Permission to post this Mr. Big since I think it really needs to discuss so that it would help us and newbies to prevent posting plagiarized material. TIA
Layunin sa paggawa ng thread:
- Upang maipaliwanag ang plagiarism at magsilbing gabay para maiwasan ito.
- Upang matukoy ang mga tipo ng plagiarism at masuri ang mga post na maaaring plagiarised
- Upang malaman ang kahalagahan ng paglalagay ng link bilang reference at pagbanggit ng pangalan ng may-ari sakaling kinuha ang ideya sa iba
Mainit ngayon ang diskusyon sa Meta tungkol sa plagiarism kung kaya't mainam na siguro na wag na muna tayo makisali at maigi na rin na mabuksan ang isyu na ito sa ating local board upang maiwasan natin (lalo na yung bago pa lamang) na masangkot ang ating account sa ganitong uri ng paglabag.
Ano nga ba ang plagiarism?Ito yung panggagaya ng ginawa ng iba, pangongopya ng mga materyal, salita o teksto na pag-aari ng iba ng walang anumang pagbibigay ng credential/acknowledgement at pag-aangkin ng pag-aari ng ibang tao (imbensyon, natuklasan at pahayag sa salita o sulat).
Kumbaga sa kasabihan natin, "iba ang nagsaing, ikaw yung kumain".
Mabigat ba na kaso ang plagiarism?Kung pagbabatayan natin ang batas sa Pilipinas, ito ang kaukulang paliwanag sa kaso:
In general, I'm all for being lenient. There are users who have been temp banned many times but still haven't been permabanned because their contributions outweigh their misbehavior. I actively disbelieve in the idea of a "rule of law" where hard rules exist and are strictly applied across the board as if we're all robots. Every case should be considered individually in the context of the forum's mission.
Plagiarism is what gets people permabanned, not just copying. Plagiarism is copying with the intent of passing the work off as your own. In essentially all cases, plagiarism deserves a permaban because it usually proves definitively that the person is here for the wrong reasons: to fill up space in order to get paid, not to actually discuss or contribute. If someone was able to convince us that they were plagiarizing just to eg. impress people rather than to fill up space, then a lesser ban of a few months might instead be warranted. But this has never happened AFAICR. (Arguments based on plausible deniability aren't going to work; we don't need to prove that you had the motive we see in your actions.)
If you treat posting as a job, a chore, then you must live in fear, since the forum is not made for you. In this case, you need to blend in as someone who actually cares, but plagiarism will immediately out you, and producing a mountain of useless posts will also eventually be noticed, if more slowly. If you do actually care, then this will be obvious in your posts (and probably your merit score), and you will have nothing to fear from moderators; even allegations of plagiarism will be doubted when seen in the context of your other posts.
Yan ang pahayag ni theymos tungkol sa plagiarism.
Nabanggit din ni
hilariousandco na:
Ang intensyonal na plagiarism can be broken down into different types/kinds ng mga plagiarism na laganap dito sa forum.
- Direct Plagiarism - Ito yung mga members na madalas na kumkopya nalang sa ibang mga miyembro o sa ibang mga sources online hoping na walang makakahalata sa ginawa nila.
- Fake Paraphrasing - Ito naman yung mga members na gustong utakan yung ibang mga miyembro sa pagkaka-akala nila na pag magpapalit sila ng kaparehas na salita ay hindi sila mahuhuli. Madalas silang gumamit ng mga paraphrasing tool online para magawa yung plagiarism nila pero mahahalata mo din ito pag nakita mo na yung kinopyahan nila.
- Text Spinning - Similar sa fake paraphrasing ang text spinning naman ay ang pag-kuha ng mga salita at ang pag-bago ng mga posisyon nito para hindi sila mahuli sa kanilang kinopya na post o article.
Now lahat ng ito na sinabi ko ay still counted as plagiarism kasi wala ka namang ibang ginawa kung hindi kumopya ng ginawa ng iba at wala ka naman dinagdag na bago maliban nalang sa mga rewording at pag-babaligtad ng mga sentences which is not considered as adding anything new dahil basically mga salita pa din ito ng ibang tao. Sinulat ko lang din ito para maging aware kayo na hindi lang isang uri ng plagiarism na ginagawa dito sa forum na ito kahit ang mga fake paraphasing at text spinning ay counted pa din as plagiarism ng mga admin kaya wag kayong mag-banta na gawin ito.
Hindi intensyonal - Ito naman ang panggagaya na hindi sinasadya, halimbawa nagcopy paste ka sa ibang website pero hindi ka naglagay ng reference at nagsasalin ka ng detalye sa iyong wika ng walang kaukulang pahintulot o credential sa may-ari.
Paano ba ito maiiwasan?1. Wag ka manggaya o magsummarize ng post ng iba.
2. Siguraduhin na mayroong reference/acknowledgement sa mismong site o tao kapag kukuha ng idea. It means hindi galing sayo but it serves as your reference to point out what you want to emphasizs.
3. Kung ang kokopyahin ay mismong sinabi ng OP, maglagay ng quotation.
4. Wag na masyado magcomment sa mga thread na marami ng nagpost, like 50 pages and above na. Dahil malamang redundant na ang idea at in case na may tugma sa idea mo. Probably, it can be a subject to plagiarism.
Signs na plagiarised ang isang post:1. Kapag ang level ng poster ay talaga naman iba sa kanyang pinost. Ex. Nakikita mo na shitty/wrong grammar ang post ng user for his past posts tapos bigla-biglang malaSatoshi Nakamoto na ang sumunod na post.
2. Kapag ang isang post ay may statistics/surveys pero hindi nagbanggit ng anumang reference ang user.
3. Kapag ang user ay nagsalin sa sariling wika ng walang anumang pahintulot o reference sa mismong author. Plagiarised and intentional yan.
Ano ang mangyayari kapag tayo ay nasangkot sa plagiarism?For me, wala na. Maliban na lamang kung contributor tayo ng forum. If our account will be subjected to plagiarism. Automatically, it will ban. And the worst case is, perma-ban. So, please do not make things that ruin your account. If that happens, I think the best way to do is to apologise. But that is not an assurance to retrieve our account.
Eto yung tinuro sakin ng mentor ko dito, cite link and always give acknowledgement to the author/creator.
Conclusion:Binigyan tayo ng Diyos ng iba-ibang DNA para maging kakaiba, wag tayong gumaya o manguha ng pag-aari ng iba dahil may sarili naman tayong pag-iisip. Okay lang na magsalin tayo o magcite ng mga idea/stats sa Internet o kung saan pa man, but give them an acknowledgement specially to the author. Kahit sino naman ayaw siguro na kuhain na lang basta-basta ang idea ng wala man lang pahintulot di ba?
Mas mabuti na para sa akin na muka akong trying hard sa pagpopost kesa naman magmukhang matalino dahil lamang sa panggagaya.
Para sa gustong magreport ng plagiarized post, pumunta lamang sa thread na ginawa ni
LocyeV -
Report plagiarism (copy/paste) here. Mods: please give temp or permban as neededReference:
Maaari nyo pa itong tignan for further info about the topic:
[TIPS] to avoid plagiarism May pagsasalin sa Filipino pero nabura ata na.
https://www.google.com/search?q=plagiarism+law+philippines&oq=plagiarism+law&aqs=chrome.1.69i57j0l3.5197j1j7&client=ms-android-huawei-rev1&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8I am always open for comment and suggestion. [/list]