Mayroon ako na current business which is online shop at AirBNB rental pero hindi ko maiapply ng maayos ang Bitcoin sa business ko since walang interesado gumamit ng Bitcoin as payment method sa mga customers ko kahit na nagbibigay ako ng magandang offer gamit ang Bitcoin.
Naisip ko tuloy na siguro hindi lang akma yung market ng business ko Bitcoin kaya nagiisip ako na magestablish ulit ng additional business na ngayon ay iikot mainly sa Bitcoin.
Kabayan, it's not that di akma iyong market ng business mo sa Bitcoin pero mas maganda na rin may Bitcoin payment method. Generally, magandang tingnan sa isang business na maraming accepted na payment method kaya hayaan mo lang na andyan si Bitcoin payment. Later on, gawing makinang ang crypto payment sa business by also accepting other cryptocurrencies (although optional lang naman since focus mo is Bitcoin at nabanggit mong doon ka mag savings).
Pinaplano ko ngayon na magtayo ng small lending service sa local board natin and at the same time dito sa lugar namin pero in Bitcoin ang loan so obligated sila na bayadan ako in Bitcoin at pagaralan kung paano gumamit ng Bitcoin. Medyo may savings kasi ako sa Bitcoin na hindi ko nagagalaw kaya balak ko na dito nalang ilagay.
Puwede yang naisip mo kabayan sa lugar niyo pero parang mas convenient sa mga tao na custodial wallet ang gagamitin. At least para lang silang gumagamit ng mga digital wallet or mobile banking app if custodial wallet ang gagamitin. Although we know the risk of using it, just stick with the reputable ones.
May mga business idea ba kayo na maganda iapply ang Bitcoin? Any idea even insane idea. Walang criticism but make sure na tanggap nyo na maaaring gamitin ng kabayan natin dito yung shared idea nyo.[/b]
I think every business will do kasi ang purpose is more payment method para mas maabot ang convenience ng mga tao.
Kahit kaunti lang ang gumamit ng bitcoin payment method basta tuloy-tuloy lang sa pag include ng payment method na yan no matter what.