Author

Topic: Diskarte o Diploma? Ano sa tingin nyo ang mahalaga (Read 151 times)

hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Wala kang dapat piliin diyan dahil parehas yang tandem na yan. Para sa mga kabataan na pinag aaral ng magulang, sundin niyo lang muna magulang niyo dahil madaming nagta-trabaho ngayon na gusto mag aral pero hindi pinalad kaya kailangan nilang magtrabaho muna. At doon naman sa naging successful dahil sa pagiging madiskarte nila, mas lalo nilang sasabihin na mag aral muna dahil dito sa bansa natin napakalaki ng diskriminasyon kung wala kang pinag aral. Ngayon naman sa mga influencers na nagsasabi na dumiskarte at huwag ng mag aral, ichallenge nalang natin sila na huwag nang pag aralin mga anak nila at ituro lang ang padidiskarte simula't sapul, huwag na din mag kinder at grade school dahil tuturuan naman nila ng diskarte, di ba? Ikaw bilang magulang at may kakayahan kang pag aralin ang anak mo, sasabihin mo ba na dumiskarte nalang at huwag ng mag hangad ng diploma? Alam ko madaming inspired kina Mark Zuckerberg at Bill Gates, kumpara naman natin na kung saan sila galing, Harvard o mga prominanteng college schools pa rin sila galing at doon sila natuto ng diskarte nila habang nag aaral sila. Ngayon, para magkaroon ka ng diskarte, masisimulan yan sa mga lessons sa school lalo na kapag college ka dahil makikita mo na pakonti konti and realidad ng buhay.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Sa panahon natin now parang napaka practical na talaga kung Diskarte tayo aasa kasi nakalahad na lahat ng pwede natin aralin para kumita sa buhay.

dahil sa internet andaming gumagraduate sa YOUTUBE UNIVERSITY  lol.

pero syempre iba pa din talaga kung meron kang pinanghahawakang diploma kasi sa ganong paraan eh pwede tayo sumabay sa application in case need natin ng mas quality jobs/works.

subalit kung pwede din namang pagsabayin eh syempre sa Pag aaral ang diskarte on both manner .
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Hot topic sa ngayon ang usaping ito dahil sa mga iilang influencer na hindi masyadong pabor sa sistema ng edukasyon sa bansa natin at mas pabor sila sa pag diskarte dahil daw mas yumaman pa sila dahil dito.

Sa tingin nyo alin ang mas maganda dumiskarte o mag tapos muna at kumuha ng diploma?

Opinyon ko rito dapat talaga makapagtapos tayo dahil nakatira tayo sa bansang mataas ang diskriminasyon sa mga di nakapag tapos at kadalasan di nabibigyan ng magandang posisyon kaya maraming struggle talaga sa mga college drop outs kaya dapat mag sikap ang kababayan natin. Iilan lang ang naging successful at e cut nila ang pantasyang mas yayaman pa sila dahil mahirap pag walang choice or kunti lang dahil baka mas malagay tayo sa alanganing sitwasyon.

Kung may students dito na kumikita na ng malaking halaga sa pag invest sa bitcoin at crypto mas mainam tapusin nila ang kanilang pag aaral at wag mag isip na huminto dahil ang crypto andyan lang yan ang panahon nila bilang estudyante lilipas din yan at mahirap mag sisi sa huli kaya dapat talaga mag success sa pag aaral at pag diskarte para mas gumanda ang tyansa na mamuhay ng matiwasay.

Para sa akin ha? Kung papapiliin ako sa dalawa, mas importante padin ang diploma, hanggat maaari kung kayang magkaroon parehas, mas okay. Palaging sinasabi ito ng mga magulang natin noon na Ang diploma lang ang maipagmamana nila sa atin kasi dala dala na natin ito hanggang sa pagtanda. Dito sa bansa natin, alam naman natin na napakataas ng standard ng mga company sa paghahanap ng applicant, kaya mas mabuti talaga na meron kang diploma na maipapakita sa kanila, Saka mo nalang iapply ang pagiging madiskarte kapag nakatapos ka na sa pag aaral para mas maging successful ka sa buhay. Tandaan natin na hindi lahat ng tao ay pare parehas ng kayang gawin, May ibang tao na swerte sa negosyo at may iba naman na swerte pagdating sa trabaho, kaya alamin natin maigi kung ano ba talaga yung para sa atin, at saka hindi ba't mas maganda kung magiging successful ka sa career mo or negosyo, mas maganda kung nakatapos ka din para sa credibility mo.
full member
Activity: 2548
Merit: 217
Yong bunso namin na kumikita na sa buhay(crypto and online business) eh nagbalak ng mag stop s college even 2 years na lang sya  bago grumaduate .
pero hindi kami pumayag kundi sinabi naming pilitin nyang kumita at mag aral and yan ang dapat nyang maging future.

