Author

Topic: Exosama - The Next Big NFT [Filipino] (Read 154 times)

full member
Activity: 574
Merit: 100
May 21, 2022, 09:27:40 PM
#1
Siguro narinig mo na ang mga NFTs - isang digital na ari-arian na kumakatawan sa mga bagay sa ating mundo tulad ng sining, musika, at bidyo. Pero ang malaking tanong ay, sulit ba ang pabili sa mga ito? Sabi ng mga eksperto ay isa lang itong bula na maaring pumutok sa kahit anong oras. Sabi ng iba ay ito ay makakapagbabago sa paraan ng pag invest. Sang-ayon ako na ito ay makakapagbabago sa pag invest. Maraming mga artist at developer ang naglalagay ng iba't ibang silbi sa kanilang mga NFT tulad ng DAO, staking, at play-to-earn. Paano magiging patok ang Exosama sa mundo ng NFT at paano ito magiging kakaiba sa ibang mga NFT? Hayaan niyo akong ipaliwanag ito.

Ang 3M's ng Exosama
  • Multichain
  • Multiresourced
  • Multiverse

Multichain - Ang Exosama ay hindi limitado sa iisang blockchain. Ito ay magagawa at mailalabas sa ecosystem ng Ethereum, Polkadot, at Moonbeam. Sa ganitong paraan, matutulungan nito ang proyekto na magkahalungkat ng malaking bilang ng mga taong gagamit at mga merkado kung saan ikaw ay makakabili at makakabenta. Ang Multichain ay ang magiging kinabukasan ng blockchain. Walang balakid sa paglago ang maibibigay nito sa mundo ng blockchain. Isipin mo na ang mga L1 na isang bayan. Kung ang iyong mga kaibigan sa ibang bayan ay nagsama-sama, hindi ba ito masaya? At kung may maayos na transportasyon ito sa pagitan ng mga bayan, ang mga grupo ng mga tao ay maaaring mag-enjoy.

Multiresourced - sari-sari ang mga materyales ang makokolekta, mabebenta, at mabibili. Ang mga materyales na magagamit sa paggawa ng ibang mga NFT tulad ng mga sandata. Ang Exosama NFT ay pwedeng gumamit ng mga sandatang NFTs na gawa mula sa mga materyales na nabanggit ko kanina. Hindi lang mga sandata, pwede mo rin bihisan, ayusan ng buhok, suotan ng maskara, bigyan ng bisikleta, bigyan ng alaga, at maski ang background gamit ang teknolohiya ng NFT 2.0. Kung gusto mo palitan, mayroon kang option na ayusin ulit ito. Pwede mo rin i-evolve gamit ang mga NFT na gawa sa iba't ibang mga metaverse.

Multiverse - Ang Exosama ay gagawin sa 3D na may iba't ibang mga multiverse na balak pagsama-samahin. Ang larong Minecraft ay magiging pinakauna. Ang NFT na kung saan masaya mong malalaro isa iba't ibang mga laro. Marami ka talagang magagawa sa loob ng multiverse.

Ito ang buod na iyong aasahan sa loob ng NOVAverse. Tignan ang imahe sa baba. Paalala lamang na itong imahe ay galing sa Moonsama NFT pero ganito rin ay mangyayari sa Exosama dahil galing ang Exosama sa konsepto ng Moonsama.


Ang ExosamaNFT ay gumawa ng isang NFT interface na kung saan pwede mo ayusan ang iyong EXO depende sa iyong panlasa or depende sa stats ng kada NFT. Ito man ay ang main weapon, off-hand, sasakyan, alaga, damit, buhok, at kung anu-ano pa, pwede mo ito palitan sa paraan na gusto mo.



Ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga taong nasa likod nito. Ang mga pangalan ay naka tag bilang Twitter handles (@...) kaya mahahanap ninyo sila kung gusto niyo pa malaman ang ibang pang mga detalye.

  • DonnieBigBags - Co-founder AKA the builder/the deliverer. Ang hari ng DotSama. Siya ang nagpondo ng buong team nito.
  • KyilkhorSama - Co-founder AKA the brain. Ang world-class blockchain engineer na gumawa at naglabas ng iba't ibang mga blockchain.al blockchains.
  • LuigiL1985 - Ang Art Director na nasa likod ng ExosamaNFT. Kilala siya sa kanyang mga gawa para sa Disney at Nickelodeon.
  • justinecruzart - Isang World-Class Illustrator na kilala sa kanya mga gawa kasama ang team ng Magic: The Gathering.
  • SupraVoxelle - Isang Multiverse Architect. Siya ang nagpatupad ng mga ari-arian na 3D NFT sa loob ng metaverse.

Nung huling Pebrero, si Donnie ay opisyal na naglabas ng unang gaming studio para sa MoonsamaNFT at ExosamaNFT. Papatunayan nila na isa sila sa mga magiging pinaka malaking proyektong metaverse sa buong mundo blockchain.

Talagang nakakasabik, hindi ba? Isang NFT na mailalabas sa iba't ibang blockchain ecosystems. Ang NFT na kung saan pwede mong bihisan ang ibang mga NFTs. Ang NFT na pwede mong malaro sa iba't ibang mga laro. May NFT pa ba na Multichain, Multiresourced, at Multiverse? Tingin ko sila pa lang. Halos lahat ng mga NFT na nagawa ay ginagamit lang para lumikom ng pera. Iba ang Exosama. Ang Exosama ay purong pagbabago.


Mga Bonus na Content:
  • Ang parachain ng MoonsamaNFT ay kasalukuyang nagaganap ngayon sa testnet ng Polkadot at ito ay matagumpay na gumagawa ng blocks. Naniniwala ako na ang Exosama ay susunod sa yapak nito sa hinaharap. Kung ito ay mangyari, ito ay isa na namang utility o isang NFT na may silbi. Isipin mo na ang isang NFT ay may sariling Layer 1 na blockchain. Reference: https://polkadot.js.org/apps/?rpc=wss%3A%2F%2Fmoonsama-testnet-rpc.moonsama.com#/explorer
  • Sa karaniwan, ang mga may-ari ng MoonsamaNFT na naglalaro sa Minecraft metaverse ay kumikita ng higit or sakto sa 20K pesos kada linggo. Ang oras na kailangan para kumita ng ganitong pera ay dalawanag(2) oras lamang.
  • Si Gavin Wood, ang gumawa ng Ethereum, Polkadot, at Kusama ay susuporta sa mga taong nasa likod nitong Exosama sa darating na oras kasama ang goverance ng Polkadot na magaganap sa metaverse.
  • Si Derek Yoo, ang gumawa ng Moonbeam at Moonriver, ay susuporta din sa mga taong nasa likod ng Exosama sa darating na metaverse resources bilang cross-chained enabled XC20s.

Mga sample na larawan:




Para sa karagdagang inpormasyon at mga update, bisitahin:
https://battlefornova.com/
https://twitter.com/ExosamaNFT
https://discord.gg/exosama
https://t.me/exosama


MALAPIT NA DUMATING!!!
Jump to: