Author

Topic: ETHERMON Play to Earn, Legit Grind ba? (Read 211 times)

hero member
Activity: 2464
Merit: 594
August 25, 2021, 05:19:36 AM
#12
Ito ba yan? Ethermon (EMON) https://coinmarketcap.com/currencies/ethermon

Website: www.ethermon.io

Unfortunately, hindi pa supported ang mobile. Pero pwede naman enable ang deskotp site sa browser.

Anong network ba magandang gamitin dito? Di ko pa kasi na try ang Polygon, ang Ethereum naman, ang mahal na naman ng gas fee ngayon.

Hindi naman ba pipili rito kung anong network gaya sa MDP na BSC o Kardia Chain? Need lang mag log in via Fortmatic or Arkane?
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 23, 2021, 08:30:43 PM
#11
The name of the game is a bit witty and attention seeking. Mapapatingin ka talaga sa game kasi kasyllable ng pokemon at digimon. Sa tingin ko tina-take advantage ng mga NFT companies ang kasikatan ng Axie Infinity right now and they are cashing in on the success while the hype is still good. With these kinds of opportunities dapat meron karing time to gather more information and research about it. We do not know how this new games will reshape gaming pero I feel nagsisimula palang ang mga crypto games. There is more to come.
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
August 21, 2021, 03:13:00 AM
#10
Sa sobrang dame ng NFT games ngayon, yung iba hinahype nalang nila para kumita ng pera and later on, mawawala tulad nalang ng nangyare sa cryptoknight (not sure kung ito ba talaga ang name), ginaya kase nila ang cryptoblades at ayun, marame ang nalugi dahil dito.

Bladeknight yata yan. Pero obvious naman kasing papunta sa walang paroroonan yang game na yan. Ewan ko paano na-hype ang iba dyan e ni minsan di naman ganun kalawak ang pag-spam nila sa mga NFT games group.

Maganda naman iyong ibang NFT games kahit wala pang play to earn basta masunod lang ang roadmap at talagang nakikita nagtratrabaho ang mga devs. Dito sa Ethermon, active ang community nila sa Telegram.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
August 14, 2021, 06:59:00 PM
#9
Not familiar paren ako sa Ethermon so need ko ren aralin muna ito, may kumikita naba dito sa pag-lalaro nito?

Wala pang play to earn. Under construction pa rin iyong adventure. Gaya ng sabi ko sa taas puro battle ladder. No idea rin ako sa roadmap.

Ginagawa ko na lang tinatapos ko daily quest. 2-3 minutes lang naman kailangan tapos na kasi decided naman na iyong result ng match pag-start so need lang pindutin iyong End Battle. Tingnan na lang natin kung may saysay ba sa future. Cheesy
Medyo risky pa pala maginvest dito, kaya sobrang bilib ako sa mga risk taker kase kahit walang kasiguraduhan, marame paren ang nagiinvest. Ngayon ko lang den ito narinig, siguro antayin ko muna maglive ang play to earn and will try also to analyze their plan in the future.

Sa sobrang dame ng NFT games ngayon, yung iba hinahype nalang nila para kumita ng pera and later on, mawawala tulad nalang ng nangyare sa cryptoknight (not sure kung ito ba talaga ang name), ginaya kase nila ang cryptoblades at ayun, marame ang nalugi dahil dito.
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
August 14, 2021, 05:07:15 PM
#8
Not familiar paren ako sa Ethermon so need ko ren aralin muna ito, may kumikita naba dito sa pag-lalaro nito?

Wala pang play to earn. Under construction pa rin iyong adventure. Gaya ng sabi ko sa taas puro battle ladder. No idea rin ako sa roadmap.

Ginagawa ko na lang tinatapos ko daily quest. 2-3 minutes lang naman kailangan tapos na kasi decided naman na iyong result ng match pag-start so need lang pindutin iyong End Battle. Tingnan na lang natin kung may saysay ba sa future. Cheesy
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
August 14, 2021, 03:54:35 PM
#7
Ang cute lng ng pangalan ethermon eh. Ang dami na talagang mga NFT na nagsisilabasan simula ng nag viral ung axie infinity. I must say na new opportunity brings new hope pero syempre nasa sayo na yan. Lets just do some research kasi mas okay pa din talaga mag invest sa mga long term na laro diba and lastly bukod sa profit eh yung tlgang game na eenjoyin mo
Yes maraming options na ngayon pero para sa akin hinde lahat worth it pasukin kase marame na ren ang rug pull na NFT games so medyo nakakatakot na maginvest basta basta. Not familiar paren ako sa Ethermon so need ko ren aralin muna ito, may kumikita naba dito sa pag-lalaro nito?
member
Activity: 89
Merit: 10
The Standard Protocol - Solving Inflation
August 14, 2021, 01:08:45 PM
#6
Ang cute lng ng pangalan ethermon eh. Ang dami na talagang mga NFT na nagsisilabasan simula ng nag viral ung axie infinity. I must say na new opportunity brings new hope pero syempre nasa sayo na yan. Lets just do some research kasi mas okay pa din talaga mag invest sa mga long term na laro diba and lastly bukod sa profit eh yung tlgang game na eenjoyin mo
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
August 11, 2021, 11:39:50 PM
#5
Ang play to earn feature pa lang ng game is iyong ladder tournament. Malaki rin ang reward. Iyong nga lang sa dami ng kasali mahirap manalo or di natin masabi baka may playing GM pa hehe. Puwede ng mag-earn ng Marks currency thru daily quest and magagamit daw iyan sa pagbili sa marketplace soon.

May mga libreng Matic pet aside sa default. Mas malakas sila compare sa default Mons para makapag-start mga newbies. Unfortunately, wala na yata iyong free Matic pets or nakuha na lahat ng supply. Nakakuha ako nito dati pa thru Formatic login kasi di compatible sa Metamask.

Iyong adventure under structure pa. May AR feature din sila in the future parang sa Pokemon Go ayon sa roadmap.
legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
August 11, 2021, 09:43:39 AM
#4
Ang dami agad lumabas na NFT na pwedeng pagkakitaan ngayon nakita ko na nga itong ethermon at maganda naman interface nya even the game itself kaso ayun nga dapat padin natin check yung mga road ng nito at lalong lalo na yung mga white paper para sure kasi nga mas okay if mag invest tayo sa long term, pero if maganda trend nito baka mag invest din ako solid din kasi yung mga animated games hindi yung click lang literally.
member
Activity: 952
Merit: 27
July 29, 2021, 06:15:02 PM
#3
Narinig ko na ito lately pero di ren ako sure kung legit ba sya or hinde. So far ok naman yun value nya right now so meaning may mga naglalaro talaga nito.

I’m also looking for more NFT games, sana meron makapagshare ng experience nila with Ethermon.

So far ang DPET at Binamon ang may magandang potential pero mataas na ang mga price nila ngayun pero nasa developmental stage pa lan gnaman sila kaya kung hindi issue sa yo ang price nila at gusto mo na agad mag level up then buy ka na agad sa DPET ang recommended ay 5 para sa mga play to earn feature nila sa Binamon nasa developmental stage pa rin sila pero mas higit na mura sila kaysa DPET.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
July 28, 2021, 06:04:05 PM
#2
Narinig ko na ito lately pero di ren ako sure kung legit ba sya or hinde. So far ok naman yun value nya right now so meaning may mga naglalaro talaga nito.

I’m also looking for more NFT games, sana meron makapagshare ng experience nila with Ethermon.
member
Activity: 486
Merit: 27
HIRE ME FOR SMALL TASK
July 22, 2021, 09:01:23 PM
#1
Scrolling ako sa Facebook and isang Group namin sa Telegram with my Former Crypto Friends may Isang nag Share ng Video about Ethermon (di ko alam kung Legit Mag post about this kasi na curious lang ako kasi nga sa Axie Infinity na nahuli ako sa Grind Update).

Any Analyst dito na makakapagsabi na Long Term or Short term basis ba?

lowkey ako sa any Social media Platform na magtanong regarding sa mga play to earn kasi daming Scam nag Post lang ako dito para maliwanagan at magkaroon ng Idea para panindigan ko talaga paglalaro.  (bitcointalk parin ako nag post about dito kasi ito lang legit site na maraming analyst)


di ko kinaya mag Scholar sa axie gawa ng full time ako sa BPO, tas nahihirapan ako sa oras nung nag try me mag axie.

Grind na Grind na ako waiting for Information. at kung may Team dito sa discord na naglalaro nito pasali me.


Permission to post po sa Moderator po Natin dito.

P.S. pa delete nalang po ng post kung hindi po Approved, Maraming salamat po.
Jump to: