Despite previously calling Bitcoin a “scam” and dismissing cryptocurrency as “thin air,” Trump has now included BTC miners in his 2024 campaign platform and spoke at the Bitcoin 2024 conference in Nashville, Tennessee.
Sana di ito scripted at for publicity lang kasi alam naman na natin na tatakbo ng pagka presidente ulit si Donald Trump.
Overall, ito ay good move para sa kanya at good feedback din sa Bitcoin community dahil mas makikilala pa si Bitcoin ng lubosan.
100% for Publicity talaga yan sino ba namang tao mag announce na mag papapunta ng press para ma cover lang yung pagbili niya ng burger gamit ang burger? Dahil dyan naka gather sya ng atensyon at naging usap usapan sya dahil sa ginawa nyang ito.
Pero minumulto parin talaga sya ng kanyang nakaraan at pilit paring lumalabas yang statement nya na tinawag nyang scam ang bitcoin, ang seste naging trying hard tuloy sya sa pag market sa sarili nya at yung ibang bitcoin user ay di naniwala sa ganitong pakulo nya.
Sana lang ginawa ito ni Trump nung bago pa lang sya kakandidato kasi questionable talaga na ngayun nya lang ito ginagawa kaya di nakakapagtaka na magduda ang mga tao na nakikiride on sa election fever.
Ganun pa man pwede naman sya mag shift ng paniniwala tungkol sa Cryptocurrency kung mangako sya na ang ialalagay nya sa mga gabinete na may dealing sa finances ay yung mga reputable na personality sa Cryptocurrency industry.
Mas ok sa akin na manalo si Trump kasi may iniwan siya na pangako at pag sang ayon sa Cryptocurrency kaysa naman doon sa kalaban.
Kaya nga eh kung ginawa nya to dati pa malamang all out support talaga ang mga bitcoin user sa kanya, pero hindi eh kaya nahati tuloy ang mga tao at kadalasan may pag dududa sa kanyang intensyon.
Parang palabas nya lang yan dahil nasa period of campaign election siya ay kinukuha nya lang yung atensyon ng mga tao,
Yung bang parang ginagaya nya lang ang istorya ng nung sa pizza na may nagbayad ng 10 000btc. Sa ginawa nyang yan parang napaplastikan lang ako sa ginawa nya.
Nung una parang nagugustuhan ko siya dahil bukas siyang suportahan ang bitcoin o iba pang mga cryptocurrency, pero sa ginawa nyang iyan parang pinakita nya na isa lang palabas yung mga sinasabi nya tungkol sa bitcoin, ewan ko lang ha pero hindi ako nahype sa bagay na yang ginawa nya sa totoo lang.
Isa din to sa naisip ko dahil sikat ang Bitcoin Pizza day baka naisip nya sa bansa nila sikat ang burger kaya gagawa sya ng kanilang gimmick.