kahit anong diskarte ang meron tayo iba pa din ang may pinag aralan kasi sandata natin to kahit san man tayo makarating.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
sa totoo lang mali kasi ang pagkakasabi nila jaan hindi naman talaga diploma or diskarte, kundi pagaaral or diskarte, hindi ka talaga kasi makakadiskarte kung hindi mo inaral ang isang bagay for example nalang papanu ka gumamit ng computer ang diskarte kasi is ung papanu ka gagawa ng paraan na gwin ang isang bagay na mas mabilis or papanu ka makakabenta, pero need mo parin aralin papanu iyon gawin, sa social media kasi madali nila manipulate ang iba na , ako ganeto ginawa ko hindi ako nagaral, diskarte lang ginawa ko, so papanu ka didiskarte kung hindi mo alam, lahat ng tao nagaral iyan, hindi man sila nakatapos at nakakuha ng diploma pero, sa pagaaral dun nila narealize na pwede ito pwede iyan, hindi na kasi nila macorrect iyan kasi magmukha lalo silang katawa tawa, makikita mo naman sa mukha nila, paghindi sa kanila ayun, ang sagot nila is tama or tango tango nalang, kaya wag masyado magpapaniwala sa social media, tignan mo mga networth mga iyan, bka nga ikaw na nagcrypto mas malaki pa kinikita kesa sa kanila kasi more on utang din mga iyan pinapaikot nila pera nila, nagala businessman na hindi naman talaga tapos makikita mo pagnakasuhan nagsisialisan sa pinas tapos duon nagiiyak.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Lol, pero sa bansa natin obvious naman na mahalaga ang diploma kaya ang mga magulang natin ay nagpursige na paaralin tayo. May mga social media post na na hindi naman kagandahan ang trabaho ng magulang pero napagtapos ang kanilang mga anak hanggang college at nakapag hanap ng magandang trabaho. May kakilala nga akong sabungero ko naka tari sa amin dati, na tawagin nating Mang Inggo (RIP), ka batch ko pa yung isang anak nya, ngayon nasa Middle East. Siguro kung ikaw yung 1% na katulad ni Bill Gates or Steve Jobs na pinili ang diskarte kasi, pero hindi naman lahat tayo magiging ganun kaya ang pang laban talaga natin ay edukasyon. At pag meron na tayong diploma eh saka na tayo dumiskarte, hanap ka second job o yung tinatawag natin sideline tapos may regular kang 9-5 job.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
Yung pagkakaroon ng diploma ay advantages mo sa mga wala nito lalo na sa paghahanap ng trabaho. At yung diskarte naman eto yung abilidad mong kumita ng pera kahit wala kang hawak na diploma. Sa palagay ko pareho etong importante dahil kung ang isang tao ay wala ng isa nito ay mahihirapan pa din sya. Halimbawa yung madiskarte ay nagapply ng trabaho at hinanapan sya ng diploma at wala syang maipakita hindi pa din sya qualified kahit sabihin na sya ay isang taong madiskarte. At yung may diploma naman pero walang diskarte ay mahihirapan din kasi hindi naman nya makakain yung puro diploma lang kailangan nya ding dumiskarte para makahanap ng trabaho. Mas maganda kung may diploma ka na at may diskarte ka pa diba.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
Kung isa lang ang piliin ko ay syempre diskarte. Pero in reality kasi mas maraming alam at maging mas madiskarte pag meron ka diploma. Ang diskarte kasi necessity rin sa buhay natin. Ang magkaroon ng diploma ay isang upgrade. At matatawag rin naman na diskarte ang magkaroon ng diploma kasi parang shortcut yun sa mga opportunities. Ang daming opportunities sa meron diploma compared sa mga wala nito. Kaya naging global standard na magkaroon talaga diploma or degree ang bawat tao para mas maging successful sa kanilang careers.
sr. member
Activity: 938
Merit: 303
        -   Naging trending yan dahil sa isang influencer na pulpol, kung tawagin ay monggo na bibo(mongoloid na bibo) walang iba kundi si FRANK MIANO, at inexpose yan ni @Makagago


      -    Ito yung taong parang galit na galit sa may diploma, pero pinag-aaral nya yung anak nya, pinagyayabang nya na drop out siya pero kahit kelan hindi naging maganda ang pagiging dropout. Okay given the fact malaki ang naitutulong ng diskarte.  Pinagyayabang nya kahit drop out siya naging successful daw siyang negosyante dahil madiskarte. Okay tignan nga natin kung san nagsimula yung pagkakaroon nya ng diskarte, diba kapag madiskarte kang tao sa isang negosyo hindi pupwedeng hindi marunong magbasa, hindi pwede na hindi ka marunong magbilang, hindi rin pwede na hindi mo pinag-aralan na magsalita ng tagalog at ng English, ngayon ang tanung san ba natin natutunan yan? diba sa eskwalahan.

kung ikaw yung tao na mas naniniwala ka sa diskarte, kahit wala kang diploma ay magiging successful ka na negosyante hindi lahat ng tao ganun, hindi ka naniniwala sa diploma pero pagnagkasakit yung mahal mo sa buhay huwag mong dadalhin sa ospital kasi yung mga doctor at nurses ay mga diploma yang mga yan dapat dun mo sa arbularyo dalhin kasi walang diploma pero madiskarte yun. Kapag hinoldap o kinidnap yung anak mo o mahal mo sa buhay huwag kang lalapit sa kapulisan kasi may mga diploma yang mga yan, dapat dun ka sa mga NPA humingi ng tulong. Ano ang ibig kung sabihin, hindi natin pwedeng paghiwalayin ang diploma o diskarte dahil parehas silang mahalaga, hindi dapat yan pinagsasabong. Kahit nga si Markzuckerburg nung naging bilyonaryong tao nagdesisyon parin yan ng self-study, kahit manny paquiao nung naging senador mayaman na yun nag-aral parin kasi nakita nya kahalagahan ng diploma.

Ibig sabihin yung knowledge na meron kang naiisip sa diskarte ay nanggaling din naman sa education na inaaral natin sa school, ultimo nga yung mga mahihirap na tao sinisikap at pinipilit nilang mapag-aral yung mga anak nila dahil alam nila yung dulot kapag meron kang pinag-aralan at pinanghahawakan na diploma. saka isa pa hindi lahat ng drop out naging successful at hindi rin lahat ng may diploma ay hindi successful.

https://www.youtube.com/watch?v=0Msu9zmjoGQ&t=10s
https://www.youtube.com/watch?v=yHptSmNq-I4
https://www.youtube.com/watch?v=4ou5gHLDsbk
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Since hindi naman lahat ay kayang magkaroon ng diploma or degree I think sa diskarte na lang talaga ang sa tingin ko ay mahalaga. Isa din akong drop out but still able to have a much better source of income dahil kung hindi ako madiskarte ay talagang mahihirapan ako to survive sa mga krisis at delubyong dumating sa buhay lalo na sa mga nakaraang taon which is for me sobrang nakakastress pero heto alive and kicking padin.

As long as hindi tayo nokokontento sa konting ideya na meron tayo malaki posibilidad na kahit wala tayong diploma ay madadagdagan ang knowledge natin about sa mga importanteng bagay dahil tayo mismo ang maghahanap ng paraan to develop and make improvements saka natin ito iaaply sa diskarte natin. Basta't smart at hardworking tayo kahit anong hirap paman ang ating gagawin as long as madiskarte tayo sa buhay ay kayang-kaya natin lahat.

Though mas maraming opportunities kung meron tayong diploma but for some reason majority padin sa society ang walang ganun kaya kadalasan ay sa diskarte talaga nabubuhay.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Para sa akin parehong mahalaga ang Diskarte at Diploma, kaya dapat magtapos pa rin tayo masmaganda na nakapagtapos tayo at may edukasyon dahil knowledge pa rin ito at iba pa rin talaga kapag nakapagtapos ka para kang mayroong backup plan, masmaganda na nakapagtapos ka ng pagaaral tapos may diskarte kapa, maraming nagsasabi diskarte ang mahalaga dahil nagawa nilang yumaman kahit wala silang diploma, pero para sa aking swenerte lang sila kaya nagawa nila ang mga bagay na yun.

Tama din yung sinabe ng isang influencer sa youtube, kung yung mga nagsasabing diskarte lang ang mahalaga sa buhay at hindi ang diploma, sige nga edi wag na nila dapat pag-aralin anak nila kung ganun din naman pala, turuan na lang nila kung papaano dumiskarte sa buhay dahil hindi naman pala mahalaga ang diploma.

Naging trending lang talaga ang mga pasikat sa Facebook dahil na rin gusto nila makakuha ng views, nakakatawa rin yung mga influencers minsang tulad nung Frank, kahit ikaw malalaman mo rin talaga na puro kalokohan lang pinagsasabi niya.



hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Hot topic sa ngayon ang usaping ito dahil sa mga iilang influencer na hindi masyadong pabor sa sistema ng edukasyon sa bansa natin at mas pabor sila sa pag diskarte dahil daw mas yumaman pa sila dahil dito.

Sa tingin nyo alin ang mas maganda dumiskarte o mag tapos muna at kumuha ng diploma?

Opinyon ko rito dapat talaga makapagtapos tayo dahil nakatira tayo sa bansang mataas ang diskriminasyon sa mga di nakapag tapos at kadalasan di nabibigyan ng magandang posisyon kaya maraming struggle talaga sa mga college drop outs kaya dapat mag sikap ang kababayan natin. Iilan lang ang naging successful at e cut nila ang pantasyang mas yayaman pa sila dahil mahirap pag walang choice or kunti lang dahil baka mas malagay tayo sa alanganing sitwasyon.

Kung may students dito na kumikita na ng malaking halaga sa pag invest sa bitcoin at crypto mas mainam tapusin nila ang kanilang pag aaral at wag mag isip na huminto dahil ang crypto andyan lang yan ang panahon nila bilang estudyante lilipas din yan at mahirap mag sisi sa huli kaya dapat talaga mag success sa pag aaral at pag diskarte para mas gumanda ang tyansa na mamuhay ng matiwasay.
Jump to: