Author

Topic: [DISCUSSION] Reddit Introduce New $Tokens (Read 478 times)

hero member
Activity: 2100
Merit: 562
June 12, 2020, 09:00:35 AM
#7
Ayos yan mga paps, tagal na rin naman ng reddit oras na rin siguro na magkaroon sila ng sariling crypto, yun nga lang dapat sana eh magawan nila ng paraan na maitama yung mga issue na naglalabasan against sa project nila.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Sa tingin ko it is important to point out that r/Cryptocurrency's $MOON, r/FortNiteBR's $BRICKS, as well as r/EthTrader’s $DONUT are commonly and officially called "Community Points" by Reddit. Kahit nag-eexist yung mga cryptocurrencies na ito as ERC-20 tokens sa Ethereum Blockchain their use as a utility token ay specifically designed sa subreddit ng specific community na iyon. Basically if you have earned MOON tokens sa r/Cryptocurrency hindi mo sya pwede gamitin sa r/FortNiteBr sa pag-palit ng mga badges, emojis, customized GIFs, at "special membership" ng subreddit na iyon. Basically if kung titignan mo sya as a "cryptocurrency" yung pwede mong i-buy and sell and hope mag-appreciate yung value niya in the future then think again, yung purpose lang ng cryptocurrency/community points na ito ay sobrang limited lang at spefically designed for each subreddit in terms of uses outside of that subreddit wala kang makikita so yung community points na ito will only be just valued within those subreddit page.


As for Reddit's "COINS" ang official na depinisyon na binigay dito ng Reddit is:

What are Coins?

Coins are our virtual good, and you can use them to award exceptional posts or comments, giving them Silver, Gold, or Platinum. We'll be adding cool new ways to spend your Coins in the future.

Unlike sa mga community points hindi sila Ethereum based token or kahit anong klaseng cryptocurrency na nag-eexist sa isang blockchain they just simply credits sa Reddit na may fiat equivalent value na pwede mong gamitin parang pera mo within Reddit to buy Platinum, Gold, Silver awards for you o i-reward mo sa ibang tao. Basically parang credits lang sya sa Steam Wallet mo na-pwede mong gamitin pambili ng games kung sufficient laman ng wallet mo. "COINS" are not like the type of cryptocurrency you are looking for, isa lamang silang credit para sa account mo.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Narinig ko na den to nung isang araw sa news, may sarili ba itong blockchain? ano ba to pwede mo bang ipapalit sa btc, or malilist tong crypto na ito sa mga leading bitcoin exchanges for possible trading sa market? Mas maganda sana kung malist ito pero kung sa reddit lang talaga ang purpose nito para sa mga subscription like membership e yung mga reddit users lang makakagamit nito.
copper member
Activity: 392
Merit: 1
Nag adopt narin pla reddit sa crypto magandang balita yan sa mga users ng forum nayan, tingnan natin marami pa yatang development use para sa token nayan, sna malagay sa exchange para mastlalo maging in demand
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
I'm closely monitoring itong mga Reddit new tokens, medyo may issue kasing nakita agad. Pwede ka magpadala ng community points sa iyong sarili. Nandito ang discussion:

https://www.reddit.com/r/CryptoCurrency/comments/gj96lb/introducing_rcryptocurrency_moons/fqnww32/
That's great kasi may tumatangkilik talaga at nalaman ang flaws ng agaran. Sana magkaroon sila ng Bug Bounty Program para naman maganahan ang community na manaliksik para mapabuti ang $MOON tokens.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
I'm closely monitoring itong mga Reddit new tokens, medyo may issue kasing nakita agad. Pwede ka magpadala ng community points sa iyong sarili. Nandito ang discussion:

https://www.reddit.com/r/CryptoCurrency/comments/gj96lb/introducing_rcryptocurrency_moons/fqnww32/
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Just recently, Reddit announced it's very first Cryptocurrency, not only one, but two Crypto at the same time.

Sa mga avid users ng reddit dyan katulad ko, mayroon tayong magandang balita at iyon ay ang kauna-unahang crypto para sa mga users ng reddit para ma-monetize ang kontribusyon sa kumunidad, parang merit lang ng Bitcointalk pero bilang Cryptocurrency tokens.

Ano ang mga Cryptocurrency na iyon?
Mayroong dalawang token na inisyal na nag-launch para sa mga redditors na kabilang sa r/Cryptocurrency at r/FortniteBR.
Para sa mga kabilang sa r/Cryptocurrency, mayroon silang $MOON tokens.
Para sa mga kabilang sa r/FortniteBR, mayroon silang $BRICK tokens.
Dagdag Impormasyon
*Mayroong 250 Milyon supply ang bawat gagawing token sa alinmang subreddit, nagkataon lang na ang FortniteBR ang kauna-unaunahang nag adopt sa inisyatibong ito.
*50 Milyon rito ay inisyal na ipamamahagi base sa bilang ng iyong reddit karma. Sa mga susunod na buwan, magbabase ito sa iyong kabuuang kontribusyon o karma na nalikom.

Sino-sino ang pwedeng maka-tanggap nito?
Sa ngayon, ito ay ang sinumang kasapi ng /r/Cryptocurrency at /r/ForniteBR na may atleast 100 karma.

Anong wallet ang maaaring gamitin?
Ang reddit ay mayroong vault na maaaring ma access ng mga android at IOS reddit app users.

Ano ang gamit ng mga Token na ito
Ang $MOON at $BRICKS ay magagamit sa pamamagitan ng pagbili sa mga serbisyong inaalok ng reddit. Ang mga $TOKEN ay maaari ding gamitin sa pag unlock ng mga features katulad ng badges, GIF sa mga comment at nagsisilbi rin itong basehan ng reputasyon.

Kung nag-uumpisa ka palang sa paggamit ng reddit, hindi ka maaaring magpost ng dalawang sunod kung hindi lumilipas ang 10 minuto. Masasabi ko na ang "COINS" at $TOKEN ay mayroong halaga para sa mga redditor para magamit ng mas maayos ang app at maipahayag ang saluobin.

Pagwawakas
Ang reddit para sa akin ay isang highly moderated na social platform na tinuturing kong pangalawang Bitcointalk batay sa mga impormasyong nakukuha ko patungkol sa usaping crypto, o pangalawang Facebook batay sa sayang dala memes at videos na kumakalat rito, hindi ko maitatangi na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon na nagmula sa mga mabubuting miyembro nito. Masaya ang reddit.

Bagamat nasa testnet pa ang $MOON token na naglalayong mag incentivize sa positibong aktibidad ng isang miyembro, masasabi ko na isa ito sa mahahalagang adapsyon ng crypto na nangyari at patuloy pang mangyayari sa mga susunod na mga taon.

Ang kahulugan nito sa tingin ko ay mas maraming tatangkilik sa cryptocurrency sa kadahilanang binigyan ng Reddit ng daan ang mga user nito na malaman at lubos na maunawaan kung paano gamitin ang isang uri ng cryptocurrency. Sa 430Milyong users ng Reddit na maaaring mag adapt sa inisyatibong ito, makikita natin ang 2.3Milyon (total user base ng r/Cryptocurrency at r/FortniteBR) na gagamit at magkakaroon na nang interes sa cryptocurrency.


Anong sa tingin mo sa nasabing aksyong ito na ginawa ng Reddit? Handa ka na bang maglikom ng $MOON tokens?


Useful Links :
Community Points FAQ
Introduction to Cryptocurrency Moon
Introduction to Fornite Bricks
Vault Guide
Jump to: