website na gusto nilang ihack kung makikita natin matatalino ang mga hacker yun nga lang kesa gamitin ang katalinuhan sa mga mabubuting gawain ay ginagawa nila para makapangpwerwisyo ng kanilang kapwa na sanay magsitigil na rin sila.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Huwag natin kalimutan na may iba't ibang klase ng hacker sa mundo. May mga scammer na nakakasira talaga sa komunidad at ang pinakatarget ng mga hacker na ito ay pera.
Meron din namang iba na nakakatulong sa marami. Meron din sa kanila ang kinukuha upang pasukin ang isang program at website para malaman ang kahinaan at bugs dito.

Yung sa OP, maaaring 160 lang yung bayad nila pero hindi iyon ang kabuuang nagagastos ng isang hacker. mahirap din ginagawa nila at maraming trial and error sa sisteme nila.
wala naman talagang target ang mga hackers dito sa crypto kundi pera natin kabayan dahil wala namang materials na pwede pa sila pakinabangan dito maniban sa mga cryptocurrencies natin kaya mga post na katulad nitong kay OP ay bagay na makabuluhan para sa kaligtasan ng bawat isa
tsaka sa liit ng puhunan ng mga hackers na to?tiyak hindi to mawawala dahil lalo pa sila manganganak sa mga susunod na araw.kaya Ingat mga kababayan

Kaya rin siguro ni report to according sa source ng post ko at para talagang maging aware at lahat at i exposed yang mga cyber criminals na yan. Talagang padami ng padami sila, at katulad nga ng sinabi ko maaaring back up ng isang rogue nation ang ilang mga hackers nato kaya malakas ang loob kasi wala ng pinipili. Kahit anong industries talagang babakbakan nila. Kung hindi pera ay sensitive materials ang nanakawan at heto na ung mundo ng cyber terrorism na tinatawag.

Pero may mga group din na ang target talaga ay crypto money kasi nga isang kana lang ng mga to milyones na agad ang mananakaw.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
Huwag natin kalimutan na may iba't ibang klase ng hacker sa mundo. May mga scammer na nakakasira talaga sa komunidad at ang pinakatarget ng mga hacker na ito ay pera.
Meron din namang iba na nakakatulong sa marami. Meron din sa kanila ang kinukuha upang pasukin ang isang program at website para malaman ang kahinaan at bugs dito.

Yung sa OP, maaaring 160 lang yung bayad nila pero hindi iyon ang kabuuang nagagastos ng isang hacker. mahirap din ginagawa nila at maraming trial and error sa sisteme nila.
wala naman talagang target ang mga hackers dito sa crypto kundi pera natin kabayan dahil wala namang materials na pwede pa sila pakinabangan dito maniban sa mga cryptocurrencies natin kaya mga post na katulad nitong kay OP ay bagay na makabuluhan para sa kaligtasan ng bawat isa
tsaka sa liit ng puhunan ng mga hackers na to?tiyak hindi to mawawala dahil lalo pa sila manganganak sa mga susunod na araw.kaya Ingat mga kababayan
sr. member
Activity: 1148
Merit: 251
Ang isang nagkalat na tinawag na “MasterMana Botnet, na ginamit ng cyber criminals at active parin sa ngayon, ang nagkakahalaga lamang ng $160 para mai setup ng mga kriminal na to,

Quote
In addition to aiding in detection avoidance, using third-party services also enabled the threat actors to conduct the campaign at minimal cost. Leasing Virtual Private Servers (VPS) costs an estimated $60US, and Azorult versions were available for under $100US via Russian-based cyber-crime forums earlier this year.

https://blog.prevailion.com/2019/10/mastermana-botnet.html

So mantakin nyo, sa ganyang halaga lamang halos tiba tiba ang mga cyber criminals nato dahil $$$ ang balik sa mga loko. Samantalang may mga individual at company na gumagastos talaga para sa cyber security pero kung iisipin mo kulang parin dahil ang huhusay ng mga hackers sa ngayon, sa kanila trabaho na to talaga ang walang pinagkaiba sa mga physical criminals.

Criminals in the real world is mas risky compared sa mga cyber criminals, kasi they can choose to stay anonymous everytime whenever they attack at ang kanila stelo ng pag atake ay unpredictable. Eto yung mga matatalinong criminals, compared sa mga bobo at desperadong mga kriminal in the real world.

Anyway, itong mastermana botnet ay talagang nakaka impress kung panu ginawa. Ito pala ay makukuha mula sa email na nag lalaman ng phishing website na may download link. Once ma download mo ito, maraming pwedeng mangyari sayu at isa na dun ang pinaka target nilang ma limas ang laman ng iyong wallet. Ang nakaka bilib dito eh pwede nilang ma download ang mga files mo at nakakapag screenshot sila mula sa computer mo (parang naka team viewer lang diba?)

Kaya ingat ingat lang tayu sa mga dinadownload natin mga bro!
Talagang nakakabahala ang ganitong hacking at nakakatakot. Kaya sa crypto kailangan natin Dobleng ingat sa mga link na iclick natin kasi sa isang iglap Lang maglalaho lahat sa atin ang lahat. Mahirap iwasan ang ganitong mga bagay kasi hindi natin alam kung kelan sila aatake kasi iba iba ang mga istilo nila para makapanghack. Ibayong ingat tayo mga kababayan at laging mag research paano malalaman kung ang isang site o link ay phishing.
sr. member
Activity: 882
Merit: 258
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Talagang hinasa nila yung skills nila para lang magnakaw. Dapat katulad ng America yung ginagawa nila sa mga nahuhuli na imbes ikulong, mas napapakinabangan nila at hinahire nila kasi alam nila yung pasikot sikot sa mundo ng cyber security. Sa liit ng puhunan ng mga yan tapos mga ilan lang sila sa grupo nila tapos milyon na dolyares yung nakukuha nila, grabe lang. Sobrang laki at mga bihasa lang gumagawa niyan at wala ng nararamdamang konsensya na babalik yung karma sa kanila.
Magandang ideya yan na gayahin nila ang ginagawa ng America dahil may mga maitutulong din yang mga hackers sa atin sa pagpapaigting ng seguridad sa loob ng internet o cyber space. Sila ang magiging daan upang malutas natin ang maraming mga problema na may kinalaman pag dating sa online. May napanood nga ako sa youtube yung top 10 na hackers ay yung iba hinired ng Pentagon para mapaigting ang security nila at yung iba naman ay hired din ng Google kung saan makakatulog sila sa seguridad na patungkol sa cyber space.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Talagang hinasa nila yung skills nila para lang magnakaw. Dapat katulad ng America yung ginagawa nila sa mga nahuhuli na imbes ikulong, mas napapakinabangan nila at hinahire nila kasi alam nila yung pasikot sikot sa mundo ng cyber security. Sa liit ng puhunan ng mga yan tapos mga ilan lang sila sa grupo nila tapos milyon na dolyares yung nakukuha nila, grabe lang. Sobrang laki at mga bihasa lang gumagawa niyan at wala ng nararamdamang konsensya na babalik yung karma sa kanila.
sr. member
Activity: 868
Merit: 257
Hindi sa pinapaboran ko ang ganitong gawain ng mga hackers pero kahit sobrang liit lamang ng halaga ang kinakailangan nila para makapang hack ng system ay ang pinakamahirap dito ay ang pag by pass o pag access nila sa mga security ng system nila at hindi biro ang pag-aaral nito dahil pag debug palang ng mga system o paghanap pa lang ng butas para pasukan ng mga hackers ang system ay hindi na ganon kadali, alam ko ito dahil isa akong IT hindi ganon kadali ang ginagawa nila.
sr. member
Activity: 966
Merit: 274
Ang isang nagkalat na tinawag na “MasterMana Botnet, na ginamit ng cyber criminals at active parin sa ngayon, ang nagkakahalaga lamang ng $160 para mai setup ng mga kriminal na to,

Quote
In addition to aiding in detection avoidance, using third-party services also enabled the threat actors to conduct the campaign at minimal cost. Leasing Virtual Private Servers (VPS) costs an estimated $60US, and Azorult versions were available for under $100US via Russian-based cyber-crime forums earlier this year.

https://blog.prevailion.com/2019/10/mastermana-botnet.html

So mantakin nyo, sa ganyang halaga lamang halos tiba tiba ang mga cyber criminals nato dahil $$$ ang balik sa mga loko. Samantalang may mga individual at company na gumagastos talaga para sa cyber security pero kung iisipin mo kulang parin dahil ang huhusay ng mga hackers sa ngayon, sa kanila trabaho na to talaga ang walang pinagkaiba sa mga physical criminals.

Marahil ay nakadepende naman sa laki ng entity o system na kanilang binabalak hackin kung magkano ang expenses na kinkailangan. Mayroon ding tyoes ng panghahack na kahit wala silang gastusin ay nakakaaccess sila sa mga accounts ng iba't ibang users. Siguro, ang 'extract' natin sa usaping ito ay ang konsepto ng pangangalaga at pagiging responsable nating lahat hindi lamang ng mga kumpanya sa pag aalaga ng atung mga accounts.

gumastos man sila o hindi, malaking pinsla ang hatid nito sa atin kung isa tayo sa mga mabibiktima ng hacking.
hero member
Activity: 2758
Merit: 675
I don't request loans~
Ang mahirap na part naman kasi para sa mga hackers ay yung pag aaral ay paulit ulit na pagsubok para mapasok nila ang security ng isang website kaya hindi din basta basta yan. Maliit lang ang perang puhunan pero hindi naman biro hehe
Indeed. Hackers sila kasi kaya nila maging resourceful using the little things na akala natin wala lang. A simple 5kb file could be a potential hack sa entire system na ng pc mo and it was easily seny using email lang diba? Free of charge naman mag send and gumawa ng file. Most ng time ng hackers ay spent sa pag bbreach ng mga security fire walls and protocols para di sila madetect after all.

Plus matatalino talaga ang mga hacker. They know the psychological thinking of most people. Through that, kaya na gumawa ng events na maeentice ung mga users na iopen and gamit yun, ihahack na nila yung accounts mo. Utak lang talaga puhunan nila.
hero member
Activity: 2702
Merit: 540
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
~snip

Hindi kasi ang materyal or mga software ang pangunahing puhunan dyan kundi yung oras na nilaan mo para matuto ng ganyan. Maraming tao ang afford ng 160$ pero hindi lahat ay may skills na katulad sa mga ganyang hacker. Hindi lang din basta basta mo matututunan yan kelangan mo din ng mga koneksyon sa black market para bumili ng mga gagamitin mo sa panghahack.
Mumurahin nga kumbaga pero kahit nabili mo ang mga tools na yan, useless parin kasi di mo naman alam gamitin.
Ang paghahacking ay di simpleng bagay at katulad ng sinabi mo which maraming oras ang inilaan para matutunan.
Di basta bastang programming skills at technical ang mga yan.Kung alam mo ang pasikot sikot sa internet at
mga possibleng exploit madali lang talaga ang magkapera yung nga lang sa illegal na bagay.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
~snip

Hindi kasi ang materyal or mga software ang pangunahing puhunan dyan kundi yung oras na nilaan mo para matuto ng ganyan. Maraming tao ang afford ng 160$ pero hindi lahat ay may skills na katulad sa mga ganyang hacker. Hindi lang din basta basta mo matututunan yan kelangan mo din ng mga koneksyon sa black market para bumili ng mga gagamitin mo sa panghahack.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 335
Hindi matutumbasan ng halagang yan ang lahat ng nakukuha ng mga scammers sa mga biktima nila. Maliban sa puhunan, siguradong mahabang panahon din ang ginugol ng mga yan para pagaralan ang panghahack. Siguradong hindi rin madaling manghack dahil maraming hahadlang pero kailangan pa ding masugpo at matapos ang mga ginagawa nila. May inilalaan silang pera para sa maling gawain pero dapat nilang itigil at pagbayaran ang ilegal nilang ginagawa na labis na nakasisira ng buhay ng mga nabibiktima nila.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Hindi lamang ang halaga ng mga kagamitan ang dapat i-take for consideration sapagkat kasama dito ang experience ng nga hackers at ang knowledge nila sa mga pasikut-sikot ng mga platforms. Napakacomprehensive ng detalye na sa halagang $160 lamang ay maaari ka nang kumamal ng milyun-milyon, at siyempre mahalaga rin ang makatakas sa mga law enforcement agencies. Depende pa rin sa kung panong paraan din nila balak gawin ang pag-atake, ngunit kadalasan ay ayun nga, online hacks and thefts ang nagaganap.
sr. member
Activity: 318
Merit: 326
-snip

Parang pagbenta lang ng droga yung tema ng mga to, maliit na puhunan lang pero malaki yung kita nila. pero kahit ganon, Illegal ang lahat ng mga yan, pwede kang makulong ng panghabang buhay na kahit ilang pera pa ang kikitain mo hindi magiging sapat para sa bayad ng iyong mahabang panahon sa kulungan. grabe pala ang mga hackers na ito, pero kahit ganyan yan, marami pa rin silang inosenteng tao na mabibiktima sana nga makagawa na kaagad ng blcokchain technology na pangontra sa kanila. para madali silang mahuli kaagad.

Tama ka dyan kabayan, napakasama ng mga yan halos walang puso kung dumiskarte para lang kumita ng napakalaking pera at makapang lamang ng tao.

Pero hindi naman lahat ng mga hacker? Drug lord or pusher ng droga? Ay masasama ang intensyon? Yung iba nakaya lang naman siguro nagagawa iyon para kumita ng malaki at makatulong sa ibang tao pero, matatanggihan mo yung tulong nayun dahil galing sama, pero feel nila na mabuti yung intensyon nila.

Need narin talagang masulusyunan yung mga ganyang problema sa mundo, para wala ng taong mag hirap at ng ang mga basa ay yumaman na.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
Huwag natin kalimutan na may iba't ibang klase ng hacker sa mundo. May mga scammer na nakakasira talaga sa komunidad at ang pinakatarget ng mga hacker na ito ay pera.
Meron din namang iba na nakakatulong sa marami. Meron din sa kanila ang kinukuha upang pasukin ang isang program at website para malaman ang kahinaan at bugs dito.

Yung sa OP, maaaring 160 lang yung bayad nila pero hindi iyon ang kabuuang nagagastos ng isang hacker. mahirap din ginagawa nila at maraming trial and error sa sisteme nila.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
Ang isang nagkalat na tinawag na “MasterMana Botnet, na ginamit ng cyber criminals at active parin sa ngayon, ang nagkakahalaga lamang ng $160 para mai setup ng mga kriminal na to,
.
8k php?makapambibiktima na sila ng milyong dolyar pag sinuwerteng makatisod ng malaking target?kung ganito lang pala kaliit ang puhunan di na ako magtataka na bakit nagkalat ang mga scammers dito at hackers sa mundo ng cryptocurrency na nakapambibiktima halos araw araw ng malalaking halaga
Satingin ko hindi lang yan ang gastos nila. Syempre marami pa silang ibang expenses maliban dyan at skills ang talagang puhunan nila sa pag-hacking. Also, hindi lang naman nila basta-basta na hahack ang gusto nilang ma-hack kasi pahigpit ng pahigpit ang mga security ngayon. Kung iisipin mo, baka buwan pa ang abutin nila para ma-hack ang bagay na gusto nila. There's also a risk to keep in mind. So yung expenses nila satingin ko is hindi lang ganyan kaliit.
hindi naman sinabi ni OP na yan lang ang gastos nila pero at the least may basis na tayo kung gaano lang kaliit ang puhunan para makakuha ng Milyon,maaring may kasamang oras at skills kasama ng gastos pero sobrang laki naman ng kikitain
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Maliit lang ang halaga kung tutuusin pero hindi biro ang gumawa ng mga ganyang script/botnets usually it takes months or years to build even a single line of code kasi marami na rin ngayon ang voluntarily ngmomonitor ng mga newly discovered viruses kaya madali lang madetect at magawan ng pangontra, kaya kung yung ginawa ng hacker e lumusot tlaga meaning magaling yung mga gumagawa niyan mga programmers den naman sila kaya nga lang sa masama nagagamit para makapanlamang sa mga inosente pagdating sa online activities kaya as a user dapat maging aware tayo wag bsta download lang ng kung ano sabay install diyan lagi umaatake ang mga malwares.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Satingin ko hindi lang yan ang gastos nila. Syempre marami pa silang ibang expenses maliban dyan at skills ang talagang puhunan nila sa pag-hacking. Also, hindi lang naman nila basta-basta na hahack ang gusto nilang ma-hack kasi pahigpit ng pahigpit ang mga security ngayon. Kung iisipin mo, baka buwan pa ang abutin nila para ma-hack ang bagay na gusto nila. There's also a risk to keep in mind. So yung expenses nila satingin ko is hindi lang ganyan kaliit.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
So mantakin nyo, sa ganyang halaga lamang halos tiba tiba ang mga cyber criminals nato dahil $$$ ang balik sa mga loko. Samantalang may mga individual at company na gumagastos talaga para sa cyber security pero kung iisipin mo kulang parin dahil ang huhusay ng mga hackers sa ngayon, sa kanila trabaho na to talaga ang walang pinagkaiba sa mga physical criminals.
Ilang fold din ang kita pag naging successful ang mga executions nila. Kaya hindi sila matigil-tigil sa mga ganyang gawain dahil malaking pera ang nakukuha nila, kung tutuosin nag iinvest din sila yun nga lang gawa ng kasamaan. Hindi rin naman titigil ang law enforcement sa pagsugpo ng mga ganitong kalseng kriminalidad unti-unti silang mahuhulog sa kamay ng batas.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 310
Sinabi lang dyan sa news ang halaga ng pagkakarenta para makapg-infect, hindi sinabi ang oras na ginugol, mga pag-aaral, trial at error at iba pang resources na nagastos ng hacker.  Kung tutuusin mas mahal ang bayad sa mga hacker kesa sa cyber security dahil specialized ang kanilang mga ginagawa.  Hindi ko sinasabi yung hacker na makakopya lang ng website interface feeling matinding hacker na.  I mean yung mga hacker na gumagawa ng mga script at programs to bypass yung mga security ng bawat system.  So it is more than that rental fee.  Plus yung risk na mahuli sila. 

Maliban sa nabangit ng OP at pagkakaroon ng matitindeng skill sets para sa ganitong klasing trabaho, palagay ko lahat  ng mga cyber criminals na ito  ay matitibay talaga yung sikmura at handang suungin kahit "buwis buhay" ang kanilang ginagawa na alam nilang possible silang makulong kung mapatunayang nagkasala!

Sa iba parang challenge na lang ang makapanghack.  Alam mo na, bragging rights sa mga kapwa nila programmer and at the same time ay kumita/makapagnakaw ng malaki.

Usually naman yang mga hackers ay self-taught, at a young age nagsusubok na yang mga yan kaya sa tingin ko wala silang pakialam o hindi nila pinapansin ang mga nagugol na ilang oras at panahon para aralin o karerin yang pang hack.

Meron din namang mgay state sponsored hackers katulad ng Lazarus Group na may link sa North Korea. Sila rin ang yumari sa Bangladesh Bank na kung matatandaan nyo nagkaroon pa ng Senate hearing dito dahil na trace yung isa sa mga banko (o individual) dito sa atin.

@lionheart78 - Tama! Kadalasan itong mga to mga thrill seekers at  gusto i prove skills nila dahil na din sa ego pero sa tingin ko itong mga kawatan ng crypto ay mga sopistikado na at magagaling at hinde mga "script kiddies". Kahit nga mga pentest tools alam nila pano gamitin at ireverse engineer.

@Baofeng - may posibilidad isang state sponsored group din gumagawa nito o di kaya isang malaking sindikato ng mga hackers at hinde lang isang tao involved dito kaya depende din sa laki ng operasyon nila. Pero mas mababahala tayo if kumilos itong mga state sponsored hackers ng malalaking bansa tulad ng U.S., Russia, China, N. Korea, etc. kasi mas may kakayahan  talaga itong matupad anuman naisin nila.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Mahusay nga pero hindi naman nila ginagamit sa tama ang kakayahang mayroon sila. Oo, sa maliit na puhunan, malaki ang kita. Pero unethical parin. Kung gagamitin nila yung knowledge nila sa tama, kaya din nila kumita ng malaki. Kasi nga magaling sila. Maraming opportunity silang makikita, madami ang naghahanap ng kakayahan nila. Kumbaga, magaling pero wala sa tama.
Ganun talaga bro. Dito sa internet pag mahina ang knowledge mo sa security, vulerable ka sa mga hackers. Isipin mo yung mga highly secured na website napapasok ng hackers pano pa kaya yung mga less lang ang alam sa internet security. Its better to invest sa security lalo na if involved ang pera. Buy some hard wallet cause it is proven na almost impossible ito mapasok ng hackers unless na binigay mo sakanila ang hard wallet mo and private key. Unethical man o hindi, yun ang mga ginagawa ng hackers kaya almost impossible mawala ang mga hackers sa internet.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
I hate to say na ganito talaga sa mundo. Kahit na sabihin natin sa outside world meron din mapanlamang na mas madami pa dun. Let's just stop them sa mga masasamang balak nila.

Advice ko: Always do your own research dahil kayo lang din makakatulong sa sarili niyo sa mga ganitong bagay.
Actually hindi sila madaling pigilan, tignan mo nga naglalaan pa sila ng pera para lamang makapanloko. Marami kasi sa kanila yung tinetake advantage yung kahinaan nung iba lalo na nung mga taong hindi sapat yung kaalaman pagdating sa security ng assets at funds nila. Dapat talaga manigurado muna at 'wag masiyadong magtitiwala kasi hindi naman agad natin masasabi yung totoong intensyon ng mga tao sa panahon ngayon, kasi hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha yung benefits na gusto nila.
sr. member
Activity: 658
Merit: 268
bullsvsbears.io
Mahusay nga pero hindi naman nila ginagamit sa tama ang kakayahang mayroon sila. Oo, sa maliit na puhunan, malaki ang kita. Pero unethical parin. Kung gagamitin nila yung knowledge nila sa tama, kaya din nila kumita ng malaki. Kasi nga magaling sila. Maraming opportunity silang makikita, madami ang naghahanap ng kakayahan nila. Kumbaga, magaling pero wala sa tama.
sr. member
Activity: 859
Merit: 250
20BET - Premium Casino & Sportsbook
I hate to say na ganito talaga sa mundo. Kahit na sabihin natin sa outside world meron din mapanlamang na mas madami pa dun. Let's just stop them sa mga masasamang balak nila.

Advice ko: Always do your own research dahil kayo lang din makakatulong sa sarili niyo sa mga ganitong bagay.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Sinabi lang dyan sa news ang halaga ng pagkakarenta para makapg-infect, hindi sinabi ang oras na ginugol, mga pag-aaral, trial at error at iba pang resources na nagastos ng hacker.  Kung tutuusin mas mahal ang bayad sa mga hacker kesa sa cyber security dahil specialized ang kanilang mga ginagawa.  Hindi ko sinasabi yung hacker na makakopya lang ng website interface feeling matinding hacker na.  I mean yung mga hacker na gumagawa ng mga script at programs to bypass yung mga security ng bawat system.  So it is more than that rental fee.  Plus yung risk na mahuli sila.  

Maliban sa nabangit ng OP at pagkakaroon ng matitindeng skill sets para sa ganitong klasing trabaho, palagay ko lahat  ng mga cyber criminals na ito  ay matitibay talaga yung sikmura at handang suungin kahit "buwis buhay" ang kanilang ginagawa na alam nilang possible silang makulong kung mapatunayang nagkasala!

Sa iba parang challenge na lang ang makapanghack.  Alam mo na, bragging rights sa mga kapwa nila programmer and at the same time ay kumita/makapagnakaw ng malaki.

Usually naman yang mga hackers ay self-taught, at a young age nagsusubok na yang mga yan kaya sa tingin ko wala silang pakialam o hindi nila pinapansin ang mga nagugol na ilang oras at panahon para aralin o karerin yang pang hack.

Meron din namang mgay state sponsored hackers katulad ng Lazarus Group na may link sa North Korea. Sila rin ang yumari sa Bangladesh Bank na kung matatandaan nyo nagkaroon pa ng Senate hearing dito dahil na trace yung isa sa mga banko (o individual) dito sa atin.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
Ang isang nagkalat na tinawag na “MasterMana Botnet, na ginamit ng cyber criminals at active parin sa ngayon, ang nagkakahalaga lamang ng $160 para mai setup ng mga kriminal na to,

Quote
In addition to aiding in detection avoidance, using third-party services also enabled the threat actors to conduct the campaign at minimal cost. Leasing Virtual Private Servers (VPS) costs an estimated $60US, and Azorult versions were available for under $100US via Russian-based cyber-crime forums earlier this year.

https://blog.prevailion.com/2019/10/mastermana-botnet.html

So mantakin nyo, sa ganyang halaga lamang halos tiba tiba ang mga cyber criminals nato dahil $$$ ang balik sa mga loko. Samantalang may mga individual at company na gumagastos talaga para sa cyber security pero kung iisipin mo kulang parin dahil ang huhusay ng mga hackers sa ngayon, sa kanila trabaho na to talaga ang walang pinagkaiba sa mga physical criminals.

Maliit na puhunan kung titingnan natin o ibabase natin sa perang ilalabas nila upang mabuo ung system. Ang hindi matutumbasan dito ay yung pag-aaral na ginawa nila para makamit nila yung knowledge and skills na meron sila para gawin ito. Hindi lang dalawa o limang taon ang puhunan dito at malamang sa mga panahong iyon ay mga isinakripisyo rin sila. Mahuhusay na tao rin ang mga kriminal na ito.

Kapangitan ay ginagamit nila ang kanilang kaalaman at dunong sa krimen.

