Oo matagal na tong E-Toro, nasa industry na sila bago pa magkaroon ng crypto. I can't remember though kung may mga stocks ako way back na sila na ang humahandle sa ngayon dahil dati Merrill Lynch ang mga stocks ko.
Anyways, siguro hindi talaga maganda ang pamamalakad ng gobyerno natin in terms of crypto or yung mga outside exchange na gustong mag operate sa tin. Masama siguro ang imahen natin sa labas lalo na sa financial landscape. At katulad ng sinabi ko dun sa POGO, nasa watchlist tayo ng mga financial watchdogs kaya talaga kailangan natin nilinis ang imahe lalo na patungkol sa mga illegal na gambling at drugs.
Mahirap mang tanggapin kabayan pero kasi walang benefit ang gobyerno natin sa kanila dahil walang direct taxes silang makukuha. Pero sa totoo lang sa mga tulad nating indibidwal na gumagamit ng mga international exchanges, sa gobyerno pa din naman ang bagsak ng pera natin dahil yung spending at purchasing power natin tumataas. Sana dumating ang panahon na maging okay lahat ito at magkaroon ng guidelines para win-win sa lahat.
Nakakalungkot lang kasi nabawasan na naman ng isang foreign exchange dito sa ating bansa. Malamang mabigat yung taxes na binabawas sa kanila ng bansa na nakakasakop sa kanila. Okay lang siguro yung tax kung sobra-sobra naman yung volume na perang pumapasok sa etoro, kaya lang mukhang hindi na ganun ang nangyayari.
Sinubukan kung gumawa ng account dyan before pero never naman akong nagpasok ng pera kasi nung time na yun ay hindi ako komportable, sinilip ko lang yung features na meron ang etoro. But in fairness naman sa etoro meron silang binigay na due date if hanggang kelan pwedeng mailabas ng kanilang mga users ang fund na meron sa kanilang platform.
Never din ako nag deposit diyan pero noong nalaman ko yang eToro ay wala pa talaga akong muwang tungkol sa mga financial na mga bagay forex, at stocks investing. Marami din siguro tayong mga kababayan na nabago ang buhay dahil sa platform/broker na yan.
Nakakalungkot nga na isa nanamang platform ang aalis ng serbisyo sa mga Pilipino. Sayang din ang opportunity kung makakapag-apply sana sila ng license para makapag-operate nang legal dito sa Pilipinas. Siguro malaking bagay rin yung mga issue sa licensing at tax policies natin na hindi nagiging favorable sa mga foreign companies, kaya nawawalan tayo ng ganitong mga services.
Marami talagang gumagamit ng eToro dati, lalo na sa stocks at forex trading, kaya malaking kawalan ito para sa mga traders na nasanay na sa platform nila. Sana masolusyonan ito sa future at maging mas welcoming ang bansa natin para sa mga ganitong serbisyo.
Yun na lang ang mawi-wish natin sa future na magkaroon ng maluwag na policies para sa mga ganitong services. Masyadong pahirapan ata ang pag apply ng license dito sa bansa natin na kahit mismong binance na crypto exchange giant, hirap na hirap pati itong eToro paano pa kaya yung mga umuusbong na platforms.
Nakasubok ako sa eToro dati pero nag withdraw din ako agad, matatandaan ko stablecoin ang dineposit ko, gusto ko sana bumili ng stocks gamit ang cryptocurrency pero parang ang hirap gamitin ng platform nila, di ko sanay, sobrang pahirapan.
Well, di naman ibig sabihin na may foul ang eToro, siguro pinaginitan lang talaga ito ng SEC PH. Saka madami pa ibang better na ibang trading platform lalo pag sa cryptocurrency or Bitcoin trading.
Baka dahil din sa competition, hindi natin alam ang buong storya pero posible talaga yang kasama sila sa pinag iinitan dahil malaking platform din sila.