Ang ganda sana ng hangarin pero di ko lang magets bakit sa dami dami ng magagandang crypto, bitcoin cash pa naging option nito.
Syempre lapit na ang Bitcoin Halving ayaw maiwan ng BCH magpapansin lol.
Parang sponsor din ata nila kaya bilang main sponsor, sila ang main preference nitong Paytaca.
Yun nga din yung iniisip ko kung bakit bch ilang araw ko ng iniisip yan, pero kung anuman yung reason out nila para sa akin hindi maganda ang kanilang diskarte na ginawa. Sigurado ako na dry run lang yang ginawa nilang yan, at sa nakita ko naman ay napag-isip-isip narin nila na hindi epektibo ang ginawa nila dahil nakita naman nila yan nung araw mismo na inaplay nila yan.
Posibleng dry run lang yang ginagawa nila at may mga plano naman sila kung sakaling pumalpak at may mga stages naman yan na inaapply sila habang nags-start sila. Normal lang yan na makita nating magkaroon ng mga pagbabago kapag hindi umayon sa kanila ang panahon makalipas ang ilang buwan ng marketing nila.
Pero subukan nilang ibang cryptocurrency ang gamitin nila tulad ng binance, Eth, at iba pa na nasa top na crypto sa merkado, I am pretty sure mas pwede pa silang dumugin ng tao dahil sa curiosity dahil kahit papaano ay mas kilala yang mga nabanggit.
Baka tinutukoy mo BNB, kasi ang Binance exchange siya. Pero tama ka, kung may iba silang altcoins na puwede gamitin, okay din dahil mas pabor sa maraming pinoy itong mga altcoins at mukhang taliwas sila sa Bitcoin kasi nga BCH ang supported nila which is dapat BTC ang first choice nila.