sorry po, newbie question tungkol diyan sa erc-20 token, ano pong ibig sabihin pag supported ito or hindi? kung hindi na, bakit myaroon pa din na gumagamit nyan, ano pong mga wallet ang mga non erc-20 na dapat namin iwasan para di na gamitin ng mga newbie na tulad ko, thanks po sa sagot
Ang erc-20 ay isang protocol na tumutukoy sa set ng commands na dapat iimplement ng isang token. Kung ang isang token nagiimplement ng spec, ito ay isang erc-20 token. Ang ibig ko sabihin na supported ay may kakayanan ang wallet na yun na humawak o mag hold ng erc-20 type na token at kung hindi supported ng wallet na yun ang mga erc-20 masasayang lang ang token mo. erc-20 kasi halos lahat ng token na natatanggap natin sa mga bounty ng mga ICO. Myetherwallet.com na lang gamitin mo dahil trusted na ng karamihan yan.