Marahil ilan sa atin ay alam na may mangyayaring HARD FORK sa Ethereum (Constantinople) bilang second phase ng Metrolpolis project ng Ethereum , pero ano nga ba ang mga mangyayari sa Ethereum network, ano ang dapat gawin ng mga user ng Ethereum, kailagan ba mag upgrade ng mga cryptocurrency exchanges at magkakaraon ba ulit ng fork coin ang Ethereum. Ito ang paguusapan natin ngayon sa thread na ito at sisikapin kong ipa-intindi ang Ethereum Hardfork sa abot ng aking makakaya.
Ano nga ba ang Hard fork?Ang Hard Fork ay nangyayari kapag ang isang blockchain protocol ay radikal na nagbago, tulad ng pagiging hindi pagkakatugma sa lumang bersyon. Ibig sabihin nito , ang mga partisipante na naging parte sa mga transaksyon sa lumang blockchain ay dapat na mag-upgrade sa bagong blockchain upang magpatuloy sa pagpapatunay ng mga transaksyon. Gayunpaman, ang mga kalahok na iyon
na hindi nag-upgrade ay maaaring mag-patuloy sa pagsuporta at pag-patunay ng mga transaksyon sa lumang blockchain protocol ng hiwalay.
Ang resulta nito ay ang isang blockchain ay nahati sa dalawa - sa pangalan na "Hard Fork ". Kung ang mga
node ay permanenteng sumuporta sa bagong chain, ang dalawang chain ay iiral parin.
Ang mga users na may nakatagong cryptocurrency sa isang mas lumang blockchain bago baguhin ang protocol sa isang pre-specified na haba ng blockchain ay magkakaroon din ngayon ng isang bagong halaga ng cryptocurrency sa binagong blockchain. Ang bagong cryptocurrency ay nakuha mula sa bilanv ng lumang cryptocurrency na nauugnay sa kasaysayan ng transaksyon ng blockchain at ito ay kilala bilang isang "Fork coin".
Ano nga ba ang mangyayari sa Ethereum hard fork?Ang Ethereum hard fork o mas kilalang tawag na Constantinople ay phase 2 ng project ng Metropolis ng Ethereum na naglalayon i-upgrade ang kanilang network para sa ikakabuti ng network at para sa paghahanda sa Casper project.
Alam din natin na ang Ethereum ay nag hard fork din matapos ang DAO attack sa network, ang upgrade na ito ay nag-resulta sa dalawang magkaibang cryptocurrencies: ang Ethereum classic (ETC) at ang Ether (ETH).
Ang set ng mga upgrade na plinano sa Ethereum, sa Constantinople, ay walang nangyaring drama na lahat ng network participants ay sumangayon na i-activate ang limang EIPs (Ethereum Improvement Proposals) na nakalista sa ibaba:
- EIP-145 - mas kunting gastos na epektibo at mas mahusay sa pag-proseso ng mga impormasyon (sa pamamagitan ng pagdagdag ng bitwise shifting operators sa Ethereum Virtual Machine (EVM);
- EIP-1014 - isang mas mahusay na paraan para bigyan ng solusyon ang a network scaling na problema tulad ng off-chain na transaksyon.
- EIP-1052 - isang improvement kung paano ang mga contracts na i-proseso.
- EIP-1234 - isang difficulty bomb; na babawasan ang mining rewards mula sa 3 ETH patungo sa 2 ETH per block;
- EIP-1283 - isang magandang pagbabago o paraan sa pag-monetize ng data storage (gawa ng mga smart contract programmers)
Dapat mag-upgrade ang mga cryptocurrency exchanges at mga crypto services provider!Bagaman, ang mga transaksyon ay hindi pa magiging apektado hanggat ang Constantinople ay hindi pa na-activate pero ang mga crypto exchanges tulad ng Binance, Coinbase, Kraken, Bittrex at iba pa ay kailangan i-update ang kanilang mga node para masuportahan ang mga improvements sa ng Ethereum.
Pati narin ang mga crypto services tulad ng coins.ph , abra at iba ay kailagan din i-update ang kanilang mga node.
May dapat gawin ba ang mga ETH holders?Ang mga Ether (ETH) holder ay walang dapat pang gawin (sa ngayon) sa upgrade na ito Ethereum’s at ang mga pagbabago sa software (tulad ng ETH wallet) ay ma-activate lang ng Constantinople, sa madaling salita , ito ay mapapansin ng mga users.
May Fork coin bang magaganap?Sa ngayon wala pa naman sapagkat upgrade palang ito sa paghahanda sa Casper project ng Ethereum. Sa mga karagdagang impormasyon sa Casper project ng Ethereum ay hintayin ang aking susunod na post tungkol sa Casper project ng Ethereum.
I-update ko itong thread na ito once na merong bago sa na pwedeng malaman sa Hard fork ng Ethereum. Maraming salamat sa time ng pagbasa ng post ko thank you