Sabi ko try ko lang at baka mas lumawak ang aking matututunan since maraming bago rito at baka makatulong din ako para sa iba.
So sinimulan ko nga kanina lang. (pero dati na yung account ko talaga)
Since wala lang ako masyado ginagawa pa sa ngayon ay napagtuonan ko ng pansin.
Malakas ang traffic, totoo yan dahil nga sa pay per post nila pero may masamang dulot din ito dahil halos ayaw na magload ng website.
Base sa aking pag-iikot ikot at pagsisimula din ng aking unang thread sa forum na iyon ay napagtanto ko na napakarumi pa talaga ng forum.
Napakarami ng copy pasting issue unlike dito.
Matatakot ka talaga na baka susunod ay ikaw na ang kopyahan at ikaw pa ang ma-ban dahil sa plagiarism.
Hindi kinakaya ng moderator na linisin lahat.
Kaya talaga naman na dapat palakpakan natin ang mga moderator natin dito sa kanilang tyaga na pag lilinis ng ating forum.
Palakpakan din natin ang mga sarili natin dahil isa tayo sa mga unique na magposts dito sa forum.
Wala na sa atin yung "gaya gaya" tradition.
Masarap tumulong na maglinis pero sadyang napakarami pang dapat gawin.
Maganda naman para sa crypto na may nagpapalaganap nito ngunit kung ganto ay gaganahan ka pa ba na magbasa?
Feeling ko sa sarili ko wala ako masyadong sense mag posts (I'm trying my best naman) pero may mas malala pa pala.
Parang robot na ang mga kasama mo dito sa forum na ito.
Sana lang maiayos nila sa lalong madaling panahon, para naman sa mga newbie na papasok sa forum na ito.