Author

Topic: DefiChane Scam in Discord (Read 193 times)

copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
May 08, 2021, 03:47:13 PM
#18
Yun ng nga, pag lagay ko ng codes at pag pindut ng withdraw button ay bubungad na sa iyo na kailangan mag deposit. Alam na this! Dun ko na nga napagtanto na scam lang...
Eh sino nga naman ang magbibigay ng free/easy money lalo na online nang dahil lang sa nag register sa website diba? mas lalo na pag random. Parang naka receive ka lang ng sms message na "nanalo ka, pa send ng amount na ganito sa account na to para ma kuha ang reward mo" lol.

Ang di ko gets is bakit meron na merong paring iilan na na'i-scam kahit na napaka obvious kahit nga bata di mo uuto sa ganyang trick/logic eh, sasabihan ka lang na "weh, di nga?" especially na mag bibigay ka muna bago ka bigyan.
hero member
Activity: 2352
Merit: 588
Bitcoin Casino Est. 2013
May 08, 2021, 01:51:27 AM
#17
Nangyari na rin yan sa akin dati noong baguhan palang ako sa Discord, sinubukan ko ring mag sign up sa isang website, habang ginagawa ko yun ay nagtataka na ako kung bakit ako nanalo eh wala naman ako sinalihan at hindi naman sa akin pamilyar ang website. Yun ng nga, pag lagay ko ng codes at pag pindut ng withdraw button ay bubungad na sa iyo na kailangan mag deposit. Alam na this! Dun ko na nga napagtanto na scam lang...

Hanggang ngayon ay may nakatatanggap pa rin ako ng paisa-isang DM galing sa mga unknown sender... Deadma at i-block na lang...

Pwede rin naman i-modify sa User Settings > Privacy & Safety > Server Privacy Defaults > I-disable ang "Allow direct messages from server members"
sr. member
Activity: 2002
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
May 07, 2021, 07:59:34 PM
#16
Dagdag na natin sa listahan to:

Code:
https://bitgoodey.com/

Sobrang dame talaga mga scam site kaya dapat tayong mag ingat at wag basta basta maniniwala, lalo na if its too good to be true. Maganda na ren na magkaroon ng list na gaya nito, magandang warning ito para sa mga Pinoy at sana wag maging greedy at panatilihin ang pagsesearch bago maginvest.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1655
May 04, 2021, 06:41:47 PM
#15
Dagdag na natin sa listahan to:

Code:
https://bitgoodey.com/
legendary
Activity: 2562
Merit: 1655
April 06, 2021, 06:49:58 PM
#14
So meron na naman bago:

Code:
https://binoroix.com/

Quote
Dates    12 days old
Created on 2021-03-25
Expires on 2022-03-25
Updated on 0000-12-31
legendary
Activity: 2562
Merit: 1655
March 20, 2021, 10:05:02 AM
#13
Heto meron bago, hindi lang isa ang pinasabog nila ngayon.

Code:
https://reobit.com/
https://weetbit.com/
https://bittrillex.com/
https://cryptodep.com/
https://defitradecoin.com/
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 05, 2021, 01:14:47 AM
#12
Sa unang Message halos mapapalundag ka sa tuwa dahil Nanalo ka no Kabayan? tapos biglang may deposit requirement Boom obviously scam  Grin

Parang walang pinagkaiba sa mga magtetext sayo na nanalo ka (kahit ang totoo di ka naman sumasali sa event nila) tapos once na contakin mo dun mo malalaman na kailangan Loadan mo muna sya ng certain amount para ma activate ang prize mo  Grin
legendary
Activity: 2562
Merit: 1655
March 04, 2021, 06:17:14 PM
#11
Just to update, meron na naman bagong sumulpot:

Code:
https://bitzchanger.com/
legendary
Activity: 1428
Merit: 1165
🤩Finally Married🤩
February 15, 2021, 02:08:14 PM
#10
Talagang mapapaisip kana lang talaga lalo na kung wala kang kapera pera and madalas dun ka mahihikayat na pumindot dahil malay mo nga naman ay totoo itong mga ganito.
Actually umasa din talaga ako dyan eh kasi may pa tawag tawag pang nalalaman yung nagsend ng message, pa legit kuno.
Syempre .55 Btc yan, pano nga naman kung totoong nanalo ka di ba? Eh ang kaso may nag pop up na deposit muna... ehem alam na. Kaya medyo nasaktan din talaga ako 😅
...
Kahit ano papatulan ko talaga kung airdrop .55 BTC, pero madalas na legit airdrop puro UNISWAP ngayon saka puro snapshot or staking.
San yan papi? share mo naman sa Group natin yan baka makasungkit ulit ng Freebie like SFP.
Baka dyan mag katotoo yung .55 BTC ko eh balatuhan kita agad kahit .05 BTC  Grin
Lalo na ngayon hapit na hapit ako, kaya need yung mga ganyan, oks lang din yung mga Holding Event katulad nung sa SFP,
G ako dyan as long as na alam at halatang magbibigay ng profit Tongue
legendary
Activity: 2562
Merit: 1655
February 14, 2021, 04:46:04 PM
#9
Meron pang isa, mga clone site mga to, parang: [SCAM] Avrobit exchange (and all yellow clones) Alert

Code:
https://opexchange24.com/

Kaya ask ko narin permission ni @cabalism13 na dito ko narin i-post makikitang kong mga similar na websites o kung sino man satin, at least may placeholder tayo dito sa lokal natin.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 419
February 14, 2021, 02:07:39 PM
#8
Talagang mapapaisip kana lang talaga lalo na kung wala kang kapera pera and madalas dun ka mahihikayat na pumindot dahil malay mo nga naman ay totoo itong mga ganito.
Actually umasa din talaga ako dyan eh kasi may pa tawag tawag pang nalalaman yung nagsend ng message, pa legit kuno.
Syempre .55 Btc yan, pano nga naman kung totoong nanalo ka di ba? Eh ang kaso may nag pop up na deposit muna... ehem alam na. Kaya medyo nasaktan din talaga ako 😅

Automatic na talga kapag nanghihingi ng deposit o kaya naman kapag bigla kang pinalogin sa wallet mo tapos nanghihingi pa ng private key dun mo palang marerealize na obvious na scam na siya.

Kahit ano papatulan ko talaga kung airdrop .55 BTC, pero madalas na legit airdrop puro UNISWAP ngayon saka puro snapshot or staking.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1165
🤩Finally Married🤩
February 13, 2021, 07:02:31 PM
#7
Talagang mapapaisip kana lang talaga lalo na kung wala kang kapera pera and madalas dun ka mahihikayat na pumindot dahil malay mo nga naman ay totoo itong mga ganito.
Actually umasa din talaga ako dyan eh kasi may pa tawag tawag pang nalalaman yung nagsend ng message, pa legit kuno.
Syempre .55 Btc yan, pano nga naman kung totoong nanalo ka di ba? Eh ang kaso may nag pop up na deposit muna... ehem alam na. Kaya medyo nasaktan din talaga ako 😅

Typical Discord scam to kabayan, Na spotan ko rin to nitong nakaraang linggo at yung mga clone nya
...
Marami pang lalabas na ganitong fake site at iibahin lang ang name nila, so ingat ingat.
Talaga nga naman, pareho pa din talaga ng Logo.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1655
February 13, 2021, 07:00:16 PM
#6
Typical Discord scam to kabayan, Na spotan ko rin to nitong nakaraang linggo at yung mga clone nya

Website:
Code:
https://binexor.com/



Quote
Registrant    WhoisGuard Protected
Registrant Org    WhoisGuard, Inc.
Registrant Country    pa
Registrar    NAMECHEAP INC NameCheap, Inc.
IANA ID: 1068
URL: http://www.namecheap.com
Whois Server: whois.namecheap.com

(p)
Registrar Status    clientTransferProhibited
Dates    95 days old
Created on 2020-11-10
Expires on 2021-11-10
Updated on 0000-12-31    
 
Name Servers    ALDO.NS.CLOUDFLARE.COM (has 17,714,700 domains)
RUTH.NS.CLOUDFLARE.COM (has 17,714,700 domains)
   
 
Tech Contact    WhoisGuard Protected
WhoisGuard, Inc.
P.O. Box 0823-03411,
Panama, Panama, pa

(p) (f)
IP Address    104.21.20.13 - 399 other sites hosted on this server

Marami pang lalabas na ganitong fake site at iibahin lang ang name nila, so ingat ingat.
sr. member
Activity: 1526
Merit: 420
February 13, 2021, 01:28:54 PM
#5
Pop-up palang nakakatakot na lol. As usual umaasang makaka pang biktima nanaman ang mga kawatan, lalo na at hot nanaman ngayon ang crypto sa mata ng mga masasamang tao hatid ng bull season. Ngayon discord naman ang pinuputakti ng mga yan, para-paraan nalang talaga para makapanloko.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 419
February 13, 2021, 01:19:12 PM
#4
Talagang mapapaisip kana lang talaga lalo na kung wala kang kapera pera and madalas dun ka mahihikayat na pumindot dahil malay mo nga naman ay totoo itong mga ganito.

Medjo obvious lang tlaga kung siya ang nagpm sayo madalas itong nang yayari saken lalo na kung kasali ka sa mga crypto groups sa discord, madalas sa mga groups sila humahanap ng mabibiktima at ippm ka ng mga links or phising links na minsan parang convincing dahil parang legit na website at gayang gaya pero hindi gumagana ang mga buttons.

Minsan may nagpm saken dati at nakuha ang metamask ko buti wala ng laman ung wallet ko na yun.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
February 13, 2021, 12:26:07 PM
#3
Buti nalang kabayan matagal kana sa larangan ng crypto industry at alam na alam mo na ang mga galawan ng mga manloloko at mga mapagsamantala, akalain mo ang laking halaga nito .55 btc kung ang mga baguhan ang nakatangap ng mensahing ito panigurado may mabibiktima sila.

Parang yung pinaldahan daw ng package galing ibang bansa tapos bago nila makuha ito ay kailangan pa nilang magbayad para ma claim ang nasabing package haha.
full member
Activity: 1365
Merit: 107
Sugars.zone | DatingFi - Earn for Posting
February 13, 2021, 10:26:34 AM
#2
Madami talagang ganyan sa discord kapag nagdeposit ka ay goodbye na sa btc mo. Siguro yung iba ay maaakit nyan kasi napakalaking bitcoin nyan kaya agad agad silang nag sesend ng bitcoin. Yung akin naman ay nagpapatulong iwidraw yung bitcoin nya sa isang exchage  dahil banned daw bitcoin sa bansa nila ibinigay sakin ang password at username pag  nawidraw ko daw ay esend ko daw sa kanya yung kalahati at akin na yung kalahati pero nung pinindot ko na yung withdraw nagpapadeposit din yung exchange bago mawithdraw kaya binalikan ko yung nagmessage sakin sabi sakin abunuhan ko na daw muna kaya ayun diko na sinagot dahil alam kong scam yun.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1165
🤩Finally Married🤩
February 13, 2021, 09:10:39 AM
#1
Magandang Araw sa Lahat!
Nais ko lang ibahagi ang nareceive kong mensahe galing sa isang random profile sa Discord about sa DefiChane na ito:

Quote
:confetti_ball:Congratulations!:confetti_ball:

:bell:You have become one of the winners of the February Lottery of prize from our Crypto Exchange


:rocket: Our Crypto Exchange launched regular Lottery with a lot of guaranteed  prizes from 0.02 to 1  btc for a total amount of  300,000  :dollar:


:white_check_mark: Activate the code soon and get a valuable prize !

:ballot_box_with_check:Promotional Code:  COUPON2021CNC

:interrobang: How to collect your winnings:

:small_blue_diamond:Sign into your account (or Sign Up one if you don't already have one) on our exchange:           https://defichane.com/
:small_blue_diamond:Go to the "Settings" page
:small_blue_diamond:Activate promo code in the line PROMOCODE
:small_blue_diamond:The Prize will be credited to your balance
:small_blue_diamond:You can withdraw your winnings to any wallet

:heavy_exclamation_mark:  The promo code is valid for 3 days from the date of receipt of this message


:mailbox_with_mail:  If you have any questions, please contact us at the online support service. Or via email: [email protected]



instant 0.55 BTC sa aking wallet Tongue kala ko swerte na LOL.
Jump to: