I think mas ok if you modify yung presentation nyo into 3 topics.
Basic knowledge about cryptocurrency
Cryptocurrency as an investment (economic impact)
yung products ninyo in relation dun sa naunang dalawang topic.
Kung gusto nyo naman sila mag-invest, then iemphasize dapat ang pros kung ano ang mahihita nila kung magpaluwal sila ng pera para sa project. Be ready din sa mga legal documents na hawak ng company to conduct ng isang investment activities sa mga tao. Baka may makaharap kayo na mga mausisa katulad ng karamihan sa myembro ng forum na ito. Disclaimer is not an excuse kapag nagkaroon ng problema ang project especially kung tumatanggap kayo ng bayad for that activity. Remember, Floyd Mayweather ay nagmulta ng x2 ng amount na binayad sa kanya ng Centra after mapatunayang isa siya sa nagendorse ng product through social media at nanghikayat ng mga tao na mag-invest dito.
Kaya ganun ang naging intro ng event ay sa kadahilanang kailangan naming mapukaw ang kanilang interes, sa mga previous events kasi namin, talagang nahihirapan silang i digest iyong idea ng cryptocurrency, sarado ang utak kumbaga. Actually conservative na yung approach namin at never kaming nag suggest na mag invest sila o magpapasok ng pera. Actually kami iyong namigay ng airdrop at ibinahagi iyong kaunting sahod namin para sa pagkain nila para naman hindi masayang iyong oras nila, at para naman sa airdrop ay para ma execute nila iyong kanilang narinig o kaya'y natutunan. Action is where the Dreams meet the Reality.