Ito ang ilan sa mga pahayag ng mga eksperto,
Alam naman natin na walang kasiguraduhan at walang makapagsasabi ng mangyayari sa hinaharap.
Pero sa iyong palagay,
1. Ano kaya ang mga posibleng mangyari at epekto nito kung mawala ang US dollar
2. Ano ang masasabi mo sa naging pahayag ni Charlie Munger na lahat ng crypto investment ay mawawalan ng halaga at "stupidiest investment ang bitcoin".
Hindi ko matatawag na eksperto yung masyadong extreme ang pahawag sa isang bagay na hindi nya na reresearch ng husto hindi ako bilib dito kay Charlie Munger kasi sarado ang kanyang pag iisip sa Cryptocurrency kahit nagdudumilat ang katotohanan na nagkakaroon na ng massive adoption, sa tingin ko kahiyaaan na lang sa posisyon nya kaya nya pinanahahawakan ang paniniwala na mawawala ang Bitcoin, araw araw na syang sinasampal ng katotohanan na ang Bitcoin ay here to stay.
Tungkol naman sa dollar, walang indikasyon na mawawala pa ito kasi super power pa rin ang United States, alam anaman natin ang US anuman ang mangyari pipilitin nila i maintain ang kanilang super power status nila, to the point kahit magbenta sila ng mga armas gagawain nila ito, para manatili ang dollar sa taas.