May mga uri ng mga hacker. Itong nabanggit mo ay  "Blackhat" kung tawagin. Sa kabilang banda naman ay may tinatawag na "Whitehat", sa mga hindi nakakaalam maaari lamang na i-search nalang kay pareng Google.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 264
Grabe na talaga mga hackers ngayon at ginagamit na ang VPS para hindi sila madetect na kung saan ang location nila at sigurado na naka VPN din sila bago kumonek sa serbis na yun sa mababanh presyo lamang.

Karamihan talaga sa hacker ngayon ay magagaling ginagamit talaga lahat ng paraan para manloko ng kapwa at manlinlang. Kung kaya na mas maigi na lagi doblehin ang pag iingat at huwah magbubukas ng mga messages sa email o kahit saan galing sa hindi kilala.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
This is interesting, biruin mo napakaliit lang pala ng puhunan ng mga hacker para maisakatuparan nila ang plano nila. May mga naiexperience na rin ako dati na cinontact ako via telegram na nagpapatulong mag pa withdraw sa isang di kilalang exchange, kapalit ng porsyentong punapawithdraw niya. Dahil aware ako sa gsntong modus, sinakyan ko ang scammer/hacker, nag register gamit ang mock e-mail sa kanilang website at explore. After ko mag register nadetect ko na may pumasok sa e-mail na ginamit ko, at mejo tumagal ang puguusap namen ng hacker sa telegram dahil sa pagsakay ko sa mga utos niya.

Dapat maging aware tayo sa mga paraan ng mga hacker kung paano sila makapang biktima. Huwag maniwala sa mga too good to be true na offers at alalahanin niyo walang madaling paraan para kumita sa crypto.

May nakita akong ganito, kung wala ka talagang alam sa mga ganitong pangyayari, tyak na mabibiktima ka talaga. katulad nalang ng na experience ko noong nakaraang taon. kung saan may isang user na binibigay nya yung ETH private key nya sa mga telegram group dahil ipinamimigay nya na daw to. kung titignan mo yung laman ng wallet nya naglalaman ito ng mga Alcoins na may malaking halaga. tapos walang ETH na nakalagay doon. syempre kung magpapasa ka ng Tokens sa mga exchanges need mo ng ETH para sa gas. tapos para kanang tangan nagmamadali na magpasa ng ETH, yun pala mapapasa kaagad io sa ibang address. so ganon nga yung mangyayari everytime na magpapasa ka ng ETH sa address na yon agad din ito mapapasa sa ibang address. dahil meron itong tinatawag ng automatic sending script. kaya scam pa rin sya. sobrang talino nila diba? pero sa kasamaan lang talaga nagagamit.
sr. member
Activity: 672
Merit: 250
CryptoTalk.Org - Get Paid for every Post!
Utak ang puhunan ng mga hackers, minsan mamamangha ka nalang kung paano sila nakalusot kasi ang gagaling nilang humanap ng butas o paraan para pasukin ang isang system. kaya nauso din ang cyber bug bounty sa mga bagong proyekto dito sa crypto kasi malaking kasiraan sa isang proyekto ang mapasok ng hacker dahil mawawalan ng tiwala ang mga taong nag-invest o kaya yung mga users ng platform.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 262
Ang mahirap na part naman kasi para sa mga hackers ay yung pag aaral ay paulit ulit na pagsubok para mapasok nila ang security ng isang website kaya hindi din basta basta yan. Maliit lang ang perang puhunan pero hindi naman biro hehe
Hindi talaga biro ang manghack ng isang website dahil panigurado ay malakas din ang mga secuirty ng mga ito dahil for sure naghire sila ng mag professional para mapangalagaan ang kanilang website upang hindi ito mapasok ng kahit na kanino lalo na ng mga hacker na gustong makuha ang funds ng isang system or anything na information. Kaya dapat mas madiskarte at mas matalino ang mga nangangalaga sa isang website kaysa sa mga hacker.

Maiba lang ako mga bro, ang mga nakikita ko kasing madalas na mahack is yung government websites ibig ba non sabihin na mahina ang security ng government websites? At ano ang mapapala nila once na mahack nila ito, monetary ba?

Yung mga panghahack sa mga government websites ay kadalasan as a sign of protest lang or nagpapakita lang sila na may lumalaban sa gobyerno and yung iba naman dahil lang walang magawa sa buhay hehe
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
hindi biro maging hackers sapagkat sobrang daming karanasan ang kailangan mo para mapasok ang isang code, bagaman mahirap ito hindi rin biro ang pwedeng makuhang pera ng mga ito. kaya para sa aking ang mga hackers ay sobrang tatalino kasi nakakagawa talaga sila ng paraan para madecode ang ibang security.
Kung ganun man, dapat di rin tayu papa decode sa kanila, everytime na tayu ay online dapat wag basta basta mag click ng mga emails na hindi natin ka transaction. Upang iwas sa ganyang mga decoding na ginagawa ng hackers, ang google location ay isa rin sa panghunahing paraan nila upang ma test ang access patungo sa ating device. Dapat lang ay kung hindi kana gagamit ng pc or mobile phone mo, naka off na yung network connection para hindi maka pasok ang kanilang hacking programs.
sr. member
Activity: 812
Merit: 260
hindi biro maging hackers sapagkat sobrang daming karanasan ang kailangan mo para mapasok ang isang code, bagaman mahirap ito hindi rin biro ang pwedeng makuhang pera ng mga ito. kaya para sa aking ang mga hackers ay sobrang tatalino kasi nakakagawa talaga sila ng paraan para madecode ang ibang security.
sr. member
Activity: 859
Merit: 250
20BET - Premium Casino & Sportsbook
This is interesting, biruin mo napakaliit lang pala ng puhunan ng mga hacker para maisakatuparan nila ang plano nila. May mga naiexperience na rin ako dati na cinontact ako via telegram na nagpapatulong mag pa withdraw sa isang di kilalang exchange, kapalit ng porsyentong punapawithdraw niya. Dahil aware ako sa gsntong modus, sinakyan ko ang scammer/hacker, nag register gamit ang mock e-mail sa kanilang website at explore. After ko mag register nadetect ko na may pumasok sa e-mail na ginamit ko, at mejo tumagal ang puguusap namen ng hacker sa telegram dahil sa pagsakay ko sa mga utos niya.

Dapat maging aware tayo sa mga paraan ng mga hacker kung paano sila makapang biktima. Huwag maniwala sa mga too good to be true na offers at alalahanin niyo walang madaling paraan para kumita sa crypto.
Nako, parehas tayo! ingat sa telegram napaka daming scammer/hacker doon, na-try ko mag reklamo sa isang exchange kasi hindi ko ma withdraw yun pera ko, tapos ayun napaka daming nag message sa akin na sila daw yun admin tas sundin ko daw yun mga sasabihin nila. Mabuti nalang talaga at medjo-aware ako dito at naiwasan ko.
Nice to hear that. Grabe talaga at talamak ang mga shady businesses ngayon sa crypto at madalas sa telegram dahil pwedeng pwede nila ma replika yung admin ng channel at mabura yung convo na pwede maging evidence. Thanks for the heads up OP.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1252
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
This is interesting, biruin mo napakaliit lang pala ng puhunan ng mga hacker para maisakatuparan nila ang plano nila. May mga naiexperience na rin ako dati na cinontact ako via telegram na nagpapatulong mag pa withdraw sa isang di kilalang exchange, kapalit ng porsyentong punapawithdraw niya. Dahil aware ako sa gsntong modus, sinakyan ko ang scammer/hacker, nag register gamit ang mock e-mail sa kanilang website at explore. After ko mag register nadetect ko na may pumasok sa e-mail na ginamit ko, at mejo tumagal ang puguusap namen ng hacker sa telegram dahil sa pagsakay ko sa mga utos niya.

Dapat maging aware tayo sa mga paraan ng mga hacker kung paano sila makapang biktima. Huwag maniwala sa mga too good to be true na offers at alalahanin niyo walang madaling paraan para kumita sa crypto.
Nako, parehas tayo! ingat sa telegram napaka daming scammer/hacker doon, na-try ko mag reklamo sa isang exchange kasi hindi ko ma withdraw yun pera ko, tapos ayun napaka daming nag message sa akin na sila daw yun admin tas sundin ko daw yun mga sasabihin nila. Mabuti nalang talaga at medjo-aware ako dito at naiwasan ko.
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
This is interesting, biruin mo napakaliit lang pala ng puhunan ng mga hacker para maisakatuparan nila ang plano nila. May mga naiexperience na rin ako dati na cinontact ako via telegram na nagpapatulong mag pa withdraw sa isang di kilalang exchange, kapalit ng porsyentong punapawithdraw niya. Dahil aware ako sa gsntong modus, sinakyan ko ang scammer/hacker, nag register gamit ang mock e-mail sa kanilang website at explore. After ko mag register nadetect ko na may pumasok sa e-mail na ginamit ko, at mejo tumagal ang puguusap namen ng hacker sa telegram dahil sa pagsakay ko sa mga utos niya.

Dapat maging aware tayo sa mga paraan ng mga hacker kung paano sila makapang biktima. Huwag maniwala sa mga too good to be true na offers at alalahanin niyo walang madaling paraan para kumita sa crypto.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
Ang mahirap na part naman kasi para sa mga hackers ay yung pag aaral ay paulit ulit na pagsubok para mapasok nila ang security ng isang website kaya hindi din basta basta yan. Maliit lang ang perang puhunan pero hindi naman biro hehe
Hindi talaga biro ang manghack ng isang website dahil panigurado ay malakas din ang mga secuirty ng mga ito dahil for sure naghire sila ng mag professional para mapangalagaan ang kanilang website upang hindi ito mapasok ng kahit na kanino lalo na ng mga hacker na gustong makuha ang funds ng isang system or anything na information. Kaya dapat mas madiskarte at mas matalino ang mga nangangalaga sa isang website kaysa sa mga hacker.

Maiba lang ako mga bro, ang mga nakikita ko kasing madalas na mahack is yung government websites ibig ba non sabihin na mahina ang security ng government websites? At ano ang mapapala nila once na mahack nila ito, monetary ba?
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Sinabi lang dyan sa news ang halaga ng pagkakarenta para makapg-infect, hindi sinabi ang oras na ginugol, mga pag-aaral, trial at error at iba pang resources na nagastos ng hacker.  Kung tutuusin mas mahal ang bayad sa mga hacker kesa sa cyber security dahil specialized ang kanilang mga ginagawa.  Hindi ko sinasabi yung hacker na makakopya lang ng website interface feeling matinding hacker na.  I mean yung mga hacker na gumagawa ng mga script at programs to bypass yung mga security ng bawat system.  So it is more than that rental fee.  Plus yung risk na mahuli sila.  

Maliban sa nabangit ng OP at pagkakaroon ng matitindeng skill sets para sa ganitong klasing trabaho, palagay ko lahat  ng mga cyber criminals na ito  ay matitibay talaga yung sikmura at handang suungin kahit "buwis buhay" ang kanilang ginagawa na alam nilang possible silang makulong kung mapatunayang nagkasala!

Sa iba parang challenge na lang ang makapanghack.  Alam mo na, bragging rights sa mga kapwa nila programmer and at the same time ay kumita/makapagnakaw ng malaki.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
-snip

Parang pagbenta lang ng droga yung tema ng mga to, maliit na puhunan lang pero malaki yung kita nila. pero kahit ganon, Illegal ang lahat ng mga yan, pwede kang makulong ng panghabang buhay na kahit ilang pera pa ang kikitain mo hindi magiging sapat para sa bayad ng iyong mahabang panahon sa kulungan. grabe pala ang mga hackers na ito, pero kahit ganyan yan, marami pa rin silang inosenteng tao na mabibiktima sana nga makagawa na kaagad ng blcokchain technology na pangontra sa kanila. para madali silang mahuli kaagad.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 310
Maliban sa nabangit ng OP at pagkakaroon ng matitindeng skill sets para sa ganitong klasing trabaho, palagay ko lahat  ng mga cyber criminals na ito  ay matitibay talaga yung sikmura at handang suungin kahit "buwis buhay" ang kanilang ginagawa na alam nilang possible silang makulong kung mapatunayang nagkasala!

Halimbawa, itong mga hacker nato, kunyari pinasok nila networks ng mga Amerikano at sila ay matuntun,  malaki posibilidad ipa extradite sila papuntang Amerika kung may extradition treaty ito sa bansa ng mga hackers, at doon sila sa batas  ng Amerika iiyak na alam naman nating sobrang mahigpit. Kaya bilib din ako sa tibay ng loob nila - ito siguro pinakamahalagang  puhunan ng mga hackers ngayon.  Smiley

sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Ang mahirap na part naman kasi para sa mga hackers ay yung pag aaral ay paulit ulit na pagsubok para mapasok nila ang security ng isang website kaya hindi din basta basta yan. Maliit lang ang perang puhunan pero hindi naman biro hehe
Hindi talaga biro ang manghack ng isang website dahil panigurado ay malakas din ang mga secuirty ng mga ito dahil for sure naghire sila ng mag professional para mapangalagaan ang kanilang website upang hindi ito mapasok ng kahit na kanino lalo na ng mga hacker na gustong makuha ang funds ng isang system or anything na information. Kaya dapat mas madiskarte at mas matalino ang mga nangangalaga sa isang website kaysa sa mga hacker.
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
Ang isang nagkalat na tinawag na “MasterMana Botnet, na ginamit ng cyber criminals at active parin sa ngayon, ang nagkakahalaga lamang ng $160 para mai setup ng mga kriminal na to,

Quote
In addition to aiding in detection avoidance, using third-party services also enabled the threat actors to conduct the campaign at minimal cost. Leasing Virtual Private Servers (VPS) costs an estimated $60US, and Azorult versions were available for under $100US via Russian-based cyber-crime forums earlier this year.

https://blog.prevailion.com/2019/10/mastermana-botnet.html

So mantakin nyo, sa ganyang halaga lamang halos tiba tiba ang mga cyber criminals nato dahil $$$ ang balik sa mga loko. Samantalang may mga individual at company na gumagastos talaga para sa cyber security pero kung iisipin mo kulang parin dahil ang huhusay ng mga hackers sa ngayon, sa kanila trabaho na to talaga ang walang pinagkaiba sa mga physical criminals.

Criminals in the real world is mas risky compared sa mga cyber criminals, kasi they can choose to stay anonymous everytime whenever they attack at ang kanila stelo ng pag atake ay unpredictable. Eto yung mga matatalinong criminals, compared sa mga bobo at desperadong mga kriminal in the real world.

Anyway, itong mastermana botnet ay talagang nakaka impress kung panu ginawa. Ito pala ay makukuha mula sa email na nag lalaman ng phishing website na may download link. Once ma download mo ito, maraming pwedeng mangyari sayu at isa na dun ang pinaka target nilang ma limas ang laman ng iyong wallet. Ang nakaka bilib dito eh pwede nilang ma download ang mga files mo at nakakapag screenshot sila mula sa computer mo (parang naka team viewer lang diba?)

Kaya ingat ingat lang tayu sa mga dinadownload natin mga bro!
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Ang liit lamang ng puhunan kumpare sa mga na hack nila na nakukuha nilang hundted thousands upto millions of dollars pero maraming proseso talaga nag kakailanganin para mapasok ang isang site.  Pero ang gantong kalakaran ay dapat wakasan dahil napakasama talagang manghack ng isang site at kunin ang mga pera nito. Dapat ang mga talino ng mga hacker ay gamitin sa mabuting paraan hindi yung sa paggawa ng masama.

Jump to: