Author

Topic: Default trust TUTZ paano imodify (Read 143 times)

member
Activity: 68
Merit: 32
January 23, 2018, 06:04:41 AM
#1
Ito ay hango sa  thread na ito.. https://bitcointalksearch.org/topic/how-to-get-into-the-default-trust-list-884881

Hindi naman sa pumapayag ako sa spam sa forum na ito ngunit may mga default trust na tao na nag-aabuse sa kanilang mga nakuhang prebilehiyo at nais kong malaman ninyo na ang Default Trust ay hindi standard o di dapat sundin sa forum na ito.  May mga sariling rules at regulation ang forum na ito na siyang dapat sundin, nagkataon lamang na sila ay napiling pagkatiwalaan ng trust network na nagmula kay theymos at masasabing mismong si theymos ay hindi nagtitiwala sa karamihan sa kanila dahil kung nagtitiwala si theymos sa lahat ng nandiyan ay binigyan na nya ng admin privilege lahat ng kasama dyan (ito ay haka haka ko lamang).

Para mamodify mo ang iyong trust list.. kailangan mong pumunta sa link na ito.

https://bitcointalk.org/index.php?action=trust

pagpunta mo sa link na ito ay makikita mo ang isang box na kulay puti na may nakalagay na Default trust at mga account na  nakalista sa network of trust na nagmula kay theymos.

Pwede mong tanggaling ang taong hindi mo pinagkakatiwalaan sa listahang iyon sa pamamagitan ng paglagay ng ~ sa harapan nito.

Halimbawa, kasama ako sa trust list na iyan at hindi mo ako pinagkakatiwalaan.. pwede mo idagdag ang ganito:

Code:
~Kualabit
at pinduting ang update.

Lahat ng binigyan ko ng red at green trust ay hindi magrereflect sa iyong trust system.  Ganun din kung nilagay nyo ang pangalan ng taong guston nyong tanggalin mula sa trustlist.



Jump to: