Author

Topic: Deepfakes scam thread (Read 88 times)

legendary
Activity: 2954
Merit: 1153
Today at 03:33:19 PM
#8
Mas matindi pa nga dahil sa mga AI tools, maari ng magamit ang mga kilalang personalidad para ipalabas sa isang video na mismong ang tao na iyon ang nagsasalita at nagpopromote ng scam.  Marami rin akong nakitang mga advertisement na kahit na mismong ang katauhan ni Manny Pacquiao ay ginagamit na tagaadvertise ng kanilang producto gamit ang AI.  Kung hindi matalas ang ating pagobserba hindi natin makikita na AI generated iyong video dahil halos walang kaibahan ito sa totoong nagsasalita.  Ang boses at buka ng bibig ay halos pareho kung hindi pagmamadan maigi.

Nakakatakot ito sa mga masang hindi nakakaalam o educated sa mga ganitong kalakaran online kasi mapapaniwala sila sa mga fake news na gawa gawa ng DeepFake AI na ito bagaman may mga TV network tayo na nag eeducate sa mga tao ng mga tungkol sa mga DeepFake na ito, ganun pa man hindi lahat ay magaling s apag tingin kung ano ang Deepfake na gawa ng AI kaya malaking challenge sa ating mga nakakaalam na magturo sa kanila.
Ang siste nito yung tayong may alam ang dapat mag educate sa mga kakilala natin na unaware pa sa mga ganitong klase ng AI.

Kaya nga, kapag hindi napansin na AI generated iyong video gamit ang kilalang personalidad, marami talaga ang maloloko. 
hero member
Activity: 2926
Merit: 567
Today at 01:52:09 PM
#7
Nakakatakot ito sa mga masang hindi nakakaalam o educated sa mga ganitong kalakaran online kasi mapapaniwala sila sa mga fake news na gawa gawa ng DeepFake AI na ito bagaman may mga TV network tayo na nag eeducate sa mga tao ng mga tungkol sa mga DeepFake na ito, ganun pa man hindi lahat ay magaling s apag tingin kung ano ang Deepfake na gawa ng AI kaya malaking challenge sa ating mga nakakaalam na magturo sa kanila.
Ang siste nito yung tayong may alam ang dapat mag educate sa mga kakilala natin na unaware pa sa mga ganitong klase ng AI.
hero member
Activity: 2982
Merit: 610
Today at 10:22:37 AM
#6
Matagal na rin pala to, meron ng advisory ang youtube regarding dito pero may nakakalusot pa rin.

YouTube tightens rules on AI, deepfakes, political ads amid global elections

YouTube tightens guidelines for AI-generated content and deepfakes

Dapat pagtuunan ng pansin ito, lalo na sa tiktok and facebook na kadalasan ginagamit rin ng mga scammers.

Meron na din palang bagong pasok na news...

Tulfo urges CICC to prepare for a rise in deepfakes

Quote
Senator Raffy Tulfo urged the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) to address the rise in deepfakes, especially as the mid-term elections draw closer.

He expressed his concerns at the hearing of the Senate Finance Subcommittee of the Department of Information and Communications Technology’s proposed 2025 budget.
legendary
Activity: 3374
Merit: 3095
BTC price road to $80k
October 06, 2024, 07:58:48 PM
#5
Muntik nako ma iscam sa mga ganyan boss ingat tayo sa mga deepfake na kala mo parang real na tao pero hindi AI lang pala.
Sa tiktok at instagram marami akong nakikitang ganyan hanggang sa mag karon ng mga ads at may mga pinopromote nang product.

Mga guide na kasing libre kung paano gumawa ng deepfake nakakalat na sa forum ng bhw at mostly ang gumagawa ng mga scam gamit ang deepfake e yung mga indiano talaga wala na talagang pag asa ata ang country na ito.

Ingat talaga balak ko nga rin subukan tong deepfake sa marketing pero real product naman ang bebenta ko para sa commission naman sa shopee or lazada.
legendary
Activity: 2338
Merit: 1354
October 06, 2024, 06:53:56 PM
#4
Pinaka  prone ito ay yung mga sikat or famous na personalidad tapos gagayahin lang at mag po promote ng mga scam projects kahit saan na social media platform. Talamak na ito lalo na sa mga social media ngayon, tapos e po promote pa nila kaya lilitaw yan random pag nag sscroll ka sa news feed mo.

Pag mga ganitong case dapat kada indibidbwal lalo na mga kababayan natin magkakaroon ng proper education pra maka spot ng mga basic na scam or suspecious, para maiwasan ma biktima.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
Top Crypto Casino
October 06, 2024, 01:54:05 PM
#3
Possible, knowing those live interviews/videos kuno sa youtube gamit mga hacked accounts/channels ng famous channels, tapus kadalasan si elon ang nasa video talking about sa investment na nag i-encourage saga magiging victims nito. That's why dapat pairslin natin mgs intuitions mstin when it comes to scams, basta too good to be true, malamang scam yan.
hero member
Activity: 2954
Merit: 672
Message @Hhampuz if you are looking for a CM!
October 06, 2024, 07:33:55 AM
#2
Ayon sa nabasa ko, malaking porsyento ng scams hanggang 2026 ay dahil sa deepfakes.

Quote
A Bitget research report highlights that deepfakes may account for 70% of crypto-related crimes by 2026, with losses already exceeding $79.1 billion since 2022.

Grabe naman ang prediction na ito, kabayan. Kung ganyan ang mangyayari, parang wala talagang nagagawa ang gobyerno para magbigay ng awareness sa mga tao tungkol sa deepfake na ito. Marami na akong nakita--yung kay Tulfo, o kahit si Doc Willie Ong, maraming video na nagpo-promote ng produkto. Dati parang katuwaan lang ito, gaya ng sa NBA postgame interview na binabago ang sinasabi ng player. Ngayon, naging tool na rin para sa scam, at napaka-effective pa kasi ang laki ng pera na scam na.
hero member
Activity: 2856
Merit: 674
October 06, 2024, 04:05:50 AM
#1
Ayon sa nabasa ko, malaking porsyento ng scams hanggang 2026 ay dahil sa deepfakes.

https://en.wikipedia.org/wiki/Deepfake
Quote
Deepfakes (a portmanteau of 'deep learning' and 'fake'[1]) are images, videos, or audio which are edited or generated using artificial intelligence tools, and which may depict real or non-existent people. They are a type of synthetic media.[2]


Para sa completong information, mababasa natin sa article na naka attach.
What Are Deepfakes and How They Threaten the Cryptocurrency Ecosystem



List of Deepfakes scam reported....(will be updated)...
Jump to: