Nais ko lang ishare ang mga Strategy na maaari nateng gawin sa paginvest sa cryptocurrency, wala akong makita na ganitong topic dito sa Local kahit halos lahat naman tayo ay pamilyar na siguro sa mga strategy na ito at ginagawa na nila, gusto ko lang ishare ito sa pinakasimpleng paraan at madaling maintindihan para na rin sa mga baguhan pa lang sa cryptocurrency o Bitcoin investments.
Tinatawag na rin naten itong long term investment.Marami sa atin ang gumagawa na neto sa simpleng paraan bibili ka ng Bitcoin at papabayaan mo lang ng matagal na panahon, Diamond hands kumbaga ang madalas nilang sinasabe. Madalas taon talaga ang paghold usually Bullrun or talaga maraming cycles bago magtake ng profit, pero mayroong mga investors na walang plano na magbenta.
Halos kabaliktaran naman ito ng Long term investments, Bibili ka lang ng cryptocurrency like Bitcoin kapag bagsak ang presyo neto at bebenta mo kaagad kapag tumaas ang presyo for quick profits, madalas maraming mga traders ang gumagawa neto, tulad na lang noong nakaraang taon lang around 25k$ lang ang presyo ng Bitcoin kung bumili ka sa mga panahon na yun at ibebenta mo ngayon na 50k$ ang Bitcoin ay makakagawa ka kaagad ng quick profits, then uulit ulitin mo lang ito.
DCA naman isa rin ito sa mga ginagawa kung strategy, basically para ka lang nagsasave ng funds mo, so pwd ka magset ng amount like 2000 per month then gagamitin mo lang yun panginvest sa Bitcoin depende pa rin sa senet na amount mo, so pwdeng 500 weekly or depende pa rin sa gusto mo, usually fixed amount na regularly ka bibili, but depende pa rin naman sayo since pera mo naman yun, maganda rin ito dahil nababawasan ang risk ng volatility ng market at mayroon ding pshycological benefits dahil natututo ka magsave. The idea lang talaga is consistent ka bibili ang magaacumulate ng Bitcoin or cryptocurrency, as long as sa high price ka magbebenta makakaguarantee ka talaga ng profit.
Sa DayTrading complete opposite ng long term investment, dahil ito araw araw ka nagtatrade at pinipilit mo magprofit sa mga small movement sa market, pinakarisky din siguro compare sa iba dahil madalas din nagleleverage ang mga nagdaday trading para sa magmataas na balik sa kanila for quick returns. Stressful din dahil kailangan mo bantayan ang bawat galaw ng market, dahil possibility na matalo ka sa trade if hindi mo gagawin yun, pati na rin ang mga news o rumors na maaaring maging posibility na bilin ng tao, dahil dun siya maaaring makagawa ng quick profit.
Di ko na sinama yung mga ibang strategy pa tulad ng abritrage dahil bihera nalang naman ito gamitin ngayon, ay hindi na rin ganoon ka effective sa market dahil na rin nagbago na ang technology at patuloy na nageevolve plus fees etc.
Sa tingin nyo ano ang pinakaeffective na strategy na gawin ngayong mabilis ang galaw ng market, nakikita naten na pumalo na sa 50k$ ang Bitcoin, netong mga nakaraang buwan ay maraming paggalaw sa market, anong strategy ay magandang gamitin sa ganitong panahon? Ang ginagamit ko parin ay ang Dollar Cost Averaging dahil patuloy pa rin akong nagaacumulate, malaki na rin ang profit na makukuha ko kapag nagbenta ako ngayon dahil marami na rin akong naaccumulate na Bitcoin simula pa noong mga nakaraang taon, pero tinatarget ko pa rin na malagpasan ang All time high saka ako magbebenta para sa magmataas na profit.
Sources