Pinagplaplanuhan na magtayo ng hub para sa Fintech at cryptocurrency sa Cagayan ng CEZA.
Kung matutuloy Ito, ano sa tingin nyo Ang magiging epekto nito? Mas marami na kayang papasok sa mundo ng crypto?
Source: http://www.manilatimes.net/only-in-the-philippines-crypto-valley-in-cagayan-valley/426847/
Ayos sa iyong source, ang head ng CEZA mismo ay hindi gaanong alam ang cryptocurrency at blockchain at mga gamit nito. Magandang balita sya pero sa tingin ko ay na Hype lang ang CEZA, mahirap kasing magtayo ng Crypto Vallet tapos hindi mo alam ang patutunguhan, baka misinformation lang ang maibigay kung hindi aaraling mabuti. Malaking adoption ito pero mayroon ding downside kung saka-sakali.
Sabihin na natin na walang alam ang head ng CEZA sa crypto currency pero hindi naman siguro bigla-biglaan lang ang mga desisyon niya dahil may mga sarili naman siyang advisers na maaring tumulong sa kanyang mga desisyon. At kung pagbabasehan natin ang source, malaking bahagi ng opnion niya ang sinabi ni Paul Krugman. Sabihin na nating magaling na tao itong si Krugman subalit siya din ang nagsabi na wala siyang tiwala sa internet nung bago palang ito.